“There you are, Jace! Akala ko, hindi ka na darating,” ani Reymond nang pumasok sa boardroom ang binata. Mayroong brief meeting ang board ng LDC para sa upcoming anniversary ng kumpanya at para mapag-usapan na rin ang development sa current projects at future endeacors ng LDC.As usual, all the board members and represenatatives and the department heads are all present, including Jace’s ulitimate nemesis, his Uncle Reymond.“’Sorry for being late,” pormal na sabi binata, umupo sa kabisera ng round table ng boardroom bago sumenyas kay Eli. Agad namang tumalima ang assistant at mabilis na ibinigay ang folders na naglalaman ng agenda at reports ng pag-uusapan nila sa umagang iyon.Ilang sandali pa, nag-umpisa na ang meeting. Dinomina ni Jace ang usapan at ang pagbibigay ng updates tungkol sa mga proyekto ng kumpanya lalo na ang Aura Project.“Sigurado ka ba d’yan, Jace? How confident are you with your proposal for the Aura Project?” putol na tanong ni Reymong, maya-maya.“I am a hundred
Mabibilis ang hakbang ni Jace nang makauwi siya sa kanyang bahay. Ayaw man niyang mag-alala, hindi mapigilan ng binata ang pagkabog ng kanyang dibdib. Bakit hindi, may nagsiwalat sa lihim nila ni Lara at hindi niya alam kung sino. Ibig sabihin, may taong malapit sa kanya ang nagbulgar niyon at ibinalita pa mismo sa kanyang Uncle Reymond. At ngayon, ni hindi sumasagot si Lara sa kanyang mga tawag. Muling umigting ang panga ng binata. His uncle never fail to irk him every time. It's like he lived and breathed to make sure he fails with everything he does. Kunsabagay, matagal na niyang alam 'yon. But there is this controlled fire in his uncle's eyes when he talked to him earlier. It seemed he is one step ahead of him. Na para bang ipinapahiwatig nito na nakahanap na ito ng paraan upang pabagsakin siya. At hindi malabong baka may alam na ito tungkol kay Lara. Napabuga ng hininga ang binata. He took two flight of stairs at a time, wanting to reach Lara's room as fast as he could. Is
"Sir, ayos lang po kayo?" pukaw na Eli sa amo na noon ay nakatanaw sa glass panel window ng opisina nito.Pasado alas singko na ng hapon, subalit tila walang ganang magtrabaho ang boss. Mula nang bumalik ito mula sa bahay nito bago magtanghali ay napansin ng assistant ang biglang pagbabago sa mood ng boss. Pitong taon na rin mula nang magsimulang magtrababo si Eli kay Jace. At sa loob ng pitong taong iyon, ngayon lang nakita ng lalaki na natutulala at tila balisa ang kanyang boss. Hindi agad sumagot si Jace, nanatiling nakatingin sa siyudad na unti-unti nang binabalot ng dilim. "She plays the piano, Eli. Do you know that?" wala sa sariling sambit ni Jace maya-maya. "Sino po, Sir?" "Si Lara. She plays the piano just like her," sagot ng binta. "Sir?" "They even have the same color of eyes and..." Pumihit na paharap sa assistant ang binata. His eyes, bitter yet full of hope. "D-do you think, it could be her?"Nagyuko ng mata ni Eli. Alam na niya kung sino ang tinutukoy ng boss,
