NAKATULOG ang babae pagkatapos nilang magtuos sa kama. Samantalang hindi naman makatulog si Terrence at siya’y nababalisa. Habang wala pang malay ang babae, binihisan niya ito at binuhat. Inilipat niya ito sa guest room sa may ground floor.
Pagkuwan ay lumabas siya ng rest house at tumambay sa pantalan. Nagsindi siya ng sigarlyo. It was his last cigarette, and he promised to stop. His doctor said that he has to be careful about quitting smoking. It’s better to do it slowly.
Nakatulog sa yate si Terrence. Kinabukasan ay hindi pa siya makauwi dahil tumulong siya sa pagliligpit ng kalat sa rest house. Late na rin siyang nakatulog dahil tila sumpa ang karanasan niya sa babaeng lasing. Hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang ginawa nila.
He’s not the kind of guy who will ignore a woman after a one-night stand. After the night, he talked to a woman and discussed what they did. But this time, he felt a bit nervous. Maybe because he encountered a woman he didn’t know before they had sex. It’s unexpected.
Nag-iingat din siya sa kaniyang kalusugan. Kaya bago siya makipagtalik sa babae ay kinikilala muna niya at tinitiyak na malinis. Regular din ang general check up niya to make sure that he’s healthy. Pumalya lang siya sa babaeng nakatalik niya noong gabi na hindi man lang nakausap. Sumabay kasi iyon sa tindi ng kaniyang pangangailangang seksuwal kaya nawalan na rin siya ng kontrol.
Ang masama pa nito, nabanggit ng babae ang pangalan ng kaniyang kapatid. Wala siyang ideya kung kaanu-ano ito ni Thrasius. Maaring napagkamalan lang siya nito’ng si Thrasius.
Wala siyang alam na girlfriend ni Thrasius. Hindi ito maaring makipagrelasyon sa ibang babae dahil may babaeng nakatakda rito ang mommy nito. Thrasius was a mama’s boy. He just depended on his mother’s decision regarding his future, and he didn’t dare to protest.
Naghuhugas siya ng mga kubyertos sa kusina nang pumasok si Thrasius. Nagbukas ito ng refrigerator saka kumuha ng isang bote ng mineral water. Bihira sila nag-uusap nito kung hindi naman tungkol sa kanilang ama. Pero kailangan niya itong kausapin nang matiyak na hindi nito katipan ang babaeng nakaniig niya.
Paalis na sana ito.
“Thrasius,” pigil niya rito.
Mas matanda siya ng isang taon dito pero hindi siya tinatawag na kuya. Pareho silang galit sa tatay nila dahil sa hindi magandang karanasan ng kanilang mga ina. Pareho rin silang dumaan sa lupit ng pagdidisiplina ng tatay nila. Ang ikinasama ng loob niya noon lalo ay ang pag-uwi ng daddy niya kay Thrasius sa bahay nila kahit hindi pa divorce sa kaniyang ina.
Kaya noong tuluyang umalis ang mommy niya, pati mommy ni Thrasius ay nasa bahay na nila at pinakasalan pa ng daddy niya. Seventeen years old siya noon. Kaya noong hindi na niya gusto ang nangyayari, lumayas siya at nagpasundo sa kaniyang ina at umuwi ng Pilipinas. Simula noon ay hindi na siya bumalik sa puder ng kanilang ama.
“Bakit?” tanong ni Thrasius sa matigas na tinig.
“Sino ‘yong babaeng kasama mo kagabi? Iyong kaargumento mo?” usisa niya.
“Si Elise, kasama ni Tita Feliz sa Orphanage,” tugon nito.
“Girlfriend mo?”
Matiim na tumitig sa kaniya si Thrasius. Nangunot din ang noo nito. “Bakit mo natanong?”
“Gusto ko lang malaman kung kaanu-ano mo siya.”
“It’s none of your business.” Tinalikuran siya nito.
“Wait!” pigil niya ulit.
Nilingon naman siya nito pero wala itong imik.
“Alam ko loyal ka sa mommy mo, pero may choices ka pa rin naman. Puwede kang magka-girlfriend at mag-enjoy muna. O baka palihim ka lang may karelasyong ibang babae,” aniya.
“Wala akong girlfriend,” giit nito.
Nakahinga siya nang maluwag. “What about Elise? Obvious na may special sa inyo.”
Marahas siya nitong hinarap. “Bakit ka ba nakikialam?” Nagtaas ito ng tinig.
