“Siya nga? Halik hija, umupo ka rito sa tabi ko,” ani Doña Cristina ang abuela ni Jace. Agad namang tumalima si Lara, umupo sa gilid ng kama ng matanda. “Nang sabihi ni Jace sa akin na nag-asawa na siya’y hindi ako agad naniwala. Subalit ngayong nandito ka na, sobra talaga akong natutuwa. You are beautiful, hija. Magaling pumili ang aking apo. Inaasahan kong mula sa ‘yo ay magpapatuloy ang lahi ng pamilya Lagdameo.”Alanganing ngumiti si Lara. “Makakaasa po kayo, L-lola,” anang dalaga mabilis na sumulyap kay Jace na nasa kabilang gilid lang ng kama ng matanda.“Mabuti kung gano’n. Si Jace ay nag-iisang apo ko. We have a curse in this family, Lara. Isang anak na lalaki lang sa bawat henerasyon ng Lagdameo ang ipinapanganak. At umaasa akong ikaw ang puputol sa sumpang ‘yon—““Alright, that’s too much information, Lola. Please, h’wag po ninyong takutin si Lara,” masuyong saway ni Jace sa abuela, mabilis na iniba ang usapan. “Nakainom ka na ng gamot mo? Nasaan nga pala si Nurse Mandy? Bak
Read more