Napangiwi kaagad si Chandria nang makita sa salamin ang makapal na eye bags nito. Halata talagang wala siyang tulog at isa lang naman ang naisip niyang may kasalanan nito, si Niel. Hindi talaga siya pinatulog nito kagabi dahil kahit anong pikit ang gagawin niya ay hindi talaga maalis sa isipan niya ang banta ng binata. Ang gwapo nitong mukha at iyong inakala niya na hahalikan siya ng binata. Ilang beses siyang napa-iling dahil parang hindi ito makapaniwala dahil biglang sumilay ang ngiti sa kanyang labi habang naiisip iyon.Muli na naman siyang nahiga ulit ito sa kama at ipinikit sandali ang mga mata. Dinama ng maigi ang dibdib at pilit pinakikiramdaman ang nararamdam. At kahit anong gawin nito ay talagang nahuhulog at nahuhulog talaga ang loob niya sa binata.Napabalikwas lang siya ng bangon ng marinig ang pagkahol ng tuta. Nagwawala ito sa sahig at tila nagpapahiwatig na gusto na niyang lumabas. Isang masiglang ngiti ang ipinukol nito sa tuta dahil bigla na lang itong sumigla. Paran
“Woah! Ang ganda ng panahon ngayon, ang sarap naman maligo.” Parinig sa kanya ni Javi na pilit naman niyang ini-ignora. Wala kasi ito sa mood na maligo lalo na kulang ito sa tulog.Kasalukuyang nakalatag sila ngayon ni Javi sa tabi ng dagat habang nanunuod sa mga taong sobrang ini-enjoy ang paliligo sa mismong lugar. Binuhat nito si Natsu at inilapag iyon sa kanyang kandungan. Katulad nila tahimik lang din ito na nakatanaw sa mga tao.Napabuntong hininga na lang siya habang nakikinig sa mga malulutong na tawanan ng mga tao. Hindi na rin niya maiwasang mainggit. First time in her life na makaramdam siya ng ganito kaboring na araw at feeling niya ay any moment masisiraan na siya ng bait. Well, aminado siyang boring din ang daily routine niya dahil shop at bahay lang ang napupuntahan niya. Pero dahil tutuk ito sa kanyang negosyo kaya aminado siyang walang oras na makakaramdam siya ng pagka-boring.Sa kakalikot ng mata niya ay aksidente nitong nahagip ng paningin si Niel. May kasalukuyan
Sa isang banda naman ay kanina pa paikot-ikot si Niel sa kabuuan ng resort. Hinahanap nito si Chandria dahil sabi ni Mark ay lumabas ito para maglakad-lakad ito saglit. Nakaramdam din ito ng matinding guilt dahil ilang oras din itong nagmumukmok doon sa loob ng dining area.Laking pasasalamat na lang nga niya at nalingat nito ang grupo ni Famela kaya nakawala siya sa mga ito.Sila nga ang mga kasama nito ngunit nasa dalaga pa rin ang isip niya. He never ever felt this kind of boredom kapag may magaganda at nagseseksihang mga babae sa paligid niya ngunit parang nag-iba na ngayon. This kind of boredom is killing him right now. Gusto na nitong makita ang dalaga at yakapin ito ng mahigpit.Tila sobra niya itong na miss ngayon. Naisipan nitong tawagan sana kaya lang na realize nitong wala pala itong number ng dalaga. Sinubukan niyang kontakin si Javi ngunit bigo din siya dahil wala rin itong number ni Chandria.Napa-suntok siya sa ere sa sobrang inis sa kanyang sarili kung bakit hindi man
Sa labas muna sila tumambay ni Niel habang ginagamot nito ang sugat niya sa paa. After malinis at malagyan nito ng band aid ay nabawasan na ang sakit. Pagkatapos niyan ay kaagad din siyang nagpaalam na maunang umakyat dahil pinakiusapan nito si Javi na iakyat muna si Natsu sa kanyang kwarto dahil baka napagod na rin ang tuta sa buong maghapon sa labas.Pagkapasok niya ay nadatnan nga niya itong mahimbing na natutulog sa sahig. Dahan dahan niya itong binuhat sa loob ng carrier nito at kinumutan.After niyan nagpasya na itong maligo dahil ang alat na rin ng kanyang balat at medyo madumi na rin ang suot niyang shorts. Bago tuluyang hinubad ang buong saplot ay muli na naman itong napangiti nang maalala na may boyfriend na pala siya. Iniisip nito kung atakihin ba sa puso si Lexy oras na malaman niya ito."Bahala na nga!" ani niya sabay ngiti at itinuloy na ang balak na maligo.Ilang minuto din siyang nagtagal sa loob ng banyo bago siya natapos at nagpasya na matulog na rin ngunit nag-iba
