“L-Lola…” ani Jace, sandaling nautal. Hindi niya inaasahan na luluwas ng siyudad ang abuela. At lalong hindi inaasahan ng binata na malalaman nito ang tungkol kay Lara.Napasulyap si Jace kay Eli sa gilid ng silid. Panay ang ngiwi nito, hindi rin maipinta ang mukha. He glared at his assistant before he faced his angry grandmother.“Lola, what are you doing here?” si Jace, humakbang na palapit sa abuela, sumulyap pa kay Lara na noon ay nakaupo sa kama, bakas din ang tensiyon sa mukha. Sinubukang yakapin ni Jace ang abuela subalit umiwas ito.“Ano ba itong ginagawa mo, Jace? Bakit ipinagkakatiwala mo sa iba ang pagbabantay sa asawa mo? This is not how I raised you, Mr. Lagdameo!” ani Doña Cristina, namaywang na. “At bakit hindi mo itinawag sa akin ang nangyari kay Lara? Kung hindi pa ini-reschedule ni Dr. Hildalgo ang lab exam ko kagabi at hindi ko nakita si Eli sa lobby kanina, hindi ko pa malalaman ang nangayari sa asawa mo. Kaya ka ba nagdahilan kagabi na hindi ninyo ako mapupuntah
“E nasaan ka nga?” tanong ni Erin kay Lara nang tawagan nito ang kaibigan dahil hindi ito pumasok sa opisina nang araw na ‘yon.“N-nasa bahay nga ako,” pagsisinungaling ni Lara sa kaibigan, bahagyang napangiwi nang pilitin niyang bumaba sa kama dahil naiihi siya.Namimintig pa rin ang kanyang ulo subalit kaya na niyang tiiisin. Kaya naman nagpasya siyang magpunta na sa CR. Kaya lang, tumawag naman si Erin at balak pa ata siyang gisahin sa pag-absent niya ngayong araw.“E ba’t hindi ka bumalik kagabi? May nangyari?” usisa ulit ni Erin, sa isip ay isang hinala, na baka may nangyari sa kaibigan na ayaw lang nitong sabihin kaya ayaw niyang tantanan ang pagtatanong.“Si T’ya Linda nga kasi ang nagsabi na samahan ko raw muna siya ngayong araw. Nami- miss na raw niya ko kaya pinagbigyan ko na. Paulit-ulit na tayo, Erin Jade ha,” reklamo kunwari ni Lara tinulak na pabukas ang pinto ng banyo.“E kasi naman ngayon ka lang nag-absent. Natural mag-aalala ‘ko,” sabi ng kaibigan. “At saka pinapa-f
Nanlaki ang mga mata ni Lara, hindi agad nakahuma. She had never been kissed all her life, ngayon pa lang. Ni boyfriend hindi rin siya nagkaroon, kaya hindi niya kayang pakibagayan ang damdaming pinupukaw ni Jace sa kanya.Lumalim ang halik at pakiramdam ni Lara ay nalulunod siya. Nalulunod siya sa iba’t-ibang sensasyon na dulot ng halik na iyon. Ilang sandali pa, tuluyan nang pumikit ang dalaga. Her emotions are too overwhelming. Her senses, very much aware of that senseless heat trying to engulf her whole.And just when she thought that the kiss would last longer, Jace tore his mouth from her and just walked away.Tahimik na sinundan ng tingin ni Lara si Jace. Hindi maayos ang direksyon ng lakad nito, nasagi pa ang isang figurine sa may sala at nahulog sa sahig. Sa puntong iyon, agad nalinawan ang isip ni Lara. Lasing si Jace kaya nito nagawa ang ginawa nito. At kung hindi niya ito tutulungan, sigurado siyang mapapahamak ito. Matarik ang hagdan sa bahay nito. Sa hitsura nito, hindi
