AFTER nitong nai-park ng maayos ang dalang sasakyan ay dumiretso na kaagad si Chandria sa loob ng nasabing resort.
"Hi Ma'am, welcome po sa Hidden paradise of dreams resort kung saan pwede po kayong mangarap ulit. I'm Javi Palma. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" super hyper na bati ng receptionist sa kanya. Pagpasok na pagpasok pa lang niya mismo. Inikot-ikot niya muna ang mga mata sa kabuuan ng resort at masasabi niya ngang mukhang relaxing naman ang lugar. Maganda at malinis ang ambiance nito. Mukhang friendly rin ang mga nagtatrabaho dito. Isang malaking ebidensya na ang babaeng nasa front desk na ito. Lumapit na siya at sinuklian din ng matamis na ngiti ang babae."Hi, miss! May magpareserve ng pangalan ko dito one month ago pa daw," panimula niya. "Paki-check na lang kung tama ba. Lexy Medina ang pangalan."Kaagad namang kumilos ang babae para e-check ito sa kanilang record."Kayo po ba si Ms.Chandria Santana?" tanong nito at tango naman ang binigay niya na sagot sa receptionist. "Meron po ba kayong I.d ma'am?" at inabot naman niya ang kanyang driver's licence."You may sit for a while ma'am." sabay turo nito sa sofa sa lobby area. "I'll just double check your info details. Thank you, po."Tumalima naman siya sa malambot na sofa na naroon. Nakita niya na tila marami-rami rin ang guest ng resort ngayong araw.Malapit sa kinauupuan niya ay tila magkasintahan dahil magkatabi ang mga ito na naupo sa isang mahabang sofa. Maganda, maputi,kulot ang buhok at baby face ang mukha ng babae. Habang matangkad at gwapo rin naman ang lalaki.Sa bandang kanan ng mga ito ay isang matabang lalaki naman at isang babae na may maikling buhok na kulay brown ang nakaupo. Sa hula niya ay magkaibigan ang apat.Bumalik ang mata niya sa mukha ng lalaking katabi ng cute at kulot na babae at ewan kung bakit biglang sumagi sa isipan niya na ikompara ito kay Niel.Bahagya siyang napailing. Iniisip niya pa lang ang pangalan ng lalakeng iyon ay kumukulo na kaagad ang dugo niya."Would you mind stopping staring at him?" boses ng babaeng kulot. Biglang nagising ang kanyang diwa at nalipat ang mata sa kulot na dalaga. Nakataas ang isang kilay nito habang masama ang tingin sa kanya."I—am sorry," taranta niyang paumanhin. "I didn't mean to. I was not on my mind for a couple of seconds." paliwanag niya."It's okay, miss. No worries." Nakangiting sabi naman ng lalake sa kanya at mahina nitong siniko ang katabi. "Pagpasensyahan mo na rin siya. Hindi lang maganda ang gising niya." ani pa nito.Mas lalo pa tuloy sumama ang tingin sa kanya ng kulot na babae."Thanks," maikli niyang sagot. "I'm Chandria by the way." pakilala niya sa kanyang sarili."I'm Ezekiel," sagot naman sa kanya ng lalaki. "This is Levy," turo nito sa katabing kulot na babae. "That is Nougat and Hazel." turo nito sa mga nakaupo sa kanyang kanan."Well, nice to meet you all." ani ni Chandria saka ngumiti. It was her first time na makipagkaibigan sa mga taong estranghero sa kanyang paningin at first time rin niyang makakita ng babaeng tila kakainin siya ng buhay."You can stop staring at me now, Levy." aniya saka ngumiti dito. "He's all yours and you look perfect as a couple."Unti-unti nang lumiwanag ang mukha ni Levy kaya doon na siya nakahinga ng maluwag. Itinutok niya na lang ang paningin sa babaeng nasa front desk na palapit sa kanya."Once again po, ma'am, thank you for choosing Hidden paradise of dreams resort for your dream vacation. Enjoy your one week stay with us!" nakangiti nitong sabi sabay abot na sa kanya ang ng key card sa kanyang magiging kwarto.May isang bell boy naman ang nag-approach sa kanya na siya ang maghahatid sa room nito. Ibinigay niya ang lahat ng