NAVER's POV:
"Hoy, Naver! Bakit tulala ka r'yan?!" Sigaw ni Dion sa akin nang mapansin na wala ako sa katinuan.Nasa loob kami ngayon ng bahay nila. Wala rito ang mga anak nila ni Kim dahil mga nag-aaral na.May mga kaniya-kaniya kaming ginagawa. Ako ay nakatingin lang sa aking laptop, naghahanap ng mapagbubuntungan ng aking kaisipan. Kanina pa ako panay hanap dito sa social media at maski sa PlayStore kaso hanggang ngayon wala pa rin akong makita.Kaso biglang napatigil ang aking mga paningin sa isang litrato na bumulaga na lang sa aking social media account. Isang larawan ng bata na hindi ko maintindihan kung bakit parang pamilyar na pamilyar siya sa akin. Kahit na wala naman akong nakilala na bata na katulad niya.Nakaupo siya sa swing sa mismong parke, sa sobrang luma na ng litrato, hindi na masyadong maaninag pa ang kabuuang mukha nito. Pero nakangiti siya habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Halata rito ang matinding kasiyahan na minsan hindi ko naranasan noong ako'y bata pa."Missing child? Since 21 years ago?" Napataas pa ang kaliwang kilay ko sa aking nabasa rito.Pero gano'n na lang ang pagkatigil ng aking paghinga sa matinding gulat sa aking naramdaman matapos bumulaga sa aking tabi ang mga kasamahan ko na nakisali sa aking pagtitingin dito."Sino 'yan, Naver? Ang cute niya, huh? Even though we can't clearly see his cute face!" Nagtatakang wika ni Ake sabay turo pa sa mukha ng bata na ikinakibit balikat ko naman dahil maski naman ako wala akong alam."I don't know," walang emosyon na sagot ko naman pero sabay-sabay pa kaming napalingon sa aming harapan para tingnan lang si Dion na ngayon ay nakikisilip din sa laptop ko.Nang mapansin niya na may tatlong nakatingin sa gawi niya, tumingala rin siya sabay tikhim pa nang peke. Napa-cross arm pa siya sa aming harapan."He's the first child of the Harrison who accidentally lost in that park when he was 5 years old. Matagal na siyang nawawala at may napabalita na may batang namatay sa hindi kalayuan sa park na iyan matapos ang limang taon na paghahanap. Pero pansin ninyo, limang taong nakalilipas pa lang ang post kaya ibig sabihin niyan... hindi talaga ang batang natagpuan nila ang anak ng mga Harrison. Kaya panigurado ako na umaasa pa rin na mahanap ng mga ito ang panganay nilang anak." Mahabang salaysay ni Dion sa amin habang seryoso ang kaniyang mukha.Napatango-tango naman kaming tatlo dahil naintindihan na rin namin ang nasa litrato. Kaya pala luma na dahil 21 years na itong larawan na ito.Pero gano'n na lang ang pagsikip ng aking dibdib sa aking naiisip. Napakaswerte ng batang ito dahil hanggang ngayon hinahanap pa rin siya ng kaniyang mga magulang. Kahit na 21 years na ang nakalilipas pero umaasa pa rin sila na babalik sa kanila ang anak nila.But my parents... what am I thinking? Ako ang umalis, ako ang umiwan sa kanila kaya alam kong wala silang pakialam sa katulad ko na kusang lumayo. Buong buhay ko hindi ko naranasan ang pagmamahal ng isang magulang, they belittled me, and always comparing me to the other child.Kaya bakit ko pa sila iniisip? Alam ko naman na masaya na sila na wala ako sa tabi nila. Hah! What the h*ck!?Napabuntong hininga naman ako nang mahina at saka hindi sinasadyang may nag-pop up na lang sa aking utak na eksena nakaraang linggo."What's wrong, Naver?" Nagtatakang turan naman ni Kim nang mapansin akong tumayo sa aking pagkakaupo.Bigla kong naalala na may aasikasuhin pa pala ako. Kapag hindi ko 'yun ginawa, baka magkaaberya pa ang