Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
Lihat lebih banyakHUNTER'S POV
"What the f*ck!" bulalas ko dahil sa kondisyon na narinig ko mula sa aking ama. "May problema ba, Hunter?" nakangising wika ng aking ama dahil sa pagtutol ko sa kondisyon niya. Tumingin ako sa aking ama. "Dad, kilala mo ako. Wala sa plano ko ang magpatali sa isang babae!" muling pagtutol ko sa aking ama. "Yeah! I know that, my son! But I just thinking about you and the company." Huminga nang malalim ang aking ama at muling nagsalita. "I'm getting old, son. Gusto ko ring maranasan ang pakiramdam na maging isang lolo. And besides, nasa tamang edad ka na. Paano mo papatakbuhin ang ating negosyo, if your own life has no direction." seryosong wika ng aking ama. Napailing ako. "Dad, huwag mo akong pipilitin sa isang bagay na wala sa dictionary ko! Because, I don't want to experience the sadness and pain that you suffered when mom left you, just to be with that b*tch!" paliwanag ko sa aking ama Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ng aking ama at bigla-bigla na lang siyang nagdesisyon para sa akin. Ngumiti at tumango ang aking ama habang seryosong nakatingin sa akin. "Anak, ito ang tatandaan mo, kahit mag-ama tayong dalawa, hindi tayo pareho ng kapalaran. At matagal ko nang napatawad ang 'yong ina." muling litanya ng aking ama habang nakatitig sa akin. Hindi ako nakapagsalita sa mga salitang binitawan ng aking ama. Simula nang magbinata ako ay walang pakialam si daddy sa mga pinaggagawa ko sa aking buhay, lalo na sa mga pakikipagrelasyon ko, na kahit isa ay wala akong sineryoso at never din akong nakipagtalik sa isang babae na walang proteksyon. Dahil hindi ko pinangarap na magkaroon ng anak na walang kasamang ina sa kanyang paglaki. Ayokong danasin ng magiging anak ko ang kinalakihan kong wasak na pamilya, dahil sa malandi kong ina. Tinitigan ko ang aking ama at muli akong nagsalita. "Dad, tell me that you're only joking at me!" mga salitang binitawan ko na nagpawala ng ngiti sa aking ama. "Hunter Buencamino, kailan ako nagbiro sa 'yo tungkol sa negosyo natin? At Ilan beses ko bang sasabihin sa 'yo? Na hindi ako mag-i-invest ng pera, para diyan sa project mo sa Brown Corporation. Matagal ko nang sinabi sa 'yo na hindi mo makukuha ang suporta ko!" mahabang litanya ng aking ama. Muli akong napaisip sa mga salitang binitawan ng aking ama. Dahil simula ng gawin ko ang proposal ko para makuha ang Brown Corporation , labis itong tinutulan ng aking ama. Gusto kong makuha ang Brown Corporation dahil pagmamay-ari ito ng lalaking sinamahan ng aking ina. Sa oras na makuha ko ito ay babagsak ang marangyang buhay na ginusto ng aking ina, kaya nagawa niya kaming iwan ng aking ama na noon ay isa lang na janitor. "Dad, hindi ko alam kung bakit pati buhay ko’y papakialaman mo, kapalit ang pagpayag mo sa proposal ko para sa Brown Corporation! And you know that one of the things I hate the most, is being dictated about what to do in my life, especially in relationships!” muling pagtutol ko sa kagustuhan ng aking ama na labis niyang inilingan. “Hunter, think about it. I'm giving you a chance para ituloy ang project proposal mo sa Brown Corporation. But in one condition, ihaharap mo sa akin next month ang babaeng dadalhin mo sa altar, and you will give me a grandson who will be the heir of Buencamino Corporation!” pahayag ng aking ama. Tumingin ako sa kawalan at bumuntong hininga. Kung nakikipaglaro sa akin ang aking ama, p’wes makikipaglaro ako sa kanya. “Dad, ihanda mo na ang agreement ng Buencamino at Brown Corporation. Dahil ipapakilala ko sa ‘yo ang babaeng magiging ina ng tagapagmana ng Buencamino Corporation!” seryosong wika ko na mabilis tinanguan at nginitian ng aking ama. Halos makagat ko ang aking labi habang papalabas ako ng president office. Dahil hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko upang mapapayag sa kondisyon ng aking ama.HUNTER'S POV Ilang araw na ang lumipas simula nang magising si Gabriel mula sa coma at ngayon nga ay lalabas na siya ng hospital. Dahil wala nga si Nathalie ay ako ang nag-asikaso nang paglabas niya rito sa hospital. Nang maayos ko ang discharge paper ni Gabriel ay pinuntahan ko na siya sa kanyang room. “Gabriel, everything is done now. We just need to wait for the nurse to take out your dextrose,” sabi ko kay Gabriel. Ngumiti si Gabriel. “Thank you, Hunter, for helping me.” Tinitigan ako ni Gabriel. “If you don't mind, can I asked you a question?” tanong niya sa akin. “Yes, sure! What is it?” balik kong tanong kay Gabriel. “I just want to ask again where is my parents and my sister?” seryosong tanong sa akin ni Gabriel. “Gabriel, about your parents, they are already gone because of the car accident. And I am still looking for your sister,” tugon ko kay Gabriel na ikinakunot niya ng kanyang noo. “What do you mean, Hunter?” muling tanong sa akin ni Gabriel. Humi
