NATHALIE’S POV
“Dead on arrival!” mga salitang paulit-ulit kong naririninig na naging dahilan nang aking pagsigaw. “No!” Niyakap ako ng aking kaibigan. “Nathalie, pakatatag ka. Andiyan pa ang kuya mo. Lumalaban siya para sa ‘yo. At andito lang ako para sa ‘yo,” mga salitang narinig ko mula sa aking kaibigan. Nanginginig ang buo kong katawan. Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap ay mawawala ang aking mga magulang. Lumapit ako sa aking kapatid na hanggang ngayon ay walang malay at patuloy na ginagamot ng mga nurse. “Kuya, lumaban ka, please!” wika ko habang ang mga luha ko’y naramdaman ko nang umaagos mula sa aking mga mata. Habang nakatingin ako aking kapatid ay lumapit sa akin ang doctor na nag-aasikaso sa kapatid ko. “Miss del Prado, I’m Doctor Aldrin,” pagpapakilala sa akin ng doctor. Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. “Doc, kumusta po ang kapatid ko? Kailan po gigising ang kapatid ko?” Ngumiti nang bahagya si Doctor Aldrin. “Tatapatin na kita, Miss Nathalie, fifty-fifty ang kapatid mo. Kinakailangan siyang mailagay sa ICU, para makabitan ng tubo ang kanyang katawan dahil sobrang hina ng tibok ng kanyang puso. At hindi ko masabi kung kailan siya magigising, dahil under comatose siya ngayon,” pagtatapat sa akin ng doctor na mas lalong nagpanginig sa aking katawan. “Ta_tama ba ako nang narinig? Comatose po ang kapatid ko?” paniniguro ko. “Yes, Miss del Prado, comatose ang kapatid mo,” mabilis na tugon ng doctor sa akin. Hindi ko alam kung paano pa ako magpakatatag ngayon, dahil sa kalagayan ng aking kapatid na nakikipaglaban kay kamatayan. Wala sa isip ko kung paano ko haharapin ang bukas na wala ang aking mga magulang at ang kapatid ko’y walang kasiguraduhan kung magigising pa ba o hindi na. “Doc, gawin n’yo po ang lahat para maligtas ang kapatid ko,” tanging nasabi ko na mabilis na tinanguan ng doctor. “I’ll do my best, Miss del Prado, but I can't promise. Especially since your brother hit his head so bad, that it affected his brain,” mabilis na tugon ng doctor sa akin na mas lalong nagpanginig ng buong katawan ko. Kinagat ko ang aking labi at pilit akong nagsalita. “Doc, I’m ready to pay any amount for my brother’s life. He’s the only family I have now.” Huminga nang malalim ang doctor at nagsalita. “Miss del Prado, uulitin ko, fifty-fifty ang kapatid. Only a miracle can save your brother's life. I’ll go ahead para mapaasikaso ko na ang ICU na paglalagyan sa ‘yong kapatid,” pagpapaalam sa akin ng doctor na iniyakan ko lang. May kasalanan ba ako sa Diyos para parusahan nang ganito. Kinuha na nga niyang sabay ang mga magulang ko, tapos ngayon ay pinapahirapan pa niya ang kapatid ko. Habang nakatingin ako sa aking kapatid ay naramdaman ko sa aking mga balikat ang dahan-dahan na pagtapik ng aking kaibigan. “Nathalie, lakasan mo ang loob mo. May dahilan ang lahat kung bakit nangyari ito sa ‘yo,” wika ni Trixie. “Paano ako magpapakatatag? Kung ang mga taong dahilan para ako mabuhay na masaya'y bigla na lang nawala sa akin? Tapos si Kuya walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa,” daing ko sa aking kaibigan na ngayon ay umiiyak na rin. “Alam ko, Nathalie, masakit ang mawalan ng mga magulang. Pero hindi doon natatapos ang pag-ikot ng buhay mo. Isang pagsubok