organisasyon, at ang mga taong nagtitiwala sa amin dito.Bakit ko nakalimutan iyon?"Oh! Oo nga! Anong problema, Naver?" Nagtatakang tanong din sa akin ni Vince habang palingon-lingon ang mga mata nito sa aking leather bag kung saan dito ko nilagay ang aking laptop.Hindi ko iniiwan ang laptop ko kahit sa mga kaibigan ko dahil minsan pinapakialaman na lang nila ito. May mga files pa naman ako na itinatago. Sabihin na natin na malihim talaga akong tao, ayokong pinapakialaman ng iba kung ano bang buhay ko.Kaya ako 'yung tipo ng kaibigan na tahimik pero makiki-jamming kapag gusto ko rin."Naalala ko na pupunta pa pala ako sa isang school. Ako ang in-charge na tingnan 'yun at ipaalam sa pamilya Torres kung maganda ba. Pero wala pa akong tunay na dahilan kung bakit ako ang pinili nilang papuntahin do'n at hindi kayo." Malumanay na sagot ko naman sa kanila at naglakad na nga nang mabagal lang."Eh? Hindi mo kami isasama?" Nagtatampong turan ni Ake at Vince na ikinaismid ko naman. As if they see it."Ano pang ginagawa ninyo? Hihintayin ko kayo kung kailan ninyo gusto? Tsk." Walang gana kong sagot habang naglalakad pa rin palayo sa kanila. Hindi man lang binigyan sila ng kahit anong tingin man lang." Grabe naman si Naver. Laking galit mo ngayon a'! Ano bang kinaiinisan mo?" Natatawang tanong sa akin ni Vince sabay akbay pa sa akin.Hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis ngayon. Dahil na rin siguro sa litrato ng batang 'yon. Pero…hayst! Ewan!"Wala. Alis na kami!" Sabay kaway ko pa sa aming likuran.Hindi aalis ang dalawa dahil may mga obligasyon pa silang gagawin. Saka hindi rin sila mahilig pumunta sa mga lugar na hindi nila alam. Kailangan pa muna nilang malaman bago sila sumama, at iyon ang kinaiinisan ko nang palihim dahil maghihintay pa ako ng ilang minuto bago ko marinig ang sagot nila.Minsan pa nga ay wala akong nakukuhang maganda. Mabuti na lang nagawa kong sanayin ang sarili na huwag mainis nang mabilisan, hindi tulad noong bata pa talaga ako na magagalitin ako kaya sarili ko ang nasasaktan ko."Saan ba tayo pupunta, Naver? Anong klaseng paaralan ba?" Nagtatakang tanong sa akin ni Ake habang may lollipop na naman sa kaniyang bibig nang tingnan ko siya nang pahapyaw sa front mirror ng kotse."Brenton High daw sabi nila," sagot ko naman sa kaniya sabay muling ibinaling ang tingin sa kalsada."Eh? May gano'n bang paaralan? Sa pagkakaalam ko sa ibang bansa meron niyan. Mayroon na rin pala rito. Kaso ang nakakapagtaka, bakit magubat dito?" Nagdududang aniya sabay lingon pa sa bintana. Maski rin ako ay naguguluhan din sa aking nakikita. Hindi makipot ang daan, sementado mismo ang kalsada hindi tulad sa ibang lugar na lubak-lubak ang dadaanan mo. Ang kaibahan lang talaga ay puro puno ang paligid, walang kahit anong bahay man lang kaming nakikita.Anong klaseng paaralan ang pupuntahan namin?"Ayon dito sa underworld internet. Ang Brenton High daw ay isang battle school noon pero ang mga anak daw ng owner ng school, ay sumalungat sa naturang gawain ng kanilang mga magulang dahil sa nakita nitong karumal-dumal na nangyayari sa loob ng paaralan. Kung kaya't nang makapagtapos na sila, nagawa na rin nilang mabago ang patakaran dito. That's why, Brenton High can accept ordinary people who are not belong to the Underworld Society." Mahabang paliwanag naman ni Vince.Napatango-tango naman ako habang iniisip ang sinabi nito. Hindi ko alam na may masamang nakaraan pala ang Brenton High." Kilala ba kung sino ang may-ari ng school?” biglang saad ko naman sa kanila nang maalala na wala sa aking sinasabi ang mga Torres. Saka hindi rin nila sa akin ipinaalam kung ano ba ang mga pangalan ng mga ito."Mga Harrison ang nagmamay-ari ng paaralan na pupuntahan natin. Iyong mismong mga magulang ng batang nawawala 21 years ago. At ang daddy nito mismo ang anak ng dating namamahala sa Brenton High. Ngayon, ito naman ang nag-ma-manage sa iniwan ng kaniyang mga magulang. Pero sa pagkakaalam ko, wala na rito ang mga Harrison. 