HUNTER’S POV Mabilis lumipas ang panahon simula nang maghiwalay kami ni Nathalie nang dahil sa katangahan ko at mga maling akala. At mas nagsisi ako nang makita ko ang wedding gift niya sa akin, ang pregnancy kit na ginamit niya na may two line. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil tuluyang nawasak ang relasyon namin ni Nathalie. Simula nang hindi ko siya matagpuan sa apartment niya ay pinahahanap ko na siya sa aking private investigator. At hanggang ngayon ay pinapahanap ko pa rin si Nathalie at ang naging anak namin. Simula nang lumayo si Nathalie ay wala na akong ginawa kung 'di ang uminom at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapapasok ni daddy sa Buencamino Corporation kaya naman sinamantala ko ang panahon na ito upang magawa ko ang project proposal ko sa Brown Corporation na ngayon ko lang nalaman na puro gambling ang negosyo ni Gilbert Brown, front act lang niya ang real state. Kaya malakas ang kutob ko na si Gilbert Brown ang nasa likod nang aksi
NATHALIE'S POV AFTER THREE YEARS Mabilis lumipas ang panahon at natutugunan ko naman ang pangangailangan ng dalawa kong anak na sina Edward at Leila dahil ginamit ko ang perang ibinayad sa akin ni Hunter bilang contracted wife sa isang maliit na negosyo na hanggang ngayon ay pinagkukunan ko nang gastusin ko sa araw-araw. At hindi ko rin akalain na kambal ang naging anak namin ni Hunter kaya medyo mabigat ang gastusin ko sa pangangailangan nila. At sa awa ng Diyos ay maayos ko naman silang naisilang at dala nila ang apelyido ko. Sinadya kong hindi ipagamit ang Buencamino para hindi na magtanong ang aking mga anak kung nasaan ang kanilang ama. Ngayon ay ipinagdiriwang ko ang kanilang ika-second birthday. Tanging si Tita Victoria lang ang narito ngayon at siya lang din ang nakakaalam na pagkatapos akong takbuhan ni Hunter sa aming kasal ay dito ako umuwi at nanirahan. Nalaman noon ni Tita Victoria na narito ako l, dahil bigla siyang dumalaw dito sa bahay at nang makita niyang bun
HUNTER'S POV “What the hell are you done, Hunter?!” galit na tanong sa akin ni daddy nang dumating siya rito sa aking penthouse kasama sina Tristan at Trixie. Alam kong pupuntahan nila ako rito sa condo pagkatapos kong hindi siputin si Nathalie sa church para sa kasal namin. Ngumisi ako sa aking ama at madilim ko siyang tinitigan. “Dad, I’m different from you, okay! Kung nagawa mong patawarin ang malandi mong asawa! P’wes ako hindi!” bulyaw ko sa aking ama na labis niyang ikinagulat. “What do you mean, Hunter?” curious na tanong sa akin ni daddy. Huminga muna ako nang malalim bago ako muling nagsalita. “Dad, you know since I was young I have really loved Nathalie! Wala akong ibang pinangarap kung ‘di ang makita siyang muli! But what did she do to me? She cheated on me in my own house!” Sabay inom ko ng whiskey. Hanggang ngayon ay sobra akong nasasaktan nang dahil sa ginawa sa akin ni Nathalie. Hindi ko matanggap na pinagtaksilan niya ako. Kaya humingi ako ng pabor kay
NATHALIE'S POV Pagkatapos kong puntahan si Kuya Gabriel sa hospital at kumuha ng mga gamit ko sa apartment ay pumunta naman ako rito sa sementeryo kung saan nakalibing ang aking mga magulang. “Daddy, Mommy, sorry kung nagbigay ako ng kahihiyan sa pamilya natin! I don't know how to start my life without him!” sumbong ko sa aking mga magulang habang hinahaplos ko ang kanilang lapida. Hindi ko talaga alam kung paano ako magsisimula na wala si Hunter sa buhay ko. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na umuwi ng Quezon para simulan ang bago kong buhay. Alam kong maninibago ako sa buhay sa probinsya, pero ‘yon lang ang alam ko upang makalayo ako kay Hunter at sa lahat ng tao na napahiya ako. “Daddy, Mommy, sorry kung hindi ko muna kayo mapupuntahan. Dahil kailangan ko munang magpakalayo-layo para simulan ang buhay namin ng magiging anak ko. Sayang lang at hindi n’yo na po makikita ang apo n’yo.” Sabay hawak ko sa aking puson na medyo umbok na. Ang batang ito ang magiging
NATHALIE'S POV Simula sa araw na ito ay patay na si Hunter para sa akin. Hinding-hindi ko ilalapit sa kanya ang aming anak. Katulad lang siya ng kanyang ina na walang karapatan tawagin na isang magulang. Nang matapos kong isuot ang aking damit ay wala na akong sinayang na oras upang manatili pa sa lugar na ito. Isinusumpa ko hinding-hindi na ako tutuntong sa lugar na ito dahil bubuhayin ko ang aking anak mag-isa. Huminga muna ako nang malalim bago ko buksan ang pintuan. Madilim ang mga mata ni Hunter na nakatingin sa akin habang naglalakad ako patungo sa main door. Nang makarating ako sa may main door ay nilingon ko si Hunter at isang mapait na ngiti ang aking pinakawalan. “Thank you, Mr. Buencamino, at nagpakilala ka agad sa akin nang maagap. Kung nag-re-regret ka na pinakasalan mo ako. Nagsisisi rin ako sa paghihintay ko sa 'yo at nasusuklam ako sa 'yo dahil sa ginawa mo sa akin! Ito ang tandaan mo, simula sa araw na ito, isang kaaway na ang tingin ko sa 'yo!” Sabay
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen