“Jace, I can explain,” ani Keith nang agad na bumakas ang galit sa mukha ng kaibigan. “Lara and I are—““I need to talk to Lara. Akala ko busy siya dahil ang paalam niya may sakit siya kaya siya nag-leave sa opisina. Apparently, she is not too sick to have coffee outside with her boyfriend,” mabilis na putol ni Jace kay Keith, ang mga mata hindi inaalis kay Lara.Lalo namang kumabog ang dibdib ng dalaga. Sa hitsura kasi ni Jace, parang sasabog na naman ito sa galit anumang oras.“Jace, ako ang nag-aya sa kanilang magkape muna,” ani Via. Lalo pang kumapit sa braso ng dating nobyo. “I saw Keith and Lara here doing all lovey-dovey while inside his clinic. That’s when Keith told me that your girl-Friday is his girlfriend. And as Keith’s friend, I want to get to know Lara at little bit more. Kaya naman, why don’t you go easy in Lara at mag-relax ka muna, Jace? Join us for a while, I can order coffee for you and—““No. I am busy. And I need to talk to my girl-friday,” mariing sabi ni Jace,
“What the hell, Keith?!” bungad agad ni Jace sa kaibigan nang puntahan niya ito sa clinic nito sa ospital.Ilang beses na niyang sinubukang tawagan at i-text si Lara subalit ni wala siyang makuhang sagot mula rito. Nang layasan siya nito kanina, hindi na niya nasundan kung saan ito nagpunta. Lalo pa nang muling tumawag si Eli at sinabing kailangan siya sa opisina. Subalit hindi bumalik sa opisina si Jace, he went looking for Lara.Ayaw niyang mag-alala subalit nag-aalala siya. But he cannot tell that to anyone, can he?And now here he is questioning his friend, who seemed to have hots for his contract wife.Mula sa pagsusulat sa charts ng kanyang mga pasyente, nag-angat ng tingin si Keith sa kaibigan. Jace was as red as a beet and his jaw was clenched. Alam ng doktor na oras na para harapin ang galit ng kaibigan.Marahang isinara ni Keith ang chart na hawak at tumayo sa kanyang swivel chair. “I’m gonna need more than that, Jace.”Jace scoffed. Keith’s calm demeanor was irking him. “Ba
Maingat na inilapag ni Jace ang paper bag ng take-out food sa kitchen counter. It was past seven in the evening subalit kauuwi pa lamang ng binata. May mga inayos pa kasi siya sa opisina. Isa na roon ang paghihintay niya sa sagot sa request niyang closed door meeting sa managers ng Aura Project.Meeting directly with the managers of a government-funded project is prohibited both here and abroad. And Jace had been a sucker of following rules since he was a kid. Subalit walang magawa ang binata, he needs to up his game dahil kung hindi, tiyak na mawawala sa LDC ang Aura Project.Bago siya umuwi ay nag-confirm din ang isa sa managers ng proyekto. They set the meeting next weekend. And he had ample time to review or revise their proposal if needed.At ngayong nasolusyonan na niya pansamantala ang problema niya sa opisina, ang problema naman niya kay Lara ang dapat niyang asikasuhin.Batid ng binata na siya ang nagkamali. He jumped into conclusion right away. He assumed. And now he needs
“Bakit ngayon ka lang, Via? Maaga ka na ngang lumabas kanina, late ka pang umuwi. Parang walang naghihintay sa ‘yo dito sa bahay a,” litanya agad ni Rosario ‘Rosie’ De Guzman, ang ina ni Via. "Oh please, I'm tired, Mom," ani Via bago nilampasan ang ina na siyang nagbukas ng pinto para sa dalaga."Aba, talagang nilalampas-lampasan mo na lang ako ngayon, Olivia. Ano ako hangin? Sinong nagturo sa 'yo na h'wag akong respetuhin?" ani Rosie sinundan ang anak na noon ay paakyat na sa hagdan. Rumolyo ang mga mata ni Via, inis na muling hinarap ang ina. "Ano bang gusto mo, Mommy? I said I'm tired. Pwede ba bukas na lang tayo mag-usap. Pagod ako. I need rest.""Paanong hindi ka mapapagod, maghapon kang wala. Ano sinundan mo na naman ba si Jace?" ani Rosie, namaywang na. "'Yan ang napapala mo kasi nagmamagaling kang tanggihan ang proposal niya at inuna mo 'yang ballet. Ano ka ngayon? Sinusundan ng palihim si Jace kasi ayaw na niya sa 'yo. Pera na naging bato pa, Olivia. Sa katangahan mo 'yan,
“Lara? O napatawag ka? May kailangan ka?” tanong ni Erin kay Lara nang tumawag ang huli sa kaibigan.“Oo e. May gusto sana akong makuhang f-files,” ani Lara, alanganin.“Files? Anong files? Nasa work station mo ba? Gusto mo i-access ko—““Hindi. Ano…wala ro’n. Actually, hindi ko nga alam kung pwede tayong makakuha ng copy no'n,” nakangiwing sabi ng dalaga.Lara was asking for the files for the Aura Project. Hindi niya kasi maiwaglit sa kanyang isip ang naging pag-uusap nila ni Jace noong isang gabi tungkol sa project. Gusto niya sanang tignan ang marketing plan na kasama sa proposal. Maybe she can give her insights and make the proposal more appealing to the project managers.Alam ni Lara na hindi siya eksperto but she can see an excellent marketing plan when she sees one. At kung si Amanda din lang ang gumawa ng lahat ng marketing plan para sa project na ‘yon, sigurado si Lara na kailangan ng improvement sa part na ‘yon ng proposal.Gusto niyang gawin ‘yon para kay Jace. Gusto niyang
CHAPTER 29“Mabuti naman at dinalaw na ninyo ako, Jace, Lara. Akala ko nakalimutan na ninyo akong dalawa. Malapit na nga akong magtampo sana,” ani Cristina habang sinasalubong ang mag-asawa sa mansyon.B*umeso si Lara at magaang niyakap ang matanda. Sa pakiwari ng dalaga ay lalong pumayat ang matanda mula nang huli nilang pagkikiat ilang araw lang ang nakalilipas. Bagay na agad nagpabigat sa dibdib ng dalaga.Subalit hindi nagsalita si Lara, she just gave the old woman a genuine hug.“Sorry po, Lola. Natagalan kami. Hinintay ko pa po kasi ‘yong check-up ko at saka marami din pong inaasikaso si Jace sa opisina,” paliwanag ng dalaga.Bumitiw si Cristina sa dalaga. “Nonsense! Why are you apologizing for your check-up? Si Jace ang dapat na mag-sorry dahil unuuna niya ang trabaho kaysa sa lola niya,” anang matanda, pinanlakihan pa ng mata nag apo kunwari.Umiling si Jace. “Why is everything my fault now and not Lara’s? Last time I checked, ako ang apo mo Lola.”“At si Lara ang magbibigay sa
Gaya nang unang beses siyang halikan ni Jace, pakiramdam ni Lara ay para siyang idinuduyan sa alapaap. The kiss was magical, transporting her into a place where nothing else mattered but just her and Jace.Nang lumalim ang halik at hapitin ni Jace ang kanyang baywang upang lalo siyang mapalapit dito, nagkusa nang pumikit si Lara. Limot na ng dalaga ang lahat—ang kanilang kasunduan, ang kanilang pagpapanggap, maging ang bukas na walang kasiguraduhan.And just when she thought that the kiss would last longer, a loud knock from the door was heard.“Jace? Nandiyan ba kayo ng asawa mo? Pinapatawag kayo ni Doña Cristina sa lanai,” ani Lagring sa labas ng pinto ng silid.Parang napasong naghiwalay ang dalawa, namumula ang mga pisngi at kapwa habol ang hininga. Nagkatinginan sila pagkatapos.“Lara…” tawag ni Jace sa asawa subalit hindi rin malaman kung ano ang dapat sabihin.Nagkusa nang umiwas ng tingin si Lara. Ngayong natapos na ang halik, agad na bumalik ang katinuan sa isip ng dalaga. At
Matulin ang pagpapatakbo ni Jace kay Midnght subalit tila hindi sapat ang bilis ng alagang hayop para sa binata. Midnight’s run is not fast enough for him to forget that stupid thing he did inside his room. He kissed Lara… without any logical reason.Kung bakit… hanggang ngayon hindi pa rin mabigyang kasagutan ng binata. Maybe he is curious. Lara may not know it but she is one hell of an attractive woman. She is charming and kind. A little stubborn at times but… he can keep up with her most of the time. She plays the piano too, that’s something they have in common. And most of all, she is beautiful.Napabuga ng hininga ang binata, marahang hinila ang renda ni Midnight. Tumigil ang kabayo sa gitna ng parang na puno ng talahib at ligaw na bulaklak. Sa di kalayuan ay mayroong burol kung saan matatanaw ang dagat. Iyon ang lugar na kanyang kinalakhan. For others, it can be an enchanting place especially at night where the night sky is fully clothed with the wonder of the cosmos. Subalit h
Kanina pa naroon sa investigation room si Jace at hinihintay ang pagbabalik ni Atty. Marquez. Humiling ang binata sa mga pulis na bigyan siya ng isang pribadong lugar upang muling makausap ang kaniyang abogado. At ang investigation room ang ibinigay sa kanya ng mga ito.Hindi naglaon, bumukas na ang pinto ng silid. Agad namang bumaling sa direksyon niyon si Jace at bahagyang ngumiti nang makita ang bulto roon ni Attorney Marquez.“Attorney, salamat at pinaunlakan mo ang—“ Nabitin sa ere ang sana’y mga sasabihin ni Jace nang makitang hindi nag-iisa ang abogado. Nakasunod dito ang isang taong kahuli-hulihan niyang gustong makita, si Reymond. “What is he doing here?!” sabi agad ni Jace, tinuro ang tiyuhin.He balled his fists as he rein in his emotions.“Jace, hijo, please calm down,” anang abogado sa malumanay na tinig. “Ang sabi niya ay gusto ka niya munang makausap bago mo pirmahan ang kasunduan.”Napatayo na ang binata, lalong nagtagis ang mga bagang bago bumaling sa tiyuhin. “Wha
Kuyom ang mga kamay ni Jace habang nakaupo siya sa selda na siyang pinagdalhan sa kanya ng mga pulis na humuli sa kanya kanina. He was alone in the cell yet he had never felt more suffocated in his entire life. Ang apat na sulok ng selda iyon ang nagpapatunay kung anong klaseng pagkalugmok ang inihanda ng tadhana para sa kanya.He lost his grandmother and LDC. Lara is still missing. Now, will he lose his freedom too? He used to have everything and yet…Pilit na nilunok ng binata ang bikig sa kanyang lalamunan. Just thinking about the past, the things he had lost, makes his chest felt heavy. Hanggang ngayon na naroon na siya sa piitang ‘yon, hindi pa rin makapaniwala si Jace na sunod-sunod niyang naiwala ang mga importanteng bagay at tao sa kanyang buhay. He used to think he has everything. He used to have a great life. Hence, he was arrogant and ruthless, thinking all the things he had will always be with him. At ngayon, naiwala na niyang lahat ng ‘yon.Totoo nga ang sabi nila. May h
