Beautiful Days with You

Beautiful Days with You

last updateHuling Na-update : 2023-01-13
By:  Lucy Heart  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
35Mga Kabanata
859views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Some people still believe that forever still exist except for Chandria.A girl with a bad past memories and until now she can't still move on.Since kasi iniwan sila ng mother niya, doon na siya nagsimulang huminto na maniwala na may happy ending ang buhay.Ayon sa kanya those things only exist in books and movies. Until one day everything just suddenly change.Ang boring niyang mundo napalitan ng excitement and that is all because of Niel John Quirino.Ang gwapong happy go lucky na despite sa problema nito sa pamilya ay mas pinili na lang nitong maging masaya.Ngumiti at masiglang hinarap ang hamon ng buhay. Will he able to change Chandria and make her believe that in love everything is possible?That everything happens for a reason at minsan isang choice din ang magkaroon ng happy ending.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Chapter 1

“Tanggapin mo na kasi itong birthday gift ko sayong bakasyon Chandy,” pangungulit ni Lexy sa bestfriend niyang si Chandria. Mula pa kahapon ang pangungulit nito sa kaibigan na tila ba hindi ito susuko ngayon hangga't hindi nakukuha ang gusto sa mismong araw. Pinipilit kasi nitong palabasin ang kaisa-isang kaibigan sa malungkot nitong mundo. Paano ba naman kasi parang buong buhay at oras nito sa boutique lang nila umiikot. Saglit lang siyang tinapunan ng tingin nito at ibinalik rin ang attensyon sa ginagawa na tila wala talaga itong interes sa offer ng kaibigan. "Sige na kasi,"pangungulit pa rin niya and this time nasa tabi na ito ng kaibigan. Hinawakan nito ang dulo ng damit ni Chandria at hinila-hila iyon na parang bata na may gustong ipabili sa nanay. Napahinto na naman ulit si Chandria at huminga ng malalim. Gusto nitong matawa sa hitsura ng kaibigan na nagpapa-cute sa harapan niya ngunit kahit anong pagpapa-cute ang gawin nito ngayon ay hinding-hindi pa rin niya ito mapagbibi

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
35 Kabanata

Chapter 1

“Tanggapin mo na kasi itong birthday gift ko sayong bakasyon Chandy,” pangungulit ni Lexy sa bestfriend niyang si Chandria. Mula pa kahapon ang pangungulit nito sa kaibigan na tila ba hindi ito susuko ngayon hangga't hindi nakukuha ang gusto sa mismong araw. Pinipilit kasi nitong palabasin ang kaisa-isang kaibigan sa malungkot nitong mundo. Paano ba naman kasi parang buong buhay at oras nito sa boutique lang nila umiikot. Saglit lang siyang tinapunan ng tingin nito at ibinalik rin ang attensyon sa ginagawa na tila wala talaga itong interes sa offer ng kaibigan. "Sige na kasi,"pangungulit pa rin niya and this time nasa tabi na ito ng kaibigan. Hinawakan nito ang dulo ng damit ni Chandria at hinila-hila iyon na parang bata na may gustong ipabili sa nanay. Napahinto na naman ulit si Chandria at huminga ng malalim. Gusto nitong matawa sa hitsura ng kaibigan na nagpapa-cute sa harapan niya ngunit kahit anong pagpapa-cute ang gawin nito ngayon ay hinding-hindi pa rin niya ito mapagbibi
Magbasa pa

Chapter 2

"Mabuti naman at tinanggap mo na iyong bakasyong regalo sayo ni Lexy," si Nanay Bebang. Sumabay ito sa kanya kanina sa pag-uwi at hindi niya namalayang nasa pintuan na ng kwarto niya ang matanda. Si Nanay Bebang ang nag-iisang Lola ni Lexy na nagpalaki rito at dahil parang magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa ni Lexy ay parang naging totoong lola niya na rin ito.Mabait at maalaga din ito kagaya ni Lexy. "Opo, ‘Nay, magaling kasing mangulit iyong apo ninyo," biro niya at isinarado na ang dadalhing maleta na may laman na ng mga gamit niya. Bahagya namang natawa ang matanda. "Mabuti naman kung ganun," sang-ayon nito at tuluyan ng pumasok sa kwarto niya. Naupo ito sa gilid ng kanyang kama. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at marahang pinisil-pisil iyon. Napangiti naman siya at tuwang-tuwa na inihiga ang ulo sa kandungan ng matanda. Para itong bata na naglalambing sa ina. Batid niyang sobra talaga niyang mami-miss ito kahit ilang araw lang siyang mawawala. "Sumama ba iyon
Magbasa pa

