Malalakas na katok sa pinto ng kanyang silid ang muling nagpagising kay Via. “Sino ba ‘yan? Sinabi nang h’wag akong istorbihin e!” anang dalaga bago muling isinubsob ang ulo sa kanyang unan.“Aba, Olivia! Gabi na! Halos buong araw ka nang tulog! Ano ka bampira?! Buksan mo nga itong pinto!” gigil na utos ni Rosie sa labas ng silid.Dumating si Via sa kanilang bahay nang pasado alas tres na ng madaling araw. Amoy alak ito at alam na agad ni Rosie na nag-party ang anak. Kung sa event ng mga Lagdameo o sa isang club, hindi masiguro ni Rosie. Ang tanging alam lang niya, kailangan niyang gisingin ang anak upang tanungin ito tungkol sa mga naganap sa party.“Go away, Mommy! Just let me sleep!” singhal ni Via sa ina, kinapa ang isa pang unan sa kanyang tabi bago iyon itinakip sa kanyang ulo.She doesn’t want to wake up. She felt like she’s still in a middle of a nightmare. Bakit hindi, basta na lang siya iniwan ni Jace kagabi sa anniversary party ng LDC! She begged for him to stay subalit hin
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Lara habang papasok siya sa LDC na lulan ng isang pang sasakyan ni Jace na minamaneho ni Daniel. Ang dalaga ang humiling na magkahiwalay silang papasok ni Jace nang araw na ‘yon sa opisina. Kahit na tutol ang asawa, ipinilit ni Lara ang kanyang gusto dahil alam niyang maiintriga sila ni Jace. And that would be too overwhelming for her.Halos hindi pa nga rin siya makapaniwala na naging totohanan na ang dati’y pekeng relasyon nila ni Jace. At ayaw niyang masira ang kaligayahang 'yon kung makakarinig lang siya ng opinyon ng ibang tao lalo na sa mga taga-LDC. Because people will talk. Sigurado siya roon. They will have opinions about her and Jace—pleasant and unpleasant. Kaya mas gusto muna ni Lara na panatilihing tago ang relasyon nila ng asawa.‘So what, they know I’m married. Don’t you think it’s high time that I tell them who I am married to?’‘Yan ang sinabi ni Jace kanina habang nagdidikusyon silang mag-asawa kung paano sila papasok sa opisina.
Napatda si Lara. Hindi alam ang isasagot sa asawa. She just stared at his handsome face and allowed herself to be amazed by his presence.Si Erin ang sumagot para kanilang dalawa. “Sure, Sir!” masiglang sagot nito bago bumaling sa kaibigan. “Lara, usog ka kaunti para makaupo si Sir Jace. Dito ka na lang sa tabi ko, Sir Eli,” dagdag pa ng dalaga.Agad na lumipad ang tingin ni Lara sa likuran ni Jace. Naroon nga si Eli. She was too preoccupied with Jace na hindi niya napansin na kasama pala nito ang assistant nito.Tumikhim si Lara, mabilis na inayos ang sarili. Ilang sandali pa, umupo na ang dalawang lalaki sa kanilang tabi.Kung tensiyonado si Lara kanina, mas dumoble ang kanyang pagtetensiyon ngayon nasa kanyang tabi na nsi Jace. Bakit hindi, gayong nararamdaman niya na halos lahat ng mga mata na naroon sa pantry ay nakatingin sa kanya. Nakikita rin niya ang mga kapwa niya babaeng empleyada na nagbubulungan. At sigurado si Lara na kung saan-saang planeta na naman nakarating ang esp
