"Good morning!" nakangiting bati ni Lara kay Jace nang makita ng dalaga na pababa na ito ng hagdan. Tipid na ngumiti si Jace, naglakad patungo sa pwesto ni Lara sa may kusina. "You cooked?"Mabilis na tumango si Lara. "Lahat ng paborito mong breakfast!" masayang sagot ng dalaga. Kahit na puyat siya nang nagdaang gabi, nagawa pa ring bumangon nang maaga ni Lara. Pakiramdam kasi niya, dapat niyang lubusin ang serbisyo niya kay Jace. Marami itong naitulong sa kanya kaya naman, kailangan din niyang suklian ang kabutihan nito."Wow! This is a feast, Lara. I want to stay and eat all of these pero hindi ako maaring magtagal. May aayusin akong probelma sa office. Pero hindi ko hihindian ang coffee," anang binata, ngumiti.Nagliwanag ang mata ni Lara. "One cup of black coffee, coming right up!" anang dalaga bago mabils na nagsalin ng kape sa mug mula sa coffee maker. Jace was silent as he watches Lara prance inside his kitchen. Now that she is recovering, he can clearly see that she is bubbl
Pinanlakihan ng mata si Lara, napakagat sa pang-ibabang labi upang pigilin ang pagsinghap. Bakit sinasabi ni Keith ngayon na girlfriend siya nito? At kay Via pa mismo?!Kumurap-kurap si Via "G-girlfriend? You never do girlfriends, Keith. Ang pag-aaral at pagta-trabaho ang priority mo."Naglakad palapit si Keith kay Lara, umakbay pa sa dalaga. Lara tensed quickly. "Well, I do now, Via," anang doktor, makahulugang niyuko si Lara at bahagyang pinisil ang balikat nito. Sandaling pinaglipat-lipat ni Via ang tingin sa dalawa, hindi makapaniwala na ang lalaking dati'y sunud-sunuran sa kanya ay may iba na ngayong minamahal... maliban sa kanya. She went there to talk to Keith, lay down her plan of making Jace jealous through Keith, sa pag-asang muli siyang tatanggapin ni Jace. Alam niyang hindi siya tatanggihan ni Keith. He never says no to her. Well... that was before. Before Keith had a girlfriend, Jace's girl-friday. Pinigilan ni Via ang mapairap. Why the girl irks her! She used to be
“Jace, I can explain,” ani Keith nang agad na bumakas ang galit sa mukha ng kaibigan. “Lara and I are—““I need to talk to Lara. Akala ko busy siya dahil ang paalam niya may sakit siya kaya siya nag-leave sa opisina. Apparently, she is not too sick to have coffee outside with her boyfriend,” mabilis na putol ni Jace kay Keith, ang mga mata hindi inaalis kay Lara.Lalo namang kumabog ang dibdib ng dalaga. Sa hitsura kasi ni Jace, parang sasabog na naman ito sa galit anumang oras.“Jace, ako ang nag-aya sa kanilang magkape muna,” ani Via. Lalo pang kumapit sa braso ng dating nobyo. “I saw Keith and Lara here doing all lovey-dovey while inside his clinic. That’s when Keith told me that your girl-Friday is his girlfriend. And as Keith’s friend, I want to get to know Lara at little bit more. Kaya naman, why don’t you go easy in Lara at mag-relax ka muna, Jace? Join us for a while, I can order coffee for you and—““No. I am busy. And I need to talk to my girl-friday,” mariing sabi ni Jace,
