Home / Romance / The Billionaire's Contract Bride / Chapter 57: Just Hold Me

Share

Chapter 57: Just Hold Me

Author: shining_girl
last update Last Updated: 2024-12-06 17:09:26

Panay pa rin ang sigok ni Lara habang mahigpit na nakayakap kay Jace. Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga na kayang gawin ni Via ang ganoong kasamaan kahit na marami pang tao ang nakatingin. Para itong isang hayop na handa siyang sagpangin anumang oras sa galit na nakita niya sa mga mata nito kanina. At sa nanlalabo at natatakot na isip ay hindi pa rin malamam ni Lara ang dahilan kung bakit nagawa iyon sa kanya ng dating kasintahan ni Jace.

“Are you o-okay? Hindi ka ba sinaktan ni Via?” anang binata, lalong humigpit ang pagyakap sa asawa.

Marahang umiling si Lara, muling sumigok. “H-hindi ko alam kung bakit niya nagawa ‘yon, Jace. H-hindi ko…” Mariing napapikit ang dalaga, pilit na inaalis sa isip ang karahasang nasaksihan kanina.

“Shhh, don’t think of her. Iaalis kita rito ngayon din, Lara. I need to take you home,” deklara ng binata sa determinadong tinig.

Agad na nag-angat ng tingin si Lara sa asawa, bumakas ang pag-aalala sa mukha. “P-pero, Jace… paano? M-makikita tayo ng ibang
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 58: Oras Ng Pagtutuos

    Ilang araw na ang lumipas subalit hindi pa rin tumigil ang mga empleyado sa LDC na pag-usapan sina Lara at Jace. Na lalo pang tumindi nang may lumabas ang retrato ng dalawa na malambing na nag-uusap sa pantry. Lumabas ang retrato sa social media at mabilis na kumalat sa mga empleyado.Jace was unbothered, while Lara… she was barely holding on. Hindi sanay ang dalaga na laging pinag-uusapan. Lalo na ang paratangan siya nang kung ano-ano, gaya ng mga naririnig niya sa loob ng opisina. Marami ang nagsabi na kabit siya ni Jace kaya ginawa ni Via ang bagay na ‘yon sa kanya. May iba namang nakikisimpatiya sa dalaga at nagsasabing h’wag siyang husgahan agad. And while Jace kept persuading her na panahon na para lumantad silang dalawa sa totoo nilang relasyon, hindi pa rin sigurado ang dalaga kung iyon ba talaga ang mainam na solusyon sa kanilang sitwasyon. “Lara, tapos mo na ba ‘yong sa project natin sa Cebu? Deadlne kasi no’n kahapon, para ma-consolidate na sana natin at maipasa na kay M

    Last Updated : 2024-12-06
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 59: Pagtutuos

    Isang marahas na katok sa pinto ang pinakawalan ni Jace nang sa wakas ay marating niya ang bahay ng tiyuhin na si Reymond. Kanina pa siya nagpipigil ng galit. Why, how could his own flesh and blood betray him that much?Tanggap niya na may galit ito sa kanya dahil nga naman ay mas bata siya rito subsalit siya ang namumuno sa LDC. But it’s not enough reason na idinadamay nito ang LDC sa galit nito sa kanya! Ang LDC na ilang dekada nang bumubuhay sa kanilang lahat. How could he drag the name and reputatio of their company just because he wanted to see him fall?!“Sir, h’wag po kayong masyadon magpadala sa galit. Alalahanin po ninyo, Sir Reymond is still your uncle,” paalala ni Justin sa amo.Subalit imbes na kumalma, lalo lamang sumulak ang galit ni Jace. “Well, he should’ve thought of that before he tried to mess with me!”Bumukas ang pinto ng malaking bahay subalit ang gulat na mukha ng katulong ang kanilang nabungaran.“Nasaan ang amo mo? Tell him to come out this fcking instant!”

