The Billionaire's Abandoned Wife
Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, sapilitang ipinakasal si Diana Saavedra sa lalaking kanyang pinakamamahal na si Nick Gutierrez. Na siyang nagpangyari upang tuluyang mamuhi si Nick sa kanya. Pagkatapos ng kanilang kasal, iniwan siya nito at nanirahan sa ibang bansa kasama ang babaeng itinatangi nito.
Nang pumanaw ang abuelo ni Nick, muli itong bumalik sa bansa upang tuparin ang huling habilin ng abuelo, ang magsama sila ni Diana sa iisang bubong at bumuo ng pamilya. Noong una, hindi magawang pakisamahan ni Diana ang kalupitan ni Nick sa kanya, lalo pa at laging nakapagitan ang babaeng tunay na iniibig ng asawa. Nagtiis siya, sa pag-aakalang sa huli, magagawa rin siyang mahalin ng asawa.
Subalit dahil sa isang kasinungalingan, napilitang umalis si Diana at tuluyang ibigay ang kalayaan ni Nick sa pamamagitan ng annulment. Kasabay niyon ang kanyang pagtuklas sa tunay niyang pagkatao.
Makalipas ang limang taon, sa di inaasahang pagkakataon, muli silang nagkita ni Nick. Lalong tumindi ang pagkamuhi nito sa kanya at pinipilit siya nitong makisama rito dahil hindi raw ito sumang-ayon sa annulment at ito pa rin ang legal niyang asawa.
Paano muling pakikisamahan ni Diana ang galit ni Nick? Paano kung muli siyang mahulog dito sa kabila ng kalupitan nito? At higit sa lahat, paano niya hihilingin nang tuluyan ang kalayaan niya rito kung… mayroon silang anak na lihim niyang dinadala nang iwan niya ito? Isang anak na siyang susi upang makuha ni Nick ang kabuuan ng mana nito.
Read
Chapter: Kabanata 0386Pasulyap-sulyap si Blaire kay Carlo habang kausap nito si Jerry sa cellphone. Ang binata na ang kinausap ng ama dahil ayaw niyang sabihin kung nasaan sila.“Oh don’t worry, Blaire. All my boys are good in negotiating. Alam kong mapapapayag din ni Carlo ang Daddy mo na sumama sa amin maghapon,” ani M
Last Updated: 2024-12-17
Chapter: Kabanata 0385Maaga pa lang kinabukasan ay inaabangan na ni Carlo si Addie sa paglabas nito ng mansiyon. Nauna nang umalis sina Jerry at George at maggo-golf daw. Kaya naman mas maganda ang mood ng binata ng araw na ‘yon.Annoying George is nowhere in sight and he gets to spend the whole day with his daughter. N
Last Updated: 2024-12-16
Chapter: Kabanata 0384“Pasensiya ka na, Jerry. Hindi ko intensiyon na takutin ko o ang sino man sa pagpunta ko rito. It’s just that I am impulsive. So, I apologize. I didn’t mean any harm,” ani Mariana, habang kausap si Jerry sa loob ng opisina nito. Nasa receiving area ang dalawang matanda at masinsinang nag-uusap.“Mot
Last Updated: 2024-12-15
Chapter: Kabanata 0383“Goodmorning!” bati ni George kay Carlo nang umagang iyon. Nakasuot ng jogging pants ang lalaki at dri-fit shirt. Halatang nag-jogging ito sa subdivision.Umigting ang panga ni Carlo, itinuloy ang pagpupunas ng sasakyan ni Jerry. Maagang nagising ang binata ng umagang ‘yon dahil hindi rin naman s
Last Updated: 2024-12-15
Chapter: Kabanata 0382Maingat na inilapag ni Carlo si Addie sa kama ni Blaire. Sandaling humigpit ang kapit ng bata sa leeg ng ama kaya napilitan ang binata na humiga sa kama at tabihan ito. Hindi pa tapos ang isang oras niya upang makasama ang anak subalit nakatulog agad ito. Maybe his daughter was too exhausted from t
Last Updated: 2024-12-14