Kagat-kagat ni Lara ang pang-ibabang labi habang ginagamot ni Jace ang kanyang sugat sa kamay. Mahapdi ang antiseptic subalit tiniis niya. Ayaw niyang isipin ni Jace nagrereklamo siya gayong siya na nga itong tinutulungan. "Are you always this clumsy?" pukaw na tanong ni Jace sa kanya maya-maya."S-Sir... I mean, a-ano ulit 'yon?" alanganing sagot ng dalaga. Hindi pa rin sanay ang dalaga na first-name basis na sila ngayon ng boss. Para kasing napakabilis ng pangyayari."Ilang araw pa lang tayong magkakilala pero ilang beses na kitang iniligtas sa kapahamakan. Well, I am just helping you clean your wound right now but still... Hobby mo bang saktan ang sarili mo, Lara?" tanong ng binata, may amusement sa tinig.Mabilis na umiling ang dalaga. "H-hindi po, Sir. Ano... nagulat lang po ako kanina kaya natabig ko 'yong baso, tapos..." "Tapos?" "Nataranta ako k-kasi...kasi dumating ka na pala nang hindi ko namamalayan," pag-amin ng dalaga, umiwas ng tingin. Kumuha muna ng band-aid sa kit
"Good morning!" nakangiting bati ni Lara kay Jace nang makita ng dalaga na pababa na ito ng hagdan. Tipid na ngumiti si Jace, naglakad patungo sa pwesto ni Lara sa may kusina. "You cooked?"Mabilis na tumango si Lara. "Lahat ng paborito mong breakfast!" masayang sagot ng dalaga. Kahit na puyat siya nang nagdaang gabi, nagawa pa ring bumangon nang maaga ni Lara. Pakiramdam kasi niya, dapat niyang lubusin ang serbisyo niya kay Jace. Marami itong naitulong sa kanya kaya naman, kailangan din niyang suklian ang kabutihan nito."Wow! This is a feast, Lara. I want to stay and eat all of these pero hindi ako maaring magtagal. May aayusin akong probelma sa office. Pero hindi ko hihindian ang coffee," anang binata, ngumiti.Nagliwanag ang mata ni Lara. "One cup of black coffee, coming right up!" anang dalaga bago mabils na nagsalin ng kape sa mug mula sa coffee maker. Jace was silent as he watches Lara prance inside his kitchen. Now that she is recovering, he can clearly see that she is bubbl
Pinanlakihan ng mata si Lara, napakagat sa pang-ibabang labi upang pigilin ang pagsinghap. Bakit sinasabi ni Keith ngayon na girlfriend siya nito? At kay Via pa mismo?!Kumurap-kurap si Via "G-girlfriend? You never do girlfriends, Keith. Ang pag-aaral at pagta-trabaho ang priority mo."Naglakad palapit si Keith kay Lara, umakbay pa sa dalaga. Lara tensed quickly. "Well, I do now, Via," anang doktor, makahulugang niyuko si Lara at bahagyang pinisil ang balikat nito. Sandaling pinaglipat-lipat ni Via ang tingin sa dalawa, hindi makapaniwala na ang lalaking dati'y sunud-sunuran sa kanya ay may iba na ngayong minamahal... maliban sa kanya. She went there to talk to Keith, lay down her plan of making Jace jealous through Keith, sa pag-asang muli siyang tatanggapin ni Jace. Alam niyang hindi siya tatanggihan ni Keith. He never says no to her. Well... that was before. Before Keith had a girlfriend, Jace's girl-friday. Pinigilan ni Via ang mapairap. Why the girl irks her! She used to be
“Jace, I can explain,” ani Keith nang agad na bumakas ang galit sa mukha ng kaibigan. “Lara and I are—““I need to talk to Lara. Akala ko busy siya dahil ang paalam niya may sakit siya kaya siya nag-leave sa opisina. Apparently, she is not too sick to have coffee outside with her boyfriend,” mabilis na putol ni Jace kay Keith, ang mga mata hindi inaalis kay Lara.Lalo namang kumabog ang dibdib ng dalaga. Sa hitsura kasi ni Jace, parang sasabog na naman ito sa galit anumang oras.“Jace, ako ang nag-aya sa kanilang magkape muna,” ani Via. Lalo pang kumapit sa braso ng dating nobyo. “I saw Keith and Lara here doing all lovey-dovey while inside his clinic. That’s when Keith told me that your girl-Friday is his girlfriend. And as Keith’s friend, I want to get to know Lara at little bit more. Kaya naman, why don’t you go easy in Lara at mag-relax ka muna, Jace? Join us for a while, I can order coffee for you and—““No. I am busy. And I need to talk to my girl-friday,” mariing sabi ni Jace,