    Last Updated : 2024-12-07
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 60: Assurance

    Panay ang hikbi ni Lara habang marahang dinadampian ng antiseptic ang sugat sa mukha ng asawa. \ilang minuto na rin mula nang makauwi si Jace. At simula noon ay hindi na tumigil ang dalaga sa pag-iiyak dahil sa sinapit ng asawa… dahil sa kanya.May ilang galos sa mukha ni Jace na bahagya nang nangingitim. Sinubukan itong kumbinsihin ni Lara pumunta sa ospital upang doon magpagamot, subalit tumanggi ito. Kaya naman ngayon, si Lara na ang pilit gumagamot dito, kahit na patuloy siyang kunsensiya sa sinapit nito.“Lara, please, stop crying,” alo ni Jace sa asawa, bahagyang ngumiwi nang maramdaman ang paghapdi ng sugat sa itaas ng kilay mula sa gamot na inilalagay ng asawa.“I-I’m sorry, Jace. I’m really sorry. K-kasalanan ko ang lahat,” ani Lara, tuluyan nang nanlabo ang paningin dahil sa luhang kanina pa pinipigil. “K-kung hindi dahil sa ‘kin, h-hindi magkakaganito, J-Jace. K-kung hindi—““Hey, don’t think that way,” mabilis na alo ni Jace kay Lara, agad na sinapo ang pisngi ng asawa. “N

    Last Updated : 2024-12-08
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 61: Wish

    “Lola, ito na po ang juice ninyo,” pukaw ni Lara kay Doña Cristina na noon ay nagpapahangin sa may lanai ng bahay nito.Ilang araw na rin ang mag-asawa roon. Doon nila naisipang pumunta matapos ang mga nangyari sa LDC. Jace felt the they both needed a break from their jobs and enjoy sometime with each other kasama si Cristina.And the old woman was more than delighted to welcome the couple to her house. Ang sabi nito, mainam daw na naisipan ng mag-asawa na doon pumunta at hindi sa ibang bansa. Nang malaman nilang nagsampa si Reymond ng kaso laban kay Jace, si Cristina pa mismo ang tumawag sa abogado para magsampa ng countercharge sa pamangkin ng namayapang asawa. Ang matanda rin mismo ang nagbigay sa mga pulis ng nakalap na ebidensiya kay Jace laban kay Reymond tungkol sa pagdispalko ng matandang lalaki sa funds ng LDC sa nakalipas na ilang taon. The funds are going straight to an offshore account named after Reymond’s son, Troy. Pinagpyestahan ng media ang tungkol sa pagsasampa ng co

    Last Updated : 2024-12-08
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 62: Threats

    Agad na kumabog ang dibdib ni Lara nang huminto ang sasakyan na minamaneho ni Daniel sa harap mismo ng LDC building. Ayaw pa sana ng dalaga na magpahatid doon subalit mahigpit ang bilin ni Jace sa driver, na kailangang ihatid siya nito sa mismong LDC.Gusto pa sanang tumutol ni Lara sa desisyon ng asawa subalit, ayaw na niya itong bigyan pa ng bagong alalahanin. Jace is already facing too many problems right now. Pati ba ang pagpasok niya sa opisina’y poproblemahin pa nito?Kagabi, sinubukan siyang kumbinsihin ni Jace na lumantaa na sa publiko kung sino siya sa buhay nito. Subalit muli siyang nakaiusap sa asawa na bigyan pa siya nang mas mahaba pang panahon upang paghandaan ang paglantad nilang dalawa sa publiko bilang mag-asawa. At nagpapasalamat siyang maunawain si Jace sa kahilingan niyang ‘yon. Kaya naman ngayon, pinagbigyan niya din ito sa kagustuhan nitong simula sa araw na ‘yon, ay si Daniel ang maghahatid-sundo sa kanya papunta at paalis ng LDC.“Ma’am, tawagan niyo na lang p

    Last Updated : 2024-12-09
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 63: I Need To Save My Wife

    Mabibilis ang hakbang ni Erin patungo sa LDC building nang makita ng dalaga ang mga nagkukumpulang mga kapwa niya empleyado sa labas ng gusali. Kagagaling lang dalaga mula sa drugstore subalit tila may kung anong naganap sa opisina habang wala siya.Ilang sandali pa, nakita niya sa kumpol ng mga tao si Venus, ang bago nilang OJT sa marketing department. “Anong nanyari? Bakit nandito kayong lahat?” nag-aalalang tanong ng dalaga.Subalit hindi pa man nasasagot ng kaopisina ang tanong nang biglang, “Erin!” nang pamilyar na tinig sa kanyang likuran.Nang lumingon ang dalaga’y agad niyang nakita ang nobyo na si Lucas na papalapit sa kanya. Agad pa siyang niyakap nang tuluyang makalapit.“I was so worried about you,” anang binata. “Nang malaman kong sa floor ninyo ang nasusunog, hinanap kita agad dito. Muntik na ‘kong atakihin sa puso nang hindi kita makita, Erin. Hindi mo rin sinasagot ang cellphone mo. Where have you been?” dugtong pa nito, bago siya marahan binitiwan.“M-may binili lang

    Last Updated : 2024-12-09
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 64: The Spy

    Pakiramdam ni Jace ay namanhid ang kanyang buong katawan nang makita ang asawang duguan at walang malay. A painful memory from years ago floated in his mind… when he saw the lifeless body of his father from the car crash site where he died. A part of his heart died with his father that day—the hope that he will live a happy and joyous life with his family. And now, it’s happening all over again. But no, he is not going to give up. He will do everything in his power to save his wife.Sa mabibilis na kilos ay lumuhod ang binata at sinalat ang palapulsuhan ni Lara. She has a heartbeat but very faint. But nevertheless a heartbeat! Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binata at agad na pinangko ang asawa bago inilabas sa nasusunog na opisina. He was cursing and praying at same time when Lara lay limp in his arms as he went down the stairwell.“S-Sir, tulungan na po namain kayo,” umpisa ni Justin. “Kami na po ang magbubuhat kay Ms. Lara.”Subalit mabilis na umiling si Jace. He will never let

    Last Updated : 2024-12-10
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 65: Past Betrayals

    “S-Sir, I came as soon as I can,” ani Eli kay Jace sa pagitan ng paghahabol ng hininga. Kadarating lang ng assistant ng binata sa St. Gabriel Hospital kung saan dinala si Lara. “W-wala pa po bang balita kay Ms. Lara?”Marahang umiling si Jace, hinayon ng tingin ang ER sa ‘di kalayuan. Halos kinse minutos na rin mula nang magsimulang gamutin ng mga doktor si Lara. But Jace felt it has been days mula nang maupo siya sa maliit na sulok na ‘yon upang hintayin ang anumang balita tungkol sa asawa.Maya-maya pa, ang humahangos na bulto ni Keith ang lumapit sa binata. “J-Jace… what happened?” umpisa ng doktor. Imbes na sumagot, umigting lang ang panga ng binata. Nang walang makuhang sagot ang doktor mula sa kaibigan, bumaling siya kay Eli. “Eli, anong nangyari? The fire is all over the news.”“H-hindi pa tapos ang initial investigation, Doc. Pero malakas ang pakiramdam ng mga bumbero na sinadya ang sunog,” mabilis na sagot ng assistant.Keith cussed under his breath, nanghihinang napasapo sa

    Last Updated : 2024-12-10

Latest chapter

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 169: Choice 2

    “I think we better go. Malapit nang gumabi, Jace. Baka hanapin kami ni Lola,” paalam ni Lara kaya Jace habang naroon pa rin sila sa mga kwadra. Ayaw kasing tantanan ni Cami ang ama, panay ang tanong nito na parang matagal silang hindi nagkita. Subalit nang mapansin ni Lara na malapit nang lumatag ang dilim, napilitan nang magpaalam ang dalaga.Besides, gusto rin sana niyang kausapin si Jace tungkol sa Sudsidium Fund at sa pasya nila ng kanyang abuela tungkol doon.“Cami, it’s getting late. Mommy said you’re going home,” ani Jace sa anak.“No! I wanna stay with the horses, Daddy!” reklamo ng paslit, kumapit ng husto sa leeg ng ama.“Cami, Lola and Uncle Coco will miss you if you won’t go home tonight. Do you want them sad?” si Lara, nilapitan na ang mag-ama at pilit na kinukuha ang anak kay Jace. Subalit ibinuro lang ng anak ang mukha sa leeg ng ama nito, yumakap pa lalo.“I want Daddy, Mommy. Just Daddy,” pagmamatigas ni Cami.Makahulugang nagkatingninan sina Lara at Jace. Kilala n