“Bakit? Bawal ba? Kapatid kita.”
Tumawa ito nang pagak. “Finally! Tinawag mo rin akong kapatid.”
He took a deep breath. “Why not? Mukha lang akong walang pakialam pero may concern din naman ako sa ‘yo. Naaawa ako sa ‘yo kasi alam ko nasasakal ka sa desisyon ng mommy mo.”
“I love my mom, and I won’t hurt her feelings. She has a heart problem, and those emotions could trigger her condition to be severe.”
“Oh, ayaw mong sumama ang loob niya sa ‘yo kaya sinusunod mo lang ang gusto niya. Paano kung may ibang babae kang gusto?”
Hindi ito nakakibo. Nang dumating ang kanilang tiya ay umalis na ito. Itinuloy na lamang niya ang kaniyang gawain. Hindi na niya nakita ulit si Elise. Umuwi na malamang ito.
Kinabukasan ay inimbita si Terrence ng kaniyang tiya na magsilbi sa mga bata sa orphanage sa Tarlac. They will have an anniversary party. He doesn’t have a choice but to follow his aunt's order. Ang trabaho niya ay tutulong sa paghahanda ng meryenda ng mga bata at pag-asikaso sa darausan ng party.
Naging utusan siya ng mga madre. Pabalik-balik siya sa function hall at naghahakot ng mga silya na gagamitin. Halos isang oras din siyang bapalik-balik sa bodega at function hall bago nakapagpahinga. He went to the kitchen to get some water.
There are two ladies there, preparing the food. Napahinto siya sa bukana ng pintuan nang matanto na si Elise ang isang babae na naghahalo ng niluluto nito sa malaking kaldero. Naroon na pala ito. Ang isang matangkad at payat na babae ay naghihiwa ng mga gulay.
“Excuse me,” tawag niya sa atensiyon ng dalawang babae.
Ang matangkad lang ang lumingon sa kaniya. Matangkad din naman si Elise. Tantiya niya’y may limang talampakan at apat na pulgada ang taas nito. She was stunning even though she wore a loose blouse and fitted denim pants. A woman didn’t dare glance at him. She was busy and seemed not in a good mood.
Ang isang babaeng abala ay napatigil sa ginagawa at todo ngiting lumapit sa kaniya.
“Yes, sir? May maipaglilingkod po ba kami sa inyo?” magalang nitong tanong.
“Uh, may I have some water? Uhaw na kasi ako at walang tubig sa labas na maiinom,” kaswal niyang sabi.
“Wait lang po.” Mabilis itong lumapit sa refrigerator at kumuha ng pitsel. Dumampot din ito ng babasaging baso.
Ito pa talaga ang nagsalin ng tubig sa baso saka iniabot sa kaniya. Kaagad naman niyang nilagok ang tubig at humingi pa ulit. Pawisin siya kaya nakadalawang palit na siya ng damit.
“Baka nagugutom ka rin. Gusto mo ba ng sandwich?” tanong ng babae.
“Puwede ba?”
“Oo naman. Pero bago ang lahat, ako nga pala si Grace. Dito ako lumaki sa orphanage at nagtatrabaho na rin dito. Nagtuturo ako sa mga bata ng aralin,” pagkuwan ay pakilala nito.
“Nice. I’m Terrence,” aniya.
Kumuha ng isang sandwich si Grace pero natigilan nang magsalita si Elise.
“Huwag mong bawasan ang sandwich. Bilang iyan para sa mga bata. May sobra pa namang loaf bread, gawa ka na lang,” anito kay Grace.
Ibinalik ni Grace sa kahon ang sandwich. Inirapan nito si Elise na abala pa rin sa pagluluto, ni hindi sila sinipat.
“Huwag na pala. Bibili na lang ako ng snack sa labas,” sabi na lamang niya.
“Sige, sir. Pasensiya ka na,” dismayadong wika ni Grace.
Ngumiti lang siya saka lumisan. Hinila niya ang pinto nang palabas siya ngunit sira ata ang bisagra at mabilis nagsara kaya naipit ang kaniyang kamay.
“Put-tang*na!” Napalutong ang pagmumura niya. Naitulak niya pabukas ulit ang pinto.
“Ang bastos naman ng bibig niyan,” sabi ni Elise.
Terrence bit his lower lip and silently cursed again. Kaagad siyang tumalikod para hindi makita ang reaksiyon ni Elise.
“Sorry, naipit kasi ang kamay ko ng pinto,” aniya.