“Sir, nandito po si Ma’am Via,” pukaw ni Eli sa boss na noon ay tutok ang atensiyon sa laptop nito.Ni hindi tumingin si Jace kay Eli. “Tell her I am busy. Sa ibang araw na lang siya kamo bumalik,” anang binata, nagptuloy sa pagtipa sa kanyang laptop.He was sending an emaili to Mr. Jones and Mr. Smith. Kahapon, matapos ang kanilang luncheon meeting ay nangako ang mga itong ipapadala agad sa kanyang email ang draft ng kanilang kontrata para sa Aura Project. Subalit hapon na at wala pang email ang mga ito. Kaya siya nagfa-follow up ngayon.“Jace, I need your help,” si Via. Hindi namalayan ng binata na nakapasok na pala ito sa kanyang opisana.She was standing in front of him again with that pitiful look on her face. Other times, he would’ve believed the act but… he knew Via too much. At ang muling pakikipaglapit nito sa kanya ay kasalanan niya. Aaminin niya, kinasangkapan niya ang dating kasintahan upang makalimutan ang anumang espesyal na damdaming niya para kay Lara. He invited her
Panay pa rin ang sigok ni Lara habang mahigpit na nakayakap kay Jace. Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga na kayang gawin ni Via ang ganoong kasamaan kahit na marami pang tao ang nakatingin. Para itong isang hayop na handa siyang sagpangin anumang oras sa galit na nakita niya sa mga mata nito kanina. At sa nanlalabo at natatakot na isip ay hindi pa rin malamam ni Lara ang dahilan kung bakit nagawa iyon sa kanya ng dating kasintahan ni Jace.“Are you o-okay? Hindi ka ba sinaktan ni Via?” anang binata, lalong humigpit ang pagyakap sa asawa.Marahang umiling si Lara, muling sumigok. “H-hindi ko alam kung bakit niya nagawa ‘yon, Jace. H-hindi ko…” Mariing napapikit ang dalaga, pilit na inaalis sa isip ang karahasang nasaksihan kanina.“Shhh, don’t think of her. Iaalis kita rito ngayon din, Lara. I need to take you home,” deklara ng binata sa determinadong tinig.Agad na nag-angat ng tingin si Lara sa asawa, bumakas ang pag-aalala sa mukha. “P-pero, Jace… paano? M-makikita tayo ng ibang
Ilang araw na ang lumipas subalit hindi pa rin tumigil ang mga empleyado sa LDC na pag-usapan sina Lara at Jace. Na lalo pang tumindi nang may lumabas ang retrato ng dalawa na malambing na nag-uusap sa pantry. Lumabas ang retrato sa social media at mabilis na kumalat sa mga empleyado.Jace was unbothered, while Lara… she was barely holding on. Hindi sanay ang dalaga na laging pinag-uusapan. Lalo na ang paratangan siya nang kung ano-ano, gaya ng mga naririnig niya sa loob ng opisina. Marami ang nagsabi na kabit siya ni Jace kaya ginawa ni Via ang bagay na ‘yon sa kanya. May iba namang nakikisimpatiya sa dalaga at nagsasabing h’wag siyang husgahan agad. And while Jace kept persuading her na panahon na para lumantad silang dalawa sa totoo nilang relasyon, hindi pa rin sigurado ang dalaga kung iyon ba talaga ang mainam na solusyon sa kanilang sitwasyon. “Lara, tapos mo na ba ‘yong sa project natin sa Cebu? Deadlne kasi no’n kahapon, para ma-consolidate na sana natin at maipasa na kay M
Isang marahas na katok sa pinto ang pinakawalan ni Jace nang sa wakas ay marating niya ang bahay ng tiyuhin na si Reymond. Kanina pa siya nagpipigil ng galit. Why, how could his own flesh and blood betray him that much?Tanggap niya na may galit ito sa kanya dahil nga naman ay mas bata siya rito subsalit siya ang namumuno sa LDC. But it’s not enough reason na idinadamay nito ang LDC sa galit nito sa kanya! Ang LDC na ilang dekada nang bumubuhay sa kanilang lahat. How could he drag the name and reputatio of their company just because he wanted to see him fall?!“Sir, h’wag po kayong masyadon magpadala sa galit. Alalahanin po ninyo, Sir Reymond is still your uncle,” paalala ni Justin sa amo.Subalit imbes na kumalma, lalo lamang sumulak ang galit ni Jace. “Well, he should’ve thought of that before he tried to mess with me!”Bumukas ang pinto ng malaking bahay subalit ang gulat na mukha ng katulong ang kanilang nabungaran.“Nasaan ang amo mo? Tell him to come out this fcking instant!”