dala-dala niyang maleta sa lalaki."Ako nga po pala si Mark, Ma'am." pakilala sa kanya ng bell boy na sa tantiya niya ay mas matanda siya dito ng ilang taon. Pinagbuksan siya nito ng pinto at nauna na itong pumasok. "Tumawag lang po kayo sa telepono kung may kailangan po kayo." habilin nito bago ito tuluyan na umalis.Nang mapag-isa na siya sa kanyang kwarto ay mabilis niyang hinubad ang suot na sandalyas at pabagsak na siyang nahiga sa malambot na kama na nandoon.Pansamantala muna niyang ipinikit ang pagod niyang mga mata at kalaunan ay iminulat rin ng makaramdam na ng gutom. Gustuhin niya mang mahiga pa muna pero ayaw naman siyang tantanan ng gutom niyang tiyan.Nagpalit lang siya ng komportable niyang damit saka lumabas papunta sa dining area ng resort. Naghanap siya ng bakanteng table at saktong may nakita naman siya. Pero habang papunta siya doon ay nararamdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya sa loob ng dala niyang maliit na bag. Alam niyang si Lexy lang naman ito. Kakamustahin siya kung maayos ba siyang nakarating.Kukunin na sana niya ang cellphone sa loob ng biglang may nararamdaman siyang gumagapang sa balikat niya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang maliit na gagamba na gumagapang sa balikat niya. Nagtitili at nagtatalon ito sa sobrang takot sa gagamba."Ano po yung nangyari sa inyo, Ma'am?" kaagad na tanong ni Javi sa kanya ng patakbo siya nitong pinuntahan. Nasa likod naman nito si Mark. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pag-alala sa kanya."May malaking gagamba kasi diyan," nanginginig niyang sabi sabay turo sa ilalim ng mesa. Kanina kasi nasa balikat niya perodahil sa pagtatalon niya siguro ay nalaglag ito at nagtago sa ilalim ng mesa.Kaagad naman tumalima si Mark sa ilalim ng tinuro niyang mesa para matingnan."Mabuti hindi ka nalunok ng gagamba."Isang familiar na boses ang narinig niya na tila ang lapit lapit lang nito sa kanya. Lumingon naman siya sa pinanggalingan ng boses at tama nga siya.The devil was beside her…again."Ano na naman ang ginagawa mo dito?" mataray niyang tanong. Hanggang ngayon kasi naiinis pa rin siya sa lalaking ito. Bakit kasi sa tuwing minamalas siya ay parang kabute na lang ito na basta na lang sumusulpot."Magkakape sana," maikling sagot sa kanya ni Niel with a sarcastic tone on it."Go on! Magkape ka. Naabala ba kita?" Mataray pa rin niya na sagot sabay irap sa binata."Ay hindi naman po! P—pero iyong BIGAT ninyo. Iyon po ang nakaka-abala sa pagkakape ko." diniinan pa ang salitang bigat. "What did he mean?" tila naasiwa niyang tanong sa isipan.Tiningnan niya pa ang dalawa na sina Mark at Camille na tila nangungusap ang kanyang mga mata kung ano ba iyong ibig sabihin ng sinasabi ng lalaking ito.Tapos saka niya lang din realize na naka-kandong pala siya sa binata at nakapulupot pa ang mga braso nito sa leeg ng lalake."Baka pwede ka ng tumayo, Miss Mataray. Talagang hindi biro ang bigat mo," lalong pang-aasar pa nito sa kanya. Namula na naman ulit ang kanyang mukha dahil napahiya na naman siya muli. Pikit ang mga matang dahan-dahan nitong tinanggal ang mga kamay na nakapulupot sa leeg ng binata."Ito na nga eh, tatayo na!" naiirita niyang sabi at pilit na hindi pinahahalata ang pagkapahiya. "Grabe ka, hindi naman akoganoon ka bigat. Like duh! FYI, 45 kilos lang ako 'no!" saka tumalikod na ito at hindi na nilingon pa ang lalake. Bumalik na lang ulit ito sa kanyang kwarto dahil parang bigla na lang nawala ang gutom niya dahil sa nangyari. "Sabi ko na kasing malas talaga ang birthday ko eh!" maktol naman niya sa kanyang isipan habang binabagtas ang hallway papunta sa kanyang kwarto.Pagdating niya sa loob ay naisipan nitong tawagan si