“Huwag kang magmumura sa harap ng mga bata. Hindi magandang pakinggan,” sabi nito sa matigas na tinig.
“Okay. Sorry ulit.” He didn’t bother to face Elise. But deep inside, he found her interesting.
Gusto niya ang babaeng may katarayan, iyong sinisita siya sa mga ginagawa niya na hindi nito gusto. Ibang-iba si Elise noong gabing nakaniig niya ito. Kung sa bagay, may mga tao talaga na pansamantalang binabago ng alak ang ugali.
MASAYANG bumalik si Elise sa orphanage pagka-graduate niya ng college. Sa Pampanga siya nag-aral ng college at sagot pa rin ng mga madre ang pag-aaral niya. Isang buwan pagkatapos ng graduation ay inimbeta siya ni Sister Feliz na magsilbi naman sa mga bata sa orphanage kung saan siya lumaki.
Graduate siya ng Bachelor of Science in Social Work. Kasama niyang bumalik sa Conception, Tarlac si Grace, kasabay rin niyang lumaki sa orphanage. Nagtapos naman ito ng secondary education. Naghihintay pa ito ng schedule para sa board exam. Pareho silang twenty-five years old pero mas matanda ito ng dalawang buwan sa kanya.
“Nakatulog ka ba kagabi, Elise?” tanong ni Grace habang inaayos nila ang mga gamit nila para sa activity ng mga bata sa araw na iyon. Nasa class room na sila ng orphanage at tapos na magluto.
“Hindi masyado,” sagot niya habang inaalis sa kahon ang mga coloring books.
“Pareho tayo,” natatawang sabi ni Grace.
Nakisiksik kasi sila sa mga bata kagabi dahil wala nang bakanteng kuwarto na matutulugan. Pero hindi iyon ang dahilan bakit hirap siyang makatulog, kundi ang gabing naganap sa rest house nila Sister Feliz.
Masama pa rin ang loob niya dahil pagkatapos na naisuko niya ang kaniyang sarili kay Thrasius, binalewala pa rin siya. Tila walang nangyari at hindi siya pinansin. Sa inis niya’y umalis siya nang maaga sa rest house at bumalik sa orphanage.
Kulang pa ang mga upuan kaya pumasok siya sa stock room at naghanap ng lumang silya pero maayos pa. Nakita niya ang pamilyar na armed chair. Hinila niya ito at sinilip ang likuran. Awtomatikong bumalik ang kaniyang isip sa nakaraan nang makitang nakaukit pa rin sa likod ng silyang kahoy ang iginuhit niya noon.
Noong twelve years old siya, gumuhit siya sa likod ng silyang ‘yon ng imahe ng dalawang bata, babae at lalaki na magkahawak ang mga kamay. Ginamit niyang pangguhit ay ballpen. Nakaukit din ang pangalan niya at ng lalaking gustong-gusto niya, si Jelo o Thrasius.
“Jelo love Elise”, mga pangalang inukit niya kalakip ng imahe ng dalawang bata.
Binalot ng pait ang kaniyang puso nang maisip ang pagbabago ni Jelo. He was her childhood sweetheart, her first crush. Madalas siyang binu-bully noon ni Jelo dahil iyakin siya at patpatin. Pero sa lahat ng batang lalaki na kasama niya sa orphanage, si Jelo ang naging sandigan niya sa tuwing naaalala ang masaklap na nangyari sa kaniyang pamilya.
“Elise!” tawag ni Grace.
Awtomatikong bumalik sa realidad ang kaniyang isip. Hinila na niya ang napiling silya saka inihanay sa iba pa. Nagsidatingan na rin ang mga bata. Siya ang napili ni Sister Feliz na magturo sa mga bata dahil alam nitong may talento siya sa drawing.
Aliw na aliw siya sa mga bata na abala sa pagkukulay ng mga coloring books. Isa-isa niyang nilalapitan ang mga bata at itinatama ang mga ginagawa ng mga ito.
Si Grace naman ang nagtuturo sa ibang bata na magsulat. May umiikot ding madre at sinasaway ang ibang bata na makulit. Tinutukan niya ang pitong taong gulang na batang babae na hirap na hirap sa pagkukulay ng drawing na aso.
“Puwede pong kulay brown ang ulo ng dog?” tanong ng bata.
“Yes, ikaw ang bahala,” nakangiting sagot niya. “Huwag mong kulayan ang mata ah? Iba ang-”
“F*ck! T*ngina!” malutong na mura ng baritonong boses lalaki na siyang pumutol sa pagsasalita ni Elise.
“Sino ba ‘yon? Ang bastos naman ng bibig!” bulalas ni Sister Anna.
“Sh*t!” Nasundan pang pagmumura ng lalaki.
Marahas siyang lumingon sa pintuan kung saan niya narinig ang boses ng lalaki. Mariing kumunot ang noo niya nang makita ang lalaking pinupulot ang mga nalaglag na naka-pouch na juice at ilang sandwiches. Nang tumayo ito ay nawindang siya. Pamilyar sa kaniya ang bulto nito. Sa unang sulyap ay si Thrasius ang kaniyang nakikita.
Hindi niya makita ang buong mukha nito dahil nakayuko at natatakpan ng isang madre. Pero sigurado siya na ito ang lalaking nagmura rin sa kusina. Pamilyar kasi ang boses nito.
“S-Sorry, guys. Inutusan lang ako ni Sister Filez na maghatid ng meryenda,” sabi ng lalaki.
Si Sister Anna ang nag-assist dito.
“Uy, si Terrence!” bulalas ni Grace.
Hindi niya pinansin ang kaibigan kahit kinalabit siya nito sa balikat. Nakatutok kasi siya sa lalaki. Curious siya rito kasi kilala nito si Sister Feliz. Akala niya kasama ito ng mga bisita na sponsor sa budget ng pagkain pero nakaalis na ang mga ‘yon. Kung lumaki rin ito sa orphanage, dapat kilala niya ito. Nang muli siyang lumingon dito, nakatalikod na at paalis. Hindi siya mapakali at talagang pamilyar sa kaniya ang lalaki.
NAKIUSAP si Elise kay Sister Feliz na kung puwede siyang makitira sa bahay ng isa sa pamangkin nito roon sa Tarlac. Pinuntahan pa niya ito sa opisina.“Huwag kang mag-alala, kakausapin ko ang pamangkin ko. Ayaw ko ring mapahamak ka sa inuupahan mong mga bastos pala ang may-ari,” sabi ng ginang.“Salamat po, sobrang nahihirapan na kasi ako,” aniya.Naikuwento kasi niya rito ang mga karanasan niya sa bahay na inuupahan.“Oh, siya, huwag ka na malungkot. Ako ang bahala. Balitaan kita once nakausap ko na ang pamangkin ko.”Malapad siyang ngumiti. “Sige po. Babalik na ako sa trabaho.” Nagpaalam na siya sa ginang.Pagsapit ng break time ay tumambay muna sa mini library ng class room si Elise. Marami siyang memories sa silid na iyon. Tambayan niya iyon noong gusto niyang mapag-isa.Napangiti siya nang makita ang iginuhit niyang imahe ng isang pamilya na nakadikit sa dingding. Imahe iyon ng masayang pamilya na kailan man ay hindi niya naranasan. She was still struggle to heal her inner child.
ITINIGIL ni Elise ang pagpulot ng tuyong dahon sa parking lot ng orphanage. Tinawag na kasi siya ni Sister Anna dahil magsisimula na umano ang meeting. Marami silang activities kaya hindi puwedeng palagi siyang puyat. Kailangan na niya ng maayos na matitirhan pansamantala.Umaasa siya na nakausap na ni Sister Feliz ang pamangkin nito. Curious din siya kung sino ang tinutukoy nitong pamangkin kasi halos nasa Pampanga o Subic ang pamangkin nitong na-meet na niya in person. Si Thrasius naman ay sa Maynila naglalagi sa tuwing bakasyon. Naroon kasi ang mommy nito at may business.Pagkatapos ng meeting ay pinuntahan niya si Sister Feliz sa nursery room. Pinatawag umano siya nito.“Sister, pinatawag n’yo raw po ako,” aniya. Nakatayo lamang siya sa tapat ng lamesa nito.“Ay, oo. Kasi may good news ako para sa ‘yo,” nakangiting sabi nito.Na-excite naman siya. “Ano ‘po ‘yon?”“Doon ka na muna mag-stay sa bahay ng pamangkin ko, Elise. Doon din ako naglalagi kung minsan. Para naman hindi ka na u
