We were hit by the storm and power is not yet restored. Sorry if I can only write one chapter today. Babawi po ako sa mga susunod na araw. Salamat po! :)
"Sir, ayos lang po kayo?" pukaw na Eli sa amo na noon ay nakatanaw sa glass panel window ng opisina nito.Pasado alas singko na ng hapon, subalit tila walang ganang magtrabaho ang boss. Mula nang bumalik ito mula sa bahay nito bago magtanghali ay napansin ng assistant ang biglang pagbabago sa mood ng boss. Pitong taon na rin mula nang magsimulang magtrababo si Eli kay Jace. At sa loob ng pitong taong iyon, ngayon lang nakita ng lalaki na natutulala at tila balisa ang kanyang boss. Hindi agad sumagot si Jace, nanatiling nakatingin sa siyudad na unti-unti nang binabalot ng dilim. "She plays the piano, Eli. Do you know that?" wala sa sariling sambit ni Jace maya-maya. "Sino po, Sir?" "Si Lara. She plays the piano just like her," sagot ng binta. "Sir?" "They even have the same color of eyes and..." Pumihit na paharap sa assistant ang binata. His eyes, bitter yet full of hope. "D-do you think, it could be her?"Nagyuko ng mata ni Eli. Alam na niya kung sino ang tinutukoy ng boss,
Kagat-kagat ni Lara ang pang-ibabang labi habang ginagamot ni Jace ang kanyang sugat sa kamay. Mahapdi ang antiseptic subalit tiniis niya. Ayaw niyang isipin ni Jace nagrereklamo siya gayong siya na nga itong tinutulungan. "Are you always this clumsy?" pukaw na tanong ni Jace sa kanya maya-maya."S-Sir... I mean, a-ano ulit 'yon?" alanganing sagot ng dalaga. Hindi pa rin sanay ang dalaga na first-name basis na sila ngayon ng boss. Para kasing napakabilis ng pangyayari."Ilang araw pa lang tayong magkakilala pero ilang beses na kitang iniligtas sa kapahamakan. Well, I am just helping you clean your wound right now but still... Hobby mo bang saktan ang sarili mo, Lara?" tanong ng binata, may amusement sa tinig.Mabilis na umiling ang dalaga. "H-hindi po, Sir. Ano... nagulat lang po ako kanina kaya natabig ko 'yong baso, tapos..." "Tapos?" "Nataranta ako k-kasi...kasi dumating ka na pala nang hindi ko namamalayan," pag-amin ng dalaga, umiwas ng tingin. Kumuha muna ng band-aid sa kit
"Good morning!" nakangiting bati ni Lara kay Jace nang makita ng dalaga na pababa na ito ng hagdan. Tipid na ngumiti si Jace, naglakad patungo sa pwesto ni Lara sa may kusina. "You cooked?"Mabilis na tumango si Lara. "Lahat ng paborito mong breakfast!" masayang sagot ng dalaga. Kahit na puyat siya nang nagdaang gabi, nagawa pa ring bumangon nang maaga ni Lara. Pakiramdam kasi niya, dapat niyang lubusin ang serbisyo niya kay Jace. Marami itong naitulong sa kanya kaya naman, kailangan din niyang suklian ang kabutihan nito."Wow! This is a feast, Lara. I want to stay and eat all of these pero hindi ako maaring magtagal. May aayusin akong probelma sa office. Pero hindi ko hihindian ang coffee," anang binata, ngumiti.Nagliwanag ang mata ni Lara. "One cup of black coffee, coming right up!" anang dalaga bago mabils na nagsalin ng kape sa mug mula sa coffee maker. Jace was silent as he watches Lara prance inside his kitchen. Now that she is recovering, he can clearly see that she is bubbl