lang ‘to sa buhay mo mula sa Diyos. At tandaan mo ang pagsubok na hinaharap natin sa buhay ang siyang magpapakatatag sa atin,” muling pahayag ng aking kaibigan. Alam ko na sa buhay ng tao ay hindi nawawalan ng pagsubok. At ito ang palagi kong hinihiling sa Diyos na ayokong maranasan, simula nang may matanggap na death threat ang aking ama. Magaling na negosyante ang aking ama. Simula nang makilala niya ang CEO ng Brown Corporation at maging kasosyo sa negosyo ay napansin ko ang pagiging matamlay ng aking ama at mas lalo siyang tumutok sa aming negosyo. Minsan nga ay narinig kong nagtatalo ang aking mga magulang na bakit raw nagpagoyo ang aking ama na hindi ko alam kung ano ba ang pinagtatalunan nilang dalawa. Nag-uusap kaming magkaibigan nang muling lumapit sa amin ang nurse na kausap ko kanina lang. “Miss Nathalie, may kailangan po kayong ayusin sa admission department para sa ICU ng kapatid mo, at kailangan n’yo na rin pong ayusin ang katawan ng mga magulang n’yo.” Sabay abot niya sa akin ng mga papel. Tumango ako. “Okay,” tanging nasabi ko. Pinahid ng aking kaibigan ang aking mga luha. “Let's go,” pag-aya sa akin ni Trixie at pagkatapos ay kinuha niya sa akin ang mga papel na binigay ng nurse. Habang naglalakad kami patungo sa Admission Department, pakiramdam ko'y nakalutang ako sa hangin na walang direksyon na patutunguhan, dahil hindi ko pa rin natatanggap na iniwan na ako nina mommy at daddy. Nang marating namin ang admission department ay pinaupo muna ako ng aking kaibigan at siya na ang nag-asikaso para sa ICU ng kapatid ko at release paper ng mga magulang ko. Lumipas ang ilang sandali ay natapos na ni Trixie ang pinapaasikaso sa akin ng nurse at lumabas na ito ng isang silid. Huminga muna ng malalim ang aking kaibigan bago magsalita. “Nathalie, tara na sa mommy at daddy mo.” “O_okay,” nauutal kong tugon. Habang naglalakad kami patungo sa morgue kung nasaan ang aking mga magulang ay nagsimula na naman ang pagpatak ng aking mga luha. Naninigas ang mga paa ko nang papalapit na kami ni Trixie sa morgue. Mas lalo kong hindi maihakbang ang aking mga paa, nang tuluyan na naming narating ang morgue kung nasaan ang mga labi ng aking mga magulang. Nang makapasok kami ng morgue ay pinakita ni Trixie sa isang lalaki ang papel na hawak niya na mabilis namang kinuha ng lalaki. “Dito po tayo, ma’am,” wika nang lalaki habang itinuturo niya kung nasaan ang aking mga magulang. Tumigil kami sa paglalakad nang marating namin ang magkatabing katawan ng dalawang tao. “Ito po sina Mr. and Mrs. del Prado,” ani ng lalaki. “Thank you,” pasasalamat ng aking kaibigan sa lalaki habang ang mga kamay niya’y walang tigil sa paghagod sa aking likod. Kinagat ko ang aking mga labi nang dahan-dahan kong inaalis ang puting kumot na nakataklob sa aking mga magulang. Tila pinagbagsakan ako ng langit at lupa nang tuluyan lumantad sa akin ang malamig na bangkay ng mga mahal ko sa buhay. “Mom, Dad!” sigaw ko kasabay nang pagdaloy ng aking mga luha. Ngayon ko mas naramdaman ang sakit sa dibdib ko dahil totoo ngang ulila na akong lubos. “Mom, Dad, gumising kayo please! Huwag n’yo akong Iwan!” muling sigaw ko na naging dahilan upang yakapin ako ni Trixie. “Nathalie, wala na tayong magagawa. Iniwan na tayo nina Tito at Tita. Pero, andiyan pa ang kuya mo lumalaban para sa 'yo,” pag-aalo sa akin ng aking kaibigan. Bakit ang lupit sa akin ng tadhana. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa mga magulang ko. “No! Hindi pa sila patay! Natutulog lang sila!” Sabay yakap ko sa aking mga magulang. “Nathalie, please, lumaban ka para sa kuya mo. Kailangan ka ng kapatid mo ngayon,” muling pahayag ni Trixie. Umiling ako. “Trixie, kung panaginip lang ‘to. Please, gisingin mo na ako!” mga salitang lumabas sa labi ko habang yakap-yakap ko ang aking mga magulang. “I'm sorry, Nathalie,” tanging nasabi ng aking kaibigan. Sobrang sakit nang nangyari sa buhay ko ngayon. Para akong napilayan lalo pa't sanay akong nakadepende pa ako sa aking magulang. Sina daddy at mommy ang gumagabay sa sarili kong clothing company. Sila ang nag-encourage sa akin na magtayo ng sarili kong negosyo lalo pa't tapos ako ng fashion designer sa Singapore.NATHALIE’S POV Hindi ko pa rin alam ang aking gagawin. At sa pagkakataon na ito'y hindi ako iniwan ng aking matalik na kaibigan. Si Trixie na rin ang kumontak sa Arlington Funeral upang ayusin ang burol ng aking mga magulang at pati ang pinaglagyan na ICU ng kapatid ko ay siya na rin ang nag-asikaso. Kaya napaka-swerte ko sa aking kaibigan. “Nathalie, papunta na ang funeral service para ayusin ang burol nina Tito Edmond at Tita Madeline,” ani ni Trixie na akin lang tinanguan. Patuloy lang sa pag-aalo ang aking kaibigan sa akin nang lumapit sa amin si Nick. “Excuse me, Ma’am Trixie, narito na po ‘yong pinabili n’yo sa aking sandwich at tubig.” Sabay abot niya ng mga pagkain na dala niya. “Thank you, Nick, umupo ka na diyan at kumain ka na rin,” mabilis na tugon ni Trixie sa aking driver. Tumango si Nick. “Sige po, ma’am,” pagsunod niya at pagkatapos ay tumabi siya sa akin. Maya-maya ay inabot sa akin ni Trixie ang isang sandwich at tubig, ngunit tinanggihan ko ito dahil wala a
NATHALIE’S POV Ito ang unang lamay ng aking mga magulang. Naipagbigay alam ko na rin sa mga kapatid ni daddy at mommy ang nangyari sa kanila. At halos lahat ng mga kamag-anak namin ay hindi makapaniwala sa sinapit ng aking mga magulang at kapatid. “Nathalie, kumusta ka na?” tanong sa akin ni Tito Julio ang nakakatandang kapatid ng aking ama na kadarating lang mula sa America. Tatlong magkakapatid sina daddy at siya ang pinakabunso. At si Tita Victoria naman ay isang madre. Ang sabi ni daddy nang masaktan si Tita Victoria sa una niyang pag-ibig ay pinili nitong pumasok sa kumbento at maglingkod sa Diyos. Siya ang kasalukuyang mother superior sa isang bayan ng Quezon Province, ang probinsyang pinagmulan ng aking mga. Si Tito Julio naman ay sa California, USA na tumira dahil nakapag-asawa ito ng isang American. “Tito Julio,” tanging nasabi ko at nagsimula na namang pumatak ang aking mga luha na naging dahilan upang yakapin niya ako. “Nathalie, be strong! Kailangan nating magpa
NATHALIE’S POV Dumating na ang huling gabi ng lamay ng aking mga magulang, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni attorney. Ang nag-iisang kapatid ni mommy na si Tito Brando ay narito na rin na galing pa sa Canada. “Nathalie, kung kailangan mo ng tulong, huwag kang magdadalawang magsabi sa akin, okay,” mga salitang lumabas sa labi ni Tito Brando. “Opo, Tito Brando.” Ngumiti ako nang bahagya at muling nagsalita. “Mabuti naman po at nakauwi kayo.” “Oo naman. Hindi ko palalampasin na makita sa huling sandali ang mga labi nina Kuya Edmond, at lalong-lalo na ni Ate Madeline,” mga salitang lumabas sa labi ng aking tiyo. Dalawang magkapatid lang sina mommy at Tito. Malaki ang age gap nilang dalawa at ang mommy na ang nagpaaral sa kanya simula nang maulila silang dalawang. Tumira si Tito Brando sa mansyon namin at naalagaan din niya kaming magkapatid kaya naging malapit kami sa kanya. Nang makatapos si Tito Brando ng engineering ay nag
NATHALIE’S POV “Mommy, Daddy!” I shouted as my parents’ coffins were buried together. Now, I feel so much pain of losing a parent even more. Inililibing na lang lahat-lahat ang aking mga magulang, si Kuya Gab naman ay comatose pa rin at walang pagbabago sa kanyang kondisyon. Walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha nang tuluyan nang mailibing sina mommy at daddy. Sobrang sakit pala ang ihatid ng sabay ang aking mga magulang sa huling hantunga. Pakiramdam ko'y pinagtakluban ako ng langit at lupa ngayon sa aking kinatatayuan. “Nathalie, be strong,” wika ni Tito Brando na sinagundahan ni Tito Julio. “Nathalie, you’re not alone okay. Narito kami ng mga Tito at Tita mo para sa ‘yo.” “Masakit din para sa amin ang nangyari, Nathalie. But we need to accept it kahit pa masakit, dahil hanggang doon na lang ang hiram na buhay nila. May dahilan ang Diyos, Nathalie, kung bakit sabay niyang kinuha ang mga magulang mo,” mahabang litanya ni Tita Victoria habang yakap niya ako. Ala
NATHALIE'S POV “Imposible po ang sinasabi mo, attorney. Kilala ko ang kapatid ko,” singit ni Tita Victoria. “Oo nga, attorney, si Ate Madeline pa talaga? Na ayaw sa sugal, eh, sasabihin mo na nalulong sa sugal! Imposible naman ata ‘yan!” galit na wika ni Tito Brando. Hindi ko maaalis na magalit kay attorney ang mga kapatid ng magulang ko, dahil sa mga sinabi niya tungkol sa pagkalulong nila sa sugal. Bukod sa akin, sila lang ang mga taong mas higit na nakakakilala sa mga magulang ko. “Calm down, please, Mr. Montenegro,” pakiusap ni Attorney Cabral kay Tito Brando. “Calm down? Pagkatapos mong sabihin na sugarol ang mga kapatid namin! Sasabihin mo ngayon na calm down! Ang sabihin mo, natatakot kang mangamoy ang monkey business mo!” muling wika ni Tito Brando gamit ang baritono niyang boses na sinagundahan naman ni Tito Julio. “Atty. Cabral, huwag mo nang patagalin ang usapang ito. Show us the evidence na bankrupt nga ang kapatid ko!” Tumango si attorney, pagkatapos ay
HUNTER'S POV Kasalukuyan kumakain kami ng dinner ng aking ama nang mabanggit niya sa akin na namatay na si Mr. Edmond del Prado, ang negosyante na tumulong sa kanya noon, upang mabago ang aming buhay. “What, Dad? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na namatay na pala sina Mr. and Mrs. del Prado? At sa dinami-dami ng lugar, doon pa talaga kayo nagkita ng lalaking ‘yon!” “Paano ko sasabihin sa ‘yo? Eh, wala kang ibang inatupag kung 'di ang magtrabaho,” mabilis na tugon ni daddy. “Pero sana, Dad, sinabi mo pa rin sa akin. Alam mo naman na matagal ko nang hinahanap si Thalie,” katwiran ko. Si Thalie ang bunso at kaisa-isang anak na babae ni Edmond del Prado. Ang babaeng lihim ko nang minamahal noon pa man. Nang dahil sa hirap ng buhay namin noon, ay hindi ako nagkaroon nang lakas ng loob para magtapat sa kanya. At bukod doon ay napakabata pa namin para sa isang seryosong relasyon. Simula nang tumuntong ako sa college noong panahon na hindi na ako scholar ni Edmond del Prado,
HUNTER’S POV Pagkatapos kong pumunta sa Arlington Memorial Chapel at bigong makita si Thalie, ay dumeretso ako rito sa isang resto bar na pag-aari ng aking kaibigan na si Tristan. “P’re, ilang bote na ang naiom mo, ah!” awat sa akin ng aking kaibigan nang tangkain kong um-order ulet. Tumingin ako sa aking kaibigan. “P’re, bakit ba hinahadlangan ako ng Diyos na makitang muli si Thalie?! Akala ko makikita ko na siya! Pero bigo ako!” daing ko sa aking kaibigan na may kasamang inis. “P’re, ito ba ‘yong Thalie na matagal mo nang kinukwento sa akin noon?” paniniguro niya. “Oo, p’re, siya ‘yong babaeng matagal ko nang pinapahanap. Kung kailan may mukha na akong ihaharap sa kanya, hindi naman kami pagtagpuin,” tugon ko sa aking kaibigan. Huminga muna si Tristan bago magsalita. “Siguro, p’re, may dahilan ang Diyos. And besides, sabi mo naman na binayaran mo ang balance niya sa Arlington. Hindi na masama ‘yon, kahit paano natulungan mo siya kahit hindi pa ulet kayo nagkikita,
HUNTER'S POV Hindi pa ako lubos na nawawalan ng pag-asa na makita si Thalie. Katulad ng plano ko’y pinuntahan ko rito sa Diliman, Quezon City ang kanyang opisina. Nang marating ko ang address na binigay sa akin ay nagtaka ako kung bakit under construction ang nasabing lugar. Iginala ko ang aking mga mata at naghanap ng iba pang building, ngunit halos lahat ng katabi nito ay hindi opisinang masasabi kung ‘di mga carinderia at vulcanizing shop. Habang nakatayo ako sa initan ay may nakita akong construction worker na papunta sa isang carinderia, kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras upang magtanong. “Boss, sandali lang,” tawag ko sa lalaki. “Bakit po, sir?” magalang na tanong sa akin ng nasabing lalaki. “Sir, itanong ko lang kung saan ang address na ‘to?” Sabay abot ko ng papel na hawak ko. “Ito po ba? ‘Yan pong project namin.” Sabay turo niya sa construction site na naging dahilan nang pagkunot ng aking noo. “Wait lang ha. Sabi kasi sa akin pagma-may-ari ang com
NATHALIE’S POV “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko staff ng Arlington,” daing ko sa aking kaibigan na si Trixie habang naglalakad kami patungo sa opisina ng Arlington. “Nathalie, huwag kang mag-alala may pera pa ako rito. Kung gusto mo hiramin mo muna para mabawasan ‘yang iniisip mo,” sabi ni Trixie. Ngayong bumagsak na ang buhay ko’y nawalan na rin ako ng mga kaibigan. Tanging si Trixie lang ang hindi ako iniwan. Kaya ang laki talaga nang nagagawa ng pera sa buhay ng tao. Makilala mo ang isang tao nang dahil sa pera. “Thank you, Trixie, at hindi mo ako iniwan,” pasasalamat ko sa aking kaibigan. “Nathalie, bestfriend mo ako. In bad times and good times magkasama tayong dalawa. At wala tayong iwanan,” masayang wika ng aking kaibigan na nagpatuloy ng luha ko. “Thank you talaga,” tanging nasabi. Nang marating namin ang opisina ng Arlington ay humugot ako ng lakas ng loob upang humingi ng pumanhin dahil hindi agad ako nakabalik sa araw na ipinangako ko sa kanila.