Lexy."Kung sasabihin mong gusto mo nang umuwi pwes,tigilan mo ako, Chandy ha!" panimulang singhal kaagad sa kanya ni Lexy. Ni hindi man siya nito pina-hello at pinagalitan na kaagad."Pero gustong-gusto ko na talagang umuwi. Namimiss ko na kayo." sagot niya. Alam niyang maganda ang view pero ano naman ang silbi non kung mag-isa lang siya dito. Idagdag mo pa iyong mga kamalasang nangyayari sa kanya. Noong una malakas pa talaga ang loob niyang matapos ang isang linggo na mamalagi dito pero ngayonparang bigla na lang nag-iba."Ano ba iyan Chandy! Isang araw ka pa nga lang diyan tapos atat ka ng umuwi.Tigilan mo ako Chandy ha! Pag-ikaw umuwi dito na hindi pa natatapos ang buong week na pinareserve ko diyan sa resort na iyan. Hindi talaga ako magpapakita sa'yo!" banta naman sa kanya ng kaibigan."Lex naman eh!" she pouted her lips at kulang na lang ay magpapadyak-padyak ito sa sahig dahil sa inis. "Ano ito torture? Naku kung_"Marami pa sana siyang sasabihin sa kaibigan ngunit mukhang binabaan na ito ng telepono. Kaya pabagsak na lang muli siyang nahiga sa kanyang kama. Gusto niyang maiyak ngunit sa ano namang dahilan? Dahil ba ayaw siyang pauwiin?After 5 minutes na sa ganoong ayos siya ay napilitan na naman siyang lumabas muli ng kanyang kwarto dahil hindi na niya talagamapigilan ang gutom na nararamdaman. Naiinis na naman siya muli nang masagi na naman sa isipan niya ang kamalasang binigay sa kanya ng Niel na 'yon. Kung hindi dahil kasi sa kanya, eh di sana busog na siya ngayon.Nasa loob na ito ng dining area ng resort nang mamataan na naman niya si Niel na hanggang ngayon ay nasa pwesto pa rin nitokanina. Kampante lang itong naka-upo na tila may tinitipa sa laptop nito.Dinedma niya na lang ngunit may kung ano sumaging masamang idea sa isip niya. Timing din naman dahil parang kanina niya pa gustong tirisin ang binata para lang makaganti sa buong araw niya na nasira lang.Lumapit ito sa counter at nagpagawa ng chicken salad doon. Humingi din siya ng isang basong tubig kahit hindi namantalaga siya nauuhaw.Balak kasi nitong tapunan ng tubig na dala-dala niya ang binata. Kunwari ay naglalakad ito na tila naghahanap ng bakanteng upuan then kapag malapit na siya sa table ng binata. Magkukunwari itong matatapilok para matapon nito ang buong laman ng baso sa binata. She began to count from one to ten."Holy shit!" narinig niyang malutong na mura ng binata.Medyo natuwa naman siya ng kaunti dahil kahit sa ganun lang aynakaganti na siya. Alam niyang ang childish ng ginawa niya pero who cares. As long na maiganti lang man niya ang sarili ay matatahimik na siya."Oops! Ay natapon!" malungkot nitong sabi ngunit may kaunting sarkasmo naman sa tinig niya."Wow! Is that all you have to say? Nakaligtaan mo naman yatang mag-sorry," nang-aasar din na sabi ni Niel. Na parang dinadaan na lang ang kunting galit nito sa ngiti."Well, bakit kaya hindi muna ikaw iyong maunang mag-sorry? After giving all those bad luck to me," palaban din niyang sagot nanilalabanan din ang galit na titig ng binata sa kanya. Sa buong buhay niya first time niya talagang makipag-away at sa mismongkaarawan na naman niya."So, hindi pala aksidenti ang nangyari ngayon? It was all your intention. Sa naalala ko kanina, Miss, humingi ako sa'yo ng sorry. Not once but I already apologize to you twice. Hindi pa ba iyon sapat?" nakangising sabi ni Niel habang lumakad ng palapitsa kanya. Dahil sa gusto niyang mapanindigang na hindi siya natatakot sa binata ay hindi ito umatras. Steady lang ito sa kinatatayuan niya habang nilalabanan ang titig ng binata.Nakahinga lang ito ng maluwag nang mapahinto na ang binata sa paglapit sa kanya kahit na isang dangkal na lang ang pagitan ng mga katawan