“There you are, Jace! Akala ko, hindi ka na darating,” ani Reymond nang pumasok sa boardroom ang binata. Mayroong brief meeting ang board ng LDC para sa upcoming anniversary ng kumpanya at para mapag-usapan na rin ang development sa current projects at future endeacors ng LDC.As usual, all the board members and represenatatives and the department heads are all present, including Jace’s ulitimate nemesis, his Uncle Reymond.“’Sorry for being late,” pormal na sabi binata, umupo sa kabisera ng round table ng boardroom bago sumenyas kay Eli. Agad namang tumalima ang assistant at mabilis na ibinigay ang folders na naglalaman ng agenda at reports ng pag-uusapan nila sa umagang iyon.Ilang sandali pa, nag-umpisa na ang meeting. Dinomina ni Jace ang usapan at ang pagbibigay ng updates tungkol sa mga proyekto ng kumpanya lalo na ang Aura Project.“Sigurado ka ba d’yan, Jace? How confident are you with your proposal for the Aura Project?” putol na tanong ni Reymong, maya-maya.“I am a hundred
Mabibilis ang hakbang ni Jace nang makauwi siya sa kanyang bahay. Ayaw man niyang mag-alala, hindi mapigilan ng binata ang pagkabog ng kanyang dibdib. Bakit hindi, may nagsiwalat sa lihim nila ni Lara at hindi niya alam kung sino. Ibig sabihin, may taong malapit sa kanya ang nagbulgar niyon at ibinalita pa mismo sa kanyang Uncle Reymond. At ngayon, ni hindi sumasagot si Lara sa kanyang mga tawag. Muling umigting ang panga ng binata. His uncle never fail to irk him every time. It's like he lived and breathed to make sure he fails with everything he does. Kunsabagay, matagal na niyang alam 'yon. But there is this controlled fire in his uncle's eyes when he talked to him earlier. It seemed he is one step ahead of him. Na para bang ipinapahiwatig nito na nakahanap na ito ng paraan upang pabagsakin siya. At hindi malabong baka may alam na ito tungkol kay Lara. Napabuga ng hininga ang binata. He took two flight of stairs at a time, wanting to reach Lara's room as fast as he could. Is
"Sir, ayos lang po kayo?" pukaw na Eli sa amo na noon ay nakatanaw sa glass panel window ng opisina nito.Pasado alas singko na ng hapon, subalit tila walang ganang magtrabaho ang boss. Mula nang bumalik ito mula sa bahay nito bago magtanghali ay napansin ng assistant ang biglang pagbabago sa mood ng boss. Pitong taon na rin mula nang magsimulang magtrababo si Eli kay Jace. At sa loob ng pitong taong iyon, ngayon lang nakita ng lalaki na natutulala at tila balisa ang kanyang boss. Hindi agad sumagot si Jace, nanatiling nakatingin sa siyudad na unti-unti nang binabalot ng dilim. "She plays the piano, Eli. Do you know that?" wala sa sariling sambit ni Jace maya-maya. "Sino po, Sir?" "Si Lara. She plays the piano just like her," sagot ng binta. "Sir?" "They even have the same color of eyes and..." Pumihit na paharap sa assistant ang binata. His eyes, bitter yet full of hope. "D-do you think, it could be her?"Nagyuko ng mata ni Eli. Alam na niya kung sino ang tinutukoy ng boss,
Kagat-kagat ni Lara ang pang-ibabang labi habang ginagamot ni Jace ang kanyang sugat sa kamay. Mahapdi ang antiseptic subalit tiniis niya. Ayaw niyang isipin ni Jace nagrereklamo siya gayong siya na nga itong tinutulungan. "Are you always this clumsy?" pukaw na tanong ni Jace sa kanya maya-maya."S-Sir... I mean, a-ano ulit 'yon?" alanganing sagot ng dalaga. Hindi pa rin sanay ang dalaga na first-name basis na sila ngayon ng boss. Para kasing napakabilis ng pangyayari."Ilang araw pa lang tayong magkakilala pero ilang beses na kitang iniligtas sa kapahamakan. Well, I am just helping you clean your wound right now but still... Hobby mo bang saktan ang sarili mo, Lara?" tanong ng binata, may amusement sa tinig.Mabilis na umiling ang dalaga. "H-hindi po, Sir. Ano... nagulat lang po ako kanina kaya natabig ko 'yong baso, tapos..." "Tapos?" "Nataranta ako k-kasi...kasi dumating ka na pala nang hindi ko namamalayan," pag-amin ng dalaga, umiwas ng tingin. Kumuha muna ng band-aid sa kit
