Share

Chapter 3

Author: Lucy Heart
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Mahigit tatlong oras na rin ang paghihintay ni Chandria sa airport sa susundong pinsan ni Lexy sa kanya. Na magpa-hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Medyo nangangawit na rin nga ang kanyang mga binti sa kakatayo mula pa kanina. 

Idagdag pa ang pangangalay ng leeg niya sa kakalingon sa mga taong dumadaan sa paligid niya. Nagbabasakaling isa doon si Sena, pangalan ng pinsan ni Lexy. 

Ang isang bagay pang kinabu-bwisit niya ay iyong mga taong napapatingin sa kanya. Na-conscious tuloy siya dahil baka agaw atensyon ang kulay purple niyang buhok o di kaya ay masyadong maikli ang maong na palda na suot niya. 

Hinagilap nito ang cellphone sa dalang bag para tawagan ulit si Lexy kung may susundo ba talaga sa kanya. 

Saktong kakahawak niya pa lang sa cellphone niya nang may isang lalaking biglang bumangga sa kanya. Dahil hindi nito napaghandaan ay tumilapon talaga siya ng bonggang-bongga.

"Aray!" Impit niyang d***g dahil sa sakit at pilit na ibinangon ang sarili. Narinig naman iyon ng lalake kaya dali-dali itong lumapit sa kanya.

"I'm so sorry, Miss. Hindi kita napansin sa sobrang pagmamadali ko," hinging-paumanhin kaagad nito sa kanya. Nag-offer pa ito ng kamay niya para tulungan sana siyang makatayo ngunit huli na rin dahil nakatayo na siya. 

Mukhang masakit talaga ang pagkakatilapon niya dahil ni hindi nga niya napansin na nasa harapan na pala niya ang lalaki. Nakayuko pa rin siya habang minamasahe ang balakang na marahil iyon ang tumama sa sahig. 

"Look, Miss, I'm really sorry about what just happened." Hinging-paumanhin ulit ng lalaki. Doon niya pa lang iyon binigyan ng pansin kaya napa-angat din siya ng tingin para matingnan kung sino ang naka-bangga sa kanya. 

Talagang makakatay niya ng buhay ang lalaking ito sa sakit ng balakang niya. 

"Sorry? Tumilapon po ako doon!" Kaagad na bulyaw niya sa lalaki na pinagdiinan pa ang salitang tumilapon. "Hindi naman siguro masikip ang lugar na ito diba? Huwag kasi mag-suot ng shades kung hindi rin naman ganoon ka liwanag ang paningin." 

Pagtataray pa niya ngunit natigilan din siya ng mapansing titig na titig na rin sa kanya ang lalaki. 

Natulala na lang si Niel sa mukha ng babae. Para kasing nakita na niya ito pero hindi niya lang maalala kung saan. Mukhang minumura na nga siya nito pero mukhang wala siyang madinig. 

Parang napunta sa kabilang planeta ang utak niya. Masilayan sa malapitan ang ganitong mukha ay parang kinalimutan na niya ang lahat. Ang meeting niya sa kanyang kliyente na siyang dahilan kung bakit niya nabangga ang napakagandang nilalang na ito ay saglit na nawala sa kanyang isipan. 

Bumalik lang ang diwa niya when the girl snap her fingers para maagaw ang atensyon niya. 

"Don't tell me na bulag ka?" May halong sarcasm sa tono ni Chandria dahil sobrang naiinis na talaga siya sa lalaking ito. 

Kanina pa ang talak niya ngunit hindi naman siya sinasagot ng lalaki. Sa sobrang inis niya ay hinablot niya ang shades nito at pareho silang natigilan sa isa't isa. Ang kaibahan lang ay hindi magkatugma ang mga iniisip nila. 

Bakit titig na titig sa kanya ang lalaki?Ang ang tanging tumatakbong tanong sa isipan ni Chandria habang kay Niel naman ay pilit inaalala kung isa ba sa mga babaeng na-meet niya sa bar ang babaeng kaharap niya ngayon. 