3 years ago, umalis sila para pumunta sa America at doon na manirahan for good. At siguro, habang nandoon sila hindi pa rin sila tumitigil sa kahahanap sa panganay nilang anak na si Collin." Mahabang salaysay ni Vince na ikinailing ko na lang."May mga sabi-sabi pa na napasama raw ang mag-anak sa paglanding ng eroplano banda sa America. Kaya hanggang ngayon wala pa ring balita kung nahanap na ba nila ang anak nila o binawian na sila ng buhay. Pero kung namatay sila dapat hindi umaasenso ang mga negosyo ng mga Harrison. Dapat bagsak na bagsak na 'yan dahil sino ang mamahala ro'n?! 'Di ba?! Kapag may i-chi-chismis, ipapaalam talaga sa iba kahit na wala namang proweba na kasama nga sila ro'n. Mga tao nga naman!” Reklamo naman agad ni Ake sa kaibigan. Halatang-halata sa kaniyang mukha ang matinding inis. Pulang-pula pa ang kaniyang mga tenga."Oo nga naman. Bakit hindi ko nalaman iyon? Pero kung hindi nga sila namatay… bakit hindi na sila nagpapakita?" Nagtatakang tanong na naman nito sa amin.Nang tingnan ko sila sa front mirror, napansin ko ang kanang palad ni Ake na nakalagay sa kaniyang baba habang hindi maipinta ang mukha dahil na rin sa matinding pag-iisip tungkol sa mga Harrison.Gano'n din si Vince na nakatutok nga sa kaniyang cellphone, pero ang kaniya namang isipan ay wala rito. Tulala na para bang ang lalim ng kaniyang iniisip.Muli ko na lang ibinaling ang aking sarili sa daan. Baka makasagasa pa ako kung hindi ko ito pagtutuunan ng pansin. Mabagal lang ang patakbo ko sa kotse ko kapag ganito ang usapan naming tatlo.Pero muling pumasok sa aking isipan ang kanilang mga sinabi. Tama nga sila, bakit hanggang ngayon wala pa ring nagpapakita na Harrison? Naalala ko noong pitong taong gulang ako, palaging lumalabas sa mga news ang mukha ng mga ito. Kilalang-kilala talaga sila sa larangan ng negosyo.But when I turned 10, wala ng nagpapakita pa na mga Harrison. Wala rin kaming alam kung may mga anak ba ito o meron? Kung 'yung batang nawawala lang ba ang anak nila o may iba pa?NAVER's POV: "Luh? Ang laki! Saka ang lawak. Grabe para tayong nasa loob ng arena na pinagdadausan ng concert. 'Yun nga lang isa itong paaralan na may dalawang building, at mga maliliit na school room na hiwa-hiwalay naman sa bawat isa. Saan ba tayo dadaan? Di-diretso o ka-kanan?" Manghang-mangha na sambit ni Vince nang makapasok na kami nang tuluyan sa Brenton High. Maski ako ay nagulat din sa laki nito. Sa picture naman ay hindi ganito ang nakita ko, akala ko talaga ay normal lang na paaralan na hindi gano'n kalawak ang loob. Mali pala ang akala ko. Ganito ba talaga kayaman ang mga Harrison? 'Parang hindi rin ang nagsalita.' Biglang singit ng aking utak na ikinangiti ko naman nang tipid. "Ka-kanan tayo. Kung di-diretso tayo, Grade 7 ang bagsak natin." Sagot ko naman sa tanong ni Vince saka naglakad na upang pumunta sa kanang direksyon namin. Naramdaman ko pa ang pagpunta rin nila sa aking direksyon habang naririnig ko ang mahihinang pagsinghap nila sa paligid ng Brenton High.