"Good morning!" nakangiting bati ni Lara kay Jace nang makita ng dalaga na pababa na ito ng hagdan. Tipid na ngumiti si Jace, naglakad patungo sa pwesto ni Lara sa may kusina. "You cooked?"Mabilis na tumango si Lara. "Lahat ng paborito mong breakfast!" masayang sagot ng dalaga. Kahit na puyat siya nang nagdaang gabi, nagawa pa ring bumangon nang maaga ni Lara. Pakiramdam kasi niya, dapat niyang lubusin ang serbisyo niya kay Jace. Marami itong naitulong sa kanya kaya naman, kailangan din niyang suklian ang kabutihan nito."Wow! This is a feast, Lara. I want to stay and eat all of these pero hindi ako maaring magtagal. May aayusin akong probelma sa office. Pero hindi ko hihindian ang coffee," anang binata, ngumiti.Nagliwanag ang mata ni Lara. "One cup of black coffee, coming right up!" anang dalaga bago mabils na nagsalin ng kape sa mug mula sa coffee maker. Jace was silent as he watches Lara prance inside his kitchen. Now that she is recovering, he can clearly see that she is bubbl
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Lara habang naroon siya sa restroom sa ground floor ng ospital. Hawak niya sa isang kamay ang pregnancy test stick na agad niyang binili kanina nang bumuti ang kanyang pakiramdam. Hinihintay ng dalaga na matapos ang tatlong minuto na gaya nang nasa instruction ng kit. Tatlong minuto lang subalit pakiramdam ni Lara ay ang tatlong minutong iyon ay katumbas na ng habambuhay na paghihintay.Ilang sandali pa, tumunog ang timer niya. Maingat na sinilip ni Lara ang stick na nakalagay sa counter ng CR upang lalo lang panlamigan nang makitang nakabakas doon ang dalawang pulang linya. Kumpirmado, buntis siya.Ang kanyang madalas na pagkaliyo, ang kanyang pagiging antukin, maging ang kanyang pagiging pihikan sa pagkain, lahat ng iyon ay sintomas ng pagdadalang-tao niya. Subalit bakit ni hindi man lang niya naisip ‘yon? Halos tatlong linggo na rin siyang delayed! She could’ve known. She could’ve…A baby. She and Jace are having a baby!Napasinghap siya, natutop
“Just send those to me then. I need to read the documents before we file the counter-affidavit. Alright, I’ll wait,” ani Jace kay Eli habang kausap ng binata ang kanyang assistant sa cellphone.He is in a lot of mess right now in the office kaya hindi niya maiwan ang mga trabaho kahit na naroon na siya sa ospital at binabantayan ang kanyang abuela. He needs to make time for all those concerns too. Because that’s his job as the CEO of LDC, to keep everything afloat even if his life is crumbling into pieces.“I know. But tell Atty. Marquez that I will call him later today for further instructions. Please also make sure that the legal team is ready to answer should this news leaked to the media,” dugtong pa ni Jace, nagbuga ng hininga bago tuluyang tinapos ang tawag.Sandaling pinakatitigan ng binata ang kanyang cellphone, iniisip kung kailan ulit magri-ring iyon. He barely slept and he’s been answering calls left and right the whole night last night. The concerns relating to LDC kept
