The Taste Of Lust

The Taste Of Lust

last updateLast Updated : 2023-09-26
By:  Rhod Selda  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
63Chapters
8.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Warning ⚠️ This novel has er*tic elements, detailed s*xual scenes. Please read at your own risk. Mula pagkabata ay gusto na ni Elise si Thrasius, na kasama niyang lumaki sa orphanage at naghiwalay nang kunin ito ng tatay. Sa pagkikita nilang muli, nagbago na ito, tila limot na ang pangako sa kaniya. Nang malasing siya sa reunion ng pamilya ni Thrasius, nabuo ang kanyang plano, ang akitin ito at ibigay ang kaniyang sarili. Nagtagumpay nga siya, ngunit tila may mali. Hindi alam ni Thrasius na may nangyaring sekswal sa kanila. Halos matunaw siya sa kahihiyan nang matuklasan na ang lalaking nakaniig niya ay si Terrence, ang half-brother ni Thrasius! She hates Terrence because he's a naughty playboy and curses a lot. Pero wala siyang choice at nakisama rito dahil ito lang ang willing magpatira sa kaniya sa bahay nito. But while staying at Terrence's house, she discovered something interesting about him, especially how he pleasures women with his odd styles. She found a cure for her traumatic past. Until lust linked them, and it became their addiction. Halos makalimutan na niya si Thrasius dahil kay Terrence, ngunit bigla naman itong nagparamdam. Ano ang pipiliin niya, ang sigaw ng puso, o tawag ng kamunduhan?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

PUNONG-PUNO ng excitement ang puso ni Elise pagdating nila sa Del Valle rest house sa Clark. Inimbita kasi siya ni Sister Feliz para sa family reunion ng mga ito. Nagsuot siya ng pulang dress at pula ring two inches sandals, terno sa pulang shoulder bag niya. Sumama lang naman siya para makita ang pamangkin ni Sister Feliz na si Thrasius. Si Thrasius ay dating si Jelo na childhood friend niya at kasabay na lumaki sa orphanage.Mga bata pa lamang sila ay gustong-gusto na niya ito. Sixteen years old si Thrasius noong kinuha ng parents nito si Thrasius at dinala sa Spain. Siya naman ay katorse anyos noon. Ngunit nang muli silang magkita noong nakaraang buwan, ibang-iba na si Thrasius. Ang paghanga niya rito ay unti-unti ring nagbabago, lalong lumalim.Pagdating sa rest house ng mga Del Valle ay doon pa siya nag-ayos ng ga-baywang niyang buhok, nagpahid din ng lipstick sa mga labi. Umaasa siya na mapapansin na siya ni Thrasius. Wala ito sa mansiyon kaya hinanap niya at hinatid siya ng car

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ry Sprakenheim
highly recommended ...️...️
2023-09-14 18:23:41
0
user avatar
Natalie Jones
Ito na si Terrence so excited! highly recommend to!
2023-09-01 00:18:12
1
user avatar
josephine 💚
excited na ako sa next update
2023-08-31 19:42:43
1
63 Chapters

Chapter 1

PUNONG-PUNO ng excitement ang puso ni Elise pagdating nila sa Del Valle rest house sa Clark. Inimbita kasi siya ni Sister Feliz para sa family reunion ng mga ito. Nagsuot siya ng pulang dress at pula ring two inches sandals, terno sa pulang shoulder bag niya. Sumama lang naman siya para makita ang pamangkin ni Sister Feliz na si Thrasius. Si Thrasius ay dating si Jelo na childhood friend niya at kasabay na lumaki sa orphanage.Mga bata pa lamang sila ay gustong-gusto na niya ito. Sixteen years old si Thrasius noong kinuha ng parents nito si Thrasius at dinala sa Spain. Siya naman ay katorse anyos noon. Ngunit nang muli silang magkita noong nakaraang buwan, ibang-iba na si Thrasius. Ang paghanga niya rito ay unti-unti ring nagbabago, lalong lumalim.Pagdating sa rest house ng mga Del Valle ay doon pa siya nag-ayos ng ga-baywang niyang buhok, nagpahid din ng lipstick sa mga labi. Umaasa siya na mapapansin na siya ni Thrasius. Wala ito sa mansiyon kaya hinanap niya at hinatid siya ng car
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 2

NAKATULOG ang babae pagkatapos nilang magtuos sa kama. Samantalang hindi naman makatulog si Terrence at siya’y nababalisa. Habang wala pang malay ang babae, binihisan niya ito at binuhat. Inilipat niya ito sa guest room sa may ground floor.Pagkuwan ay lumabas siya ng rest house at tumambay sa pantalan. Nagsindi siya ng sigarlyo. It was his last cigarette, and he promised to stop. His doctor said that he has to be careful about quitting smoking. It’s better to do it slowly.Nakatulog sa yate si Terrence. Kinabukasan ay hindi pa siya makauwi dahil tumulong siya sa pagliligpit ng kalat sa rest house. Late na rin siyang nakatulog dahil tila sumpa ang karanasan niya sa babaeng lasing. Hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang ginawa nila.He’s not the kind of guy who will ignore a woman after a one-night stand. After the night, he talked to a woman and discussed what they did. But this time, he felt a bit nervous. Maybe because he encountered a woman he didn’t know before they had sex. It’s u
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 3