PAGPASOK pa lamang ng opisina ay kinuwelyuhan na ni Thrasius si Terrence at isinandal siya sa dingding. Inambahan siya nito ng suntok.“Woah! Calm down!” he shrieked. Nagtaas siya ng mga kamay senyales na hindi siya lalaban.Kung gagatungan kasi niya ang init ng ulo ni Thrasius, mauuwi lang sila sa bugbugan.Lalong nanggigil si Thrasius. Inilapit pa nito ang mukha sa kaniyang mukha at dinig ang pagngitngit ng mga ngipin nito. “How can I calm? You f*cked Elise! You jerk!” walang gatol nitong bulyaw.He giggled. “That was harsh, bro.” Itinulak niya ito sa dibdib kaya binitawan siya. Inayos naman niya ang kaniyang kamesita. “Why are you so mad in the first place, huh?” he said.“Nagtanong ka pa, gago! Elise told me that she had sex with someone in my room that night of our reunion! I wasn’t there, kasi ginamit mo ang room ko! You can’t deny it, Terrence!” nanggagalaiting sabi nito.He heaved a sigh. “Okay, I didn’t deny that. But, bro, Elise was drunk that night, and I am, too. Of course
SA second floor ang kuwarto ni Elise at mula roon ay makikita ang malawak na harden at smimming pool. Gusto niya ang lugar, tahimik, malinis. Ngunit habang nakatanaw sa labas buhat sa bintana, sumagi naman sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Thrasius. Tila nag-iwan iyon ng mas malalim na sugat sa kaniyang puso. Ramdam niya na labag sa loob ni Thrasius ang mga sinabi. Nababasa niya sa mga mata nito ang totoong hinaing ng puso nito. Nagbabadya na namang tumulo ang kaniyang luha ngunit naudlot nang may kumatok sa pinto. Inayos niya ang kaniyang mukha bago pinagbuksan ng pinto ang kumakatok. Si Sister Feliz pala. “Ayos ka na ba rito, Elise? Babalik na ako sa kumbento,” anito. “Opo. Marami pong salamat,” saad niya. “Walang anuman. Basta makisama ka lang kay Terrence. Kung may problema ka, tawagan mo lang ako. Nakausap ko naman na si Terrence at alam na ang gagawin.” “Sige po.” “Oh, siya, aalis na ako. Tatawagan na lang kita para sa schedule ng pagtuturo mo sa mga bata.” “Opo.” Nang
“PAANO pala kayo naging close ni Thrasius?” tanong ni Terrence. Kumakain na sila at ilang minuto ring naghari ang katahimikan. Dahil sa tanong ni Thrasius ay awtomatikong bumalik ang kaniyang isip sa nakaraan. Unti-unti ay nabubuhay rin ang kirot sa kaniyang puso. “Nauna akong dumating sa orphanage. Wala akong kaibigan dahil hindi ako nakikipag-usap sa ibang tao. Nagkukulong lang ako sa kuwarto. Madalas ay binu-bully ako ng ibang bata sa tuwing nakikita nila ako. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak at magtago. Hanggang sa dumating si Thrasius. He’s the first kid who talked to me nicely,” panimulang kuwento niya. “Oh, I see. So, naging magkaibigan kayo?” ani Terrence. “Hindi pa sa umpisa kasi binu-bully rin niya ako.” “What? He really did that?” amuse nitong untag. “Yes. Pero nagbago ang trato niya sa akin noong malaman ang dahilan bakit ako napunta sa orphanage. He started showing care for me. Pinagtatanggol din niya ako at inaaway ang mga bully.” “Paano ka pala napunta sa orp
DAHIL hindi maiwan ni Terrence ang mga bisita nito, bumalik na lamang si Elise sa opisina at inayos ang mga shelves. Hindi siya lumabas doon hanggat hindi umaalis ang mga sundalo. Mayamaya ay dumating si Terrence. “Narito ka na pala. Pasensiya na, napahaba ang usapan namin ng mga kaibigan ko,” sabi nito. “Ayos lang,” tipid niyang wika. Nagsasalansan siya ng mga naka-folder na papeles sa may drawer. “Pagkatapos mo rito, mauna ka na sa bahay. Bibigyan kita ng susi para hindi ka mahirapan. May pupuntahan ako ngayon at baka gabi na ako makauwi.” “Sige.” Ramdam niya na inuobserbahan siya ni Terrence. Obvious naman kasi sa kilos niya na hindi siya komportable. Naisip niya na dating sundalo si Terrence. Maaring nasa sistema pa rin nito ang nature ng isang sundalo, posibleng may baril pa rin na tinatago. Ang baril ay ang bagay na ayaw niyang makita kahit pa laruan, lalo na ang marinig ang putok nito. “Elise, are you okay?” tanong ni Terrence. Nakatayo lang ito sa harap ng lamesa at may