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 168: Choice

    Kanina pa nakabalik sa library si Lara subalit hindi mailis ng dalaga ang tingin sa bouquet na ibinigay ni Jace sa kanya. The flowers were very pretty. But that's not the reason why she's looking at the flowers. Nagre-replay kasi sa isip ng dalaga ang mga sinabi ni Jace sa kanya kanina.Mahal siya nito. Mahal pa rin siya nito. Napakadaling paniwalaan. Subalit...Ganoon na lang ba kadaling kalimutan ang lahat? Apat na taon niyang dinala ang sakit at pait na idinulot nito sa kanyang buhay. Apat na taon. Subalit isang sabi lang nito ng 'mahal kita', tila nakalimutan na niya ang lahat-- kaya na niyang patawarin ang lahat. Ganon lang ba dapat 'yon? Ganoon lamang ba talaga kadali dapat?She lost a child. That’s something that must never be taken lightly, that’s something that can never be forgiven easily. And yet her heart… wants to do otherwise. Her heart wants to forgive and forget. But her logic does not want that.That’s the source of her confusion—the battle between her heart and m

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 167: Fixing 4

    Tahimik na nakamasid sa labas ng sasakyan si Lara habang pauwi sila ni Cami sa hacienda. Kakalabas lang ng ospital ng anak. She should feel relieved but... there’s a heaviness in her heart that doesn’t go away.Marahil dahil iyon sa nangyari nang nagdaang gabi. Hindi alam ng dalaga kung saan nagpunta si Jace nang paalisin niya ito kagabi sa hospital suite ni Cami kagabi. He didn’t even show up this morning. O maging bago ma-discharge sa ospital ang anak.She had to make excuses for him for that. Kaya lang, panay pa rin ang hanap ni Cami sa ama. At isa iyon sa mga ipinag-aalala ni Lara. Paano kung hindi na ulit ito magpakita? Kung dahil lang sa mga nasabi niya kalimutan ulit sila nito na mag-ina? Kahit na h’wag na siya, para man lang sana kay Cami maisip ni Jace ang dumalaw sa hacienda.And then she remembered, ni hindi pa nga pala nila napag-usapan ang tungkol sa magiging set-up nila pagdating kay Cami. Ni hindi pa niya nasasabi rito ang mga kundisyon niya and how they will deal with

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 166: Fixing 3

    Agad na naestatwa si Lara sa ginawa ni Jace. For a brief moment she didn’t know what to do or even will her mind to think. Until… her lips quivered a little on its own accord and began to kiss him back. The kiss deepened and at that point, nothing else mattered. Not their past, not their present, not even the future. Just that kiss that she knew now, she still longs for.Nang umuwi siya sa Pilipinas upang magbakasyon, ni wala sa isip ni Lara na muli niyang kakausapin si Jace or even tell the truth about their daughter. At lalong wala sa plano niya ang muling mapalapit dito. But there she was, kissing Jace senseless— like a desert enjoying the first rain after so many for years, that’s how it felt like kissing Jace.Suddenly he gently placed his hand on her hips and pulled her closer to him. And her body just knew what to do, she leaned on him more-- filling his hot skin against hers. Now, he was too close. Too close she could feel his heart drumming wildly against his chest… just like

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 165: Fixing 2

    Kanina pa nagpaparoo’t parito si Jace sa loob ng opisina ni Mrs. Ferrer sa LDC. Apparently, biglang inatake sa puso ang matanda nang nagdaang gabi. At ayon sa legal document nito na nasa abogado nito, she is giving him full temporary authority to take over her shares at LDC should something happen to her.Nakausap na niya sa cellphone ang anak ng ginang. At wala itong tutol sa habilin ng ina dahil malaki ang tiwala nila sa binata. And now, Jace doesn’t know what to do. Mrs. Ferrer is the third highest shareholder in the company. Ibig sabihin twenty-five percent na ng kumpanya ang nasa kanyang kontrol. At kahit na malayo pa iyon sa dating 65% shares na kanyang pag-aari, his stakes are higher now than those on the board who had once voted him out of his own company.Subalit, kaya ba niyang pamahalaan ang shares na iyon gayong may naiwan din siyang gawain sa farm? For the last four years, si Mrs. Ferrer ang naging mata at kamay niya sa loob ng LDC. And now that the old woman is sick, ma

