Mabibilis ang hakbang ni Erin patungo sa LDC building nang makita ng dalaga ang mga nagkukumpulang mga kapwa niya empleyado sa labas ng gusali. Kagagaling lang dalaga mula sa drugstore subalit tila may kung anong naganap sa opisina habang wala siya.Ilang sandali pa, nakita niya sa kumpol ng mga tao si Venus, ang bago nilang OJT sa marketing department. “Anong nanyari? Bakit nandito kayong lahat?” nag-aalalang tanong ng dalaga.Subalit hindi pa man nasasagot ng kaopisina ang tanong nang biglang, “Erin!” nang pamilyar na tinig sa kanyang likuran.Nang lumingon ang dalaga’y agad niyang nakita ang nobyo na si Lucas na papalapit sa kanya. Agad pa siyang niyakap nang tuluyang makalapit.“I was so worried about you,” anang binata. “Nang malaman kong sa floor ninyo ang nasusunog, hinanap kita agad dito. Muntik na ‘kong atakihin sa puso nang hindi kita makita, Erin. Hindi mo rin sinasagot ang cellphone mo. Where have you been?” dugtong pa nito, bago siya marahan binitiwan.“M-may binili lang
Pakiramdam ni Jace ay namanhid ang kanyang buong katawan nang makita ang asawang duguan at walang malay. A painful memory from years ago floated in his mind… when he saw the lifeless body of his father from the car crash site where he died. A part of his heart died with his father that day—the hope that he will live a happy and joyous life with his family. And now, it’s happening all over again. But no, he is not going to give up. He will do everything in his power to save his wife.Sa mabibilis na kilos ay lumuhod ang binata at sinalat ang palapulsuhan ni Lara. She has a heartbeat but very faint. But nevertheless a heartbeat! Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binata at agad na pinangko ang asawa bago inilabas sa nasusunog na opisina. He was cursing and praying at same time when Lara lay limp in his arms as he went down the stairwell.“S-Sir, tulungan na po namain kayo,” umpisa ni Justin. “Kami na po ang magbubuhat kay Ms. Lara.”Subalit mabilis na umiling si Jace. He will never let
“S-Sir, I came as soon as I can,” ani Eli kay Jace sa pagitan ng paghahabol ng hininga. Kadarating lang ng assistant ng binata sa St. Gabriel Hospital kung saan dinala si Lara. “W-wala pa po bang balita kay Ms. Lara?”Marahang umiling si Jace, hinayon ng tingin ang ER sa ‘di kalayuan. Halos kinse minutos na rin mula nang magsimulang gamutin ng mga doktor si Lara. But Jace felt it has been days mula nang maupo siya sa maliit na sulok na ‘yon upang hintayin ang anumang balita tungkol sa asawa.Maya-maya pa, ang humahangos na bulto ni Keith ang lumapit sa binata. “J-Jace… what happened?” umpisa ng doktor. Imbes na sumagot, umigting lang ang panga ng binata. Nang walang makuhang sagot ang doktor mula sa kaibigan, bumaling siya kay Eli. “Eli, anong nangyari? The fire is all over the news.”“H-hindi pa tapos ang initial investigation, Doc. Pero malakas ang pakiramdam ng mga bumbero na sinadya ang sunog,” mabilis na sagot ng assistant.Keith cussed under his breath, nanghihinang napasapo sa
Tahimik si Jace habang hihintay ng binata na matapos ang ginagawang check-up ng doktor kay Lara. Matapos magising ng asawa kanina ay agad na tinawag ng binata ang doktor upang matignan agad nito si Lara. Jace doesn't want to take chances. Nais niyang magdoble-ingat ngayong sigurado na siyang isa sa kanyang mga kaaway ang seryoso sa pananakit sa kanya. Kung sino, that he has yet to know."Alright, that's good. Just rest well and you could probably go home tomorrow afternoon," anang doktor, isinabit sa leeg nito ang ginamit na stethoscope, bago bumaling kay Jace. "I'll go ahead.""Thank you, doctor," anang binata. Tumango lang ang doktor bago tuluang lumabas ng hospital suite. Umupo si Jace sa gilid ng kama ni Lara bago masuyong hinawakan ang malayang kamay ng asawa at hinagkan. "How are you feeling?" Pilit na ngumiti si Lara, "M-maayos na 'ko, Jace. H'wag ka nang m-mag-alala."Marahang tumango si Jace, pilit na pinapalis ang kaisipang muntik nang mawala si Lara sa kanya. The memor