Sa sobrang himbing ng pagkakatulog ni Chandria ay inabot na siya ng tanghali ng gising. Inilibot niya ang kanyang paningin at kunot ang noo na napabangon ito. Hindi na niya matandaan kung paano siya nakabalik sa loob ng kanyang kwarto. Matapos kasing pinagsaluhan nila ni Niel ang mainit na sandali ay bagsak na bagsak na ang katawan nito.Sinilip nito ang sarili na natatabunan ng makapal na kumot at napangiti ito nang makitang nakadamit naman siya ngunit nawawala ang dalawang panloob nito.Napatakip ito ng kumot sa kanyang mukha ng muling sumagi na naman ang nangyari sa kanila kagabi ni Niel. It was a random ngunit ginusto naman niya. "I'm sure Lexy is probably gonna kill me if she knows this." ani niya sa kanyang isipan habang nakatitig na naman ang mga mata sa kisame.Pakiramdaman din nito ang gitnang bahagi ng kanyang katawan at napangiti na lang siya dahil hindi na ito masyadong masakit maliban lang sa balakang nito na ramdam pa rin niya ang pangangalay.Pinilit nitong bumangon
Mahigit sa kalahating minuto na rin mula ng lumapag ang sinakyan na eroplano nila Chandria at Niel at ngayon ay binabaybay na nila ang daan papunta sa mismong shop ng dalaga."Mahilig ka talaga sa sasakyan?" hindi mapigil ni Chandria na mapatanong habang iniikot ang tingin sa loob ng sasakyan ng binata na Ferrari na kulay matte black. Ngiti naman sinagot sa kanya ng binata dahil obvious naman kasi."Mas okey na sasakyan lang ang kokolektahin ko kesa sa babae, diba?" pang-aalaska ni Niel sa kanya. Nakangiting inirapan na lang niya ito at pansamantalang ibinaling ang tingin sa Sakto naman na dumapo ang mata nito sa dati nilang bahay. May konting lungkot ang humaplos sa kanyang puso nang makita ang malaking karatula na 'For Sale' sa gilid ng gate."Sandali lang! Pwede bang ihinto mo muna ang sasakyan." pakiusap nito na agad naman na pinagbigyan ni Niel. Sa mismong tapat ng dati nilang bahay ipinarada ng binata ang sasakyan.Hindi maintindihan ni Chandria sa kanyang sarili kung anong nag
"Finally, I'm home!" nakangiting anas ni Chandria pagbungad pa lang mismo nito sa pintuan ng kanilang apartment. Mabilis itong nagtanggal ng suot na sandals at inihagis ang susi ng apartment sa maliit na basket na nakapatong sa ibabaw ng shoe rack. Ipinasok na rin nito ang maliit niyang maleta.Maaga talaga siyang pina-uwi ni Nanay Bebang para daw makapagpahinga siya ng mabuti. Sumang-ayon naman siya dahil ramdam na ramdam din niya ang pagod ng katawan mula pa kaninang dumating siya. Hindi niya lang pinapahalata dahil kailangan pa nitong tumulong kina Lexy at Ana sa pag-aayos sa shop nila. Nahihiya naman kasi siya dahil may limang araw siya na pahinga samantalang sige ang pagtatrabaho ng mga ito.Kaagad na itong dumiretso sa kwarto niya at pabagsak na humiga sa kanyang kama. She's really damn drained ngunit nagawa pa rin nitong kumilos para kunin ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Sa isip niya, mukhang mapapadalas na yata ang paghawak nito sa kanyang cell phone dahil kay Niel. Ti