Pinanlakihan ng mata si Lara, napakagat sa pang-ibabang labi upang pigilin ang pagsinghap. Bakit sinasabi ni Keith ngayon na girlfriend siya nito? At kay Via pa mismo?!Kumurap-kurap si Via "G-girlfriend? You never do girlfriends, Keith. Ang pag-aaral at pagta-trabaho ang priority mo."Naglakad palapit si Keith kay Lara, umakbay pa sa dalaga. Lara tensed quickly. "Well, I do now, Via," anang doktor, makahulugang niyuko si Lara at bahagyang pinisil ang balikat nito. Sandaling pinaglipat-lipat ni Via ang tingin sa dalawa, hindi makapaniwala na ang lalaking dati'y sunud-sunuran sa kanya ay may iba na ngayong minamahal... maliban sa kanya. She went there to talk to Keith, lay down her plan of making Jace jealous through Keith, sa pag-asang muli siyang tatanggapin ni Jace. Alam niyang hindi siya tatanggihan ni Keith. He never says no to her. Well... that was before. Before Keith had a girlfriend, Jace's girl-friday. Pinigilan ni Via ang mapairap. Why the girl irks her! She used to be
“Jace, I can explain,” ani Keith nang agad na bumakas ang galit sa mukha ng kaibigan. “Lara and I are—““I need to talk to Lara. Akala ko busy siya dahil ang paalam niya may sakit siya kaya siya nag-leave sa opisina. Apparently, she is not too sick to have coffee outside with her boyfriend,” mabilis na putol ni Jace kay Keith, ang mga mata hindi inaalis kay Lara.Lalo namang kumabog ang dibdib ng dalaga. Sa hitsura kasi ni Jace, parang sasabog na naman ito sa galit anumang oras.“Jace, ako ang nag-aya sa kanilang magkape muna,” ani Via. Lalo pang kumapit sa braso ng dating nobyo. “I saw Keith and Lara here doing all lovey-dovey while inside his clinic. That’s when Keith told me that your girl-Friday is his girlfriend. And as Keith’s friend, I want to get to know Lara at little bit more. Kaya naman, why don’t you go easy in Lara at mag-relax ka muna, Jace? Join us for a while, I can order coffee for you and—““No. I am busy. And I need to talk to my girl-friday,” mariing sabi ni Jace,
“What the hell, Keith?!” bungad agad ni Jace sa kaibigan nang puntahan niya ito sa clinic nito sa ospital.Ilang beses na niyang sinubukang tawagan at i-text si Lara subalit ni wala siyang makuhang sagot mula rito. Nang layasan siya nito kanina, hindi na niya nasundan kung saan ito nagpunta. Lalo pa nang muling tumawag si Eli at sinabing kailangan siya sa opisina. Subalit hindi bumalik sa opisina si Jace, he went looking for Lara.Ayaw niyang mag-alala subalit nag-aalala siya. But he cannot tell that to anyone, can he?And now here he is questioning his friend, who seemed to have hots for his contract wife.Mula sa pagsusulat sa charts ng kanyang mga pasyente, nag-angat ng tingin si Keith sa kaibigan. Jace was as red as a beet and his jaw was clenched. Alam ng doktor na oras na para harapin ang galit ng kaibigan.Marahang isinara ni Keith ang chart na hawak at tumayo sa kanyang swivel chair. “I’m gonna need more than that, Jace.”Jace scoffed. Keith’s calm demeanor was irking him. “Ba
Maingat na inilapag ni Jace ang paper bag ng take-out food sa kitchen counter. It was past seven in the evening subalit kauuwi pa lamang ng binata. May mga inayos pa kasi siya sa opisina. Isa na roon ang paghihintay niya sa sagot sa request niyang closed door meeting sa managers ng Aura Project.Meeting directly with the managers of a government-funded project is prohibited both here and abroad. And Jace had been a sucker of following rules since he was a kid. Subalit walang magawa ang binata, he needs to up his game dahil kung hindi, tiyak na mawawala sa LDC ang Aura Project.Bago siya umuwi ay nag-confirm din ang isa sa managers ng proyekto. They set the meeting next weekend. And he had ample time to review or revise their proposal if needed.At ngayong nasolusyonan na niya pansamantala ang problema niya sa opisina, ang problema naman niya kay Lara ang dapat niyang asikasuhin.Batid ng binata na siya ang nagkamali. He jumped into conclusion right away. He assumed. And now he needs