“Natutuwa akong maayos ka na, Lara,” umpisa ni Erin nang bisitahin ng dalaga ang kaibigan kinabukasan. “Grabeng nerbiyos ang inabot ko nang hindi kita makita kasama ang mga kasamahan natin! Akala ko talaga, wala nang magiging ninang ang mga future babies namin ni Lucas,” nangingiting dugtong pa nito.Napangiti na rin si Lara. “Bakit wala ka na bang ibang kaibigan na pwedeng mag-ninang sa mga future babies mo?” biro ng dalaga.“Siyempre meron, ‘no! Pero walang katulad mo na asawa ng CEO! Handa na nga ‘yong wishlist ko para sa mga ireregalo mo sa magiging anak ko e. Naglista na ko hanggang twelve years old sila.”Sabay na humagikgik ang magkaibigan. Hindi talaga nawawalan ng biro si Erin. At ‘yon ang isa sa mga nagustuha ni Lara sa kaibigan. Sa dami ng pinagdaanan niyang problema mula noong magkakilala sila, walang maisip na panahon si Lara na hindi pinagaan ni Erin ang kanyang nararamdaman. Erin was always there to cheer her up and make her problems lighter.Ilang sandali pa, inabot ni
“Mrs. Ladgameo, sa tingin mo, anong motibo ni Mr. Pasion para pagtangkaan ka niyang patayin?” tanong ni Lt. Alejandro na noon ay kausap ni Lara. Ang sabi ni Jace, ang pulis daw ang siyang head investigator ng kaso niya laban kay Jeff. Naroon ang dalaga sa police station upang magbigay ng kanyang statement tungkol sa sinapit niya ilang araw na nakararaan. Dapat sana ay maghahakot siya ng kanyang mga gamit sa LDC dahil nag-file na isya ng resignation. Subalit, minamadali na ng mga otoridad ang pagresolba sa kaso niya kaya naman doon muna sa police station dumiretso ang mag-asawa.Sandaling sumulyap si Lara kay Jace na nasa kanyang tabi at hawak ang kanyang kamay. Jace nodded and gave her a reassuring smile.“W-wala po talaga, Sir. H-hindi ko po talaga alam kung bakit niya n-nagawa sa akin a-ang gano’n,” alanganing sagot ni Lara nang maibalik ang tingin sa pulis.Tumango-tango ang pulis, sandaling tumipa sa computer nito bago muling nag-angat ng tingin sa kanya. “Wala ka bang napansin
“Lola, ayos lang po kayo?” ani Lara kay Cristina habang tinutulak ng dalaga ang wheelchair ng matanda papasok sa lift ng St. Gabriel Hospital. Dalawang linggo na ang matuling lumipas mula nang mag-resign ang dalaga sa LDC. Ganoon na rin katagal na sa bahay ng matanda sila tumutuloy ni Jace upang siya mismo ang mag-asikaso sa matanda.May nurse pa rin ito subalit, si Lara ang talagang personal na nag-aalaga at tumitingin sa matanda na lalo pang nangayayat nitong nakalipas na ilang linggo. Subalit sa kabila niyon, masaya pa rin ang matanda na sa poder na nito naririhan ang apo at ang asawa nito. Madalas nitong sabihin kay Lara na hindi na siya natatakot pang mamatay kung sakali dahil sigurado, kasama niya sina Jace at Lara sa mga huling sandali ng kanyang buhay.Magkagayon man, umaasa pa rin si Jace ng milagro, ng mas mahaba pang panahon upang makapiling ang abuela. At ganoon din si Lara. Kaya naman todo asikaso ang dalaga sa matanda, umaasang kapag nakikita nitong naroon sila sa tabi
“J-Jace…” alanganing tawag ni Lara sa asawa, subalit ni hindi siya nito tinignan, pinanatili nito ang mga mata kay Keith.“Don’t make me repeat myself, Keith,” muling sabi ni Jace, lalong bumigat ang tinig.Sandaling natahimik si Keith, nagpigil ng emosyon bago binalingan si Lara. “Mauna na ‘ko, Lara,” anito bago tuluyang lumabas ng silid. Si Jace naman ay nagmamadaling lumapit sa asawa.“What the hell is he doing here? Hindi ba malinaw ang bilin ko sa ‘yo, that I don’t want him near you or Lola!” anang binata, sa mahina subalit puno nang bigat na tinig. “Nakikinig ka ba talaga sa akin, Lara?”Kumurap-kurap si Lara, agad nataranta. “J-Jace… ano kasi…d-dumaan siya para kay Lola. Nahiya naman akong pagbawalan siya kasi---““Kasi ano? Kasi mabilis kang madala kapag siya ang nakiusap? Na kapag siya ang nagsabi, mabilis mong paniwalaan agad? Gano’n ba? Baka pagdating ng panahon, mas paniwalaan mo na siya kaysa sa akin, Lara,” gigil na putol ni Jace sa asawa.Kadarating lang ng binata gali