nila."I'm j—just asking you to say sorry. Big deal ba iyon sa'yo?" nauutal na niyang sabi na tila nagsilayasan na ang tapang na meron siya kanina. Para kasing biglang na lang nanghina ang mga binti niya. "H–hindi rin naman biro ang tumilapon ng malayo, maagawan ng mapagparkingan at...."Hindi na niya naituloy dahil mas lalo na mismong inilapit ng binata ang mukha nito sa mukha niya. Mas lalo lang nanlaki angkanyang mga mata ng tangkain na siyang halikan ng lalake kaya't napa-pikit na lang siya."I like your perfume and I'm sorry. Hoping we're quits," bulong nito na halos magsitayuan ang balahibo nito sa batok.Saka niya lang iminulat ulit ang mga mata at nakita ang papalayong binata. Napasinghap na lang siya habang pinakakalma ang puso niyang biglang nagwawala.Gustuhin mang matulog na ni Chandria ngunit ayaw naman siyang patulugin ng isipan niya. Hinding hindi pa rin nito maalis-alis sa isipan niya ang binulong kanina ng binata sa kanya. It was a plain and simple sorry ngunit parang tumagos talaga sa buong pagkatao niya. Ni hindi niya nga alam kung maluwag ba talaga iyon sa puso ng lalake habang sinasabi iyon pero it was sort of comforting. Parang sa hindi niya maipaliwanag na dahilan biglang naglaho ang galit at inis niya sa binata. At kahit nga ang mismong pabango nito ay pakiramdam niya ay naiwan pa rin sa loob ng kanyang ilong na hanggang ngayon ay nalalanghap pa rin niya."Oo na, gwapo kana!" parang timang na sigaw niya saka gumulong-gulong sa kama. At dahil sa hindi talaga siya dinadalaw ng antok ay nagpasya na lang itong lumabas ng kwarto niya at maglakad-lakad sa dalampasigan. Inayos nito ang suot na hooded jacket dahil medyo malamig talaga ang dapya ng hangin sa kanyang balat.Naalala niyang weekend pala ngayon kaya medyo marami p
"Lexy, ano ba! Thirty minutes pa please," ingos ni Chandria habang tinatakpan ang tainga ng unan mula sa ingay na kumakatok mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Ewan ba niya kung bakit ngayon lang siya tinamaan ng matinding antok at pagod ang kanyang katawan. Iyong tipong half awake ang utak niya at tulog na tulog naman ang kanyang mga mata. Ni hindi nito maidilat sa sobrang antok na nararamdaman.Ngunit sadyang makulit talaga ang kumakatok at mas lalo pa nitong nilakasan. Sa inis nito ay naitapon niya ang unan nanakatakip sa tenga niya. Padabog itong tumayo at naka-pikit pa rin ang mga mata. Tinungo ang pintuan at doon niya napagtanto ang kasabihang magbiro ka lang sa lasing huwag lang sa ina-antok pa rin."Lexy naman eh!" malakas niyang bulyaw ngunit natutup niya ang bibig nang ma-realize na nasa Cebu pala siya at ang gwapo ng sinigawan niya. Bagong ligo ito na sobrang fresh ang aura sa suot niyang cargo shorts at plain na white T Shirt. Idagdag mo pa ang mabangong pabango nito na di
Sa hindi masyadong kalayuan mula sa kinatatayuan ni Niel ay sobrang naaaliw ito habang palihim na minamasdan si Chandria. Para itong batang paslit na tila nag-eenjoy sa pamumulot ng mga shells. Nakadagdag pa sa kagandahan nito ang kulay purple nitong buhok na masayang nilalaro ng hangin. Hindi niya namamalayan na humahakbang na pala siya palapit dito. Lihim siyang napangiti sa sarili. Mukhang tinamaan talaga siya sa dalaga. Simula pa nang makita niya ito sa simenteryo ay hindi na ito muling umalis sa isipan niya ang mukha ng dalaga. Parang itinadhana pa nga na pinagkrus muli ang kanilang mga landas. Hindi na niya ito natatanaw mula sa malayo kundi nakakausap pa niya ito at saglit na nahawakan ang malambot nitong mga palad.Iyon nga lang hindi pa rin maalis-alis ang pagiging mataray nito ngunit mukhang hindi na bago iyon sa kanya. Parang naging cute pa nga ang dating non."Ano naman ang gagawin mo diyan?” hindi niya ina-asahang mapa-pitlag ang dalaga sa biglaang pagsulpot niya. Bigla t