“What the hell, Keith?!” bungad agad ni Jace sa kaibigan nang puntahan niya ito sa clinic nito sa ospital.Ilang beses na niyang sinubukang tawagan at i-text si Lara subalit ni wala siyang makuhang sagot mula rito. Nang layasan siya nito kanina, hindi na niya nasundan kung saan ito nagpunta. Lalo pa nang muling tumawag si Eli at sinabing kailangan siya sa opisina. Subalit hindi bumalik sa opisina si Jace, he went looking for Lara.Ayaw niyang mag-alala subalit nag-aalala siya. But he cannot tell that to anyone, can he?And now here he is questioning his friend, who seemed to have hots for his contract wife.Mula sa pagsusulat sa charts ng kanyang mga pasyente, nag-angat ng tingin si Keith sa kaibigan. Jace was as red as a beet and his jaw was clenched. Alam ng doktor na oras na para harapin ang galit ng kaibigan.Marahang isinara ni Keith ang chart na hawak at tumayo sa kanyang swivel chair. “I’m gonna need more than that, Jace.”Jace scoffed. Keith’s calm demeanor was irking him. “Ba
Maingat na inilapag ni Jace ang paper bag ng take-out food sa kitchen counter. It was past seven in the evening subalit kauuwi pa lamang ng binata. May mga inayos pa kasi siya sa opisina. Isa na roon ang paghihintay niya sa sagot sa request niyang closed door meeting sa managers ng Aura Project.Meeting directly with the managers of a government-funded project is prohibited both here and abroad. And Jace had been a sucker of following rules since he was a kid. Subalit walang magawa ang binata, he needs to up his game dahil kung hindi, tiyak na mawawala sa LDC ang Aura Project.Bago siya umuwi ay nag-confirm din ang isa sa managers ng proyekto. They set the meeting next weekend. And he had ample time to review or revise their proposal if needed.At ngayong nasolusyonan na niya pansamantala ang problema niya sa opisina, ang problema naman niya kay Lara ang dapat niyang asikasuhin.Batid ng binata na siya ang nagkamali. He jumped into conclusion right away. He assumed. And now he needs
“Bakit ngayon ka lang, Via? Maaga ka na ngang lumabas kanina, late ka pang umuwi. Parang walang naghihintay sa ‘yo dito sa bahay a,” litanya agad ni Rosario ‘Rosie’ De Guzman, ang ina ni Via. "Oh please, I'm tired, Mom," ani Via bago nilampasan ang ina na siyang nagbukas ng pinto para sa dalaga."Aba, talagang nilalampas-lampasan mo na lang ako ngayon, Olivia. Ano ako hangin? Sinong nagturo sa 'yo na h'wag akong respetuhin?" ani Rosie sinundan ang anak na noon ay paakyat na sa hagdan. Rumolyo ang mga mata ni Via, inis na muling hinarap ang ina. "Ano bang gusto mo, Mommy? I said I'm tired. Pwede ba bukas na lang tayo mag-usap. Pagod ako. I need rest.""Paanong hindi ka mapapagod, maghapon kang wala. Ano sinundan mo na naman ba si Jace?" ani Rosie, namaywang na. "'Yan ang napapala mo kasi nagmamagaling kang tanggihan ang proposal niya at inuna mo 'yang ballet. Ano ka ngayon? Sinusundan ng palihim si Jace kasi ayaw na niya sa 'yo. Pera na naging bato pa, Olivia. Sa katangahan mo 'yan,
“Lara? O napatawag ka? May kailangan ka?” tanong ni Erin kay Lara nang tumawag ang huli sa kaibigan.“Oo e. May gusto sana akong makuhang f-files,” ani Lara, alanganin.“Files? Anong files? Nasa work station mo ba? Gusto mo i-access ko—““Hindi. Ano…wala ro’n. Actually, hindi ko nga alam kung pwede tayong makakuha ng copy no'n,” nakangiwing sabi ng dalaga.Lara was asking for the files for the Aura Project. Hindi niya kasi maiwaglit sa kanyang isip ang naging pag-uusap nila ni Jace noong isang gabi tungkol sa project. Gusto niya sanang tignan ang marketing plan na kasama sa proposal. Maybe she can give her insights and make the proposal more appealing to the project managers.Alam ni Lara na hindi siya eksperto but she can see an excellent marketing plan when she sees one. At kung si Amanda din lang ang gumawa ng lahat ng marketing plan para sa project na ‘yon, sigurado si Lara na kailangan ng improvement sa part na ‘yon ng proposal.Gusto niyang gawin ‘yon para kay Jace. Gusto niyang
