Share

Chapter 3

Author: Azia_writes
last update Huling Na-update: 2022-11-03 07:04:28

NAVER's POV:

"Ayos lang ba 'tong suot ko? Hindi ba sumobra na ako sa pagiging bad boy look kong 'to? Bakit ito pa ang napili nila para sa akin? Tsk!" Usisa ko sa aking sarili habang nakatingin sa aking cellphone na nakapatay.

Pinagmamasdan ang aking mukha na may fake piercing sa ibaba ng labi ko. Lalong-lalo na rin sa hikaw ko na dala-dalawa sa bawat tenga. Nakadikit lang ito, hindi ko ito pinabutasan dahil hindi ko gusto. Wala rin akong plano na magsuot ng mga ganito, ang dalawa lamang talaga ang may gusto na makita akong suot ito sa trabaho.

Nakasuot ako ngayon ng simpleng black t-shirt na may tatak na ' I'm a goodboy' sa harapan na tinernuhan ng black leather jacket. At black pants na may belt with chain in it.

Pinaresan din ng converse black rubber shoes. Nag-contact lense na rin ako na kulay brown para itago ang tunay na kulay ng mga mata ko.

Napapansin ko na parang pupunta ako sa lamay, at hindi ang magtrabaho sa isang restaurant na nakita ko matapos ang isang linggo naming pag-iisip kung tama ba ang desisyon.

Itong restaurant na ito ang nakita ko kagahapon na may hiring, may ilan kasi na tapos na sila sa paghahanap. Hindi ko lang alam kung bakit gano'n ang reaksyon ng mga nagtatrabaho sa loob.

Para silang naaawa na ano. Hindi na rin ako in-interview pa ng manager. Sinabihan lang ako na titingnan nila ang performance ko bilang isang waiter.

Yeah, I'm a waiter. Sanay na rin naman ako na makihalubilo sa mga tao, sadya lang na hindi talaga maiiwasan na mapagkakalaman na wala kang pake sa iba dahil na rin sa ugali ko na malamig makitungo sa mga ito.

Ang akala ko simpleng restaurant lang ito. But, I was wrong. Ni-research ko ang tungkol sa ' THN FoodHub' sa internet. At isa lang itong branch, ang pinaka-main branch ng restaurant ay nasa China.

Ang may-ari naman ay isa ring sikat na 'Young Entrepreneur' at 'Young Billionaire'. Pero walang nakakaalam sa tunay na ngalan niya. Kilala lang siya sa tawag na 'Thea'.

At may sabi-sabi na masyado raw itong mahigpit sa kaniyang mga empleyado. Hindi padadala sa mga eksplanasyon mo at lalong-lalo na ayaw niya sa mga late sa trabaho.

Mabuti na lang maaga akong nakarating dito, and the ending, the restaurant still close.

Alas siete pa lang ng umaga, sinabihan ako na alas otso dapat nandito na ako, sakto sa oras. Pero hindi ako 'yung tipo ng tao na papahuli.

Gusto ko on right time or advance time ako makakapunta sa organisasyon para makagawa ako nang maaga at maresulbahan na agad ang mga problema na nangyayari sa bawat kabahayan. Naging dahilan nito na masanay ako, kaya maghihintay na lang ako sa labas.

Mabuti na lang may sementong upuan silang ginawa. Kaya malaya akong napaupo at isinandal ang aking ulo sa pader sa tabi ng pinto na sarado.

Hindi ko muna ginamit ang kotse ko. If I do that, maiisip nila na isa akong may-kaya na tao. Hanggat nasa ganito akong estado, kailangan ko rin maranasan kung paano mabuhay ng wala ang lahat ng sa akin.

Nagrenta muna ako ng apartment sa medyo malapit dito sa restaurant na ito. Kaya tricycle lang ang kailangan ko para makauwi, pwede rin na ilakad na lang kapag tinatamad pang dumiretso ng bahay.

Bigla ko rin naalala ang dalawa. Nakakuha na kaya sila ng kanilang mga papasukan? Can they survive? Kilala ko pa naman ang mga ito na hindi kaya ang ganitong atmospera.

Makayanan kaya nilang mabuhay na wala ang lahat sa kanila?

Pero bakit ito pang kondisyon ang naisipan nila? Kung alam naman nila na hindi nila kaya?

Mga sira talaga ang utak. Pero bahala na sila sa buhay nila, maghihintay na lang ako ng text or tawag kapag sumusuko na sila sa deal na ito. May kapalit sa huli kung sino ang makitaan na ka-karampot ang nakuhang sweldo sa limang buwan. Kung ano man iyon, wala na akong pakealam pa ro'n.