"Maliit nga!" bulalas ni Chandria nang nasa tapat na sila ng Mall na sinasabi ni Niel. Kunsabagay ano ba naman ang ini-expect mo sa tagong lugar na ito.Hindi naman ito City para maka-kita ka talaga ng naglalakihang mall."Ang sabi naman ni Javi na kahit may kaliitan daw ito ay kumpleto naman sila sa lahat kaya tingnan na lang natin," suhestiyon ni Niel at nauna na itong pumasok.Kapwa naman silang natuwa sa nakita sa loob pag-pasok nila dahil mukhang maliit lang ito tingnan sa labas pero marami namang laman ang loob. Nilapitan sila ng isang sales lady na naroon at nakita niyang may itinuturo ito kay Niel kaya hinayaan niya na muna ang binata sa portable carrier dahil parang magnet kasing nahagip ng mata niya ang isang ilang naggagandahang key chain, palamuti sa katawan at ibang mga bagay na pwedeng pampasalubong. Mabilis niyang nilapitan ang mga ito at napangiti ng bahagya. Balak din naman talaga niyang bilhan ng pasalubong ang tatlo. "Ang ganda nila?" mahina niyang usal habang hindi
Mula pa kanina sa kotse hanggang sa makarating na sila ng resort ay hindi pa rin siya kinakausap ni Niel. Hindi na lang siya nangulit dahil mukhang napaka-seryoso na ng mukha nito.Palihim na lang niya itong sinusulyapan habang nagpapakain ito sa tuta ngunit mukhang mabigat talaga sa loob niya na hindi sila nag-iimikangdalawa.Parang nakakapanibago iyon sa kanya. Hindi niya man ugali ang lumunok ng pride at mukhang mapapasubo siya ngayon. Hindi na siya nakatiis at nilapitan niya ito. Umupo din siya sa buhangin para matabihan ang binata."Sorry na," malumanay niyang sabi. Lumingon naman sa kanya si Niel at tipid siyang nginitian."Bakit ka nagsosorry? Inaway mo ba ako?” he said na parang inaasar na naman siya. Pinandilatan niya ito ngunit lihim naman siyang natuwa.“Bigla ka na lang kasing tumahimik kaya nag-aasume lang ako na baka may nagawa akong mali or may nasabi akong hindi mo nagustuhan.” She said na nakatingin pa rin sa binata.Umiling ito na nakangiti sa kanya."It's just..."
Nang mapagod sa kakasigaw ay muli itong umayos ng higa at tumitig sa kisame. Isang ngiti na naman ang namumutawi sa kanyang labi ng sumagi sa kanyang isipan ang pinagsasabi ng binata sa kanya kanina. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang gwapong mukha ng binata na parang kahit saang anggulo ng kwarto siya tumingin ay nandoon ang mukha ni Niel.“Nababaliw na siguro ako!” hindi niya mapigilang ibulalas ng medyo kumalma na ang kanina’y nagwawala niyang puso. Bahagya nitong sinilip ang tuta na ngayon ay tahimik lang itong naka-hilata sa loob ng carrier. Tila masarap ang tulog nito kaya pansamantala muna niyang hinayaan ito. Bumalik ulit siya sa pagkakahiga at pilit na pinahihinga ang sariling mga mata at isipan ngunit napabalikwas din siya ng bangon nng makarinig ng katok sa pintuan. Kahit nagtataka ay bumangon naman ito para pagbuksan ang kumakatok pero bago ‘yon, inayos niya muna ang sarili.“Bakit?” naiilang niyang tanong ng makita kung sino ito."Samahan
Napangiwi kaagad si Chandria nang makita sa salamin ang makapal na eye bags nito. Halata talagang wala siyang tulog at isa lang naman ang naisip niyang may kasalanan nito, si Niel. Hindi talaga siya pinatulog nito kagabi dahil kahit anong pikit ang gagawin niya ay hindi talaga maalis sa isipan niya ang banta ng binata. Ang gwapo nitong mukha at iyong inakala niya na hahalikan siya ng binata. Ilang beses siyang napa-iling dahil parang hindi ito makapaniwala dahil biglang sumilay ang ngiti sa kanyang labi habang naiisip iyon.Muli na naman siyang nahiga ulit ito sa kama at ipinikit sandali ang mga mata. Dinama ng maigi ang dibdib at pilit pinakikiramdaman ang nararamdam. At kahit anong gawin nito ay talagang nahuhulog at nahuhulog talaga ang loob niya sa binata.Napabalikwas lang siya ng bangon ng marinig ang pagkahol ng tuta. Nagwawala ito sa sahig at tila nagpapahiwatig na gusto na niyang lumabas. Isang masiglang ngiti ang ipinukol nito sa tuta dahil bigla na lang itong sumigla. Paran