Kumurap si Lara, muling nangilid ang luha. “P-pinauwi ako ni Lola, Jace,” sagot ng dalaga alanganin. “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, h-hindi na lang sana ako umuw,” dugtong pa niya, yumuko bago tuluyang humagulgol.Hindi naman nag-aksaya ng oras si Jace at niyakap na agad ang asawa. Alam ng binata na dapat siya ang naroon at nagbabantay sa abuela subalit wala siyang magawa. It seems like he’s needed everywhere!“I’m sorry, J-Jace,” ani Lara sa pagitan ng paghikbi.Humigpit ang yakap ni Jace sa asawa. “It’s okay. Gusto mo, ihatid na muna kita sa bahay para doon ka makapagpahinga?” bulong ng binata sa asawa.Subalit umiling si Lara. Lalong ibinuro ang sarili sa dibdib ng asawa. Sa nangyari kay Cristina’y lalo siyang hindi dapat umuwi. Mananatili siya sa ospital hanggang kaya niya.“D-dito lang ako, Jace. Dito sa tabi ni Lola,” anang dalaga sa determinadong tinig.“Okay, if that’s what you want. We will stay here… together,” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang buhok ng
Madilim pa nang gisingin si Lara ng malakas na ring ng kanyang cellphone. Pikit-matang inabot ng dalaga sa bedside table ang kanyang cellphone at sinagot."H-hello?" anang dalaga sa paos na tinig."Lara, nasaan ka? Kasama mo ba si Jace?" anang pamilyar na boses ni Keith sa kabilang linya.Napakurap si Lara, nangunot-noo. "K-Keith? Bakit anong kailangan mo--""It's about Lola Cristina. Tell, Jace to come to the hospital immediately."Awtomatikong tinambol ng kaba ang dibdib ng dalaga nang marinig ang pangalan ni Cristina. "B-bakit anong nangyari kay Lola?" "She's in a bad shape, Lara. She had a cardiac arrest kanina. Na-revive lang namin. She's in coma right now. We transferred her to the ICU and-- ""P-papunta na 'ko," nagmamadaling putol ni Lara sa sanay sasabihin pa ng doktor. Agad siyang dumiretso sa banyo at nag-shower. Pagkatapos maligo, nagmamadali siyang nagbihis. Panay ang patak ng luha ni Lara habang nagbibihis. Hindi maalis ang isip sa pag-aalala kay Doña Cristina.Kahapon
Masayang pinagmamasdan ni Jace si Larissa habang tumutugtog ang kaibigan ng piano. Sa pagdaan ng mga araw, mas nakikita ng binata ang pagbabago sa kaibigan. And he's positive na sa malao’t madali’y tuluyan na rin itong makaka-recover.“Jace, halika, sabayan mo ‘ko,” aya ni Larissa sa kaibigan, umusog nang bahagya sa piano seat. Agad namang pinaunlakan ni Jace si Larissa at umupo sa tabi nito, sinabayan ang pagpindot nito sa tiklado.Ilang sandali pa, they were making a beautiful happy music floating throughout the whole house. Nang matapos ang tugtog, agad na bumaling si Larissa kay Jace.“Salamat, Jace,” anang dalaga bagpoito yumakap sa kanya.Sa isang sulok ng bahay, lihim na nakamasid si Carmelita. Hiling niya na sana… sana hindi na lang matapos ang maliligayang araw na ‘yon kaya lang...---Inihinto ni Lara ang wheelchair ni Doña Carmelita sa gitna ng sunflower garden ng ospital. Hapon na at hiniling ng matanda sa lumabas sa silid nito. Kasama si Nurse Angela at ang iba pang bodyg
“Pasensiya ka na, Jace. Alam kong isang malaking kaabalahan sa ‘yo ang palaging pagpunta rito tuwing binabangungot si Larissa,” umpisa ni Doña Carmelita. Nakatayo ang dalawa sa glass wall window ng silid at nag-uusap. Iyon na ang ikatlong araw na inaabot ng umaga sa sa condo ng matanda si Jace dahil na rin sa madalas na pagdalaw ng masasamang panaginip tuwing natutulog si Larissa. “Subalit wala naman akong magawa dahil ikaw ang hinahanap niya. Maybe she longed for the presence of her old friends. Sa katunayan, pinatawag ko na rin si Keith para matignan na rin niya ang apo ko. I know what happened to Larissa is really traumatizing. I can only imagine the things she went through all throughout these years while she was held captive by those who took her. Subalit ang importante ngayon, nakabalik na siya, sa akin—sa atin. I know it will be a long way to recovery but… I will not give up on my grandchild. Ayaw man kitang obligahin, pero Jace, sana ay samahan ko ako sa pagtulong kay Larissa
“L-Lola, s-saan na po tayo pupunta?” ani Larissa sa abuela nang pumasok ang sasakyan sa isang matayog na condo building.“Uuwi tayo sa condo ko, hija. Doon na ako nakatira ngayon,” anang matandang babae.“W-wala na po ‘yong dating bahay natin, Lola?”“Matagal na akong hindi tumutuloy doon, apo. Mula nang mawala ka’y hindi ko na kayang mabuhay nang mag-isa sa mansiyon. Matanda na ako at hindi ko na kakayanin pa ang sobrang lungkot. Kaya minabuti kong lumipat ng tahanan. Subalit magugustuhan mo rito sa condo ko. Don’t worry, Larissa, we got everything that we need here,” anang matandang babae, inabot pa ang kamay ng apo at marahan iyong tinapik.Muling bumaling si Larissa sa labas ng sasakyan, pinagmasdan ang loob ng malawak na parking lot sa loob ng building. Bumakas ang pagkamangha sa mukha ng dalaga at hindi iyon nakaligtas kay Carmelita.Nang tuluyang huminto ang sasakyan, agad na pinagbukas ni Manuel ng pinto ang matandang babae, inalalayan ito sa pagbaba. Ipagbubukas na sana ng dr
“Ibig mong sabihin, dinala ka ng mga kidnappers mo sa isang lumang bahay at doon ikinulong ng halos dalawang dekada?” tanong ng pulis kay Larissa de Guzman. Nasa police station ang dalaga, marumi ang damit at pudpod na rin ang gamit na tsinelas.Pinagsalikop ng dalaga ang mga nanginginig na kamay bago mangiyak-ngiyak na tumango, muling bumakas ang takot sa mukha nito.“Pwede mo bang i-drawing sa amin kung anong hitsura ng bahay? O kaya naman ay alam mo ba ang address?” tanong ulit ng pulis, inabutan ng lapis at papel ang naguguluhang dalaga.Nanginig agad ang mga labi ni Larissa, tuluyan nang tumulo ang luha habang pinagmamasdan ang lapis at papel na nasa kanyang harapan. Maya-maya pa, nag-angat ito ng tingin kay Jace na ilang hakbang lang ang layo sa dalaga at tahimik na nakabantay rito.Agad namang bumigat ang dibdib ni Jace, hindi na nag-aksaya ng panahon at tuluyang humakbang palapit sa pwesto ng kababata. “Officer, baka pwede natin siyang bigyan nang kaunti pang panahon to adjus
“Imbes na pinapagod mo ang sarili mo sa pag-iisip, why don’t you do first things first, Jace? Send bereavement flowers to the Antolin family at sikasuhin mo agad ang pagre-release ng mga benepisyo ng mga naaksidenteng manggagawa. That way, maaayos natin agad ang problema,” mahinahong sabi ni Cristina sa apo na noon ay nakaupo sa gilid ng hospital bed ng matanda.“Lola, kapag naglabas ulit ako ng pondo, ibig sabihin, para ko na ring inamin na nagkamali talaga ang LDC, na sadya kong hindi inasikaso ang benepisyo ng mga manggagawa gayong hindi naman ‘yon ang totoo,” rason ng binata, hindi na napigilan ang bahagyang pagtaas ng tinig.Halos wala pa siyang itinulog nang nagdaang gabi. He was waiting for updates from Eli. And when their men confirmed na totoong mga kamag-anak ng mga tauhan nila sa LDC ang nagreklamo, Jace has been in contact to all of their men under Engr. Antolin—umaasang may maibibigay ang mga itong sagot sa kanyang mga tauhan. Twenty million is twenty million! Hindi maar