“NARITO ka lang pala,” nakangiting sabi ni Terrence. Biglang naibsana ng kaba ni Elise nang masilayan ang matamis na ngiti ni Terrence. Wala sa hitsura nito ang makagagawa ng weird na bagay sa isang babae. Sa halip na matakot, lalo lamang siyang na-curious. Terrence brings her wild imagination into reality. She never thought those erotic films she had watched would happen in real life. Ni minsan ay hindi niya naisip na mayroong lalaki na gagawi ng bagay na ‘yon sa babae to sustain their wild s*xual desires. O baka mali siya at hindi naman ganoon si Terrence. “Uh…. s-sorry, pumasok ako rito na wala ang permiso ko. Aksidente ko lang itong natuklasan at na-curious ako,” aniya, bakas sa tinig ang pagkabalisa. “It’s okay, don’t worry. Malalaman mo rin ito, napaaga lang,” anito. Tuluyan itong pumasok. “I missed this place. I haven’t use this for almost six months.” Sinundan niya ito ng tingin. “Bakit meron kang ganitong kuwarto? Ginagamit mo ba ito sa mga babae?” hindi natimping tanong
MAAGA pa naman kaya nagtagal sa swimming pool si Elise. Tapos na siyang mag-almusal at naglinis ng bahay. Alas-nuwebe pa naman ang tutorial niya sa mga bata at hindi rin problema kung ma-late siya. Makapaghihintay naman ang mga ‘yon. Nang magsawa kakalangoy ay umahon na siya sa tubig at nagbanlaw. Nagdala na talaga siya ng tuwalya roon kahit nang pinupuno pa lang ng tubig ang pool. Hinintay lang niya si Terrence na makabalik at nagpaalam. Pumasok siya ng bahay na tuwalya lamang ang sapin sa kaniyang katawan. Binitbit na niya ang basang damit at sa banyo ng kuwarto na niya kukusutin. Paakyat na siya ng hagdanan nang lumabas mula kusina si Terrence. Awtomatikong napatingin ito sa kaniya. “Mukhang nag-enjoy ka sa paglangoy, ah. You spent almost an hour in swimming,” nakangiting sabi nito. Pinasadahan pa siya nito ng tingin. “Ah, oo. Bihira rin kasi ako makaligo sa swimming pool.” “Paano ka natutong lumangoy?” “Tinuruan ako ni Thrasius noon sa artificial swimming pool na pambata.”
NAHIRAPAN si Elise sa labor dahil gabi pa lang ay humilab na ang kaniyang tiyan. Nataon pa na nasa Maynila si Terrence. Mabuti kasama niya ang mommy nito na kararating. Gusto kasi nitong masaksihan ang paglabas ng apo nito. Kaya three days bago ang due date niya sa panganganak ay naroon na ito. Napaaga ang labor niya. Kung kailan dumating si Terrence sa ospital ay saka lang nagmadaling lumabas ang anak niya. Ang tatay lang pala nito ang hinihintay. Saktong sumikat ang araw ay matagumpay niyang nailuwal ang anak nila, their first son. “Welcome to the world, Baby Elrence!” bati ni Terrence sa anak nila. Huhat na nito ang baby. Hindi na niya pinalitan ang naisip ni Terrence na pangalan ng anak nila na kinuha sa mga pangalan nila. Nagustuhan din naman niya ito. Natuwa siya dahil may nakuha rin sa mukha niya si Elrence, ang kaniyang mga labi. Pagdating sa mga mata at ilong, kopyang-kopya naman kay Terrence. Maputi ang anak nila, makinis, nakuha ang pa rin ang karesma ng angkan ng Del Val
MAY kirot pa rin sa puso ni Terrence habang nakatingin kina Thrasius at Elise na magkayakap. Hindi niya maiwasang isipin na matimbang pa rin talaga sa puso ni Elise si Thrasius. Well, he can’t blame her. Pero nag-usap na sila ni Thrasius, at sinabi nito na hindi na ito makikialam sa relasyon nila ni Elise. Katunayan ay pinaubaya nito sa kaniya ang kaligtasan ni Elise. Thrasius was finally letting go of Elise. He’s happy to feel Thrasius’s genuine feelings and prove that brotherhood matters to him. Na-realize na rin ni Thrasius ang lapses nito at mga maling mindset. Okay na siya roon. Ang kailangan na lang niyang tutukan ay si Elise. Dapat maka-recover na ito sa amnesia. Huling check-up nito sa doktor, nabanggit ng doktor na malaki na ang improvement ni Elise. At maaring bigla lang umanong babalik ang memorya nito na hindi namamalayan. Nagpaalam na sa kanila si Thrasius. Si Elise naman ay bumalik sa warehouse ng itlog at nangolekta na naman ng rejected eggs. Mukhang may binabalak na