Chapter: Kabanata 0381Marahang nagbuga ng mabigat na hininga si Carlo habang gumagawa ng business proposal na ipapasa niya kay Jerry bago matapos ang araw na ‘yon. Isang linggo na rin ang matuling lumipas mula nang magbalik-trabaho siya sa mga De Hidalgo. At bawat araw na nagdaraan ay pahirap nang pahirap ang pinagawa n
Last Updated: 2024-12-13
Chapter: Chapter 78: Masasamang BalakKumurap si Lara, muling nangilid ang luha. “P-pinauwi ako ni Lola, Jace,” sagot ng dalaga alanganin. “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, h-hindi na lang sana ako umuw,” dugtong pa niya, yumuko bago tuluyang humagulgol.Hindi naman nag-aksaya ng oras si Jace at niyakap na agad ang asawa. Alam ng binata na dapat siya ang naroon at nagbabantay sa abuela subalit wala siyang magawa. It seems like he’s needed everywhere!“I’m sorry, J-Jace,” ani Lara sa pagitan ng paghikbi.Humigpit ang yakap ni Jace sa asawa. “It’s okay. Gusto mo, ihatid na muna kita sa bahay para doon ka makapagpahinga?” bulong ng binata sa asawa.Subalit umiling si Lara. Lalong ibinuro ang sarili sa dibdib ng asawa. Sa nangyari kay Cristina’y lalo siyang hindi dapat umuwi. Mananatili siya sa ospital hanggang kaya niya.“D-dito lang ako, Jace. Dito sa tabi ni Lola,” anang dalaga sa determinadong tinig.“Okay, if that’s what you want. We will stay here… together,” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang buhok ng
Last Updated: 2024-12-17
Chapter: Chapter 77: Where Were You?Madilim pa nang gisingin si Lara ng malakas na ring ng kanyang cellphone. Pikit-matang inabot ng dalaga sa bedside table ang kanyang cellphone at sinagot."H-hello?" anang dalaga sa paos na tinig."Lara, nasaan ka? Kasama mo ba si Jace?" anang pamilyar na boses ni Keith sa kabilang linya.Napakurap si Lara, nangunot-noo. "K-Keith? Bakit anong kailangan mo--""It's about Lola Cristina. Tell, Jace to come to the hospital immediately."Awtomatikong tinambol ng kaba ang dibdib ng dalaga nang marinig ang pangalan ni Cristina. "B-bakit anong nangyari kay Lola?" "She's in a bad shape, Lara. She had a cardiac arrest kanina. Na-revive lang namin. She's in coma right now. We transferred her to the ICU and-- ""P-papunta na 'ko," nagmamadaling putol ni Lara sa sanay sasabihin pa ng doktor. Agad siyang dumiretso sa banyo at nag-shower. Pagkatapos maligo, nagmamadali siyang nagbihis. Panay ang patak ng luha ni Lara habang nagbibihis. Hindi maalis ang isip sa pag-aalala kay Doña Cristina.Kahapon
Last Updated: 2024-12-17
Chapter: Chapter 76: SunflowersMasayang pinagmamasdan ni Jace si Larissa habang tumutugtog ang kaibigan ng piano. Sa pagdaan ng mga araw, mas nakikita ng binata ang pagbabago sa kaibigan. And he's positive na sa malao’t madali’y tuluyan na rin itong makaka-recover.“Jace, halika, sabayan mo ‘ko,” aya ni Larissa sa kaibigan, umusog nang bahagya sa piano seat. Agad namang pinaunlakan ni Jace si Larissa at umupo sa tabi nito, sinabayan ang pagpindot nito sa tiklado.Ilang sandali pa, they were making a beautiful happy music floating throughout the whole house. Nang matapos ang tugtog, agad na bumaling si Larissa kay Jace.“Salamat, Jace,” anang dalaga bagpoito yumakap sa kanya.Sa isang sulok ng bahay, lihim na nakamasid si Carmelita. Hiling niya na sana… sana hindi na lang matapos ang maliligayang araw na ‘yon kaya lang...---Inihinto ni Lara ang wheelchair ni Doña Carmelita sa gitna ng sunflower garden ng ospital. Hapon na at hiniling ng matanda sa lumabas sa silid nito. Kasama si Nurse Angela at ang iba pang bodyg