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Lara habang naroon siya sa restroom sa ground floor ng ospital. Hawak niya sa isang kamay ang pregnancy test stick na agad niyang binili kanina nang bumuti ang kanyang pakiramdam. Hinihintay ng dalaga na matapos ang tatlong minuto na gaya nang nasa instruction ng kit. Tatlong minuto lang subalit pakiramdam ni Lara ay ang tatlong minutong iyon ay katumbas na ng habambuhay na paghihintay.Ilang sandali pa, tumunog ang timer niya. Maingat na sinilip ni Lara ang stick na nakalagay sa counter ng CR upang lalo lang panlamigan nang makitang nakabakas doon ang dalawang pulang linya. Kumpirmado, buntis siya.Ang kanyang madalas na pagkaliyo, ang kanyang pagiging antukin, maging ang kanyang pagiging pihikan sa pagkain, lahat ng iyon ay sintomas ng pagdadalang-tao niya. Subalit bakit ni hindi man lang niya naisip ‘yon? Halos tatlong linggo na rin siyang delayed! She could’ve known. She could’ve…A baby. She and Jace are having a baby!Napasinghap siya, natutop
“Just send those to me then. I need to read the documents before we file the counter-affidavit. Alright, I’ll wait,” ani Jace kay Eli habang kausap ng binata ang kanyang assistant sa cellphone.He is in a lot of mess right now in the office kaya hindi niya maiwan ang mga trabaho kahit na naroon na siya sa ospital at binabantayan ang kanyang abuela. He needs to make time for all those concerns too. Because that’s his job as the CEO of LDC, to keep everything afloat even if his life is crumbling into pieces.“I know. But tell Atty. Marquez that I will call him later today for further instructions. Please also make sure that the legal team is ready to answer should this news leaked to the media,” dugtong pa ni Jace, nagbuga ng hininga bago tuluyang tinapos ang tawag.Sandaling pinakatitigan ng binata ang kanyang cellphone, iniisip kung kailan ulit magri-ring iyon. He barely slept and he’s been answering calls left and right the whole night last night. The concerns relating to LDC kept
Kumurap si Lara, muling nangilid ang luha. “P-pinauwi ako ni Lola, Jace,” sagot ng dalaga alanganin. “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, h-hindi na lang sana ako umuw,” dugtong pa niya, yumuko bago tuluyang humagulgol.Hindi naman nag-aksaya ng oras si Jace at niyakap na agad ang asawa. Alam ng binata na dapat siya ang naroon at nagbabantay sa abuela subalit wala siyang magawa. It seems like he’s needed everywhere!“I’m sorry, J-Jace,” ani Lara sa pagitan ng paghikbi.Humigpit ang yakap ni Jace sa asawa. “It’s okay. Gusto mo, ihatid na muna kita sa bahay para doon ka makapagpahinga?” bulong ng binata sa asawa.Subalit umiling si Lara. Lalong ibinuro ang sarili sa dibdib ng asawa. Sa nangyari kay Cristina’y lalo siyang hindi dapat umuwi. Mananatili siya sa ospital hanggang kaya niya.“D-dito lang ako, Jace. Dito sa tabi ni Lola,” anang dalaga sa determinadong tinig.“Okay, if that’s what you want. We will stay here… together,” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang buhok ng