Para kasing nakita na niya ito ngunit hindi niya lang matandaan kung saan at kailan. Sa dinami-dami kasi ng mga nilandi niyang mga babae na party goers din na kagaya niya ay nakalimutan na niya ang mga mukha ng mga ito.

Hindi naman niya talaga ugali ang magpaiyak ng mga babae pero isa iyon sa paraan niya para inisin ang Mama niya. 

In-short nagrerebelde siya sa mga magulang niya. Gustong-gusto niyang gumawa ng gulo para dungisan ang pangalan nila kaya landi dito, landi doon ang trip niya. 

Napangisi siya bigla ng maalala niya kung saan nga niya nakita ang magandang dilag sa harapan niya. Ngayon pa lang gusto na niyang maniwala sa tadhana. 

Parang kahapon lang ay ang layo-layo nito sa kanya at ngayon ay malapitan na niyang natitigan ang mukha ng babae. Tama nga siya na maganda ito. 

"Gwapo ba?," may himig ng pang-aasar na tanong niya nang mapansing nakatitig din ang dalaga sa kanya. Imposible naman kasi na isa ito sa mga naka-flirt niya na mga babae. 

Sa natatandaan kasi niya, makakapal mag-make up ang mga iyon and this woman in front of him is only wearing a red, dark lipstick. Natural na kasing makapal ang kilay nito kaya hindi na nito kailangan ng mga kung ano-ano na ginuguhit sa kilay ng mga kababaihan. 

Hindi na rin nito kailangan maglagay pa ng kung ano-ano sa mata dahil natural na ring maganda ang mga ito. 

"Feeling?" Tumaas ang kilay ni Chandria at inirapan ang binata. 

"Bakit hindi mo na lang kaya ako tulungan pulutin...the hell!" Mahinang mura ng dalaga. 

Tinalikuran na kasi siya ng lalaki at ngayon ay may kausap na ito sa cellphone. Napasinghap siya sa hangin bago isa-isang pinulot ang mga gamit na nagkalat na sa sahig. Mukhang wala na talaga siyang aasahan sa lalakeng kaharap kanina. 

"Okay, bye! See you, Pare," narinig niyang paalam ng lalaki sa kausap. "Miss," tawag nito sa kanya habang papalapit sa kanya at parang may kinukuha sa bulsa niya. 

"I'm really sorry sa nangyari and I really have to go. Naghihintay na kasi iyong mga ka-meeting ko. Here is my calling card." Nagmamadaling sabi nito at inilapag iyon sa palad ni Chandria.

Mukhang na sense na kasi nito na mangangawit lang ang braso nito dahil tila walang balak ang dalaga tanggapin iyon.

"Tawagan mo na lang ako kung magkaproblema ka," ngumiti ito sa dalaga bago umalis. 

Napa-awang naman ang labi ni Chandria habang nakatingin sa calling card sa palad niya. Halos hindi siya makapaniwala na may taong makakagawa nito sa kanya. Ni hindi talaga siya nito nagawang tulungan. 

Naiintindihan niya na nagmamadali ito at humingi na rin ng pasensya pero kahit ganun pa man, ito ang may atraso kaya kahit papaano naman siguro ay tulungan lang man siyang magpulot ng mga gamit niya na nakakalat sa sahig. 

Kinuyumos niya ito sa sobrang inis na nararamdaman at kumapa ng bagay na pwede niyang maibato sa papaalis na lalake. 

"Sapol!" Tila nagdidiwang niyang sabi ng matamaan niya ito sa mismong batok. Napahinto ang binata at nilingon siya na nakatiim-bagang. 

Mukhang nainis ito sa kanya dahil sa ginawa niya kaya binigyan niya ito ng nakakalokong ngiti na tila nagsasabing ‘serves you right’. 

Pero napawi rin ang kanyang ngiting tagumpay nang makita kung ano ang naibato niya sa lalaki. 

Ang baon niyang isang buong pack ng sanitary napkin lang naman. At doon niya na lang naramdaman na pagtitinginan na pala siya ng mga tao. Iyong iba ay nagbubulungan pa. 

Hindi naman niya maintindihan. Sa labis na kahihiyan ay daig niya pa si Flash kung magligpit ng gamit niya at tuluyan ng lumabas. Sa labas ng airport niya na lang hihintayin ang pinsan ni Lexy. 

Titiisin niya na lang ang init na doon kesa naman na magtrending pa ang ginawa niya dito. 

"Kayo po ba si ate Chandria?" Biglang tanong ng babae sa kanya. Dahil tinawag siya nitong ate malamang na mas matanda siya dito. 

"Yes, ako nga iyon. Ikaw ba si Sena? Iyong pinsan ni Lexy?" 

"Opo, pasensya na po kung natagalan ako sa pagsundo sa inyo. May biglaang emergency situation lang po kasi," humihingal nitong paliwanag habang tinutulungan na siyang ilagay ang mga gamit niya sa loob ng sasakyan. 

"Matagal po ba kayong naghintay?" tanong ulit nito. 

"Ah, hindi naman," pagsisinungaling niya saka ngumiti. Pareho pala silang nagkaroon ng emergency situation ngayong araw ngunit mas nakakahiya lang iyong sa kanya. 

"By the way po, Ate," sabay abot sa isang papel. Kahit naguguluhan ay tinanggap naman iyon. "Sketch po iyan ng resort na pupuntahan ninyo." 

"Hindi mo ba ako ihahatid?" Tila kinakabahan niyang tanong. Sino naman kasi ang hindi kakabahan kung basta-basta na lang siyang magba-biyahe sa lugar na kabago-bago niya lang napuntahan. 

"Gustuhin ko man po pero talagang emergency po talaga. Pasensya na po pero huwag kayong mag-alala dahil madali lang namang matunton ang lugar na iyon dahil kilala naman iyon dito sa Cebu.

Sundan nyo lang po iyang sketch na ibinigay ko at hindi po kayo maliligaw. At kung may tanong po kayo tumawag lang po kayo sa akin. Naisulat ko na rin po diyan iyong number ko," anito. 

"Okay," tanging nasabi na lang niya. Ano pa naman kasi ang magagawa niya. Malay ba niya kung sobrang importante talaga ang pupuntahan nito. 

Ibinigay na sa kanya ni Sena ang susi ng kulay itim nitong pickup truck na sasakyan at sinimulan ng baybayin ang Cebu. 

Medyo may kalayuan din pala ang pupuntahan niya dahil may kalayuan na iyon sa Cebu City ngunit kahit ganun pa man ay nakaramdam naman siya na tila nag-eenjoy din siya sa ginagawa. 

Hindi niya man aminin ay na-e-excite din naman siya. After all it was her first time to travel alone.

  

Related chapters

  • Beautiful Days with You   Chapter 4

    "WELCOME to Hidden paradise of dreams beach resort!" basa ni Chandria sa malaking signage na naroon sa mismong labas ng resort. Nagliwanag ang kanyang mukha sa nabasa dahil sa wakas ay nakarating din siya ng buhay sa pupuntahan niya. Hindi siya naligaw or kahit ano mang bad luck ang maaring mangyari sa kanya sa daan.Tama din naman si Sena na hindi ito mahirap matuntun ngunit iyon nga lang, bako-bako lang ang daan.Bumusina na siya kaagad pagkatapat niya mismo sa gate at mabilis na pinag buksan naman siya ng nakangiting guard na naroon."Maayong buntag, Ma'am," bati sa kanya ng guard. Nginitian niya ito kahit na may konting pagka-kunot sa kaniyang noo. Hindi naman kasi niya maintindihan kung ano man ang sinabi sa kanya ng butihing guard. "May reservation po ba kayo, Maam? " Tanong ulit nito na ikinatuwa na niya dahil nagtatagalog na ito. Inilahad nito ang kamay na tila may hinihingi. Kaagad naman niyang naisip ang papel na ibinigay sa kanya ni Lexy."Yes po, kuya,wait po ha," mabilis n