HUNTER'S POV Hindi pa ako lubos na nawawalan ng pag-asa na makita si Thalie. Katulad ng plano ko’y pinuntahan ko rito sa Diliman, Quezon City ang kanyang opisina. Nang marating ko ang address na binigay sa akin ay nagtaka ako kung bakit under construction ang nasabing lugar. Iginala ko ang aking mga mata at naghanap ng iba pang building, ngunit halos lahat ng katabi nito ay hindi opisinang masasabi kung ‘di mga carinderia at vulcanizing shop. Habang nakatayo ako sa initan ay may nakita akong construction worker na papunta sa isang carinderia, kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras upang magtanong. “Boss, sandali lang,” tawag ko sa lalaki. “Bakit po, sir?” magalang na tanong sa akin ng nasabing lalaki. “Sir, itanong ko lang kung saan ang address na ‘to?” Sabay abot ko ng papel na hawak ko. “Ito po ba? ‘Yan pong project namin.” Sabay turo niya sa construction site na naging dahilan nang pagkunot ng aking noo. “Wait lang ha. Sabi kasi sa akin pagma-may-ari ang com
HUNTER’S POV Pagkatapos kong pumunta sa Arlington Memorial Chapel at bigong makita si Thalie, ay dumeretso ako rito sa isang resto bar na pag-aari ng aking kaibigan na si Tristan. “P’re, ilang bote na ang naiom mo, ah!” awat sa akin ng aking kaibigan nang tangkain kong um-order ulet. Tumingin ako sa aking kaibigan. “P’re, bakit ba hinahadlangan ako ng Diyos na makitang muli si Thalie?! Akala ko makikita ko na siya! Pero bigo ako!” daing ko sa aking kaibigan na may kasamang inis. “P’re, ito ba ‘yong Thalie na matagal mo nang kinukwento sa akin noon?” paniniguro niya. “Oo, p’re, siya ‘yong babaeng matagal ko nang pinapahanap. Kung kailan may mukha na akong ihaharap sa kanya, hindi naman kami pagtagpuin,” tugon ko sa aking kaibigan. Huminga muna si Tristan bago magsalita. “Siguro, p’re, may dahilan ang Diyos. And besides, sabi mo naman na binayaran mo ang balance niya sa Arlington. Hindi na masama ‘yon, kahit paano natulungan mo siya kahit hindi pa ulet kayo nagkikita,
HUNTER'S POV Kasalukuyan kumakain kami ng dinner ng aking ama nang mabanggit niya sa akin na namatay na si Mr. Edmond del Prado, ang negosyante na tumulong sa kanya noon, upang mabago ang aming buhay. “What, Dad? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na namatay na pala sina Mr. and Mrs. del Prado? At sa dinami-dami ng lugar, doon pa talaga kayo nagkita ng lalaking ‘yon!” “Paano ko sasabihin sa ‘yo? Eh, wala kang ibang inatupag kung 'di ang magtrabaho,” mabilis na tugon ni daddy. “Pero sana, Dad, sinabi mo pa rin sa akin. Alam mo naman na matagal ko nang hinahanap si Thalie,” katwiran ko. Si Thalie ang bunso at kaisa-isang anak na babae ni Edmond del Prado. Ang babaeng lihim ko nang minamahal noon pa man. Nang dahil sa hirap ng buhay namin noon, ay hindi ako nagkaroon nang lakas ng loob para magtapat sa kanya. At bukod doon ay napakabata pa namin para sa isang seryosong relasyon. Simula nang tumuntong ako sa college noong panahon na hindi na ako scholar ni Edmond del Prado,
NATHALIE'S POV “Imposible po ang sinasabi mo, attorney. Kilala ko ang kapatid ko,” singit ni Tita Victoria. “Oo nga, attorney, si Ate Madeline pa talaga? Na ayaw sa sugal, eh, sasabihin mo na nalulong sa sugal! Imposible naman ata ‘yan!” galit na wika ni Tito Brando. Hindi ko maaalis na magalit kay attorney ang mga kapatid ng magulang ko, dahil sa mga sinabi niya tungkol sa pagkalulong nila sa sugal. Bukod sa akin, sila lang ang mga taong mas higit na nakakakilala sa mga magulang ko. “Calm down, please, Mr. Montenegro,” pakiusap ni Attorney Cabral kay Tito Brando. “Calm down? Pagkatapos mong sabihin na sugarol ang mga kapatid namin! Sasabihin mo ngayon na calm down! Ang sabihin mo, natatakot kang mangamoy ang monkey business mo!” muling wika ni Tito Brando gamit ang baritono niyang boses na sinagundahan naman ni Tito Julio. “Atty. Cabral, huwag mo nang patagalin ang usapang ito. Show us the evidence na bankrupt nga ang kapatid ko!” Tumango si attorney, pagkatapos ay