NAKIUSAP si Elise kay Sister Feliz na kung puwede siyang makitira sa bahay ng isa sa pamangkin nito roon sa Tarlac. Pinuntahan pa niya ito sa opisina.“Huwag kang mag-alala, kakausapin ko ang pamangkin ko. Ayaw ko ring mapahamak ka sa inuupahan mong mga bastos pala ang may-ari,” sabi ng ginang.“Salamat po, sobrang nahihirapan na kasi ako,” aniya.Naikuwento kasi niya rito ang mga karanasan niya sa bahay na inuupahan.“Oh, siya, huwag ka na malungkot. Ako ang bahala. Balitaan kita once nakausap ko na ang pamangkin ko.”Malapad siyang ngumiti. “Sige po. Babalik na ako sa trabaho.” Nagpaalam na siya sa ginang.Pagsapit ng break time ay tumambay muna sa mini library ng class room si Elise. Marami siyang memories sa silid na iyon. Tambayan niya iyon noong gusto niyang mapag-isa.Napangiti siya nang makita ang iginuhit niyang imahe ng isang pamilya na nakadikit sa dingding. Imahe iyon ng masayang pamilya na kailan man ay hindi niya naranasan. She was still struggle to heal her inner child.
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 4

ITINIGIL ni Elise ang pagpulot ng tuyong dahon sa parking lot ng orphanage. Tinawag na kasi siya ni Sister Anna dahil magsisimula na umano ang meeting. Marami silang activities kaya hindi puwedeng palagi siyang puyat. Kailangan na niya ng maayos na matitirhan pansamantala.Umaasa siya na nakausap na ni Sister Feliz ang pamangkin nito. Curious din siya kung sino ang tinutukoy nitong pamangkin kasi halos nasa Pampanga o Subic ang pamangkin nitong na-meet na niya in person. Si Thrasius naman ay sa Maynila naglalagi sa tuwing bakasyon. Naroon kasi ang mommy nito at may business.Pagkatapos ng meeting ay pinuntahan niya si Sister Feliz sa nursery room. Pinatawag umano siya nito.“Sister, pinatawag n’yo raw po ako,” aniya. Nakatayo lamang siya sa tapat ng lamesa nito.“Ay, oo. Kasi may good news ako para sa ‘yo,” nakangiting sabi nito.Na-excite naman siya. “Ano ‘po ‘yon?”“Doon ka na muna mag-stay sa bahay ng pamangkin ko, Elise. Doon din ako naglalagi kung minsan. Para naman hindi ka na u
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 5

PAGPASOK pa lamang ng opisina ay kinuwelyuhan na ni Thrasius si Terrence at isinandal siya sa dingding. Inambahan siya nito ng suntok.“Woah! Calm down!” he shrieked. Nagtaas siya ng mga kamay senyales na hindi siya lalaban.Kung gagatungan kasi niya ang init ng ulo ni Thrasius, mauuwi lang sila sa bugbugan.Lalong nanggigil si Thrasius. Inilapit pa nito ang mukha sa kaniyang mukha at dinig ang pagngitngit ng mga ngipin nito. “How can I calm? You f*cked Elise! You jerk!” walang gatol nitong bulyaw.He giggled. “That was harsh, bro.” Itinulak niya ito sa dibdib kaya binitawan siya. Inayos naman niya ang kaniyang kamesita. “Why are you so mad in the first place, huh?” he said.“Nagtanong ka pa, gago! Elise told me that she had sex with someone in my room that night of our reunion! I wasn’t there, kasi ginamit mo ang room ko! You can’t deny it, Terrence!” nanggagalaiting sabi nito.He heaved a sigh. “Okay, I didn’t deny that. But, bro, Elise was drunk that night, and I am, too. Of course
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 6

SA second floor ang kuwarto ni Elise at mula roon ay makikita ang malawak na harden at smimming pool. Gusto niya ang lugar, tahimik, malinis. Ngunit habang nakatanaw sa labas buhat sa bintana, sumagi naman sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Thrasius. Tila nag-iwan iyon ng mas malalim na sugat sa kaniyang puso. Ramdam niya na labag sa loob ni Thrasius ang mga sinabi. Nababasa niya sa mga mata nito ang totoong hinaing ng puso nito. Nagbabadya na namang tumulo ang kaniyang luha ngunit naudlot nang may kumatok sa pinto. Inayos niya ang kaniyang mukha bago pinagbuksan ng pinto ang kumakatok. Si Sister Feliz pala. “Ayos ka na ba rito, Elise? Babalik na ako sa kumbento,” anito. “Opo. Marami pong salamat,” saad niya. “Walang anuman. Basta makisama ka lang kay Terrence. Kung may problema ka, tawagan mo lang ako. Nakausap ko naman na si Terrence at alam na ang gagawin.” “Sige po.” “Oh, siya, aalis na ako. Tatawagan na lang kita para sa schedule ng pagtuturo mo sa mga bata.” “Opo.” Nang
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 7