Panay ang hikbi ni Lara habang marahang dinadampian ng antiseptic ang sugat sa mukha ng asawa. \ilang minuto na rin mula nang makauwi si Jace. At simula noon ay hindi na tumigil ang dalaga sa pag-iiyak dahil sa sinapit ng asawa… dahil sa kanya.May ilang galos sa mukha ni Jace na bahagya nang nangingitim. Sinubukan itong kumbinsihin ni Lara pumunta sa ospital upang doon magpagamot, subalit tumanggi ito. Kaya naman ngayon, si Lara na ang pilit gumagamot dito, kahit na patuloy siyang kunsensiya sa sinapit nito.“Lara, please, stop crying,” alo ni Jace sa asawa, bahagyang ngumiwi nang maramdaman ang paghapdi ng sugat sa itaas ng kilay mula sa gamot na inilalagay ng asawa.“I-I’m sorry, Jace. I’m really sorry. K-kasalanan ko ang lahat,” ani Lara, tuluyan nang nanlabo ang paningin dahil sa luhang kanina pa pinipigil. “K-kung hindi dahil sa ‘kin, h-hindi magkakaganito, J-Jace. K-kung hindi—““Hey, don’t think that way,” mabilis na alo ni Jace kay Lara, agad na sinapo ang pisngi ng asawa. “N
“He is arrogant and a despicable liar! We will never do any business with that hateful man ever again!” gigil na pahayag ni Erin habang kumakain siya kasama sina Lily, Paul at Chantal. Wala si Suzanne dahil may inayos ito sa isa sa kanilang mga on-going projects.They were having lunch inside the pantry. Matapos manggaling sa EB Builders, nagpasyang bumalik sa opisina si Erin. She didn’t want to at first. Subalit dahil sa resulta ng pag-uusap nila ni Kiel, alam ng dalaga na kapag umuwi siya, mag-isa lang siyang magngingitngit sa condo niya. Bagay na ayaw niyang mangyari, she knew herself too well. The last time she threw a fit over a project, nabato niya ng vase ang 95-inch TV niya dahil sa sobrang inis. She doesn’t want that to happen again. Mabuti nang nasa opisina siya habang nanggigil. At least doon, may kasama siya, may nagtitiyagang makinig sa kanya.“Ma’am gusto po ninyo, kausapin ulit namin ni Chantal si Engr. Benavidez? Baka po magbago pa ang isip ni Sir,” suhestyon ni Paul,
Tahimik subalit puno ang kaba ang dibdib ni Erin habang naghihintay sila ni Lily sa labas ng opisina ni Kiel. Ang sabi ng sekretarya nito na nagpakalilang si Sara, may kausap daw na kliyente si Kiel na nauna kaysa sa kanila. Sara told them to just come back after an hour or so. Subalit nagpasyang maghintay si Erin. She might not have the courage to face Kiel again if she leaves."Ma'am gusto po ninyo ng bottled water? Pwede ko po kayong kunan sa--" "H'wag na, Lily," mabilis na tanggi ng dalaga sa alok ng sekretarya. "I'm okay." "Sure po kayo?" "Yes, I'm sure," pormal na sagot ni Erin, ang mga mata, nakatitig sa pinto ng opisina ni Kiel. She was training her mind not to be swayed by her emotions when she finally face Kiel. She was composing her thoughts too, determined to just say the words she needs to say and nothing else. Ayaw niyang awayin si Kiel kahit na alam ng dalaga na ito ang dahilan kung bakit siya naroon sa sitwasyon na 'yon. Kung sabagay, mabuti na rin na siya na ulit