PAULIT-ULIT na umukilkil sa kukoti ni Elise ang mga eksenang napanood niya sa video. Nanuot pa rin ang kirot sa kaniyang puso. Maaring galit na galit siya noong masaksihan sina Terrence at Thalia sa opisina. Pero habang inuulit niya ang eksena sa kaniyang isip, unti-unti siyang nakukumbinsi na inosente si Terrence. Ang hindi niya maintindihan ay bakit apektado pa rin siya. Maaring may iba pa siyang iniisip noon. Ayaw niyang ma-stress kaya natulog na lamang siya. Kinabukasan ay nagpasya si Elise na umuwi na sa Tarlac. Umaga sila umalis ni Terrence lulan ng kotse nito. Sa tuwing may madaanan silang nagtitinda ng kung anong pagkain sa gilid ng kalsada ay pinahihinto niya ang sasakyan. Bumili siya ng mga pagkaing bihira niya makita. Nakapunta na sila ni Terrence sa Zambales at doon din ay may ilang senaryo siyang naalala. Hirap pa rin siyang maipagbuklod ang naipong memorya, senyales na hindi pa siya lubusang magaling sa amnesia. Nakaidlip siya sa biyahe at ginising lang ng malakas na
KABADO si Terrence habang hinihintay ang sagot ni Elise sa sinabi niya tungkol sa kasal. She’s obviously confused and can’t focus on him. “If you’re not ready yet, it’s okay. I will wait na lang hanggang maalala mo na lahat ng nangyari. It would help you to decide,” aniya. “Uh….. pasensiya na. Gusto ko munang mawala ang amnesia ko,” saad nito. “Ayos lang. At least may mga na-recover ka na ring memories. It’s a good start.” Tumayo na siya at nagligpit ng pinagkainan nila. Iniwanan lang niya ng isang basong tubig si Elise bago hinakot ang mga kubyertos. Tuloy ay hinugasan na rin niya ang mga ito. Unti-unti na ring nare-recover ni Elise ang memories nito ngunit hindi pa nito naunawaan lahat ng senaryo. Apektado pa rin ang emosyon nito. And to push it through, Terrence gave his best to help Elise. Dinala niya ito sa mga lugar na madalas nilang puntahan, lalo na sa Clark. Sa Clark nagsimulang mapabilis ang pagbabalik ng alaala ni Elise, kaso sumabay ang pagsisimula rin ng paglilihi n
KINAIN ni Terrence ang kinagatang cookies ni Elise. Nakatulog na ang dalaga sa couch sa lobby. Saka lang ito iniwan ni Grace nang makalapit siya. Binuhat na niya ang dalaga at inilipat sa opisina ng kaniyang tiya. Mas malamig doon at may malaking sofa. “Nagsisimula na bang maglihi si Elise?” tanong ng kaniyang tiya. “I think she just started her cravings. Inaatake pa rin siya ng morning sickness pero hindi na ganoon katindi,” turan niya. Lumuklok siya sa isang couch mas malapit sa table ng kaniyang tiya. “How’s her memories?” “May mga naaalala na siya. Good thing, Elise draw those scenes she recalled.” “Mabuti naman. Dapat talaga makaalala na siya bago niya maranasan ang matinding paglilihi. First time niyang magbuntis kaya asahan natin na mahihirapan siya.” He sighed. “Iyon din po ang inaalala ko. Kahit papano ay hindi na stress si Elise. Simula noong nakausap niya ulit si Thrasius, nabawasan ang confusion niya.” “Ingatan mo sa pagkain si Elise. Baka mamaya ay hindi mo mamalay