“PAANO pala kayo naging close ni Thrasius?” tanong ni Terrence. Kumakain na sila at ilang minuto ring naghari ang katahimikan. Dahil sa tanong ni Thrasius ay awtomatikong bumalik ang kaniyang isip sa nakaraan. Unti-unti ay nabubuhay rin ang kirot sa kaniyang puso. “Nauna akong dumating sa orphanage. Wala akong kaibigan dahil hindi ako nakikipag-usap sa ibang tao. Nagkukulong lang ako sa kuwarto. Madalas ay binu-bully ako ng ibang bata sa tuwing nakikita nila ako. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak at magtago. Hanggang sa dumating si Thrasius. He’s the first kid who talked to me nicely,” panimulang kuwento niya. “Oh, I see. So, naging magkaibigan kayo?” ani Terrence. “Hindi pa sa umpisa kasi binu-bully rin niya ako.” “What? He really did that?” amuse nitong untag. “Yes. Pero nagbago ang trato niya sa akin noong malaman ang dahilan bakit ako napunta sa orphanage. He started showing care for me. Pinagtatanggol din niya ako at inaaway ang mga bully.” “Paano ka pala napunta sa orp
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 8

DAHIL hindi maiwan ni Terrence ang mga bisita nito, bumalik na lamang si Elise sa opisina at inayos ang mga shelves. Hindi siya lumabas doon hanggat hindi umaalis ang mga sundalo. Mayamaya ay dumating si Terrence. “Narito ka na pala. Pasensiya na, napahaba ang usapan namin ng mga kaibigan ko,” sabi nito. “Ayos lang,” tipid niyang wika. Nagsasalansan siya ng mga naka-folder na papeles sa may drawer. “Pagkatapos mo rito, mauna ka na sa bahay. Bibigyan kita ng susi para hindi ka mahirapan. May pupuntahan ako ngayon at baka gabi na ako makauwi.” “Sige.” Ramdam niya na inuobserbahan siya ni Terrence. Obvious naman kasi sa kilos niya na hindi siya komportable. Naisip niya na dating sundalo si Terrence. Maaring nasa sistema pa rin nito ang nature ng isang sundalo, posibleng may baril pa rin na tinatago. Ang baril ay ang bagay na ayaw niyang makita kahit pa laruan, lalo na ang marinig ang putok nito. “Elise, are you okay?” tanong ni Terrence. Nakatayo lang ito sa harap ng lamesa at may
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 9

“NARITO ka lang pala,” nakangiting sabi ni Terrence. Biglang naibsana ng kaba ni Elise nang masilayan ang matamis na ngiti ni Terrence. Wala sa hitsura nito ang makagagawa ng weird na bagay sa isang babae. Sa halip na matakot, lalo lamang siyang na-curious. Terrence brings her wild imagination into reality. She never thought those erotic films she had watched would happen in real life. Ni minsan ay hindi niya naisip na mayroong lalaki na gagawi ng bagay na ‘yon sa babae to sustain their wild s*xual desires. O baka mali siya at hindi naman ganoon si Terrence. “Uh…. s-sorry, pumasok ako rito na wala ang permiso ko. Aksidente ko lang itong natuklasan at na-curious ako,” aniya, bakas sa tinig ang pagkabalisa. “It’s okay, don’t worry. Malalaman mo rin ito, napaaga lang,” anito. Tuluyan itong pumasok. “I missed this place. I haven’t use this for almost six months.” Sinundan niya ito ng tingin. “Bakit meron kang ganitong kuwarto? Ginagamit mo ba ito sa mga babae?” hindi natimping tanong
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 10

MAAGA pa naman kaya nagtagal sa swimming pool si Elise. Tapos na siyang mag-almusal at naglinis ng bahay. Alas-nuwebe pa naman ang tutorial niya sa mga bata at hindi rin problema kung ma-late siya. Makapaghihintay naman ang mga ‘yon. Nang magsawa kakalangoy ay umahon na siya sa tubig at nagbanlaw. Nagdala na talaga siya ng tuwalya roon kahit nang pinupuno pa lang ng tubig ang pool. Hinintay lang niya si Terrence na makabalik at nagpaalam. Pumasok siya ng bahay na tuwalya lamang ang sapin sa kaniyang katawan. Binitbit na niya ang basang damit at sa banyo ng kuwarto na niya kukusutin. Paakyat na siya ng hagdanan nang lumabas mula kusina si Terrence. Awtomatikong napatingin ito sa kaniya. “Mukhang nag-enjoy ka sa paglangoy, ah. You spent almost an hour in swimming,” nakangiting sabi nito. Pinasadahan pa siya nito ng tingin. “Ah, oo. Bihira rin kasi ako makaligo sa swimming pool.” “Paano ka natutong lumangoy?” “Tinuruan ako ni Thrasius noon sa artificial swimming pool na pambata.”
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status