Natameme si Chandria ng alas-kwatro pa lang ng hapon ay nasulyapan na nito ang puting Land Cruiser Prado na sasakyan ng binata sa labas ng kanilang boutique shop. Madalas kasi ay gabi na siya nito pinupuntahan dahil busy din ito sa kanyang negosyo. Iyon din naman kasi ang napagkasunduan nilang dalawa dahil pareho naman nilang mahal ang kani-kanilang mga negosyo. Maliban lang kung araw ng Linggo dahil parehong day off nila.They even call it 'a bonding day' at buong araw silang magkasama."Why are you so early, today?" kunot ang noo na tanong niya nang pumasok na ito sa loob. Hindi siya nito sinagot. He just smiled at pinulupot nito ang braso sa bewang niya. Muntik na tuloy niyang mabitawan ang hawak nitong mga hanger."Na miss lang kita," paglalambing nito at ginawaran siya ng halik sa pisngi. "Let's go on a date," ani nito ngunit mabilis niya naman itong pinandilatan ng mata.Mabilis itong napatingin sa kanyang wristwatch. "Two more hours to go, honey." Nakangiwi nitong sabi dahil hin
Nasa kalagitnaan na siya ng trapiko nang muli na namang bumalik sa isipan niya ang mabait na boss. Napapa-isip pa rin siya dahil parang familiar sa kanya ang pangalan ng babae. Hindi niya lang matandaan kung saan niya narinig o kanino."Hindi kaya nagkita na kami noon pa?" bulong niya at ikiniling ang ulo. Nagmumukha na kasi siyang baliw kung magpapatuloy pa siya. Saktong paglingon niya sa kabilang linya ay nahagip ng kanyang tingin ang malaking billboard ng Quirino family. Namungay ang mata nito ng makita ang lalaking mahal niya na pinagitnaan ng mga magulang. Hindi niya maiwasang mapangiti, no words can expressed how much she missed that guy.Binaba pa nito ng maigi ang salamin ng kotse para makita ito ng maayos. Lalo lang itong gumuwapo sa bago nitong style na buhok. Kagalang-galang na rin ang dating nito na tila seryoso na sa buhay. Hindi niya tuloy maiwasang itanong sa sarili kung makulit pa rin ba ito katulad ng dati. Kung mahilig pa ring mang-asar. Ilang sasakyan na ba ang nako
Four years later......."Hi!" bati niya kay Nougat pagkabungad niya mismo sa cake shop nang mga ito. "Mag-isa ka lang? Nasaan ba si Hazel?"“ Hindi pa naka-uwi 'eh." sagot ni Nougat. "Medyo na late ka 'ha!” maarteng wika pa nito.“Yeah, I’m sorry,” nakangiwi niyang sabi. Nagpareserved kasi siya ng cake sa mga ito at kukunin niya by 5:00 P.M ngunit dahil marami siyang inasikaso ngayong araw kaya medyo na late ng isang oras ang kanyang pick-up time. “Ang dami ko kasing customer na inasikaso.” paliwanag niya.“Ano ka ba, okay lang ‘no!” sagot naman ni Nougat. “Pero huwag puro trabaho ‘ha! Minsan mag-jowa ka rin para balance. Charot!” Bahagya naman siyang natawa sa biro ng bakla. “Oh, ‘sya! Sandali at kukunin ko na iyong cake mo. Maupo ka muna,” ani nito bago tumalikod.Umupo naman siya sa bakanteng silya na naroon at nalungkot ng konti nang makita ang larawan nina Levy at Ezekiel na nakasabit sa pader. Magkatabi ang dalawa habang puno ng sigla at saya ang makikita mo sa kanilang mga m