“Hija, handa ka na ba?” ani Doña Carmelita kay Lara na noon ay nasa silid na nito sa mansiyon at nag-aayos pa rin ng mga dadalhing gamit para sa kanikang flight papuntang Washington.Bumalik sa pagtira sa mansiyon ang mag-lola dalawang araw na ang nakararaan. Dahil para kay Carmelita, ngayong nakabalik na ang apo, dapat lamang na doon sila muling tumira bilang tanda ng pag-aalala sa kanilang mga yumao sa buhay. Subalit hindi rin naman magtatagal ‘yon dahil aalis din sila. But they will take the important things with them. “Tapos na po akong mag-empake, Lola. I’m just checking kung wala na po akong nakalimutan,” anang dalaga, inilagay ang isang lumang stuff toy sa kanyang bag.“Dadalhin mo ‘yan?” tanong ng matanda, pumasok na sa silid ng apo bago pinulot ang stuff toy.“Naisip ko lang po, na matagal na walang kasama si Mr. Boogie dito sa kwarto ko, Lola. Nakakunsensiya kapag iniwan ko siya ulit ngayon,” anang dalaga, nangingiti. Ang stuff toy na ‘yon ang welcome gift ni Carmelita sa
Pinagsalikop ni Via ang kanyang nanginginig na mga kamay habang naroon siya sa loob ng investigation room. Ang sabi ng pulis na humuli sa kanya, hintayin raw niya ang pagdating ni Lt. Alejandro. Ito raw ang magtatanong sa kanya tungkol sa kanyang kaso.Kaso.Nagtagis ang mga bagangn ng dalaga nag bumaba ang kanyang mata sa mga kamay niyang nakaposas. Bakit siya ang ikukulong? Wala naman siyang kasalanan. That bitch deserved to die. Inaagaw nito si Jace sa kanya.Tumalim ang mata ni Via nang maalala si Larissa or Delia or whatever her damn name is. The girl fake! She did everyone a favor! Lalo na si Doña Carmelita.That old woman would’ve been living with a fake until now kung hindi niya idinispatsa si Delia. Everyone should be thanking her. She killed the fake Larissa. Hindi na ito makakapanloko pa. At lalong wala na ito sa landas nila ni Jace.Ngumiti ang dalaga nang maalala ang dating nobyo. Now that fake Larissa is out of the picture, wala nang hadlang sa pagbabalikan nila ni Jace
Nagising si Jace na ramdam ang kirot sa kanyang buong katawan. He felt like he had been into some kind of a fight and he lost. Nang tuluyang magmulat ang binata, ang una niyang namulatan ay ang puting kisame at ang dextrose stand. Hindi naglaon, naramdaman niyang nakasuot siya ng oxygen mask.Hospital. He really was in the hospital.Marahang bumaling si Jace sa kanyang kanan at doon niya nakita si Eli na nakaupo sa sofa, pikit ang mga mata. Nang huling makita niya si Eli ay noong paalis sila sa presinto dahil hinahanap nila si Lara at…And then just like that, the memories of the incident with Jeff surfaced in his mind. It felt like a dream though. Wala sa sarili niyang kinapa ang kanyang tiyan, mayroon siyang nakapang gasa doon at bahagyang pagkirot. Noon napagtanto ng binata na totoo ang mga nangyari at hindi panaginip lang.Sinubukang bumangon ni Jace, subalit hindi niya magawa. He was in pain, in a lot of pain that all he could do was wince and groan.Noon naman nagising si Eli na
Abala si Keith sa pagche-check ng kanyang naka-admit na pasyente nang marinig niya ang page mula sa information desk. They were asking all trauma surgeons to go to the ER to assist with the victims of a small collision accident nearby. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binata at dali-daling tinungo ang ER.Gaya nang madalas mangyari, agad na sumalubong sa binata ang kaguluhan. Sa ER nangyayari ang unang laban ng mga pasyente sa pagitan ng buhay at kamatayan. And they, doctors, are there to help, to give their patients their best fighting chance at life.Mabilis na nagsuot ng gloves ang binata at humakbang sa bay 2 ng ER kung saan naroon ang apat na biktima ng aksidente. Naroon na rin ang iba pang miyembro ng trauma team, naghihintay sa assessment ng kanikang chief na si Dr. Pasion.“Keith,” ani Dr. Pasion, ang chief ng surgery departmet at ang kanyang immediate boss. “May stabbing victim sa cubicle 4. Doon na lang kayo ni Ronnie,” ang sabi ng doktor.Sandaling nagkatinginan ang magka