  • Beautiful Days with You   Chapter 5

    AFTER nitong nai-park ng maayos ang dalang sasakyan ay dumiretso na kaagad si Chandria sa loob ng nasabing resort."Hi Ma'am, welcome po sa Hidden paradise of dreams resort kung saan pwede po kayong mangarap ulit. I'm Javi Palma. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" super hyper na bati ng receptionist sa kanya. Pagpasok na pagpasok pa lang niya mismo. Inikot-ikot niya muna ang mga mata sa kabuuan ng resort at masasabi niya ngang mukhang relaxing naman ang lugar. Maganda at malinis ang ambiance nito. Mukhang friendly rin ang mga nagtatrabaho dito. Isang malaking ebidensya na ang babaeng nasa front desk na ito. Lumapit na siya at sinuklian din ng matamis na ngiti ang babae."Hi, miss! May magpareserve ng pangalan ko dito one month ago pa daw," panimula niya. "Paki-check na lang kung tama ba. Lexy Medina ang pangalan." Kaagad namang kumilos ang babae para e-check ito sa kanilang record."Kayo po ba si Ms.Chandria Santana?" tanong nito at tango naman ang binigay niya na sagot sa recep

  • Beautiful Days with You   Chapter 6

    Gustuhin mang matulog na ni Chandria ngunit ayaw naman siyang patulugin ng isipan niya. Hinding hindi pa rin nito maalis-alis sa isipan niya ang binulong kanina ng binata sa kanya. It was a plain and simple sorry ngunit parang tumagos talaga sa buong pagkatao niya. Ni hindi niya nga alam kung maluwag ba talaga iyon sa puso ng lalake habang sinasabi iyon pero it was sort of comforting. Parang sa hindi niya maipaliwanag na dahilan biglang naglaho ang galit at inis niya sa binata. At kahit nga ang mismong pabango nito ay pakiramdam niya ay naiwan pa rin sa loob ng kanyang ilong na hanggang ngayon ay nalalanghap pa rin niya."Oo na, gwapo kana!" parang timang na sigaw niya saka gumulong-gulong sa kama. At dahil sa hindi talaga siya dinadalaw ng antok ay nagpasya na lang itong lumabas ng kwarto niya at maglakad-lakad sa dalampasigan. Inayos nito ang suot na hooded jacket dahil medyo malamig talaga ang dapya ng hangin sa kanyang balat.Naalala niyang weekend pala ngayon kaya medyo marami p

  • Beautiful Days with You   Chapter 7

    "Lexy, ano ba! Thirty minutes pa please," ingos ni Chandria habang tinatakpan ang tainga ng unan mula sa ingay na kumakatok mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Ewan ba niya kung bakit ngayon lang siya tinamaan ng matinding antok at pagod ang kanyang katawan. Iyong tipong half awake ang utak niya at tulog na tulog naman ang kanyang mga mata. Ni hindi nito maidilat sa sobrang antok na nararamdaman.Ngunit sadyang makulit talaga ang kumakatok at mas lalo pa nitong nilakasan. Sa inis nito ay naitapon niya ang unan nanakatakip sa tenga niya. Padabog itong tumayo at naka-pikit pa rin ang mga mata. Tinungo ang pintuan at doon niya napagtanto ang kasabihang magbiro ka lang sa lasing huwag lang sa ina-antok pa rin."Lexy naman eh!" malakas niyang bulyaw ngunit natutup niya ang bibig nang ma-realize na nasa Cebu pala siya at ang gwapo ng sinigawan niya. Bagong ligo ito na sobrang fresh ang aura sa suot niyang cargo shorts at plain na white T Shirt. Idagdag mo pa ang mabangong pabango nito na di