*CREEK*

Dinig kong tunog na nanggaling sa aking kanang direksyon. Nang balingan ko ito, ang dalawang tao na nabungaran ko ay gulat na gulat ang kanilang mga mukha habang nanlalakihan ang mga mata sa akin.

Napaturo pa sila ng sabay sa akin na parang nakakita ng multo.

"Ka—kanina ka pa?" Nauutal na tanong nila sa akin na ikinatango ko naman nang mabagal.

Hindi ako nagsalita. Tulad ng ginawa ko kagahapon.

Ang nabungaran ko ay ang manager ng restaurant at ang head chef nito na si Annie. Mag-ama ito, at naalala ko na malayong kamag-anakan ng may-ari ang dalawa kaya ito ang ipinasok sa kaniyang restaurant.

Saka sanay sila sa mga pagkaing Pilipino. Yes, more on pagkain ng mga Pilipino ang makikita sa mga menu, ang iilan ay sa probinsya mo lang makikita ang ilang mga putahe. May ilan na dish din akong hindi nalalaman na nakapaskil sa pader ng restaurant sa mismong aking kanang direksyon.

"B-bakit hindi ka nagkatok?" Tanong naman ni Anne na ikinakibit balikat ko naman.

Hindi pa rin ako nagsasalita. I still remained silent while looking at them with no emotion on my eyes. Napatingin pa sila sa isa't isa at nababasa ko sa kanilang ekspresyon ng mga mukha ang pagtataka.

Pero hindi ko 'yon pinansin. Lumingon ako sa harapan ko habang nakikiramdam sa kanang direksyon ko.

Naalala ko bigla ang aking sarili noong bata pa ako. Ganitong-ganito ako, up until now, gano'n din naman ang approach ko minsan sa ibang tao.

Mabuti na lang iilan pa lang ang nakakakilala sa akin, minsan lang ako lumalabas ng organisasyon kapag gagawa ng misyon. At noong nasa poder pa lang ako ng mga magulang ko walang sinuman ang nakakakita sa akin na lumabas sa kwarto ko.

Kapag pumupunta ako sa mga business meeting, palagi kong ginagamit ang maskara ko dahil iyon ang utos ng magulang ko sa akin. Lalo na noong napaupo ako sa trono. Hindi ako tulad ni Thea na tanging mukha lang ang alam, pero ang pangalan ay walang nakakaalam kung sino bang talaga siya.

"Hey, Natzuri. Pasok ka na rito, mabuti nandito ka na rin, ipapaalam ko sa iyo ang mga dapat mong gawin. Kaya pasok ka na." Mahinang yaya sa akin ng manager sa restaurant na ito.

Hindi na lang ako umimik. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at pumanhik papunta sa loob ng restaurant.

Pagkapasok sa loob, nakita ko kaagad ang ayos. Nasa itaas ng wooden table ang upuan na gawa sa metal.

Sampong lamesa ito na magkaharap sa bawat isa. May mga space rin na dalawang dangkal palayo sa isa't isa.

May pintuan na sarado sa may harapan, doon naman matatagpuan ang daan papunta sa C.R., katabi naman ng pinto sa kaliwa ang refrigerator na may laman ng kung anu-anong inumin. Kasama na ro'n ang alak na iba-iba ang klase.

Sa kanan naman, ay ang counter ng manager namin. Siya ang tumitingin, nag-a-assist, nag-uutos, at nagreresolba ng mga kung anu-anong alitan sa loob ng isang restaurant. May pintuan din sa kaliwa nito kung saan nandoon ang kaniyang opisina.

Mahaba ang counter na ito, kasama na rin dito ang dalawa pang regular na staff ng restaurant. Ito naman ang nagsisilbing front worker. Sa isang simpleng restaurant na ganito, may iilan na mga customer ang kusang lalapit sa counter upang mag-order.

May iilan na tatawag naman para padalhan sila. Kaya kailangan ng dalawa sa front, upang magtulungan.

May daan din dito sa counter. Sa mismong kanan ko, doon naman matatagpuan ang pinaka-kusina ng restaurant. Hindi ko pa nakikita ang loob nito. Sinabi lang sa akin ng manager.

Speaking of the manager. He's now wearing his outfit being a manager. A black tuxedo, partner with a light blue long sleeves. Nakasuot din siya ng trouser na kulay black, and a black shoes.

"So, as our new waiter. All you can do is to communicate with the customer. But before that, you should greet them infront of the door. Dapat kapag nakita mo na may papasok, lumapit ka na, and greet them. Huwag na huwag mong ipapakita sa customer natin ang pagiging suplado mo. Magiging epekto rin nito ang ratings ng restaurant na pinagtatrabahunan mo sa mga gusto pang kumain dito. Saka hindi rin gusto ni Madam Thea ang ganiyang ugali, baka mapalayas ka ng wala sa oras," tiningnan ako nito nang madiin sa aking mukha. I think sa aking ibabang labi. " Hindi mo ba aalisin 'yang piercing mo sa ibaba at 'yang hikaw mo na dalawa-dalawa pa?"

Okay. I thought he has a problem with my lips. Pero 'yung fake piercing ko lang pala, sinasabi ko na nga ba.

I know bawal na bawal ang ganito sa restaurant. Bakit ko pa nilagyan? At bakit sumang-ayon din ako sa mga sira ang ulo na mga kaibigan ko na iyon?

'Baliw.'

"Don't worry. It's just fake. Aalisin ko rin mamaya." Sabay alis ko pa ng piercing ko na nakadikit lang sa ibabang labi ko at muling ibinalik sa pagkakaayos nito.

Nakita ko ang pagsinghap niya nang kunti bago mapaubo nang mahina.

"Ok—okay. That's good. Now, go to the bathroom and change your outfit into a uniform. Darating din maya-maya si Madam Thea para tingnan ka at sabihin ang iba mo pang gagawin. Lalo na rin ang bawal. Goodluck, Natzuri." Tanging tango na lang ang itinugon ko.

Yumuko pa ako sa kaniya nang hindi kababaan lang bago maglakad para pumunta sa direksyon ng pinto na sarado.

Kaso hindi pa ako nakakalayo, narinig ko ang mahinang pagsabi niya sa kaniyang sarili.

"Kakaiba. Suplado pero may respeto. Kakaiba talaga."

Napakibit balikat na lang ako sa aking sarili at hindi na pinansin ang taong nasa aking likuran.

***

Nagsisimula na nga ang trabaho ko. Hanggang ngayon kakaunti pa lang ang nadating na mga customer. Wala rin akong napapansin na pumapasok na boss 'daw' namin.

Siguro mamaya pa iyon darating.

Kaso napatigil ako sa aking paglilinis sa sahig nang may bumukas sa pinto na sarado. Dahan-dahan na pumasok ang isang babae na naka-business attire.

Malayo siya sa aking direksyon pero ramdam ko kung gaano kadelikado ang nasa harapan ko. She has a fierce eyes. Animo'y kinikilatis ang lahat ng mga nasa paligid niya.

Nang makalapit na siya sa akin, handa ko na sana siyang batiin...

"Good—"

Kaso gan'on na lang ang pagtaas ng aking kaliwang kilay nang hindi man lang ako nito pinansin. Straight forward siya na dumiretso sa loob ng kusina. Walang lingong likod na tumingin sa akin.

'What a nerve.' Iyon na lang ang nailabas ng aking isipan na mga kataga at saka inintindi na lang ang paglilinis sa loob.

If she doesn't like to mind me, then hell'a I care.

Kaugnay na kabanata

  • HIS TWO IDENTITIES    Chapter 1

    NAVER's POV: "Hoy, Naver! Bakit tulala ka r'yan?!" Sigaw ni Dion sa akin nang mapansin na wala ako sa katinuan. Nasa loob kami ngayon ng bahay nila. Wala rito ang mga anak nila ni Kim dahil mga nag-aaral na. May mga kaniya-kaniya kaming ginagawa. Ako ay nakatingin lang sa aking laptop, naghahanap ng mapagbubuntungan ng aking kaisipan. Kanina pa ako panay hanap dito sa social media at maski sa PlayStore kaso hanggang ngayon wala pa rin akong makita. Kaso biglang napatigil ang aking mga paningin sa isang litrato na bumulaga na lang sa aking social media account. Isang larawan ng bata na hindi ko maintindihan kung bakit parang pamilyar na pamilyar siya sa akin. Kahit na wala naman akong nakilala na bata na katulad niya. Nakaupo siya sa swing sa mismong parke, sa sobrang luma na ng litrato, hindi na masyadong maaninag pa ang kabuuang mukha nito. Pero nakangiti siya habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Halata rito ang matinding kasiyahan na minsan hindi ko naranasan noong ako'y bat