“What the hell, Keith?!” bungad agad ni Jace sa kaibigan nang puntahan niya ito sa clinic nito sa ospital.Ilang beses na niyang sinubukang tawagan at i-text si Lara subalit ni wala siyang makuhang sagot mula rito. Nang layasan siya nito kanina, hindi na niya nasundan kung saan ito nagpunta. Lalo pa nang muling tumawag si Eli at sinabing kailangan siya sa opisina. Subalit hindi bumalik sa opisina si Jace, he went looking for Lara.Ayaw niyang mag-alala subalit nag-aalala siya. But he cannot tell that to anyone, can he?And now here he is questioning his friend, who seemed to have hots for his contract wife.Mula sa pagsusulat sa charts ng kanyang mga pasyente, nag-angat ng tingin si Keith sa kaibigan. Jace was as red as a beet and his jaw was clenched. Alam ng doktor na oras na para harapin ang galit ng kaibigan.Marahang isinara ni Keith ang chart na hawak at tumayo sa kanyang swivel chair. “I’m gonna need more than that, Jace.”Jace scoffed. Keith’s calm demeanor was irking him. “Ba
Kanina pa naroon sa investigation room si Jace at hinihintay ang pagbabalik ni Atty. Marquez. Humiling ang binata sa mga pulis na bigyan siya ng isang pribadong lugar upang muling makausap ang kaniyang abogado. At ang investigation room ang ibinigay sa kanya ng mga ito.Hindi naglaon, bumukas na ang pinto ng silid. Agad namang bumaling sa direksyon niyon si Jace at bahagyang ngumiti nang makita ang bulto roon ni Attorney Marquez.“Attorney, salamat at pinaunlakan mo ang—“ Nabitin sa ere ang sana’y mga sasabihin ni Jace nang makitang hindi nag-iisa ang abogado. Nakasunod dito ang isang taong kahuli-hulihan niyang gustong makita, si Reymond. “What is he doing here?!” sabi agad ni Jace, tinuro ang tiyuhin.He balled his fists as he rein in his emotions.“Jace, hijo, please calm down,” anang abogado sa malumanay na tinig. “Ang sabi niya ay gusto ka niya munang makausap bago mo pirmahan ang kasunduan.”Napatayo na ang binata, lalong nagtagis ang mga bagang bago bumaling sa tiyuhin. “Wha
Kuyom ang mga kamay ni Jace habang nakaupo siya sa selda na siyang pinagdalhan sa kanya ng mga pulis na humuli sa kanya kanina. He was alone in the cell yet he had never felt more suffocated in his entire life. Ang apat na sulok ng selda iyon ang nagpapatunay kung anong klaseng pagkalugmok ang inihanda ng tadhana para sa kanya.He lost his grandmother and LDC. Lara is still missing. Now, will he lose his freedom too? He used to have everything and yet…Pilit na nilunok ng binata ang bikig sa kanyang lalamunan. Just thinking about the past, the things he had lost, makes his chest felt heavy. Hanggang ngayon na naroon na siya sa piitang ‘yon, hindi pa rin makapaniwala si Jace na sunod-sunod niyang naiwala ang mga importanteng bagay at tao sa kanyang buhay. He used to think he has everything. He used to have a great life. Hence, he was arrogant and ruthless, thinking all the things he had will always be with him. At ngayon, naiwala na niyang lahat ng ‘yon.Totoo nga ang sabi nila. May h
“Hija, handa ka na ba?” ani Doña Carmelita kay Lara na noon ay nasa silid na nito sa mansiyon at nag-aayos pa rin ng mga dadalhing gamit para sa kanikang flight papuntang Washington.Bumalik sa pagtira sa mansiyon ang mag-lola dalawang araw na ang nakararaan. Dahil para kay Carmelita, ngayong nakabalik na ang apo, dapat lamang na doon sila muling tumira bilang tanda ng pag-aalala sa kanilang mga yumao sa buhay. Subalit hindi rin naman magtatagal ‘yon dahil aalis din sila. But they will take the important things with them. “Tapos na po akong mag-empake, Lola. I’m just checking kung wala na po akong nakalimutan,” anang dalaga, inilagay ang isang lumang stuff toy sa kanyang bag.“Dadalhin mo ‘yan?” tanong ng matanda, pumasok na sa silid ng apo bago pinulot ang stuff toy.“Naisip ko lang po, na matagal na walang kasama si Mr. Boogie dito sa kwarto ko, Lola. Nakakunsensiya kapag iniwan ko siya ulit ngayon,” anang dalaga, nangingiti. Ang stuff toy na ‘yon ang welcome gift ni Carmelita sa
Pinagsalikop ni Via ang kanyang nanginginig na mga kamay habang naroon siya sa loob ng investigation room. Ang sabi ng pulis na humuli sa kanya, hintayin raw niya ang pagdating ni Lt. Alejandro. Ito raw ang magtatanong sa kanya tungkol sa kanyang kaso.Kaso.Nagtagis ang mga bagangn ng dalaga nag bumaba ang kanyang mata sa mga kamay niyang nakaposas. Bakit siya ang ikukulong? Wala naman siyang kasalanan. That bitch deserved to die. Inaagaw nito si Jace sa kanya.Tumalim ang mata ni Via nang maalala si Larissa or Delia or whatever her damn name is. The girl fake! She did everyone a favor! Lalo na si Doña Carmelita.That old woman would’ve been living with a fake until now kung hindi niya idinispatsa si Delia. Everyone should be thanking her. She killed the fake Larissa. Hindi na ito makakapanloko pa. At lalong wala na ito sa landas nila ni Jace.Ngumiti ang dalaga nang maalala ang dating nobyo. Now that fake Larissa is out of the picture, wala nang hadlang sa pagbabalikan nila ni Jace
Nagising si Jace na ramdam ang kirot sa kanyang buong katawan. He felt like he had been into some kind of a fight and he lost. Nang tuluyang magmulat ang binata, ang una niyang namulatan ay ang puting kisame at ang dextrose stand. Hindi naglaon, naramdaman niyang nakasuot siya ng oxygen mask.Hospital. He really was in the hospital.Marahang bumaling si Jace sa kanyang kanan at doon niya nakita si Eli na nakaupo sa sofa, pikit ang mga mata. Nang huling makita niya si Eli ay noong paalis sila sa presinto dahil hinahanap nila si Lara at…And then just like that, the memories of the incident with Jeff surfaced in his mind. It felt like a dream though. Wala sa sarili niyang kinapa ang kanyang tiyan, mayroon siyang nakapang gasa doon at bahagyang pagkirot. Noon napagtanto ng binata na totoo ang mga nangyari at hindi panaginip lang.Sinubukang bumangon ni Jace, subalit hindi niya magawa. He was in pain, in a lot of pain that all he could do was wince and groan.Noon naman nagising si Eli na
Abala si Keith sa pagche-check ng kanyang naka-admit na pasyente nang marinig niya ang page mula sa information desk. They were asking all trauma surgeons to go to the ER to assist with the victims of a small collision accident nearby. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binata at dali-daling tinungo ang ER.Gaya nang madalas mangyari, agad na sumalubong sa binata ang kaguluhan. Sa ER nangyayari ang unang laban ng mga pasyente sa pagitan ng buhay at kamatayan. And they, doctors, are there to help, to give their patients their best fighting chance at life.Mabilis na nagsuot ng gloves ang binata at humakbang sa bay 2 ng ER kung saan naroon ang apat na biktima ng aksidente. Naroon na rin ang iba pang miyembro ng trauma team, naghihintay sa assessment ng kanikang chief na si Dr. Pasion.“Keith,” ani Dr. Pasion, ang chief ng surgery departmet at ang kanyang immediate boss. “May stabbing victim sa cubicle 4. Doon na lang kayo ni Ronnie,” ang sabi ng doktor.Sandaling nagkatinginan ang magka