  • Beautiful Days with You   Chapter 8

    Sa hindi masyadong kalayuan mula sa kinatatayuan ni Niel ay sobrang naaaliw ito habang palihim na minamasdan si Chandria. Para itong batang paslit na tila nag-eenjoy sa pamumulot ng mga shells. Nakadagdag pa sa kagandahan nito ang kulay purple nitong buhok na masayang nilalaro ng hangin. Hindi niya namamalayan na humahakbang na pala siya palapit dito. Lihim siyang napangiti sa sarili. Mukhang tinamaan talaga siya sa dalaga. Simula pa nang makita niya ito sa simenteryo ay hindi na ito muling umalis sa isipan niya ang mukha ng dalaga. Parang itinadhana pa nga na pinagkrus muli ang kanilang mga landas. Hindi na niya ito natatanaw mula sa malayo kundi nakakausap pa niya ito at saglit na nahawakan ang malambot nitong mga palad.Iyon nga lang hindi pa rin maalis-alis ang pagiging mataray nito ngunit mukhang hindi na bago iyon sa kanya. Parang naging cute pa nga ang dating non."Ano naman ang gagawin mo diyan?” hindi niya ina-asahang mapa-pitlag ang dalaga sa biglaang pagsulpot niya. Bigla t

  • Beautiful Days with You   Chapter 9

    "Maliit nga!" bulalas ni Chandria nang nasa tapat na sila ng Mall na sinasabi ni Niel. Kunsabagay ano ba naman ang ini-expect mo sa tagong lugar na ito.Hindi naman ito City para maka-kita ka talaga ng naglalakihang mall."Ang sabi naman ni Javi na kahit may kaliitan daw ito ay kumpleto naman sila sa lahat kaya tingnan na lang natin," suhestiyon ni Niel at nauna na itong pumasok.Kapwa naman silang natuwa sa nakita sa loob pag-pasok nila dahil mukhang maliit lang ito tingnan sa labas pero marami namang laman ang loob. Nilapitan sila ng isang sales lady na naroon at nakita niyang may itinuturo ito kay Niel kaya hinayaan niya na muna ang binata sa portable carrier dahil parang magnet kasing nahagip ng mata niya ang isang ilang naggagandahang key chain, palamuti sa katawan at ibang mga bagay na pwedeng pampasalubong. Mabilis niyang nilapitan ang mga ito at napangiti ng bahagya. Balak din naman talaga niyang bilhan ng pasalubong ang tatlo. "Ang ganda nila?" mahina niyang usal habang hindi

  • Beautiful Days with You   Chapter 10

    Mula pa kanina sa kotse hanggang sa makarating na sila ng resort ay hindi pa rin siya kinakausap ni Niel. Hindi na lang siya nangulit dahil mukhang napaka-seryoso na ng mukha nito.Palihim na lang niya itong sinusulyapan habang nagpapakain ito sa tuta ngunit mukhang mabigat talaga sa loob niya na hindi sila nag-iimikangdalawa.Parang nakakapanibago iyon sa kanya. Hindi niya man ugali ang lumunok ng pride at mukhang mapapasubo siya ngayon. Hindi na siya nakatiis at nilapitan niya ito. Umupo din siya sa buhangin para matabihan ang binata."Sorry na," malumanay niyang sabi. Lumingon naman sa kanya si Niel at tipid siyang nginitian."Bakit ka nagsosorry? Inaway mo ba ako?” he said na parang inaasar na naman siya. Pinandilatan niya ito ngunit lihim naman siyang natuwa.“Bigla ka na lang kasing tumahimik kaya nag-aasume lang ako na baka may nagawa akong mali or may nasabi akong hindi mo nagustuhan.” She said na nakatingin pa rin sa binata.Umiling ito na nakangiti sa kanya."It's just..."