CHAPTER 29“Mabuti naman at dinalaw na ninyo ako, Jace, Lara. Akala ko nakalimutan na ninyo akong dalawa. Malapit na nga akong magtampo sana,” ani Cristina habang sinasalubong ang mag-asawa sa mansyon.B*umeso si Lara at magaang niyakap ang matanda. Sa pakiwari ng dalaga ay lalong pumayat ang matanda mula nang huli nilang pagkikiat ilang araw lang ang nakalilipas. Bagay na agad nagpabigat sa dibdib ng dalaga.Subalit hindi nagsalita si Lara, she just gave the old woman a genuine hug.“Sorry po, Lola. Natagalan kami. Hinintay ko pa po kasi ‘yong check-up ko at saka marami din pong inaasikaso si Jace sa opisina,” paliwanag ng dalaga.Bumitiw si Cristina sa dalaga. “Nonsense! Why are you apologizing for your check-up? Si Jace ang dapat na mag-sorry dahil unuuna niya ang trabaho kaysa sa lola niya,” anang matanda, pinanlakihan pa ng mata nag apo kunwari.Umiling si Jace. “Why is everything my fault now and not Lara’s? Last time I checked, ako ang apo mo Lola.”“At si Lara ang magbibigay sa
“Y-you?!” hindi makapaniwalang sambit ni Lara. Her mind was reeling. She was more than shocked from the turn of events. She was instantly distraught.Tumikhim si Mr. Abesamis. “Jace, Ms. De Guzman, I’d like you to meet Mr. Keith Montano, the new owner of the controlling stocks of LDC.”Agad na napatingin si Lara kay Jace, kumabog ang dibdib. His fists were balled and his jaw was tight. And before she knew it, he was already charging at Keith.“You sonofabitch!” singhal ni Jace bago tuluyang sinugod si Keith. Magkasing-tangkad lang ang dalawang binata. Subalit dahil sanay sa mabibigat sa trabaho sa farm sa nakalipas na apat na taon, it was easyto Jace to grab Keith by the collar of his shirt bago ito isinalya sa dingding. “Is this what you have always planned, you filthy fckin liar, huh?! Sinubukan mong agawin ang mag-ina ko. Pero ngayong nakabalik na sila sa tabi ko, ang kumpanya naman ng pamilya ko ang aagawin mo? Anong klaseng hayop ka, Keith Montano?” gigil na sabi ng binata tul
“Horsey horsey!” ani Cami habang sakay ng isang pony na pinangalanan ng paslit na Starburst. Kasalukuyang nasa farm ng mga Lagdameo sina Lara at Cami, doon sila dumiretso matapos ang pananghalian.It seems Jace was caught up with farm work kaya ang mag-ina na lang ulit ang pumunta sa binata.“Be careful, sweetheart! Hold on the rein, listen to Lolo Sebio,” bilin ni Lara, habang tinatanaw ang anak mula sa lilim ng puno sa malapit sa riding hall. May kausap na kliyente si Jace sa opisina nito, a foreigner at regular buyer daw ng mga kabayo sa farm. Kaya naman si Sebio ang kasalukuyang umaalalay kay Cami.Panay lang ang tango ni Cami sa ina habang umiikot ito sa riding hall sakay si Starburst. At hindi mapigilan ni Lara ang mapangiti. Her daughter is having the best time of her young life. She’s sure her daughter will be happier now that she and Jace got back together. Marami mang gulo at hindi pagkakaunawaan ang namagitan sa kanila ni Jace, ang mahalaga, buo na sila ulit ngayon. And sh