Last Updated: 2024-12-16
Chapter: Chapter 75: Outsider“Pasensiya ka na, Jace. Alam kong isang malaking kaabalahan sa ‘yo ang palaging pagpunta rito tuwing binabangungot si Larissa,” umpisa ni Doña Carmelita. Nakatayo ang dalawa sa glass wall window ng silid at nag-uusap. Iyon na ang ikatlong araw na inaabot ng umaga sa sa condo ng matanda si Jace dahil na rin sa madalas na pagdalaw ng masasamang panaginip tuwing natutulog si Larissa. “Subalit wala naman akong magawa dahil ikaw ang hinahanap niya. Maybe she longed for the presence of her old friends. Sa katunayan, pinatawag ko na rin si Keith para matignan na rin niya ang apo ko. I know what happened to Larissa is really traumatizing. I can only imagine the things she went through all throughout these years while she was held captive by those who took her. Subalit ang importante ngayon, nakabalik na siya, sa akin—sa atin. I know it will be a long way to recovery but… I will not give up on my grandchild. Ayaw man kitang obligahin, pero Jace, sana ay samahan ko ako sa pagtulong kay Larissa
Last Updated: 2024-12-16
Chapter: Chapter 74: Vulnerable“L-Lola, s-saan na po tayo pupunta?” ani Larissa sa abuela nang pumasok ang sasakyan sa isang matayog na condo building.“Uuwi tayo sa condo ko, hija. Doon na ako nakatira ngayon,” anang matandang babae.“W-wala na po ‘yong dating bahay natin, Lola?”“Matagal na akong hindi tumutuloy doon, apo. Mula nang mawala ka’y hindi ko na kayang mabuhay nang mag-isa sa mansiyon. Matanda na ako at hindi ko na kakayanin pa ang sobrang lungkot. Kaya minabuti kong lumipat ng tahanan. Subalit magugustuhan mo rito sa condo ko. Don’t worry, Larissa, we got everything that we need here,” anang matandang babae, inabot pa ang kamay ng apo at marahan iyong tinapik.Muling bumaling si Larissa sa labas ng sasakyan, pinagmasdan ang loob ng malawak na parking lot sa loob ng building. Bumakas ang pagkamangha sa mukha ng dalaga at hindi iyon nakaligtas kay Carmelita.Nang tuluyang huminto ang sasakyan, agad na pinagbukas ni Manuel ng pinto ang matandang babae, inalalayan ito sa pagbaba. Ipagbubukas na sana ng dr
Last Updated: 2024-12-15
Chapter: Chapter 73: Larissa Is Back“Ibig mong sabihin, dinala ka ng mga kidnappers mo sa isang lumang bahay at doon ikinulong ng halos dalawang dekada?” tanong ng pulis kay Larissa de Guzman. Nasa police station ang dalaga, marumi ang damit at pudpod na rin ang gamit na tsinelas.Pinagsalikop ng dalaga ang mga nanginginig na kamay bago mangiyak-ngiyak na tumango, muling bumakas ang takot sa mukha nito.“Pwede mo bang i-drawing sa amin kung anong hitsura ng bahay? O kaya naman ay alam mo ba ang address?” tanong ulit ng pulis, inabutan ng lapis at papel ang naguguluhang dalaga.Nanginig agad ang mga labi ni Larissa, tuluyan nang tumulo ang luha habang pinagmamasdan ang lapis at papel na nasa kanyang harapan. Maya-maya pa, nag-angat ito ng tingin kay Jace na ilang hakbang lang ang layo sa dalaga at tahimik na nakabantay rito.Agad namang bumigat ang dibdib ni Jace, hindi na nag-aksaya ng panahon at tuluyang humakbang palapit sa pwesto ng kababata. “Officer, baka pwede natin siyang bigyan nang kaunti pang panahon to adjus
Last Updated: 2024-12-15