Tetzuki Naver pretended to be an average guy to hide from his parents and abandoned his throne being as the Mafia King. But he worked on an organization that had a great intention on the city he\'s living in. And become friends with his team. But because one of his friends made a deal. He somewhat finds himself roaming around the city and lays his eyes on the restaurant that finds a waiter/waitress. He thought that his life at the restaurant where he would work would be usual. Until he met Thea, he felt something in himself. Strange, frightening, fierce, and destructive. Can Naver tear it down and hide it? Or willing to be deficient in front of others, especially his boss Thea?
View MoreNAVER's POV: "Ayos lang ba 'tong suot ko? Hindi ba sumobra na ako sa pagiging bad boy look kong 'to? Bakit ito pa ang napili nila para sa akin? Tsk!" Usisa ko sa aking sarili habang nakatingin sa aking cellphone na nakapatay. Pinagmamasdan ang aking mukha na may fake piercing sa ibaba ng labi ko. Lalong-lalo na rin sa hikaw ko na dala-dalawa sa bawat tenga. Nakadikit lang ito, hindi ko ito pinabutasan dahil hindi ko gusto. Wala rin akong plano na magsuot ng mga ganito, ang dalawa lamang talaga ang may gusto na makita akong suot ito sa trabaho.Nakasuot ako ngayon ng simpleng black t-shirt na may tatak na ' I'm a goodboy' sa harapan na tinernuhan ng black leather jacket. At black pants na may belt with chain in it. Pinaresan din ng converse black rubber shoes. Nag-contact lense na rin ako na kulay brown para itago ang tunay na kulay ng mga mata ko. Napapansin ko na parang pupunta ako sa lamay, at hindi ang magtrabaho sa isang restaurant na nakita ko matapos ang isang linggo naming
NAVER's POV: "Luh? Ang laki! Saka ang lawak. Grabe para tayong nasa loob ng arena na pinagdadausan ng concert. 'Yun nga lang isa itong paaralan na may dalawang building, at mga maliliit na school room na hiwa-hiwalay naman sa bawat isa. Saan ba tayo dadaan? Di-diretso o ka-kanan?" Manghang-mangha na sambit ni Vince nang makapasok na kami nang tuluyan sa Brenton High. Maski ako ay nagulat din sa laki nito. Sa picture naman ay hindi ganito ang nakita ko, akala ko talaga ay normal lang na paaralan na hindi gano'n kalawak ang loob. Mali pala ang akala ko. Ganito ba talaga kayaman ang mga Harrison? 'Parang hindi rin ang nagsalita.' Biglang singit ng aking utak na ikinangiti ko naman nang tipid. "Ka-kanan tayo. Kung di-diretso tayo, Grade 7 ang bagsak natin." Sagot ko naman sa tanong ni Vince saka naglakad na upang pumunta sa kanang direksyon namin. Naramdaman ko pa ang pagpunta rin nila sa aking direksyon habang naririnig ko ang mahihinang pagsinghap nila sa paligid ng Brenton High.
NAVER's POV: "Hoy, Naver! Bakit tulala ka r'yan?!" Sigaw ni Dion sa akin nang mapansin na wala ako sa katinuan. Nasa loob kami ngayon ng bahay nila. Wala rito ang mga anak nila ni Kim dahil mga nag-aaral na. May mga kaniya-kaniya kaming ginagawa. Ako ay nakatingin lang sa aking laptop, naghahanap ng mapagbubuntungan ng aking kaisipan. Kanina pa ako panay hanap dito sa social media at maski sa PlayStore kaso hanggang ngayon wala pa rin akong makita. Kaso biglang napatigil ang aking mga paningin sa isang litrato na bumulaga na lang sa aking social media account. Isang larawan ng bata na hindi ko maintindihan kung bakit parang pamilyar na pamilyar siya sa akin. Kahit na wala naman akong nakilala na bata na katulad niya. Nakaupo siya sa swing sa mismong parke, sa sobrang luma na ng litrato, hindi na masyadong maaninag pa ang kabuuang mukha nito. Pero nakangiti siya habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Halata rito ang matinding kasiyahan na minsan hindi ko naranasan noong ako'y bat
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments