author-banner
Loizmical
Author

Novels by Loizmical

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
Read
Chapter: CHAPTER 9
HUNTER'S POV Kasalukuyan kumakain kami ng dinner ng aking ama nang mabanggit niya sa akin na namatay na si Mr. Edmond del Prado, ang negosyante na tumulong sa kanya noon, upang mabago ang aming buhay. “What, Dad? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na namatay na pala sina Mr. and Mrs. del Prado? At sa dinami-dami ng lugar, doon pa talaga kayo nagkita ng lalaking ‘yon!” “Paano ko sasabihin sa ‘yo? Eh, wala kang ibang inatupag kung 'di ang magtrabaho,” mabilis na tugon ni daddy. “Pero sana, Dad, sinabi mo pa rin sa akin. Alam mo naman na matagal ko nang hinahanap si Thalie,” katwiran ko. Si Thalie ang bunso at kaisa-isang anak na babae ni Edmond del Prado. Ang babaeng lihim ko nang minamahal noon pa man. Nang dahil sa hirap ng buhay namin noon, ay hindi ako nagkaroon nang lakas ng loob para magtapat sa kanya. At bukod doon ay napakabata pa namin para sa isang seryosong relasyon. Simula nang tumuntong ako sa college noong panahon na hindi na ako scholar ni Edmond del Prado,
Last Updated: 2025-04-29
Chapter: CHAPTER 8
NATHALIE'S POV “Imposible po ang sinasabi mo, attorney. Kilala ko ang kapatid ko,” singit ni Tita Victoria. “Oo nga, attorney, si Ate Madeline pa talaga? Na ayaw sa sugal, eh, sasabihin mo na nalulong sa sugal! Imposible naman ata ‘yan!” galit na wika ni Tito Brando. Hindi ko maaalis na magalit kay attorney ang mga kapatid ng magulang ko, dahil sa mga sinabi niya tungkol sa pagkalulong nila sa sugal. Bukod sa akin, sila lang ang mga taong mas higit na nakakakilala sa mga magulang ko. “Calm down, please, Mr. Montenegro,” pakiusap ni Attorney Cabral kay Tito Brando. “Calm down? Pagkatapos mong sabihin na sugarol ang mga kapatid namin! Sasabihin mo ngayon na calm down! Ang sabihin mo, natatakot kang mangamoy ang monkey business mo!” muling wika ni Tito Brando gamit ang baritono niyang boses na sinagundahan naman ni Tito Julio. “Atty. Cabral, huwag mo nang patagalin ang usapang ito. Show us the evidence na bankrupt nga ang kapatid ko!” Tumango si attorney, pagkatapos ay
Last Updated: 2025-04-28
Chapter: CHAPTER 7
NATHALIE’S POV “Mommy, Daddy!” I shouted as my parents’ coffins were buried together. Now, I feel so much pain of losing a parent even more. Inililibing na lang lahat-lahat ang aking mga magulang, si Kuya Gab naman ay comatose pa rin at walang pagbabago sa kanyang kondisyon. Walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha nang tuluyan nang mailibing sina mommy at daddy. Sobrang sakit pala ang ihatid ng sabay ang aking mga magulang sa huling hantunga. Pakiramdam ko'y pinagtakluban ako ng langit at lupa ngayon sa aking kinatatayuan. “Nathalie, be strong,” wika ni Tito Brando na sinagundahan ni Tito Julio. “Nathalie, you’re not alone okay. Narito kami ng mga Tito at Tita mo para sa ‘yo.” “Masakit din para sa amin ang nangyari, Nathalie. But we need to accept it kahit pa masakit, dahil hanggang doon na lang ang hiram na buhay nila. May dahilan ang Diyos, Nathalie, kung bakit sabay niyang kinuha ang mga magulang mo,” mahabang litanya ni Tita Victoria habang yakap niya ako. Ala
Last Updated: 2025-04-27
Chapter: CHAPTER 6
NATHALIE’S POV Dumating na ang huling gabi ng lamay ng aking mga magulang, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni attorney. Ang nag-iisang kapatid ni mommy na si Tito Brando ay narito na rin na galing pa sa Canada. “Nathalie, kung kailangan mo ng tulong, huwag kang magdadalawang magsabi sa akin, okay,” mga salitang lumabas sa labi ni Tito Brando. “Opo, Tito Brando.” Ngumiti ako nang bahagya at muling nagsalita. “Mabuti naman po at nakauwi kayo.” “Oo naman. Hindi ko palalampasin na makita sa huling sandali ang mga labi nina Kuya Edmond, at lalong-lalo na ni Ate Madeline,” mga salitang lumabas sa labi ng aking tiyo. Dalawang magkapatid lang sina mommy at Tito. Malaki ang age gap nilang dalawa at ang mommy na ang nagpaaral sa kanya simula nang maulila silang dalawang. Tumira si Tito Brando sa mansyon namin at naalagaan din niya kaming magkapatid kaya naging malapit kami sa kanya. Nang makatapos si Tito Brando ng engineering ay nag
Last Updated: 2025-04-26
Chapter: CHAPTER 5
NATHALIE’S POV Ito ang unang lamay ng aking mga magulang. Naipagbigay alam ko na rin sa mga kapatid ni daddy at mommy ang nangyari sa kanila. At halos lahat ng mga kamag-anak namin ay hindi makapaniwala sa sinapit ng aking mga magulang at kapatid. “Nathalie, kumusta ka na?” tanong sa akin ni Tito Julio ang nakakatandang kapatid ng aking ama na kadarating lang mula sa America. Tatlong magkakapatid sina daddy at siya ang pinakabunso. At si Tita Victoria naman ay isang madre. Ang sabi ni daddy nang masaktan si Tita Victoria sa una niyang pag-ibig ay pinili nitong pumasok sa kumbento at maglingkod sa Diyos. Siya ang kasalukuyang mother superior sa isang bayan ng Quezon Province, ang probinsyang pinagmulan ng aking mga. Si Tito Julio naman ay sa California, USA na tumira dahil nakapag-asawa ito ng isang American. “Tito Julio,” tanging nasabi ko at nagsimula na namang pumatak ang aking mga luha na naging dahilan upang yakapin niya ako. “Nathalie, be strong! Kailangan nating magpa
Last Updated: 2025-04-25
Chapter: CHAPTER 4
NATHALIE’S POV Hindi ko pa rin alam ang aking gagawin. At sa pagkakataon na ito'y hindi ako iniwan ng aking matalik na kaibigan. Si Trixie na rin ang kumontak sa Arlington Funeral upang ayusin ang burol ng aking mga magulang at pati ang pinaglagyan na ICU ng kapatid ko ay siya na rin ang nag-asikaso. Kaya napaka-swerte ko sa aking kaibigan. “Nathalie, papunta na ang funeral service para ayusin ang burol nina Tito Edmond at Tita Madeline,” ani ni Trixie na akin lang tinanguan. Patuloy lang sa pag-aalo ang aking kaibigan sa akin nang lumapit sa amin si Nick. “Excuse me, Ma’am Trixie, narito na po ‘yong pinabili n’yo sa aking sandwich at tubig.” Sabay abot niya ng mga pagkain na dala niya. “Thank you, Nick, umupo ka na diyan at kumain ka na rin,” mabilis na tugon ni Trixie sa aking driver. Tumango si Nick. “Sige po, ma’am,” pagsunod niya at pagkatapos ay tumabi siya sa akin. Maya-maya ay inabot sa akin ni Trixie ang isang sandwich at tubig, ngunit tinanggihan ko ito dahil wala a
Last Updated: 2025-04-18
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status