“Woah! Ang ganda ng panahon ngayon, ang sarap naman maligo.” Parinig sa kanya ni Javi na pilit naman niyang ini-ignora. Wala kasi ito sa mood na maligo lalo na kulang ito sa tulog.Kasalukuyang nakalatag sila ngayon ni Javi sa tabi ng dagat habang nanunuod sa mga taong sobrang ini-enjoy ang paliligo sa mismong lugar. Binuhat nito si Natsu at inilapag iyon sa kanyang kandungan. Katulad nila tahimik lang din ito na nakatanaw sa mga tao.Napabuntong hininga na lang siya habang nakikinig sa mga malulutong na tawanan ng mga tao. Hindi na rin niya maiwasang mainggit. First time in her life na makaramdam siya ng ganito kaboring na araw at feeling niya ay any moment masisiraan na siya ng bait. Well, aminado siyang boring din ang daily routine niya dahil shop at bahay lang ang napupuntahan niya. Pero dahil tutuk ito sa kanyang negosyo kaya aminado siyang walang oras na makakaramdam siya ng pagka-boring.Sa kakalikot ng mata niya ay aksidente nitong nahagip ng paningin si Niel. May kasalukuyan
Nasa kalagitnaan na siya ng trapiko nang muli na namang bumalik sa isipan niya ang mabait na boss. Napapa-isip pa rin siya dahil parang familiar sa kanya ang pangalan ng babae. Hindi niya lang matandaan kung saan niya narinig o kanino."Hindi kaya nagkita na kami noon pa?" bulong niya at ikiniling ang ulo. Nagmumukha na kasi siyang baliw kung magpapatuloy pa siya. Saktong paglingon niya sa kabilang linya ay nahagip ng kanyang tingin ang malaking billboard ng Quirino family. Namungay ang mata nito ng makita ang lalaking mahal niya na pinagitnaan ng mga magulang. Hindi niya maiwasang mapangiti, no words can expressed how much she missed that guy.Binaba pa nito ng maigi ang salamin ng kotse para makita ito ng maayos. Lalo lang itong gumuwapo sa bago nitong style na buhok. Kagalang-galang na rin ang dating nito na tila seryoso na sa buhay. Hindi niya tuloy maiwasang itanong sa sarili kung makulit pa rin ba ito katulad ng dati. Kung mahilig pa ring mang-asar. Ilang sasakyan na ba ang nako
Four years later......."Hi!" bati niya kay Nougat pagkabungad niya mismo sa cake shop nang mga ito. "Mag-isa ka lang? Nasaan ba si Hazel?"“ Hindi pa naka-uwi 'eh." sagot ni Nougat. "Medyo na late ka 'ha!” maarteng wika pa nito.“Yeah, I’m sorry,” nakangiwi niyang sabi. Nagpareserved kasi siya ng cake sa mga ito at kukunin niya by 5:00 P.M ngunit dahil marami siyang inasikaso ngayong araw kaya medyo na late ng isang oras ang kanyang pick-up time. “Ang dami ko kasing customer na inasikaso.” paliwanag niya.“Ano ka ba, okay lang ‘no!” sagot naman ni Nougat. “Pero huwag puro trabaho ‘ha! Minsan mag-jowa ka rin para balance. Charot!” Bahagya naman siyang natawa sa biro ng bakla. “Oh, ‘sya! Sandali at kukunin ko na iyong cake mo. Maupo ka muna,” ani nito bago tumalikod.Umupo naman siya sa bakanteng silya na naroon at nalungkot ng konti nang makita ang larawan nina Levy at Ezekiel na nakasabit sa pader. Magkatabi ang dalawa habang puno ng sigla at saya ang makikita mo sa kanilang mga m