Chapter 3

Mahigit tatlong oras na rin ang paghihintay ni Chandria sa airport sa susundong pinsan ni Lexy sa kanya. Na magpa-hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Medyo nangangawit na rin nga ang kanyang mga binti sa kakatayo mula pa kanina. Idagdag pa ang pangangalay ng leeg niya sa kakalingon sa mga taong dumadaan sa paligid niya. Nagbabasakaling isa doon si Sena, pangalan ng pinsan ni Lexy. Ang isang bagay pang kinabu-bwisit niya ay iyong mga taong napapatingin sa kanya. Na-conscious tuloy siya dahil baka agaw atensyon ang kulay purple niyang buhok o di kaya ay masyadong maikli ang maong na palda na suot niya. Hinagilap nito ang cellphone sa dalang bag para tawagan ulit si Lexy kung may susundo ba talaga sa kanya. Saktong kakahawak niya pa lang sa cellphone niya nang may isang lalaking biglang bumangga sa kanya. Dahil hindi nito napaghandaan ay tumilapon talaga siya ng bonggang-bongga."Aray!" Impit niyang daing dahil sa sakit at pilit na ibinangon ang sarili. Narinig naman iyon ng lalake k
Magbasa pa

Chapter 4

"WELCOME to Hidden paradise of dreams beach resort!" basa ni Chandria sa malaking signage na naroon sa mismong labas ng resort. Nagliwanag ang kanyang mukha sa nabasa dahil sa wakas ay nakarating din siya ng buhay sa pupuntahan niya. Hindi siya naligaw or kahit ano mang bad luck ang maaring mangyari sa kanya sa daan.Tama din naman si Sena na hindi ito mahirap matuntun ngunit iyon nga lang, bako-bako lang ang daan.Bumusina na siya kaagad pagkatapat niya mismo sa gate at mabilis na pinag buksan naman siya ng nakangiting guard na naroon."Maayong buntag, Ma'am," bati sa kanya ng guard. Nginitian niya ito kahit na may konting pagka-kunot sa kaniyang noo. Hindi naman kasi niya maintindihan kung ano man ang sinabi sa kanya ng butihing guard. "May reservation po ba kayo, Maam? " Tanong ulit nito na ikinatuwa na niya dahil nagtatagalog na ito. Inilahad nito ang kamay na tila may hinihingi. Kaagad naman niyang naisip ang papel na ibinigay sa kanya ni Lexy."Yes po, kuya,wait po ha," mabilis n
Magbasa pa

Chapter 5

AFTER nitong nai-park ng maayos ang dalang sasakyan ay dumiretso na kaagad si Chandria sa loob ng nasabing resort."Hi Ma'am, welcome po sa Hidden paradise of dreams resort kung saan pwede po kayong mangarap ulit. I'm Javi Palma. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" super hyper na bati ng receptionist sa kanya. Pagpasok na pagpasok pa lang niya mismo. Inikot-ikot niya muna ang mga mata sa kabuuan ng resort at masasabi niya ngang mukhang relaxing naman ang lugar. Maganda at malinis ang ambiance nito. Mukhang friendly rin ang mga nagtatrabaho dito. Isang malaking ebidensya na ang babaeng nasa front desk na ito. Lumapit na siya at sinuklian din ng matamis na ngiti ang babae."Hi, miss! May magpareserve ng pangalan ko dito one month ago pa daw," panimula niya. "Paki-check na lang kung tama ba. Lexy Medina ang pangalan." Kaagad namang kumilos ang babae para e-check ito sa kanilang record."Kayo po ba si Ms.Chandria Santana?" tanong nito at tango naman ang binigay niya na sagot sa recep
Magbasa pa

Chapter 6

Gustuhin mang matulog na ni Chandria ngunit ayaw naman siyang patulugin ng isipan niya. Hinding hindi pa rin nito maalis-alis sa isipan niya ang binulong kanina ng binata sa kanya. It was a plain and simple sorry ngunit parang tumagos talaga sa buong pagkatao niya. Ni hindi niya nga alam kung maluwag ba talaga iyon sa puso ng lalake habang sinasabi iyon pero it was sort of comforting. Parang sa hindi niya maipaliwanag na dahilan biglang naglaho ang galit at inis niya sa binata. At kahit nga ang mismong pabango nito ay pakiramdam niya ay naiwan pa rin sa loob ng kanyang ilong na hanggang ngayon ay nalalanghap pa rin niya."Oo na, gwapo kana!" parang timang na sigaw niya saka gumulong-gulong sa kama. At dahil sa hindi talaga siya dinadalaw ng antok ay nagpasya na lang itong lumabas ng kwarto niya at maglakad-lakad sa dalampasigan. Inayos nito ang suot na hooded jacket dahil medyo malamig talaga ang dapya ng hangin sa kanyang balat.Naalala niyang weekend pala ngayon kaya medyo marami p
Magbasa pa