NABUHAYAN na sana ng pag-asa si Terrence dahil may naaalala na si Elise. Pero bigla na namang nagbago ang mood nito. Maybe Elise also recalled some scenes in the office. He felt panic again. Naisip niya na maaring maungkat ang emosyon ni Elise once naalala nito ang huling pangyayari bago ito nabundol ng truck. It might trigger her anger towards him. He needs to explain the scene before Elise holds hate against him. Nabuhay nang muli ang galit niya kay Thalia, na dahilan bakit nagkalitse-litse ang buhay nila. Nang muli niyang silipin si Elise, wala na ito sa lobby. Nagbukas siya ng laptop at nag-connect ng access sa CCTV footage sa lahat ng sulok ng opisina at warehouse, maging sa lobby. Nakita sa video na pumasok sa warehouse ng mga itlog si Elise. Napanatag siya dahil nilapitan ito ni Candy at nilibang. Dumating na rin si Seth kasama si Ashley. Nanggaling sa doktor ang mga ito at nagpabili siya ng dalawang bandle ng band paper. “Kumusta na si Elise?” tanong ni Ashley. Umupo ito s
MALAYO ang farm kaya sumakay sila ni Grace sa tricycle na hiniram nila kay Mang Toni. Marunong mag-drive ng motor si Grace kaya ito ang nagmaneho at nakaupo lang si Elise sa loob ng sidecar. Nagtanong-tanong naman ito sa tauhan kung saan ang farm ng mga gulay dahil limot din niya. May munting gate ang farm at malaya naman silang nakapasok. Mainit sa mismong taniman ng gulay pero malilim naman sa gigilid dahil maraming punung-kahoy. May dala silang dalawang malalaking echo bag na paglagyan ng mga gulay. Natakam si Elise sa malalaking bunga ng dalandan kaya kinuha niya ang panungkit na merong net. Pinagtigaan niyang makuha ang malalaking bunga na nasa matataas. Si Grace na ang namitas ng bunga ng kamatis na hinog at ibang gulay. Mainit kasi sa puwesto nito. Tuwang-tuwa siya nang makakuha ng anim na bunga ng dalandan. Nang hawak na niya ang isang prutas ay may senaryo na namang sumagi sa isip niya. Napaupo siya sa bench at pumikit. Nakikita niya ang kaniyang sarili na nanunungkit ng da
NAG-BAKE ng chocolate cake si Elise pero hindi siya satisfied sa lasa. Mukhang limot na rin niya kung paano niya napasarap ang cake na ginawa niya noong bago nagka-amnesia. “Keep trying, Elise. Masarap din naman ang lasa, eh,” ani Grace. Ito ang tagahatol niya sa cake. “Pero parang may kulang,” nakasimangot niyang wika. “Huwag kang malungkot. Mag-bake ka pa hanggang sa mapamilyar ka sa lasa. Malay mo, makaalala ka once nakuha mo ang lasang hinahanap mo.” Nahango na niya ang maliit na cake kasama ang cupcakes. Pati ang frosting ay nakulangan siya sa lasa. Parang may mali talaga kahit nasunod niya ang recipe sa libro. Noong natikman niya ang tirang mango cake na ginawa niya, may something sa lasa niyon na pamilyar sa kaniya. Maaring may ibang paraan siya sa pagbi-bake at hindi nasusunod ang nasa recipe. Sabi pa ni Terrence, nag-e-imbento umano siya ng receipe ng cake at cookies. “May kulang talaga, eh,” giit niya. “Hayaan mo na. Better luck next time na lang. Marami naman kayong
SA pagpasok ni Elise sa orphanage ay awtomatikong bumalik ang kaniyang isip sa nakaraan. Hindi niya maintindihan bakit pakiramdam niya ay matagal siyang hindi nakapunta roon. Sabi naman ni Grace ay nagtuturo siya ng arts sa mga bata sa tuwing Sabado. Maraming bata na hindi niya kilala, pero sabi ni Grace ay nakilala na niya ang mga bagong bata. Iyong ibang malalaking bata ay wala na sa orphanage. Naninibago siya sa ambiance ng lugar. May bagong gusali ring tinatayo para umano dagdag tulugan ng mga bata at staff. Pumasok siya sa library na paborito niyang tambayan noon, nila ni Thrasius. And some memories suddenly appeared in her mind. Noong umalis na si Thrasius, palagi na siyang mag-isa roon pagkatapos ng tanghalian. Paulit-ulit niyang binabasa ang sulat na iniwan noon ni Thrasius, na inipit sa librong madalas nilang basahin. Madaling araw kasi umalis noon si Thrasius kasama ang kamag-anak umano ng daddy nito. Hindi niya ito naabutan kaya iyak siya nang iyak paggising. Nagtampo ka