NAVER's POV: "Ayos lang ba 'tong suot ko? Hindi ba sumobra na ako sa pagiging bad boy look kong 'to? Bakit ito pa ang napili nila para sa akin? Tsk!" Usisa ko sa aking sarili habang nakatingin sa aking cellphone na nakapatay. Pinagmamasdan ang aking mukha na may fake piercing sa ibaba ng labi ko. Lalong-lalo na rin sa hikaw ko na dala-dalawa sa bawat tenga. Nakadikit lang ito, hindi ko ito pinabutasan dahil hindi ko gusto. Wala rin akong plano na magsuot ng mga ganito, ang dalawa lamang talaga ang may gusto na makita akong suot ito sa trabaho.Nakasuot ako ngayon ng simpleng black t-shirt na may tatak na ' I'm a goodboy' sa harapan na tinernuhan ng black leather jacket. At black pants na may belt with chain in it. Pinaresan din ng converse black rubber shoes. Nag-contact lense na rin ako na kulay brown para itago ang tunay na kulay ng mga mata ko. Napapansin ko na parang pupunta ako sa lamay, at hindi ang magtrabaho sa isang restaurant na nakita ko matapos ang isang linggo naming
NAVER's POV: "Ayos lang ba 'tong suot ko? Hindi ba sumobra na ako sa pagiging bad boy look kong 'to? Bakit ito pa ang napili nila para sa akin? Tsk!" Usisa ko sa aking sarili habang nakatingin sa aking cellphone na nakapatay. Pinagmamasdan ang aking mukha na may fake piercing sa ibaba ng labi ko. Lalong-lalo na rin sa hikaw ko na dala-dalawa sa bawat tenga. Nakadikit lang ito, hindi ko ito pinabutasan dahil hindi ko gusto. Wala rin akong plano na magsuot ng mga ganito, ang dalawa lamang talaga ang may gusto na makita akong suot ito sa trabaho.Nakasuot ako ngayon ng simpleng black t-shirt na may tatak na ' I'm a goodboy' sa harapan na tinernuhan ng black leather jacket. At black pants na may belt with chain in it. Pinaresan din ng converse black rubber shoes. Nag-contact lense na rin ako na kulay brown para itago ang tunay na kulay ng mga mata ko. Napapansin ko na parang pupunta ako sa lamay, at hindi ang magtrabaho sa isang restaurant na nakita ko matapos ang isang linggo naming
NAVER's POV: "Luh? Ang laki! Saka ang lawak. Grabe para tayong nasa loob ng arena na pinagdadausan ng concert. 'Yun nga lang isa itong paaralan na may dalawang building, at mga maliliit na school room na hiwa-hiwalay naman sa bawat isa. Saan ba tayo dadaan? Di-diretso o ka-kanan?" Manghang-mangha na sambit ni Vince nang makapasok na kami nang tuluyan sa Brenton High. Maski ako ay nagulat din sa laki nito. Sa picture naman ay hindi ganito ang nakita ko, akala ko talaga ay normal lang na paaralan na hindi gano'n kalawak ang loob. Mali pala ang akala ko. Ganito ba talaga kayaman ang mga Harrison? 'Parang hindi rin ang nagsalita.' Biglang singit ng aking utak na ikinangiti ko naman nang tipid. "Ka-kanan tayo. Kung di-diretso tayo, Grade 7 ang bagsak natin." Sagot ko naman sa tanong ni Vince saka naglakad na upang pumunta sa kanang direksyon namin. Naramdaman ko pa ang pagpunta rin nila sa aking direksyon habang naririnig ko ang mahihinang pagsinghap nila sa paligid ng Brenton High.
NAVER's POV: "Hoy, Naver! Bakit tulala ka r'yan?!" Sigaw ni Dion sa akin nang mapansin na wala ako sa katinuan. Nasa loob kami ngayon ng bahay nila. Wala rito ang mga anak nila ni Kim dahil mga nag-aaral na. May mga kaniya-kaniya kaming ginagawa. Ako ay nakatingin lang sa aking laptop, naghahanap ng mapagbubuntungan ng aking kaisipan. Kanina pa ako panay hanap dito sa social media at maski sa PlayStore kaso hanggang ngayon wala pa rin akong makita. Kaso biglang napatigil ang aking mga paningin sa isang litrato na bumulaga na lang sa aking social media account. Isang larawan ng bata na hindi ko maintindihan kung bakit parang pamilyar na pamilyar siya sa akin. Kahit na wala naman akong nakilala na bata na katulad niya. Nakaupo siya sa swing sa mismong parke, sa sobrang luma na ng litrato, hindi na masyadong maaninag pa ang kabuuang mukha nito. Pero nakangiti siya habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Halata rito ang matinding kasiyahan na minsan hindi ko naranasan noong ako'y bat