“Bakit ngayon ka lang, Via? Maaga ka na ngang lumabas kanina, late ka pang umuwi. Parang walang naghihintay sa ‘yo dito sa bahay a,” litanya agad ni Rosario ‘Rosie’ De Guzman, ang ina ni Via. "Oh please, I'm tired, Mom," ani Via bago nilampasan ang ina na siyang nagbukas ng pinto para sa dalaga."Aba, talagang nilalampas-lampasan mo na lang ako ngayon, Olivia. Ano ako hangin? Sinong nagturo sa 'yo na h'wag akong respetuhin?" ani Rosie sinundan ang anak na noon ay paakyat na sa hagdan. Rumolyo ang mga mata ni Via, inis na muling hinarap ang ina. "Ano bang gusto mo, Mommy? I said I'm tired. Pwede ba bukas na lang tayo mag-usap. Pagod ako. I need rest.""Paanong hindi ka mapapagod, maghapon kang wala. Ano sinundan mo na naman ba si Jace?" ani Rosie, namaywang na. "'Yan ang napapala mo kasi nagmamagaling kang tanggihan ang proposal niya at inuna mo 'yang ballet. Ano ka ngayon? Sinusundan ng palihim si Jace kasi ayaw na niya sa 'yo. Pera na naging bato pa, Olivia. Sa katangahan mo 'yan,
“M-Ma’am Erin, b-bakit nandito ka na?” gulat na bungad ni Lily kay Erin pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa kanyang opisa sa AdSpark Media. “H-Hindi po ba dapat nagpapahinga ka pa? Ang sabi ng doktor—““May importante akong gagawin, Lily. The DF Appliances proposals, get them for me,” putol ni Erin sa sekretarya bago nagtuloy-tuloy sa kanyang swivel, umupo at binuksan ang laptop.Si Lily naman ay nanatiling nakatanga sa boss. Matapos nitong ma-discharge kahapon sa ospital, hindi inaasahanng sekretarya na papasok agad si Paige nang araw na 'yon, lalo pa at ganoon kaaaga. Mahigpit ang bilin ng doktor na kailangan nito ng pahinga para sa ikabubuti ng dinadala nito. Kaya lang…“Lily, what are you looking at? I said give me the proposals for DF Appliance,” pag-uulit ni Erin.“S-sure kayo, Ma’am? Ang sabi ng doktor kahapon bawal kayong magpagod at saka—““Alam ko kung anong ibinilin ng doktor, Lily. I was there with you. Narinig ko ang lahat. But like I told you, may importante akong ga
“What are you doing here, Kiel?” pag-uulit ni Erin nang hindi sumagot agad si Kiel. This time, pinakalma ng dalaga ang nagwawalang puso at pinatatag din ang tinig.Umigting naman ang panga ni Kiel. hindi nagawang makasagot agad dahil paulit-ulit na ipinasada ng binata ang kanyang mga mat sa kabuuan ng dalaga. She looked relaxed and well-rested. Habang siya, halos mabaliw na sa kakaisip ng paraan kung paano muling makikita at makakausap ang dalaga.The past few days had been pure hell. Kahit na anong gawin niya, ni ayaw siyang kausapin ni Erin. He even tried visiting her in her office subalit ang laging sagtot ng sekretarya nito ay may sakit ito at naka-sick leave. He asked for her number and they gave him the same number he had been calling and messaging for the past few days subalit wala siyang nakukuhang sagot dito. It’s clear that his number had been blocked. All the damn new numbers he tried to use were all blocked from Erin’s phone.Malinaw sa kanya ang naging usapan nila. But…