  • Beautiful Days with You   Chapter 11

    Nang mapagod sa kakasigaw ay muli itong umayos ng higa at tumitig sa kisame. Isang ngiti na naman ang namumutawi sa kanyang labi ng sumagi sa kanyang isipan ang pinagsasabi ng binata sa kanya kanina. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang gwapong mukha ng binata na parang kahit saang anggulo ng kwarto siya tumingin ay nandoon ang mukha ni Niel.“Nababaliw na siguro ako!” hindi niya mapigilang ibulalas ng medyo kumalma na ang kanina’y nagwawala niyang puso. Bahagya nitong sinilip ang tuta na ngayon ay tahimik lang itong naka-hilata sa loob ng carrier. Tila masarap ang tulog nito kaya pansamantala muna niyang hinayaan ito. Bumalik ulit siya sa pagkakahiga at pilit na pinahihinga ang sariling mga mata at isipan ngunit napabalikwas din siya ng bangon nng makarinig ng katok sa pintuan. Kahit nagtataka ay bumangon naman ito para pagbuksan ang kumakatok pero bago ‘yon, inayos niya muna ang sarili.“Bakit?” naiilang niyang tanong ng makita kung sino ito."Samahan

Latest chapter

  • Beautiful Days with You   Chapter 35

    Nasa kalagitnaan na siya ng trapiko nang muli na namang bumalik sa isipan niya ang mabait na boss. Napapa-isip pa rin siya dahil parang familiar sa kanya ang pangalan ng babae. Hindi niya lang matandaan kung saan niya narinig o kanino."Hindi kaya nagkita na kami noon pa?" bulong niya at ikiniling ang ulo. Nagmumukha na kasi siyang baliw kung magpapatuloy pa siya. Saktong paglingon niya sa kabilang linya ay nahagip ng kanyang tingin ang malaking billboard ng Quirino family. Namungay ang mata nito ng makita ang lalaking mahal niya na pinagitnaan ng mga magulang. Hindi niya maiwasang mapangiti, no words can expressed how much she missed that guy.Binaba pa nito ng maigi ang salamin ng kotse para makita ito ng maayos. Lalo lang itong gumuwapo sa bago nitong style na buhok. Kagalang-galang na rin ang dating nito na tila seryoso na sa buhay. Hindi niya tuloy maiwasang itanong sa sarili kung makulit pa rin ba ito katulad ng dati. Kung mahilig pa ring mang-asar. Ilang sasakyan na ba ang nako

  • Beautiful Days with You   Chapter 34

    Four years later......."Hi!" bati niya kay Nougat pagkabungad niya mismo sa cake shop nang mga ito. "Mag-isa ka lang? Nasaan ba si Hazel?"“ Hindi pa naka-uwi 'eh." sagot ni Nougat. "Medyo na late ka 'ha!” maarteng wika pa nito.“Yeah, I’m sorry,” nakangiwi niyang sabi. Nagpareserved kasi siya ng cake sa mga ito at kukunin niya by 5:00 P.M ngunit dahil marami siyang inasikaso ngayong araw kaya medyo na late ng isang oras ang kanyang pick-up time. “Ang dami ko kasing customer na inasikaso.” paliwanag niya.“Ano ka ba, okay lang ‘no!” sagot naman ni Nougat. “Pero huwag puro trabaho ‘ha! Minsan mag-jowa ka rin para balance. Charot!” Bahagya naman siyang natawa sa biro ng bakla. “Oh, ‘sya! Sandali at kukunin ko na iyong cake mo. Maupo ka muna,” ani nito bago tumalikod.Umupo naman siya sa bakanteng silya na naroon at nalungkot ng konti nang makita ang larawan nina Levy at Ezekiel na nakasabit sa pader. Magkatabi ang dalawa habang puno ng sigla at saya ang makikita mo sa kanilang mga m