“M-Ma’am Erin, b-bakit nandito ka na?” gulat na bungad ni Lily kay Erin pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa kanyang opisa sa AdSpark Media. “H-Hindi po ba dapat nagpapahinga ka pa? Ang sabi ng doktor—““May importante akong gagawin, Lily. The DF Appliances proposals, get them for me,” putol ni Erin sa sekretarya bago nagtuloy-tuloy sa kanyang swivel, umupo at binuksan ang laptop.Si Lily naman ay nanatiling nakatanga sa boss. Matapos nitong ma-discharge kahapon sa ospital, hindi inaasahanng sekretarya na papasok agad si Paige nang araw na 'yon, lalo pa at ganoon kaaaga. Mahigpit ang bilin ng doktor na kailangan nito ng pahinga para sa ikabubuti ng dinadala nito. Kaya lang…“Lily, what are you looking at? I said give me the proposals for DF Appliance,” pag-uulit ni Erin.“S-sure kayo, Ma’am? Ang sabi ng doktor kahapon bawal kayong magpagod at saka—““Alam ko kung anong ibinilin ng doktor, Lily. I was there with you. Narinig ko ang lahat. But like I told you, may importante akong ga
“What are you doing here, Kiel?” pag-uulit ni Erin nang hindi sumagot agad si Kiel. This time, pinakalma ng dalaga ang nagwawalang puso at pinatatag din ang tinig.Umigting naman ang panga ni Kiel. hindi nagawang makasagot agad dahil paulit-ulit na ipinasada ng binata ang kanyang mga mat sa kabuuan ng dalaga. She looked relaxed and well-rested. Habang siya, halos mabaliw na sa kakaisip ng paraan kung paano muling makikita at makakausap ang dalaga.The past few days had been pure hell. Kahit na anong gawin niya, ni ayaw siyang kausapin ni Erin. He even tried visiting her in her office subalit ang laging sagtot ng sekretarya nito ay may sakit ito at naka-sick leave. He asked for her number and they gave him the same number he had been calling and messaging for the past few days subalit wala siyang nakukuhang sagot dito. It’s clear that his number had been blocked. All the damn new numbers he tried to use were all blocked from Erin’s phone.Malinaw sa kanya ang naging usapan nila. But…
“Ma’am, sigurado po ba kayong kaya na ninyo? Kung matulog na lang po ako ngayon sa condo ninyo para may kasama pa rin kayo at—““H’wag na, Lily. Promise, kaya ko na. At saka baka hinahanap ka na rin sa inyo. Go home and rest. Halos hindi ka natulog kagabi habang binabantayan ako,” putol ni Erin sa sekretarya. Naroon sila sa lobby ng St. Anthony Hospital at hinihintay ang rented car na kinuha ni Lily na siyang maghahatid kay Erin pabalik sa condo ng dalaga. Matapos ang ilang pagsusuri at bilin ng doktor, Erin finally got discharged from the hospital. She feels a little better now. She feels more energized too. Malaking tulong ang pagpapa-confine ng dalaga sa ospital upang umayos ang kanyang pakiramdam. She even feels she can already go back to work tomorrow. Pero bawal pa. Ibinilin ng doktora na tumingin sa kanya na kailangan pa niyang magpahinga ng isang linggo upang tuluyan siyang makabawi ng lakas.“Pero Ma’am, mag-isa kayo do’n sa condo mo. Baka bigla ka na namang mahilo o magsu
Agad na napabangon sa kanyang kama si Erin nang muling makaramdam ng pagbaliktad ng kanyang sikmura. Tinakbo ng dalaga ang CR at muling nagduduwal sa sink. She stayed there for a few minutes bago siya tumigil nang pakiramdam niya wala na siyang maisusuka pa.Nanghihinang naglakad palabas ng banyo ang dalaga at nagtungo sa sala. Doon niya ibinagsak ang nanghihinang katawan sa couch at naghabol ng hininga.Ikatlong araw na iyon na sa tuwing gumigising siya sa umaga, she had the urge to throw up everything she ate from last night.She doesn’t want to worry but she is beginning to worry. Hindi pa niya nararanasan ang ganoong klaseng matagal na pagkakasakit. She’s taking supplements, everything there is! Kaya nagtataka ang dalaga dahil gano’n na lang ang epekto ng stress at fatigue sa kanya ngayon.Stress and fatigue, ‘yon ang naiisip niyang sanhi kung bakit siya nagkakagano’n ngayon. She had been resting for the past few days. Tumatawag na lang siya kay Lily for updates. Staying at home a