“Ma’am, sigurado po ba kayong kaya na ninyo? Kung matulog na lang po ako ngayon sa condo ninyo para may kasama pa rin kayo at—““H’wag na, Lily. Promise, kaya ko na. At saka baka hinahanap ka na rin sa inyo. Go home and rest. Halos hindi ka natulog kagabi habang binabantayan ako,” putol ni Erin sa sekretarya. Naroon sila sa lobby ng St. Anthony Hospital at hinihintay ang rented car na kinuha ni Lily na siyang maghahatid kay Erin pabalik sa condo ng dalaga. Matapos ang ilang pagsusuri at bilin ng doktor, Erin finally got discharged from the hospital. She feels a little better now. She feels more energized too. Malaking tulong ang pagpapa-confine ng dalaga sa ospital upang umayos ang kanyang pakiramdam. She even feels she can already go back to work tomorrow. Pero bawal pa. Ibinilin ng doktora na tumingin sa kanya na kailangan pa niyang magpahinga ng isang linggo upang tuluyan siyang makabawi ng lakas.“Pero Ma’am, mag-isa kayo do’n sa condo mo. Baka bigla ka na namang mahilo o magsu
Agad na napabangon sa kanyang kama si Erin nang muling makaramdam ng pagbaliktad ng kanyang sikmura. Tinakbo ng dalaga ang CR at muling nagduduwal sa sink. She stayed there for a few minutes bago siya tumigil nang pakiramdam niya wala na siyang maisusuka pa.Nanghihinang naglakad palabas ng banyo ang dalaga at nagtungo sa sala. Doon niya ibinagsak ang nanghihinang katawan sa couch at naghabol ng hininga.Ikatlong araw na iyon na sa tuwing gumigising siya sa umaga, she had the urge to throw up everything she ate from last night.She doesn’t want to worry but she is beginning to worry. Hindi pa niya nararanasan ang ganoong klaseng matagal na pagkakasakit. She’s taking supplements, everything there is! Kaya nagtataka ang dalaga dahil gano’n na lang ang epekto ng stress at fatigue sa kanya ngayon.Stress and fatigue, ‘yon ang naiisip niyang sanhi kung bakit siya nagkakagano’n ngayon. She had been resting for the past few days. Tumatawag na lang siya kay Lily for updates. Staying at home a
"Lily nasaan na 'yong papers ng Dove Realties? I believe I left it here yesterday. Bakit wala na?" ani Erin habang panay ang kanyang halughog sa tambak na mga papeles na nasa kanyang table.Pasado alas-dos na ng hapon subalit hindi pa nanananghalian ang dalaga. May hinahabol siyang meeting sa Dove Towers which is an hour away from her office. Idagdag pa na susuungin niya ang traffic sa mainit na hapon na iyon. Maisip pa lang niya ang magiging biyahe niya mamaya, natetensyon na siya. And now she is all the more panicked dahil hindi niya makita ang dokumentong kailangan niya! "Ma'am nandito po sa drawer ninyo sa kabilang cabinet, sa may outgoing box," kalmadong sagot ng sekretarya, kinuha na ang dokumento mula sa nakahiwalay na filing cabinet at inabot iyon sa amo. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni Erin. "Bakit nandiyan?" "Ma'am, kayo po ang naglagay diyan kagabi bago tayo umuwi. Sabi niyo pa nga po, dapat d'yan niyo ilagay 'yan para madali ninyong mahahanap ngayon," pagpapaal
Kanina pa pabiling-biling si Erin sa kanyang higaan subalit hindi siya makatulog. Ang akala niya, dahil pagod siya sa biyahe, dadalawin siya agad ng antok sa oras na makauwi siya sa kanyang condo unit. Subalit pasado alas onse na ng gabi ay mulat na mulat pa rin siya. Napabuntong-hininga ang dalaga, sandaling tumingin sa kisame bago bumaling sa bouquet ng rosas na inilagay niya sa bureau. Hanggang ngayon na lumipas na ang maraming oras, hindi pa rin sigurado si Erin kung ano ang dapat niyang maramdaman tuwing titignan niya ang bouquet. Of course she felt happy seeing the beautiful flowers. Bukod sa paborito niya ang mga iyon, galing pa ang mga sa taong espesyal sa kanya. Kaya lang... Wala sa sariling hinawakan ni Erin ang kanyang dibdib. Her heart was racing even just by the thought of Kiel. "Be still, heart. He is not for me and he will never be," bulong ng dalaga.Ilang sandali pa, muling tumunog ang cellphone ni Erin. Nang tignan niya, naka-flash sa screen ang bagong number ni Ki