Sandaling natigilan si Carmelita, pinagmasdang maiigi ang dalaga na tinatawag siyang Lola. Pamilyar ang mukha nito. Hindi ba ito ang asawa ni Jace? Bakit…“L-Lola, a-ako po ito si L-Larissa,” muling sabi ni Lara, panay ang patak ng luha.Ngayong muling nakita ni Lara ang matanda, naiintindihan na niya kung bakit siya nakaramdam ng kung anong emosyon sa kanyang dibdib nang una niya itong makita. It was her grandmother. The grandmother she had forgotten for a long time.And seeing her now, old and frail makes her heart break. They have lost so much time. At wala nang nais pa ang dalaga kundi ang yakapin ito at sabihing hindi na ito muling mag-iisa dahil nakauwi na siya.Muling humakbang palapit ang dalaga sa abuela. Subalit muli itong nagsalita.“D’yan ka lang!” ani Carmelita sa mataas na tinig. “H’wag mo nang tangkaing lumapit. Kilala ko ang mga gaya mo, nais lamang pagkakitaan aang kalungkutan ko. Anong kailangan mo? Kwarta? Alahas? Bahay at lupa? Ano?!”Sandaling naguluhan si Lara, hi
“Maraming salamat, Agnes,” ani Doña Carmelita sa katulong nang maiupo siya nito sa kanyang kama. Si Agnes ay pamangkin ni Lita at naiwan sa mansiyon kasama ang ilan pa niyang katulong upang pangalagaan iyon. Subalit pinatawag ng matanda sa penthouse upang samahan sila roon pansamantala.Kararating lang ng matandang donya mula sa ospital. Kanina lang ay kasama niyang na-discharge mula sa ospital sina Lita at Manuel na nagtamo ng kaunting sugat sa ulo matapos ang ginawang pananakit ni Delia sa kanila kahapon.Nagpapasalamat ang matanda at walang napinsala sa kanila ng mga kasama niya sa bahay. At ngayong nasa mas maayos na silang kalagayan at nakauwi na, she can start moving on from the nightmare Delia had caused her.Three weeks. Tatlong linggo siyang nilinlang ng babaeg inakala niyang kanyang apo. Hanggang ngayon, hind pa rin lubos maisip ng matandang babae na nagpaloko siya nang ganoon katagal sa isang tao. Now that she had known the truth, looking back, there were tell-tale signs De
Nineteen Years Ago“Happy birthday, Larissa!” bati ni Keith sa anim na taong gulang na si Larissa bago ito inabutan ng isang paper bag. Nasa labasan sila ng kanilang eskwelahan.“Salamat, Keith!” magiliw na sabi ni Larissa sa kaibigan na kahit na halos dalawang taon ang tanda sa kanya’y, sadyang malapit sa loob ng bata. Ito at si Jace ang kanyang unang naging mga kaibigan mula nang dumating sila ng kanyang Daddy mula sa US. At talaga namang hindi na silang mapaghiwalay na tatlo mula noon.Masaya ang bata na kahit na bagong salta siya sa kanyang bagong eskwela’y, mayroon na siya agad na kaibigan doon.“Punta ka sa party ko mamaya ha? Sabi ni Lola we will have as much spaghetti and cake as we want,” ani Larissa, ngumiti bago binuksan ang paper bag na regalo ni Keith . “Wow, the music note pin I liked!” bulalas ni Larissa, nagningning ang mga mata bago bumaling kay Keith. “Thank you, Keith! I like it!” ani Larissa, bahagya pang yumakap sa kaibigan.Ngumiti naman si Keith, gumanti ng yaka