Panay ang hikbi ni Lara habang marahang dinadampian ng antiseptic ang sugat sa mukha ng asawa. \ilang minuto na rin mula nang makauwi si Jace. At simula noon ay hindi na tumigil ang dalaga sa pag-iiyak dahil sa sinapit ng asawa… dahil sa kanya.May ilang galos sa mukha ni Jace na bahagya nang nangingitim. Sinubukan itong kumbinsihin ni Lara pumunta sa ospital upang doon magpagamot, subalit tumanggi ito. Kaya naman ngayon, si Lara na ang pilit gumagamot dito, kahit na patuloy siyang kunsensiya sa sinapit nito.“Lara, please, stop crying,” alo ni Jace sa asawa, bahagyang ngumiwi nang maramdaman ang paghapdi ng sugat sa itaas ng kilay mula sa gamot na inilalagay ng asawa.“I-I’m sorry, Jace. I’m really sorry. K-kasalanan ko ang lahat,” ani Lara, tuluyan nang nanlabo ang paningin dahil sa luhang kanina pa pinipigil. “K-kung hindi dahil sa ‘kin, h-hindi magkakaganito, J-Jace. K-kung hindi—““Hey, don’t think that way,” mabilis na alo ni Jace kay Lara, agad na sinapo ang pisngi ng asawa. “N
Huling Na-update : 2024-12-08 Magbasa pa