Chapter 7

"Lexy, ano ba! Thirty minutes pa please," ingos ni Chandria habang tinatakpan ang tainga ng unan mula sa ingay na kumakatok mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Ewan ba niya kung bakit ngayon lang siya tinamaan ng matinding antok at pagod ang kanyang katawan. Iyong tipong half awake ang utak niya at tulog na tulog naman ang kanyang mga mata. Ni hindi nito maidilat sa sobrang antok na nararamdaman.Ngunit sadyang makulit talaga ang kumakatok at mas lalo pa nitong nilakasan. Sa inis nito ay naitapon niya ang unan nanakatakip sa tenga niya. Padabog itong tumayo at naka-pikit pa rin ang mga mata. Tinungo ang pintuan at doon niya napagtanto ang kasabihang magbiro ka lang sa lasing huwag lang sa ina-antok pa rin."Lexy naman eh!" malakas niyang bulyaw ngunit natutup niya ang bibig nang ma-realize na nasa Cebu pala siya at ang gwapo ng sinigawan niya. Bagong ligo ito na sobrang fresh ang aura sa suot niyang cargo shorts at plain na white T Shirt. Idagdag mo pa ang mabangong pabango nito na di
Magbasa pa

Chapter 8

Sa hindi masyadong kalayuan mula sa kinatatayuan ni Niel ay sobrang naaaliw ito habang palihim na minamasdan si Chandria. Para itong batang paslit na tila nag-eenjoy sa pamumulot ng mga shells. Nakadagdag pa sa kagandahan nito ang kulay purple nitong buhok na masayang nilalaro ng hangin. Hindi niya namamalayan na humahakbang na pala siya palapit dito. Lihim siyang napangiti sa sarili. Mukhang tinamaan talaga siya sa dalaga. Simula pa nang makita niya ito sa simenteryo ay hindi na ito muling umalis sa isipan niya ang mukha ng dalaga. Parang itinadhana pa nga na pinagkrus muli ang kanilang mga landas. Hindi na niya ito natatanaw mula sa malayo kundi nakakausap pa niya ito at saglit na nahawakan ang malambot nitong mga palad.Iyon nga lang hindi pa rin maalis-alis ang pagiging mataray nito ngunit mukhang hindi na bago iyon sa kanya. Parang naging cute pa nga ang dating non."Ano naman ang gagawin mo diyan?” hindi niya ina-asahang mapa-pitlag ang dalaga sa biglaang pagsulpot niya. Bigla t
Magbasa pa

Chapter 9

"Maliit nga!" bulalas ni Chandria nang nasa tapat na sila ng Mall na sinasabi ni Niel. Kunsabagay ano ba naman ang ini-expect mo sa tagong lugar na ito.Hindi naman ito City para maka-kita ka talaga ng naglalakihang mall."Ang sabi naman ni Javi na kahit may kaliitan daw ito ay kumpleto naman sila sa lahat kaya tingnan na lang natin," suhestiyon ni Niel at nauna na itong pumasok.Kapwa naman silang natuwa sa nakita sa loob pag-pasok nila dahil mukhang maliit lang ito tingnan sa labas pero marami namang laman ang loob. Nilapitan sila ng isang sales lady na naroon at nakita niyang may itinuturo ito kay Niel kaya hinayaan niya na muna ang binata sa portable carrier dahil parang magnet kasing nahagip ng mata niya ang isang ilang naggagandahang key chain, palamuti sa katawan at ibang mga bagay na pwedeng pampasalubong. Mabilis niyang nilapitan ang mga ito at napangiti ng bahagya. Balak din naman talaga niyang bilhan ng pasalubong ang tatlo. "Ang ganda nila?" mahina niyang usal habang hindi
Magbasa pa

Chapter 10

Mula pa kanina sa kotse hanggang sa makarating na sila ng resort ay hindi pa rin siya kinakausap ni Niel. Hindi na lang siya nangulit dahil mukhang napaka-seryoso na ng mukha nito.Palihim na lang niya itong sinusulyapan habang nagpapakain ito sa tuta ngunit mukhang mabigat talaga sa loob niya na hindi sila nag-iimikangdalawa.Parang nakakapanibago iyon sa kanya. Hindi niya man ugali ang lumunok ng pride at mukhang mapapasubo siya ngayon. Hindi na siya nakatiis at nilapitan niya ito. Umupo din siya sa buhangin para matabihan ang binata."Sorry na," malumanay niyang sabi. Lumingon naman sa kanya si Niel at tipid siyang nginitian."Bakit ka nagsosorry? Inaway mo ba ako?” he said na parang inaasar na naman siya. Pinandilatan niya ito ngunit lihim naman siyang natuwa.“Bigla ka na lang kasing tumahimik kaya nag-aasume lang ako na baka may nagawa akong mali or may nasabi akong hindi mo nagustuhan.” She said na nakatingin pa rin sa binata.Umiling ito na nakangiti sa kanya."It's just..."
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status