Kanina pa mulat si Erin at tahimik na pinagmamasdan ang madilim pang langit sa may balcony ng kanyang silid sa resort. Maraming tumatakbo sa kanyang isip ng mga oras na iyon. Subalit pinipilit niyang h'wag munang bigyan ng pansin ang alin man sa mga 'yon. She wanted to numb herself and focus on the last few remaining moments she has with Kiel. Maya-maya pa, pumulupot ang kamay nito sa kanyang baywang mula sa kanyang likuran at dinampian ng masuyong halik ang kanyang balikat. "You awake, Erin? Hindi ka yata natulog e," anang binata, may himig ng biro ang tinig. Hinawakan ni Erin ang braso nitong nakapulupot sa kanya. "Natulog ako. I'm just an early riser. Besides, maaga kami ngayon ng mga tauhan ko. May shoot kami sa beach." "Right. I have a breakfast meeting too with my client sa susunod na bayan. I need to leave early," ani Kiel, muling hinalikan ang balikat ng dalaga. Hindi naglaon, pinagapang ni Kiel ang kanyang labi patungo sa leeg ni Erin, sa panga, sa pisngi, hanggang sa ma
Kiel didn’t waste time and kissed Erin. As soon as he tasted her lips, he knew he won’t stop. He cannot even if he tries. Pinupukaw ng dalaga ang isang damdamin sa kanyang puso na hindi niya mawari kung saan nagmumula.He have had one-night stands in the past but none of those girls had affected him so much like Erin does. No lips has ever kept him awake at night like that of Erin. And Kiel knew that if he won’t kiss her tonight, sleep will become elusive for him again not just tonight for the succeding days to come. Subalit ngayong angkin niyang muli ang mga labi nito, tila hindi lang sapat sa kanya ang halik.He wanted to take her, own her again like that night when they met-- half-drunk and wild. But they were not like those two strangers that night anymore.They’re not even bloody strangers anymore or even then to start with! Their fates are intertwined in many ways than one.He is engaged now and his fiancé is Erin’s client.He should not be crossing the line. He shouldn’t be doi
“You don’t like the food. We can order something else,” pukaw ni Kiel kay Erin na noon ay tila nilalaro lang ang soup na nasa harapan nito. Nasa balcony sila ng silid ng dalaga sa resort at naghahapunan.Napilitang mag-angat ng tingin si Erin, marahang nagbuga ng hininga, sandaling nag-alangan bago nagsalita.“Don’t y-you feel awkward, Kiel?” lakas-loob na tanong ng dalaga.“Why would I feel awkward?” anang binata, kaswal.“This! All of these… flairs. Hindi dapat ako ang kasama mo sa ganitong klase ng dinner set-up. It should be Michelle, my client,” paglilinaw ng dalaga.Marahang tumango si Kiel, maingat na ibinaba sa plato ang mga hawak na kubyertos. “Right, this. Pasensiya ka na. It’s not my intention to make you feel uncomfortable. Namali lang ng dinig si Charles, the manager of the resort. You see, I built this place, one the first projects I had here in the country kaya kilala nila ako dito. Maybe Charles thought to give me an upgraded service kaya ganito ang set-up ngayon. But,