Sandaling natigilan si Carmelita, pinagmasdang maiigi ang dalaga na tinatawag siyang Lola. Pamilyar ang mukha nito. Hindi ba ito ang asawa ni Jace? Bakit…“L-Lola, a-ako po ito si L-Larissa,” muling sabi ni Lara, panay ang patak ng luha.Ngayong muling nakita ni Lara ang matanda, naiintindihan na niya kung bakit siya nakaramdam ng kung anong emosyon sa kanyang dibdib nang una niya itong makita. It was her grandmother. The grandmother she had forgotten for a long time.And seeing her now, old and frail makes her heart break. They have lost so much time. At wala nang nais pa ang dalaga kundi ang yakapin ito at sabihing hindi na ito muling mag-iisa dahil nakauwi na siya.Muling humakbang palapit ang dalaga sa abuela. Subalit muli itong nagsalita.“D’yan ka lang!” ani Carmelita sa mataas na tinig. “H’wag mo nang tangkaing lumapit. Kilala ko ang mga gaya mo, nais lamang pagkakitaan aang kalungkutan ko. Anong kailangan mo? Kwarta? Alahas? Bahay at lupa? Ano?!”Sandaling naguluhan si Lara, hi
“Maraming salamat, Agnes,” ani Doña Carmelita sa katulong nang maiupo siya nito sa kanyang kama. Si Agnes ay pamangkin ni Lita at naiwan sa mansiyon kasama ang ilan pa niyang katulong upang pangalagaan iyon. Subalit pinatawag ng matanda sa penthouse upang samahan sila roon pansamantala.Kararating lang ng matandang donya mula sa ospital. Kanina lang ay kasama niyang na-discharge mula sa ospital sina Lita at Manuel na nagtamo ng kaunting sugat sa ulo matapos ang ginawang pananakit ni Delia sa kanila kahapon.Nagpapasalamat ang matanda at walang napinsala sa kanila ng mga kasama niya sa bahay. At ngayong nasa mas maayos na silang kalagayan at nakauwi na, she can start moving on from the nightmare Delia had caused her.Three weeks. Tatlong linggo siyang nilinlang ng babaeg inakala niyang kanyang apo. Hanggang ngayon, hind pa rin lubos maisip ng matandang babae na nagpaloko siya nang ganoon katagal sa isang tao. Now that she had known the truth, looking back, there were tell-tale signs De
Nineteen Years Ago“Happy birthday, Larissa!” bati ni Keith sa anim na taong gulang na si Larissa bago ito inabutan ng isang paper bag. Nasa labasan sila ng kanilang eskwelahan.“Salamat, Keith!” magiliw na sabi ni Larissa sa kaibigan na kahit na halos dalawang taon ang tanda sa kanya’y, sadyang malapit sa loob ng bata. Ito at si Jace ang kanyang unang naging mga kaibigan mula nang dumating sila ng kanyang Daddy mula sa US. At talaga namang hindi na silang mapaghiwalay na tatlo mula noon.Masaya ang bata na kahit na bagong salta siya sa kanyang bagong eskwela’y, mayroon na siya agad na kaibigan doon.“Punta ka sa party ko mamaya ha? Sabi ni Lola we will have as much spaghetti and cake as we want,” ani Larissa, ngumiti bago binuksan ang paper bag na regalo ni Keith . “Wow, the music note pin I liked!” bulalas ni Larissa, nagningning ang mga mata bago bumaling kay Keith. “Thank you, Keith! I like it!” ani Larissa, bahagya pang yumakap sa kaibigan.Ngumiti naman si Keith, gumanti ng yaka