  • Beautiful Days with You   Chapter 33

    Two weeks later….Nasa harapan siya ng puntod ng ina habang ang ibang mga kaibigan at kakilala ng ina na dumalo sa pakikipaglibing ay isa-isang na rin nagsi-uwian. Habang naiwan pa rin silang tatlo nina Sena at Norilyn sa harap ng puntod ng ina. Napapagitnaan siya ng mga ito at walang humpay pa rin ang hikbi ng dalawa habang siya'y wala sa sariling nakatingin lang sa lapida ng ina. She was supposed to be happy dahil magkasama na ang parents nito sa langit. They reunited and hoped they found forgiveness in their hearts too."I can't believe na wala talaga siya!" ani ni Sena na walang tigil pa rin ang hikbi. "She wasn't just a mentor to me. Para ko na rin siyang pangalawang ina. Ang dami niyang naitulong sa akin at ni hindi man lang ako lubusang nakapag-bayad sa kanya ay kinuha na kaagad siya ni Lord."Malungkot na sinulyapan niya lang ito dahil kahit siya ay hindi rin gaano ka tanggap ang pagkawala ng ina. She is totally orphaned now."She's been a good boss to me. Hindi ko alam kong

  • Beautiful Days with You   Chapter 32

    "May cancer po ang Mama nyo, two years ago pa," panimula ng P.A ng Mommy niya na si Norilyn. Parang nag-echo iyon sa kanyang pandinig. She kept on asking herself kung bakit ito nangyayari sa kanya. Bakit hindi man lang niya magawang maging masaya.Her mother is dying at hindi niya alam kung ilang araw at buwan niya na lang itong makakasama."Bakit niya nagawang ilihim ito sa akin?" nakatulalang tanong niya habang titig na titig sa natutulog na ina."Iyon po ang hindi ko alam pero alam ko po kung gaano kayo ka mahal ng iyong ina. Araw-araw, ikaw lang po ang bukambibig niya. Kung gaano na raw kayo ka ganda ngayon at kung gaano kayo kakulit noon." Napangiti siya ng mapait. "She really wanted to live a long more years kaya sa kabila ng sinasabi ng mga doktor sa kanya na may 30% na chances na lang ito na maka-survive. Hindi talaga siya nawalan ng pag-asa. Kahit na gustong-gusto na niyang sukuan ang mga chemo session niya ngunit pilit niyang kinakaya. Gustong-gusto niya kasing bumawi sa iny

  • Beautiful Days with You   Chapter 31

    A week after she totally lost Niel, she decided to go somewhere else that can heal her brokenness. Naintindihan naman iyon ng Nanay Bebang niya at ni Lexy. Gaya ng pangako ng ina ni Niel, ibinalik na nito ang lahat sa normal. Bumalik na si Ken sa kompanyang pinagtatrabahuhan pati na rin ang ama ni Ana. Hindi na rin natuloy ang paglipat nila ng bagong pwesto dahil biglang nagbago raw ang isip ng buyer ayon kay Mrs. Hernandez. Laking tuwa rin ni Ana ng ibalita sa kanya na may bago na itong sponsor sa kanyang scholarship. Wala na rin problema si Lexy sa catering at reception ng kanilang kasal ni Ken.Everything go back to normal, maliban lang sa kanyang nararamdaman. She can't deny the fact that she doesn't even know how to move on and go back to her normal life. Hindi naman siya dating ganito at alam niyang sanay na sanay siya sa disappointment na nangyayari sa kanyang buhay. Sa murang edad niya ay nasaksihan na niya kong paano masaktan ng husto. She grew up and tried so hard to be str

  • Beautiful Days with You   Chapter 30

    Dumaan ang isang linggo matapos ang break up nila ni Niel. Panay ang tawag ng binata sa kanya ngunit hindi niya lang ito sinasagot. Isang linggo na rin siyang nakakulong lang sa kanyang kwarto. Gustuhin niya mang pumasok sa kanilang shop pero alam niyang pupunta at pupunta doon si Niel at iyon ang gusto niyang iwasan. She can't take it to see him suffer in pain. Crying in front of her and begging for her to come back. Alam niyang masakit ang kanyang piniling desisyon and half of it ay gustong gusto niyang pagsisihan ngunit wala naman siyang magagawa. She just keep convincing herself that she do the right thing. Kailangan niyang magsakripisyo alang-alang sa mga taong nakapaligid sa kanila. At kung sila talaga ni Niel sa huli ay muli silang pagtatagpuin ng tadhana at kung hindi man ay magiging masaya pa rin siya para sa binata. Napatingin siya sa labas ng bintana ng kanyang kwarto. Walang bituin sa kalangitan kaya bigla na lang siyang nalungkot dahil tila uulan ngayong gabi."Chandy!