"Jace, gising ka pa?" pukaw ni Lara sa binata nang maalimpungatan siya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Tinignan ng dalaga ang orasan sa bedside table. It's just three in the morning.Maingat na bumangon si Lara mula sa kama upang h'wag magising si Cami at pinuntahan si Jace sa may bintana ng kanyang silid. Kahapon, matapos nilang mag-kaayos, hindi na tinantanan ni Cami si Jace. Hindi na rin pinauwi ng bata ang ama at doon na pinatulog sa kanila. And Lara had no complaints. For the first time in years, she was able to finally fix that part of her life and she felt peaceful about it. She thought everything is going well now. Batid niyang masaya rin si Jace sa nangyari. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na itong nagpasalamat at nagdeklara ng pagmamahal sa kanya muka kahapon, and she believed him. Her heart felt he was sincere. Kaya naman lubos ang pagtataka ng dalaga na nakikita niya ngayon si Jace na tila wala pang itinulog at balisa. Agad na ipinulupot ni Lara ang kanyang m
“Ouch!” anas ni Lara, biglang natigilan sa sana’y muling pagsampa kay Midnight.Bahagya nang tumila ang ulan kaya naman napagpasyahan nila ni Jace na umuwi na sa kanilang resthouse. Saka na sila babalik sa Hacienda Lagdameo. Nag-aalala kasi si Lara para sa kalagayan ni Cami. “Why?” nag-aalalang tanong ni Jace kay Lara, nilapitan na ito, inabot ang pisngi nito,Lara felt her cheeks heated instantly with his touch. ”I-it’s hurts down there,” pag-amin ng dalaga.Sandaling natigilan si Jace bago unti-unting ngumiti ng nakakaloko. “Means, I did a good job,” nagmamalaking sabi nito.Napairap na si Lara. “Don’t smile like that! Hindi ako nagbibiro, Jace! Naghihintay na sa atin si Cami.”Agad namang sumeryoso si Jace nang marinig ang pangalan ng anak. “Okay, what do you want me to do?”“I-I d-don’t know.”Tumingin si Jace kay Midnight, bahagyang tinapik ang alagang hayop. Midnight is an old horse at madalang na lang niyang ilabas sa kwadra. Mabuti na lang at hindi masyadong nabasa ang mga k
Once Jace’s lips touches Lara, she did not think of anything else. Her mind went blank and all she can do was to feel—feel that very same kiss she had longed for for the past four years. The kiss was deep and intense, there’s no way she cannot respond.She loved this man. And she will make sure he knows that.Hindi naglaon, tinugon ni Lara ang marubdob na halik ni Jace. He pulled her closer to him, his hand making its way inside her blouse, unhooking her bra. Maya-maya pa, naglumikot na rin ang kamay ni Jace. He touched her in places no one else had touched, branding her again as her own, igniting her skin with the only passion she knows—his. Agad na nalunod si Lara sa sensasyong lumukob sa kanyang pagkatao. Her body responded to him just like how it used to. At kahit na pigilin ng dalaga, kusang sumuko ang kanyang katawan sa bawat haplos at halik ni Jace. At that moment, nothing else mattered anymore. Not the heavy rain nor the problems they will face once they’re back at the farm
Nagsulubong ang mga kilay ng binata. “T-totoo? What do you mean?”Tumulo na ang luha ni Lara, humikbi. “I hired Mr. Carlo d’Angelo to find out the truth about your life for the past four years. A-and… I-I found out that K-Keith l-lied,” anang dalaga, pumiyok na ang tinig. “Hindi niya sinabi sa akin ang mga nangyari sa ‘y-yo bago kami umalis patungong Washington. H-hinintay kita, Jace. Umasa ako kahit na a-ang alam ko noon nagkabalikan na kayo ni Via. I hated you, yes but… I waited for y-you. Nagbabaka-sakali akong kapag nalaman mong ako si Larissa, magpilit kang kausapin ako. Magpumilit kang ayusin t-tayo. Kaya lang…” Humagulgol na si Lara. Hindi na kayang pakibagayan ang iba’t-ibang emosyon na lumukob sa kanya sa mga oras na iyon. “A-ang sabi ni Keith, sinabi mo raw na wala ka nang pakiaalam sa ‘kin. Na ayaw mo nang makarinig ng kung ano mang balita tungkol sa ‘kin. T-tell m-me that’s a lie too, J-Jace.”Kumuyom ang mga kamay ng binata. “That’s a lie, Lara. I woke up two days after I