Two weeks later….Nasa harapan siya ng puntod ng ina habang ang ibang mga kaibigan at kakilala ng ina na dumalo sa pakikipaglibing ay isa-isang na rin nagsi-uwian. Habang naiwan pa rin silang tatlo nina Sena at Norilyn sa harap ng puntod ng ina. Napapagitnaan siya ng mga ito at walang humpay pa rin ang hikbi ng dalawa habang siya'y wala sa sariling nakatingin lang sa lapida ng ina. She was supposed to be happy dahil magkasama na ang parents nito sa langit. They reunited and hoped they found forgiveness in their hearts too."I can't believe na wala talaga siya!" ani ni Sena na walang tigil pa rin ang hikbi. "She wasn't just a mentor to me. Para ko na rin siyang pangalawang ina. Ang dami niyang naitulong sa akin at ni hindi man lang ako lubusang nakapag-bayad sa kanya ay kinuha na kaagad siya ni Lord."Malungkot na sinulyapan niya lang ito dahil kahit siya ay hindi rin gaano ka tanggap ang pagkawala ng ina. She is totally orphaned now."She's been a good boss to me. Hindi ko alam kong
"May cancer po ang Mama nyo, two years ago pa," panimula ng P.A ng Mommy niya na si Norilyn. Parang nag-echo iyon sa kanyang pandinig. She kept on asking herself kung bakit ito nangyayari sa kanya. Bakit hindi man lang niya magawang maging masaya.Her mother is dying at hindi niya alam kung ilang araw at buwan niya na lang itong makakasama."Bakit niya nagawang ilihim ito sa akin?" nakatulalang tanong niya habang titig na titig sa natutulog na ina."Iyon po ang hindi ko alam pero alam ko po kung gaano kayo ka mahal ng iyong ina. Araw-araw, ikaw lang po ang bukambibig niya. Kung gaano na raw kayo ka ganda ngayon at kung gaano kayo kakulit noon." Napangiti siya ng mapait. "She really wanted to live a long more years kaya sa kabila ng sinasabi ng mga doktor sa kanya na may 30% na chances na lang ito na maka-survive. Hindi talaga siya nawalan ng pag-asa. Kahit na gustong-gusto na niyang sukuan ang mga chemo session niya ngunit pilit niyang kinakaya. Gustong-gusto niya kasing bumawi sa iny
A week after she totally lost Niel, she decided to go somewhere else that can heal her brokenness. Naintindihan naman iyon ng Nanay Bebang niya at ni Lexy. Gaya ng pangako ng ina ni Niel, ibinalik na nito ang lahat sa normal. Bumalik na si Ken sa kompanyang pinagtatrabahuhan pati na rin ang ama ni Ana. Hindi na rin natuloy ang paglipat nila ng bagong pwesto dahil biglang nagbago raw ang isip ng buyer ayon kay Mrs. Hernandez. Laking tuwa rin ni Ana ng ibalita sa kanya na may bago na itong sponsor sa kanyang scholarship. Wala na rin problema si Lexy sa catering at reception ng kanilang kasal ni Ken.Everything go back to normal, maliban lang sa kanyang nararamdaman. She can't deny the fact that she doesn't even know how to move on and go back to her normal life. Hindi naman siya dating ganito at alam niyang sanay na sanay siya sa disappointment na nangyayari sa kanyang buhay. Sa murang edad niya ay nasaksihan na niya kong paano masaktan ng husto. She grew up and tried so hard to be str
Dumaan ang isang linggo matapos ang break up nila ni Niel. Panay ang tawag ng binata sa kanya ngunit hindi niya lang ito sinasagot. Isang linggo na rin siyang nakakulong lang sa kanyang kwarto. Gustuhin niya mang pumasok sa kanilang shop pero alam niyang pupunta at pupunta doon si Niel at iyon ang gusto niyang iwasan. She can't take it to see him suffer in pain. Crying in front of her and begging for her to come back. Alam niyang masakit ang kanyang piniling desisyon and half of it ay gustong gusto niyang pagsisihan ngunit wala naman siyang magagawa. She just keep convincing herself that she do the right thing. Kailangan niyang magsakripisyo alang-alang sa mga taong nakapaligid sa kanila. At kung sila talaga ni Niel sa huli ay muli silang pagtatagpuin ng tadhana at kung hindi man ay magiging masaya pa rin siya para sa binata. Napatingin siya sa labas ng bintana ng kanyang kwarto. Walang bituin sa kalangitan kaya bigla na lang siyang nalungkot dahil tila uulan ngayong gabi."Chandy!