Two weeks later….Nasa harapan siya ng puntod ng ina habang ang ibang mga kaibigan at kakilala ng ina na dumalo sa pakikipaglibing ay isa-isang na rin nagsi-uwian. Habang naiwan pa rin silang tatlo nina Sena at Norilyn sa harap ng puntod ng ina. Napapagitnaan siya ng mga ito at walang humpay pa rin ang hikbi ng dalawa habang siya'y wala sa sariling nakatingin lang sa lapida ng ina. She was supposed to be happy dahil magkasama na ang parents nito sa langit. They reunited and hoped they found forgiveness in their hearts too."I can't believe na wala talaga siya!" ani ni Sena na walang tigil pa rin ang hikbi. "She wasn't just a mentor to me. Para ko na rin siyang pangalawang ina. Ang dami niyang naitulong sa akin at ni hindi man lang ako lubusang nakapag-bayad sa kanya ay kinuha na kaagad siya ni Lord."Malungkot na sinulyapan niya lang ito dahil kahit siya ay hindi rin gaano ka tanggap ang pagkawala ng ina. She is totally orphaned now."She's been a good boss to me. Hindi ko alam kong
"May cancer po ang Mama nyo, two years ago pa," panimula ng P.A ng Mommy niya na si Norilyn. Parang nag-echo iyon sa kanyang pandinig. She kept on asking herself kung bakit ito nangyayari sa kanya. Bakit hindi man lang niya magawang maging masaya.Her mother is dying at hindi niya alam kung ilang araw at buwan niya na lang itong makakasama."Bakit niya nagawang ilihim ito sa akin?" nakatulalang tanong niya habang titig na titig sa natutulog na ina."Iyon po ang hindi ko alam pero alam ko po kung gaano kayo ka mahal ng iyong ina. Araw-araw, ikaw lang po ang bukambibig niya. Kung gaano na raw kayo ka ganda ngayon at kung gaano kayo kakulit noon." Napangiti siya ng mapait. "She really wanted to live a long more years kaya sa kabila ng sinasabi ng mga doktor sa kanya na may 30% na chances na lang ito na maka-survive. Hindi talaga siya nawalan ng pag-asa. Kahit na gustong-gusto na niyang sukuan ang mga chemo session niya ngunit pilit niyang kinakaya. Gustong-gusto niya kasing bumawi sa iny
A week after she totally lost Niel, she decided to go somewhere else that can heal her brokenness. Naintindihan naman iyon ng Nanay Bebang niya at ni Lexy. Gaya ng pangako ng ina ni Niel, ibinalik na nito ang lahat sa normal. Bumalik na si Ken sa kompanyang pinagtatrabahuhan pati na rin ang ama ni Ana. Hindi na rin natuloy ang paglipat nila ng bagong pwesto dahil biglang nagbago raw ang isip ng buyer ayon kay Mrs. Hernandez. Laking tuwa rin ni Ana ng ibalita sa kanya na may bago na itong sponsor sa kanyang scholarship. Wala na rin problema si Lexy sa catering at reception ng kanilang kasal ni Ken.Everything go back to normal, maliban lang sa kanyang nararamdaman. She can't deny the fact that she doesn't even know how to move on and go back to her normal life. Hindi naman siya dating ganito at alam niyang sanay na sanay siya sa disappointment na nangyayari sa kanyang buhay. Sa murang edad niya ay nasaksihan na niya kong paano masaktan ng husto. She grew up and tried so hard to be str
Dumaan ang isang linggo matapos ang break up nila ni Niel. Panay ang tawag ng binata sa kanya ngunit hindi niya lang ito sinasagot. Isang linggo na rin siyang nakakulong lang sa kanyang kwarto. Gustuhin niya mang pumasok sa kanilang shop pero alam niyang pupunta at pupunta doon si Niel at iyon ang gusto niyang iwasan. She can't take it to see him suffer in pain. Crying in front of her and begging for her to come back. Alam niyang masakit ang kanyang piniling desisyon and half of it ay gustong gusto niyang pagsisihan ngunit wala naman siyang magagawa. She just keep convincing herself that she do the right thing. Kailangan niyang magsakripisyo alang-alang sa mga taong nakapaligid sa kanila. At kung sila talaga ni Niel sa huli ay muli silang pagtatagpuin ng tadhana at kung hindi man ay magiging masaya pa rin siya para sa binata. Napatingin siya sa labas ng bintana ng kanyang kwarto. Walang bituin sa kalangitan kaya bigla na lang siyang nalungkot dahil tila uulan ngayong gabi."Chandy!