“Naku, Sir! A-anong nangyari sa ‘yo?!” histerikal na bungad ni Lagring kay Jace nang makita ang binata na pumasok sa kusina ng farm house. May dugo ang gilid ng labi nito at may galos din ang pisngi.Subalit imbes na sumagot, tahimik na binuksan ng binata ang ref at kumuha roon ng ice. Marahan niya iyong idinampi sa gilid ng kanyang labi upang mapangiwi lamang nang makaramdam ng kirot doon.“D'yos ko! Sinong gumawa sa ‘yo niyan, Sir? Teka nagpang-abot ba kayo ni Sir Keith sa kabilang hacienda? Gusto mo bang tawagan ko si Doc Xander?” sunod-sunod na tanong ni Lagring, hindi pa rin mawala ang pag-aalala sa amo. Bumabalik sa isip ng matandnag katulong ang mga nangyaring aksidente sa binata sa nakalipas na apat na taon.“No need, Manang. Maayos ako. Malayo ito sa bituka,” ani Jace, tiniis ang hapdi ng sugat habang dinadampian iyon ng ice.“P-pero, Sir tatawagan ko na lang po si Doc Xander para siguradp tayong—“Inabot na ni Jace ang braso ng matandang babae nang akma nitong aabutin ang
Pigil ni Lara ang hininga habang binubuksan niya ang envelope. Kung iniwan iyon ni Mr. d’Angelo roon, ibig sabihin iyon na ang resulta ng pinagawa niya rito—ang imbestigasyon tungkol sa mga nangyari kay Jace sa nakalipas na apat na taon.Ilang linggo din niyang hinintay iyon. And she doesn’t know if she wanted to read the contents of the envelope right now knowing that she still has something to sort out with Keith. But something in her gut tells her that what’s inside of that envelope is more important. Maybe more importnat than the air she currently breathes at that moment.Nang tuluyang mabuksan ang envelope, saka pa lamang napabuga ng hinnga si Lara. With trembling hands she eased out the contents of the envelope. Naroon ang mga news clipping tungkol sa pagpapalit ng CEO ng LDC. Naroon din ang mga hospital records ni Jace. She read all entries. It was arranged from the most recent hospitalization he had down to the most previous—the one he had four years ago.Agad na natigilan an
Nagmamadaling umibis ng kanyang pick-up si Lara bago umikot sa backseat at binuhat si Cami mula sa kanyang carseat. She was in a hurry. In a hurry to avoid Keith who was just behind her when she drove off from Jace’s house. Naguguluhan siiya sa mga pangyayari. She cannot deal with Keith right now. Things have been unfolding so fast she cannot keep up. She wants to think things through. At hindi niya magagawa ‘yon kung makikipag-usap siya ngayon kay Keith.He’s angry. She knew that. Bakit hindi? Natagpuan siya nito sa bahay ni Jace, sila ni Cami. God knows what’s going on inside his mind right now.Si Keith na nagtiyagang samahan siya sa nakalipas na apat na taon. Si Keith na nanatili sa kanyang tabi habang muli niyang binubuo ang kanyang sarili. Si Keith na handang maghintay kahit na gaano katagal man ang abutin mahalin lang niya ito pabalik.Nanginig na si Lara, lihim na humikbi habang papasok ng kanilang resthouse.She cannot hurt Keith. She will hate herself if she would. Subalit