"Lily nasaan na 'yong papers ng Dove Realties? I believe I left it here yesterday. Bakit wala na?" ani Erin habang panay ang kanyang halughog sa tambak na mga papeles na nasa kanyang table.Pasado alas-dos na ng hapon subalit hindi pa nanananghalian ang dalaga. May hinahabol siyang meeting sa Dove Towers which is an hour away from her office. Idagdag pa na susuungin niya ang traffic sa mainit na hapon na iyon. Maisip pa lang niya ang magiging biyahe niya mamaya, natetensyon na siya. And now she is all the more panicked dahil hindi niya makita ang dokumentong kailangan niya! "Ma'am nandito po sa drawer ninyo sa kabilang cabinet, sa may outgoing box," kalmadong sagot ng sekretarya, kinuha na ang dokumento mula sa nakahiwalay na filing cabinet at inabot iyon sa amo. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni Erin. "Bakit nandiyan?" "Ma'am, kayo po ang naglagay diyan kagabi bago tayo umuwi. Sabi niyo pa nga po, dapat d'yan niyo ilagay 'yan para madali ninyong mahahanap ngayon," pagpapaal
Kanina pa pabiling-biling si Erin sa kanyang higaan subalit hindi siya makatulog. Ang akala niya, dahil pagod siya sa biyahe, dadalawin siya agad ng antok sa oras na makauwi siya sa kanyang condo unit. Subalit pasado alas onse na ng gabi ay mulat na mulat pa rin siya. Napabuntong-hininga ang dalaga, sandaling tumingin sa kisame bago bumaling sa bouquet ng rosas na inilagay niya sa bureau. Hanggang ngayon na lumipas na ang maraming oras, hindi pa rin sigurado si Erin kung ano ang dapat niyang maramdaman tuwing titignan niya ang bouquet. Of course she felt happy seeing the beautiful flowers. Bukod sa paborito niya ang mga iyon, galing pa ang mga sa taong espesyal sa kanya. Kaya lang... Wala sa sariling hinawakan ni Erin ang kanyang dibdib. Her heart was racing even just by the thought of Kiel. "Be still, heart. He is not for me and he will never be," bulong ng dalaga.Ilang sandali pa, muling tumunog ang cellphone ni Erin. Nang tignan niya, naka-flash sa screen ang bagong number ni Ki
Kanina pa mulat si Erin at tahimik na pinagmamasdan ang madilim pang langit sa may balcony ng kanyang silid sa resort. Maraming tumatakbo sa kanyang isip ng mga oras na iyon. Subalit pinipilit niyang h'wag munang bigyan ng pansin ang alin man sa mga 'yon. She wanted to numb herself and focus on the last few remaining moments she has with Kiel. Maya-maya pa, pumulupot ang kamay nito sa kanyang baywang mula sa kanyang likuran at dinampian ng masuyong halik ang kanyang balikat. "You awake, Erin? Hindi ka yata natulog e," anang binata, may himig ng biro ang tinig. Hinawakan ni Erin ang braso nitong nakapulupot sa kanya. "Natulog ako. I'm just an early riser. Besides, maaga kami ngayon ng mga tauhan ko. May shoot kami sa beach." "Right. I have a breakfast meeting too with my client sa susunod na bayan. I need to leave early," ani Kiel, muling hinalikan ang balikat ng dalaga. Hindi naglaon, pinagapang ni Kiel ang kanyang labi patungo sa leeg ni Erin, sa panga, sa pisngi, hanggang sa ma