NATHALIE’S POV “Mommy, Daddy!” I shouted as my parents’ coffins were buried together. Now, I feel so much pain of losing a parent even more. Inililibing na lang lahat-lahat ang aking mga magulang, si Kuya Gab naman ay comatose pa rin at walang pagbabago sa kanyang kondisyon. Walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha nang tuluyan nang mailibing sina mommy at daddy. Sobrang sakit pala ang ihatid ng sabay ang aking mga magulang sa huling hantunga. Pakiramdam ko'y pinagtakluban ako ng langit at lupa ngayon sa aking kinatatayuan. “Nathalie, be strong,” wika ni Tito Brando na sinagundahan ni Tito Julio. “Nathalie, you’re not alone okay. Narito kami ng mga Tito at Tita mo para sa ‘yo.” “Masakit din para sa amin ang nangyari, Nathalie. But we need to accept it kahit pa masakit, dahil hanggang doon na lang ang hiram na buhay nila. May dahilan ang Diyos, Nathalie, kung bakit sabay niyang kinuha ang mga magulang mo,” mahabang litanya ni Tita Victoria habang yakap niya ako. Ala
NATHALIE’S POV Dumating na ang huling gabi ng lamay ng aking mga magulang, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni attorney. Ang nag-iisang kapatid ni mommy na si Tito Brando ay narito na rin na galing pa sa Canada. “Nathalie, kung kailangan mo ng tulong, huwag kang magdadalawang magsabi sa akin, okay,” mga salitang lumabas sa labi ni Tito Brando. “Opo, Tito Brando.” Ngumiti ako nang bahagya at muling nagsalita. “Mabuti naman po at nakauwi kayo.” “Oo naman. Hindi ko palalampasin na makita sa huling sandali ang mga labi nina Kuya Edmond, at lalong-lalo na ni Ate Madeline,” mga salitang lumabas sa labi ng aking tiyo. Dalawang magkapatid lang sina mommy at Tito. Malaki ang age gap nilang dalawa at ang mommy na ang nagpaaral sa kanya simula nang maulila silang dalawang. Tumira si Tito Brando sa mansyon namin at naalagaan din niya kaming magkapatid kaya naging malapit kami sa kanya. Nang makatapos si Tito Brando ng engineering ay nag
NATHALIE’S POV Ito ang unang lamay ng aking mga magulang. Naipagbigay alam ko na rin sa mga kapatid ni daddy at mommy ang nangyari sa kanila. At halos lahat ng mga kamag-anak namin ay hindi makapaniwala sa sinapit ng aking mga magulang at kapatid. “Nathalie, kumusta ka na?” tanong sa akin ni Tito Julio ang nakakatandang kapatid ng aking ama na kadarating lang mula sa America. Tatlong magkakapatid sina daddy at siya ang pinakabunso. At si Tita Victoria naman ay isang madre. Ang sabi ni daddy nang masaktan si Tita Victoria sa una niyang pag-ibig ay pinili nitong pumasok sa kumbento at maglingkod sa Diyos. Siya ang kasalukuyang mother superior sa isang bayan ng Quezon Province, ang probinsyang pinagmulan ng aking mga. Si Tito Julio naman ay sa California, USA na tumira dahil nakapag-asawa ito ng isang American. “Tito Julio,” tanging nasabi ko at nagsimula na namang pumatak ang aking mga luha na naging dahilan upang yakapin niya ako. “Nathalie, be strong! Kailangan nating magpa
NATHALIE’S POV Hindi ko pa rin alam ang aking gagawin. At sa pagkakataon na ito'y hindi ako iniwan ng aking matalik na kaibigan. Si Trixie na rin ang kumontak sa Arlington Funeral upang ayusin ang burol ng aking mga magulang at pati ang pinaglagyan na ICU ng kapatid ko ay siya na rin ang nag-asikaso. Kaya napaka-swerte ko sa aking kaibigan. “Nathalie, papunta na ang funeral service para ayusin ang burol nina Tito Edmond at Tita Madeline,” ani ni Trixie na akin lang tinanguan. Patuloy lang sa pag-aalo ang aking kaibigan sa akin nang lumapit sa amin si Nick. “Excuse me, Ma’am Trixie, narito na po ‘yong pinabili n’yo sa aking sandwich at tubig.” Sabay abot niya ng mga pagkain na dala niya. “Thank you, Nick, umupo ka na diyan at kumain ka na rin,” mabilis na tugon ni Trixie sa aking driver. Tumango si Nick. “Sige po, ma’am,” pagsunod niya at pagkatapos ay tumabi siya sa akin. Maya-maya ay inabot sa akin ni Trixie ang isang sandwich at tubig, ngunit tinanggihan ko ito dahil wala a