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 164: Fixing

    “Kumusta si, Cami, hija? Hindi pa ba lalabas ng ospital ang apo ko,”bungad na tanong ni Doña Carmelita kay Lara nang pansamatalang umuwi ang dalaga mula sa ospital. Gusto kasing masiguro ni Lara na nasa maayos na kalagayan ang abuela. Gusto ring siguruhin ng dalaga na hindi nawawalan ng supplies ang mga tauhan nila na pansamatang lumikas sa aplaya at nakatira sa tents malapit sa rest house.After the fire, authorities have instructed all residents from the shore to vacate the area for a while for inspection. Protected area kasi ang kakahuyan na nasunog at sakop ng pag-aari ng mga Lagdameo. Kaya kailngan ng thorough investigation bago pabalikin ang mga nakatira roon.So far, maayos naman ang kanilang mga tauhan. Their needs are all provided and they are safe. One less thing for her to worry about.Sandaling niyakap ni Lara si Carmelita na noon ay nasa lanai at nag-aagahan. “Cami is doing good, Lola. Pero bukas pa raw siya madi-discharge sabi ni Doc Xander.’“Should we ask for another d

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 163: Mixed Feelings

    Tahimik si Lara habang kumakain sila ni Jace ng burger at fries sa isang parte ng park sa plaza ng San Ignacio. Doon sila humantong matapos nilang mag-drive thru sa isang fast food at sa park na lang pinasyang kumain.Apparently, maagang nagsara ang restaurant na tinutukoy nito sa araw na ‘yon dahil may cleaning maintenance ang establisimiyento kinabukasan. It was already past nine in the evening, karamihan ng kainan sa lugar ay sarado na. Left with no choice, nag-drive thru na lang ang dalawa.Malapit lang sa ospital ang plaza kaya doon pinili ni Lara kumain. In case they need them, madali lang nilang mapuntahan si Cami.Kumakain si Lara subalit lumilipad ang isip ng dalaga, nasa mga ipinagtapat ni Tricia sa kanya tungkol kay Jace. Pasimpleng tinignan ni Lara ang binata, ipinagala ang mga mata sa mga braso nito.She can clearly see small stitches on his skin, stitches that weren’t there before.“What’s wrong? You don’t like the food?” untag ni Jace kay Lara, nang mapansin ng binata n

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 162: Mixed Feelings

    “Sorry, dinala ko si Emie dito,” umpisa ni Tricia nang tabihan ng doktor si Lara sa sofa ng hospital suite. Nakamasid ang dalawang babae sa kanilang mga anak na naglalaro sa ibabaw ng hospital bed ni Cami. “Ikinuwento kasi ni Xander kay Emie na ginamot niya si Cami. Emie was really curious to meet the daughter of her Uncle Jace kaya, nandito kami ngayon. I hope you don’t mind, Lara,” dugtong pa ng doktora.Ngumiti si Lara, marahang umiling. “O-of course, I don’t mind. Bihira lang magkaroon ng kalaro si Cami na kaedaran niya. And I can see that they are getting along very well,” anang dalaga, muling napangiti nang marinig ang sabay na paghalakhak ng mga bata.“I can’t believe you’re alive,” komento ni Tricia maya-maya, pabulong.“What?” Agad na napabaling si Lara sa doktora. “Pasensiya ka na, Lara. I still cannot wrap my head around the truth that you’re still alive. You see, mula nang makilala namin si Jace, ikaw lang ang lagi niyang bukambibig. Kapag naaksidente siya tuwing lasing,

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 161: Positions 2

    “Pasensya ka na talaga, Ate. H-hindi ko sinasadya ang nangyari kay Cami. Sinubukan ko siyang habulin kaya lang—“ nagyuko ng ulo si Coco, marahang umiling.Napabuntong-hininga naman si Lara at marahang tinapik ang balikat ng pinsan. “Coco, h’wag mo nang isipin ‘yon. Aksidente ang lahat. Ang mahalaga, ligtas si Cami. Ligtas kayong tatlo nina Beth, “ anang dalaga bago bumaling kay Beth na nasa kabilang hospital bed naman. Iisang kwarto lang ang kinuha niya para sa dalawa. At habang si Jace ang nagbabantay kay Cami sa kabilang silid, binista naman ni Lara ang pinsan at ang yaya ng anak.“Beth, h’wag ka na ri ng malungkot. Wala kang kasalanan. Naipaliwanag ko na rin kay Manang Angie ang lahat ng nangyari. Nangako siyang hindi ka niya papagalitan,” umpisna ni Lara, bahagyang ngumiti, bumaba ang mga mata sa mga galos na tinamo ng tauhan dahil prinotektahan nito ang anak. “Ang sabi ni Cami, niyakap mo raw siya kaya kayo sabay na nahulog sa hukay. Because of that you reduced her other possible

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status