Hindi mabilang ni Chandria kung ilang oras na siyang umiiyak sa loob ng kanyang kwarto habang naka-talukbong ng kumot. Laking pasasalamat na lang niya dahil walang tao sa apartment nila kaya malaya niyang nailalabas ang kanyang nararamdaman.Nang mapagot ang mata sa kaka-iyak ay marahan itong bumangon sa kama at malungkot na nakatitig sa mga nagkalat na mga larawan nila ni Niel sa sahig. Hindi na naman niya napagilang muling humikbi dahil parang kanina lang ang saya-saya niya habang tinitingnan ang mga iyon.Kumuha ito ng malaking box at mabigat ang loob na nilagay ang mga iyon isa-isa para tuluyan ng itago. Kasama na rin ang hindi pa nito tapos na scrapbook. Niyakap niya ito ng mahigpit dahil hindi rin niya alam kung matatapos pa niya ito o’ ipagpapatuloy pa.Bigla siyang napapitlag ng mag-ring ang kanyang cellphone. Tumatawag si Lexy. Inayos niya muna ang sarili bago sumagot at ganun na lang ang sumalakay na kaba sa kanyang dibdib sa ibinalita nito. Biglang sumikip daw ang dibdib ni
Kanina pa siya naka-park sa parking area malapit sa kanilang shop at hindi na rin niya alam kung ilang minuto na siyang nasa loob ng kanyang kotse. She was just sitting there. Tulala at tila pagod na pagod ang utak.Mariin siyang napapikitat nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Pilit niyang pinagtatagpi-tagpi sa kanyang isipan ang susunod na mangyayari sa kanila ni Niel. Pilit sinasagot ang tanong na kung sasaya ba siya muli kapag dadating ang oras na bibitawan na niya ito.Mabilis siyang tumingala ng pakiramdam niya ay tila babagsak na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Dali-dali niyang inayos ang sarili at hinablot ang bag sa tabi. Lumabas ng kotse at pilit na pinasisigla ang mukha."I'm back!" wika niya at pilit na pinasisigla ang boses."Welcome back, ate!" bati ni Ana ngunit nasa ginagawa nito ang mga mata."Buti dumating ka na," ani ni nanay Bebang sa kanya. Lumapit siya sa matanda at nagmano rito. "Mukhang pagod na pagod ka yata? Gusto mo bang ipagtempla kita n
Natulala na lang si Chandria sa maagang bad news na bungad sa kanya ni Ms. Hernandez, ang may ari ng inuupahan nilang building kung saan kinaroroonan ng kanilang shop. "Ms. Hernandez naman! Nagbibiro po ba kayo?" wika niya na nakapamewang ang isang kamay habang sapo naman ng isang kamay ang noo niya. Mukhang aatakihin yata siya ng migrain niya ngayong araw. "Saan naman kami makakahanap ng bagong pwesto sa loob ng isang buwan lamang?" "Pasensya ka na talaga, hija. Kailangan ko rin kasi ng pera para sa apat kung anak na mag-kolehiyo. Eh, masyado nang malaki ang kalahating milyon para sa pwesto ninyo kaya—hindi na ako makatanggi pa at kaagad ko ng tinanggap ang offer ng buyer." paliwanag sa kanya ng may-ari ng nirerentahan nilang shop. Tahimik naman na nakikinig lang si Lexy at Nanay Bebang sa isang tabi. Nag-iisip din ang mga ito kung ano na ang gagawin nila dahil kahit sila ay gulat rin. Mahigit walong taon na rin kasi sila sa kanilang pwesto at napa-mahal na rin ang lugar sa ka