    Huling Na-update : 2022-11-03
  • HIS TWO IDENTITIES    Chapter 2

    NAVER's POV: "Luh? Ang laki! Saka ang lawak. Grabe para tayong nasa loob ng arena na pinagdadausan ng concert. 'Yun nga lang isa itong paaralan na may dalawang building, at mga maliliit na school room na hiwa-hiwalay naman sa bawat isa. Saan ba tayo dadaan? Di-diretso o ka-kanan?" Manghang-mangha na sambit ni Vince nang makapasok na kami nang tuluyan sa Brenton High. Maski ako ay nagulat din sa laki nito. Sa picture naman ay hindi ganito ang nakita ko, akala ko talaga ay normal lang na paaralan na hindi gano'n kalawak ang loob. Mali pala ang akala ko. Ganito ba talaga kayaman ang mga Harrison? 'Parang hindi rin ang nagsalita.' Biglang singit ng aking utak na ikinangiti ko naman nang tipid. "Ka-kanan tayo. Kung di-diretso tayo, Grade 7 ang bagsak natin." Sagot ko naman sa tanong ni Vince saka naglakad na upang pumunta sa kanang direksyon namin. Naramdaman ko pa ang pagpunta rin nila sa aking direksyon habang naririnig ko ang mahihinang pagsinghap nila sa paligid ng Brenton High.

    Huling Na-update : 2022-11-03

Pinakabagong kabanata

  • HIS TWO IDENTITIES    Chapter 3

    NAVER's POV: "Ayos lang ba 'tong suot ko? Hindi ba sumobra na ako sa pagiging bad boy look kong 'to? Bakit ito pa ang napili nila para sa akin? Tsk!" Usisa ko sa aking sarili habang nakatingin sa aking cellphone na nakapatay. Pinagmamasdan ang aking mukha na may fake piercing sa ibaba ng labi ko. Lalong-lalo na rin sa hikaw ko na dala-dalawa sa bawat tenga. Nakadikit lang ito, hindi ko ito pinabutasan dahil hindi ko gusto. Wala rin akong plano na magsuot ng mga ganito, ang dalawa lamang talaga ang may gusto na makita akong suot ito sa trabaho.Nakasuot ako ngayon ng simpleng black t-shirt na may tatak na ' I'm a goodboy' sa harapan na tinernuhan ng black leather jacket. At black pants na may belt with chain in it. Pinaresan din ng converse black rubber shoes. Nag-contact lense na rin ako na kulay brown para itago ang tunay na kulay ng mga mata ko. Napapansin ko na parang pupunta ako sa lamay, at hindi ang magtrabaho sa isang restaurant na nakita ko matapos ang isang linggo naming

  • HIS TWO IDENTITIES    Chapter 2

    NAVER's POV: "Luh? Ang laki! Saka ang lawak. Grabe para tayong nasa loob ng arena na pinagdadausan ng concert. 'Yun nga lang isa itong paaralan na may dalawang building, at mga maliliit na school room na hiwa-hiwalay naman sa bawat isa. Saan ba tayo dadaan? Di-diretso o ka-kanan?" Manghang-mangha na sambit ni Vince nang makapasok na kami nang tuluyan sa Brenton High. Maski ako ay nagulat din sa laki nito. Sa picture naman ay hindi ganito ang nakita ko, akala ko talaga ay normal lang na paaralan na hindi gano'n kalawak ang loob. Mali pala ang akala ko. Ganito ba talaga kayaman ang mga Harrison? 'Parang hindi rin ang nagsalita.' Biglang singit ng aking utak na ikinangiti ko naman nang tipid. "Ka-kanan tayo. Kung di-diretso tayo, Grade 7 ang bagsak natin." Sagot ko naman sa tanong ni Vince saka naglakad na upang pumunta sa kanang direksyon namin. Naramdaman ko pa ang pagpunta rin nila sa aking direksyon habang naririnig ko ang mahihinang pagsinghap nila sa paligid ng Brenton High.

  • HIS TWO IDENTITIES    Chapter 1

    NAVER's POV: "Hoy, Naver! Bakit tulala ka r'yan?!" Sigaw ni Dion sa akin nang mapansin na wala ako sa katinuan. Nasa loob kami ngayon ng bahay nila. Wala rito ang mga anak nila ni Kim dahil mga nag-aaral na. May mga kaniya-kaniya kaming ginagawa. Ako ay nakatingin lang sa aking laptop, naghahanap ng mapagbubuntungan ng aking kaisipan. Kanina pa ako panay hanap dito sa social media at maski sa PlayStore kaso hanggang ngayon wala pa rin akong makita. Kaso biglang napatigil ang aking mga paningin sa isang litrato na bumulaga na lang sa aking social media account. Isang larawan ng bata na hindi ko maintindihan kung bakit parang pamilyar na pamilyar siya sa akin. Kahit na wala naman akong nakilala na bata na katulad niya. Nakaupo siya sa swing sa mismong parke, sa sobrang luma na ng litrato, hindi na masyadong maaninag pa ang kabuuang mukha nito. Pero nakangiti siya habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Halata rito ang matinding kasiyahan na minsan hindi ko naranasan noong ako'y bat

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status