  • Beautiful Days with You   Chapter 29

    Hindi mabilang ni Chandria kung ilang oras na siyang umiiyak sa loob ng kanyang kwarto habang naka-talukbong ng kumot. Laking pasasalamat na lang niya dahil walang tao sa apartment nila kaya malaya niyang nailalabas ang kanyang nararamdaman.Nang mapagot ang mata sa kaka-iyak ay marahan itong bumangon sa kama at malungkot na nakatitig sa mga nagkalat na mga larawan nila ni Niel sa sahig. Hindi na naman niya napagilang muling humikbi dahil parang kanina lang ang saya-saya niya habang tinitingnan ang mga iyon.Kumuha ito ng malaking box at mabigat ang loob na nilagay ang mga iyon isa-isa para tuluyan ng itago. Kasama na rin ang hindi pa nito tapos na scrapbook. Niyakap niya ito ng mahigpit dahil hindi rin niya alam kung matatapos pa niya ito o’ ipagpapatuloy pa.Bigla siyang napapitlag ng mag-ring ang kanyang cellphone. Tumatawag si Lexy. Inayos niya muna ang sarili bago sumagot at ganun na lang ang sumalakay na kaba sa kanyang dibdib sa ibinalita nito. Biglang sumikip daw ang dibdib ni

  • Beautiful Days with You   Chapter 28

    Kanina pa siya naka-park sa parking area malapit sa kanilang shop at hindi na rin niya alam kung ilang minuto na siyang nasa loob ng kanyang kotse. She was just sitting there. Tulala at tila pagod na pagod ang utak.Mariin siyang napapikitat nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Pilit niyang pinagtatagpi-tagpi sa kanyang isipan ang susunod na mangyayari sa kanila ni Niel. Pilit sinasagot ang tanong na kung sasaya ba siya muli kapag dadating ang oras na bibitawan na niya ito.Mabilis siyang tumingala ng pakiramdam niya ay tila babagsak na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Dali-dali niyang inayos ang sarili at hinablot ang bag sa tabi. Lumabas ng kotse at pilit na pinasisigla ang mukha."I'm back!" wika niya at pilit na pinasisigla ang boses."Welcome back, ate!" bati ni Ana ngunit nasa ginagawa nito ang mga mata."Buti dumating ka na," ani ni nanay Bebang sa kanya. Lumapit siya sa matanda at nagmano rito. "Mukhang pagod na pagod ka yata? Gusto mo bang ipagtempla kita n

  • Beautiful Days with You   Chapter 27

    Natulala na lang si Chandria sa maagang bad news na bungad sa kanya ni Ms. Hernandez, ang may ari ng inuupahan nilang building kung saan kinaroroonan ng kanilang shop. "Ms. Hernandez naman! Nagbibiro po ba kayo?" wika niya na nakapamewang ang isang kamay habang sapo naman ng isang kamay ang noo niya. Mukhang aatakihin yata siya ng migrain niya ngayong araw. "Saan naman kami makakahanap ng bagong pwesto sa loob ng isang buwan lamang?" "Pasensya ka na talaga, hija. Kailangan ko rin kasi ng pera para sa apat kung anak na mag-kolehiyo. Eh, masyado nang malaki ang kalahating milyon para sa pwesto ninyo kaya—hindi na ako makatanggi pa at kaagad ko ng tinanggap ang offer ng buyer." paliwanag sa kanya ng may-ari ng nirerentahan nilang shop. Tahimik naman na nakikinig lang si Lexy at Nanay Bebang sa isang tabi. Nag-iisip din ang mga ito kung ano na ang gagawin nila dahil kahit sila ay gulat rin. Mahigit walong taon na rin kasi sila sa kanilang pwesto at napa-mahal na rin ang lugar sa ka

DMCA.com Protection Status