Hindi mabilang ni Chandria kung ilang oras na siyang umiiyak sa loob ng kanyang kwarto habang naka-talukbong ng kumot. Laking pasasalamat na lang niya dahil walang tao sa apartment nila kaya malaya niyang nailalabas ang kanyang nararamdaman.Nang mapagot ang mata sa kaka-iyak ay marahan itong bumangon sa kama at malungkot na nakatitig sa mga nagkalat na mga larawan nila ni Niel sa sahig. Hindi na naman niya napagilang muling humikbi dahil parang kanina lang ang saya-saya niya habang tinitingnan ang mga iyon.Kumuha ito ng malaking box at mabigat ang loob na nilagay ang mga iyon isa-isa para tuluyan ng itago. Kasama na rin ang hindi pa nito tapos na scrapbook. Niyakap niya ito ng mahigpit dahil hindi rin niya alam kung matatapos pa niya ito o’ ipagpapatuloy pa.Bigla siyang napapitlag ng mag-ring ang kanyang cellphone. Tumatawag si Lexy. Inayos niya muna ang sarili bago sumagot at ganun na lang ang sumalakay na kaba sa kanyang dibdib sa ibinalita nito. Biglang sumikip daw ang dibdib ni
Kanina pa siya naka-park sa parking area malapit sa kanilang shop at hindi na rin niya alam kung ilang minuto na siyang nasa loob ng kanyang kotse. She was just sitting there. Tulala at tila pagod na pagod ang utak.Mariin siyang napapikitat nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Pilit niyang pinagtatagpi-tagpi sa kanyang isipan ang susunod na mangyayari sa kanila ni Niel. Pilit sinasagot ang tanong na kung sasaya ba siya muli kapag dadating ang oras na bibitawan na niya ito.Mabilis siyang tumingala ng pakiramdam niya ay tila babagsak na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Dali-dali niyang inayos ang sarili at hinablot ang bag sa tabi. Lumabas ng kotse at pilit na pinasisigla ang mukha."I'm back!" wika niya at pilit na pinasisigla ang boses."Welcome back, ate!" bati ni Ana ngunit nasa ginagawa nito ang mga mata."Buti dumating ka na," ani ni nanay Bebang sa kanya. Lumapit siya sa matanda at nagmano rito. "Mukhang pagod na pagod ka yata? Gusto mo bang ipagtempla kita n
Natulala na lang si Chandria sa maagang bad news na bungad sa kanya ni Ms. Hernandez, ang may ari ng inuupahan nilang building kung saan kinaroroonan ng kanilang shop. "Ms. Hernandez naman! Nagbibiro po ba kayo?" wika niya na nakapamewang ang isang kamay habang sapo naman ng isang kamay ang noo niya. Mukhang aatakihin yata siya ng migrain niya ngayong araw. "Saan naman kami makakahanap ng bagong pwesto sa loob ng isang buwan lamang?" "Pasensya ka na talaga, hija. Kailangan ko rin kasi ng pera para sa apat kung anak na mag-kolehiyo. Eh, masyado nang malaki ang kalahating milyon para sa pwesto ninyo kaya—hindi na ako makatanggi pa at kaagad ko ng tinanggap ang offer ng buyer." paliwanag sa kanya ng may-ari ng nirerentahan nilang shop. Tahimik naman na nakikinig lang si Lexy at Nanay Bebang sa isang tabi. Nag-iisip din ang mga ito kung ano na ang gagawin nila dahil kahit sila ay gulat rin. Mahigit walong taon na rin kasi sila sa kanilang pwesto at napa-mahal na rin ang lugar sa ka