NAVER's POV: "Hoy, Naver! Bakit tulala ka r'yan?!" Sigaw ni Dion sa akin nang mapansin na wala ako sa katinuan. Nasa loob kami ngayon ng bahay nila. Wala rito ang mga anak nila ni Kim dahil mga nag-aaral na. May mga kaniya-kaniya kaming ginagawa. Ako ay nakatingin lang sa aking laptop, naghahanap ng mapagbubuntungan ng aking kaisipan. Kanina pa ako panay hanap dito sa social media at maski sa PlayStore kaso hanggang ngayon wala pa rin akong makita. Kaso biglang napatigil ang aking mga paningin sa isang litrato na bumulaga na lang sa aking social media account. Isang larawan ng bata na hindi ko maintindihan kung bakit parang pamilyar na pamilyar siya sa akin. Kahit na wala naman akong nakilala na bata na katulad niya. Nakaupo siya sa swing sa mismong parke, sa sobrang luma na ng litrato, hindi na masyadong maaninag pa ang kabuuang mukha nito. Pero nakangiti siya habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Halata rito ang matinding kasiyahan na minsan hindi ko naranasan noong ako'y bat
Magbasa pa