Madilim pa nang gisingin si Lara ng malakas na ring ng kanyang cellphone. Pikit-matang inabot ng dalaga sa bedside table ang kanyang cellphone at sinagot."H-hello?" anang dalaga sa paos na tinig."Lara, nasaan ka? Kasama mo ba si Jace?" anang pamilyar na boses ni Keith sa kabilang linya.Napakurap si Lara, nangunot-noo. "K-Keith? Bakit anong kailangan mo--""It's about Lola Cristina. Tell, Jace to come to the hospital immediately."Awtomatikong tinambol ng kaba ang dibdib ng dalaga nang marinig ang pangalan ni Cristina. "B-bakit anong nangyari kay Lola?" "She's in a bad shape, Lara. She had a cardiac arrest kanina. Na-revive lang namin. She's in coma right now. We transferred her to the ICU and-- ""P-papunta na 'ko," nagmamadaling putol ni Lara sa sanay sasabihin pa ng doktor. Agad siyang dumiretso sa banyo at nag-shower. Pagkatapos maligo, nagmamadali siyang nagbihis. Panay ang patak ng luha ni Lara habang nagbibihis. Hindi maalis ang isip sa pag-aalala kay Doña Cristina.Kahapon
Masayang pinagmamasdan ni Jace si Larissa habang tumutugtog ang kaibigan ng piano. Sa pagdaan ng mga araw, mas nakikita ng binata ang pagbabago sa kaibigan. And he's positive na sa malao’t madali’y tuluyan na rin itong makaka-recover.“Jace, halika, sabayan mo ‘ko,” aya ni Larissa sa kaibigan, umusog nang bahagya sa piano seat. Agad namang pinaunlakan ni Jace si Larissa at umupo sa tabi nito, sinabayan ang pagpindot nito sa tiklado.Ilang sandali pa, they were making a beautiful happy music floating throughout the whole house. Nang matapos ang tugtog, agad na bumaling si Larissa kay Jace.“Salamat, Jace,” anang dalaga bagpoito yumakap sa kanya.Sa isang sulok ng bahay, lihim na nakamasid si Carmelita. Hiling niya na sana… sana hindi na lang matapos ang maliligayang araw na ‘yon kaya lang...---Inihinto ni Lara ang wheelchair ni Doña Carmelita sa gitna ng sunflower garden ng ospital. Hapon na at hiniling ng matanda sa lumabas sa silid nito. Kasama si Nurse Angela at ang iba pang bodyg
“Pasensiya ka na, Jace. Alam kong isang malaking kaabalahan sa ‘yo ang palaging pagpunta rito tuwing binabangungot si Larissa,” umpisa ni Doña Carmelita. Nakatayo ang dalawa sa glass wall window ng silid at nag-uusap. Iyon na ang ikatlong araw na inaabot ng umaga sa sa condo ng matanda si Jace dahil na rin sa madalas na pagdalaw ng masasamang panaginip tuwing natutulog si Larissa. “Subalit wala naman akong magawa dahil ikaw ang hinahanap niya. Maybe she longed for the presence of her old friends. Sa katunayan, pinatawag ko na rin si Keith para matignan na rin niya ang apo ko. I know what happened to Larissa is really traumatizing. I can only imagine the things she went through all throughout these years while she was held captive by those who took her. Subalit ang importante ngayon, nakabalik na siya, sa akin—sa atin. I know it will be a long way to recovery but… I will not give up on my grandchild. Ayaw man kitang obligahin, pero Jace, sana ay samahan ko ako sa pagtulong kay Larissa
“L-Lola, s-saan na po tayo pupunta?” ani Larissa sa abuela nang pumasok ang sasakyan sa isang matayog na condo building.“Uuwi tayo sa condo ko, hija. Doon na ako nakatira ngayon,” anang matandang babae.“W-wala na po ‘yong dating bahay natin, Lola?”“Matagal na akong hindi tumutuloy doon, apo. Mula nang mawala ka’y hindi ko na kayang mabuhay nang mag-isa sa mansiyon. Matanda na ako at hindi ko na kakayanin pa ang sobrang lungkot. Kaya minabuti kong lumipat ng tahanan. Subalit magugustuhan mo rito sa condo ko. Don’t worry, Larissa, we got everything that we need here,” anang matandang babae, inabot pa ang kamay ng apo at marahan iyong tinapik.Muling bumaling si Larissa sa labas ng sasakyan, pinagmasdan ang loob ng malawak na parking lot sa loob ng building. Bumakas ang pagkamangha sa mukha ng dalaga at hindi iyon nakaligtas kay Carmelita.Nang tuluyang huminto ang sasakyan, agad na pinagbukas ni Manuel ng pinto ang matandang babae, inalalayan ito sa pagbaba. Ipagbubukas na sana ng dr
“Ibig mong sabihin, dinala ka ng mga kidnappers mo sa isang lumang bahay at doon ikinulong ng halos dalawang dekada?” tanong ng pulis kay Larissa de Guzman. Nasa police station ang dalaga, marumi ang damit at pudpod na rin ang gamit na tsinelas.Pinagsalikop ng dalaga ang mga nanginginig na kamay bago mangiyak-ngiyak na tumango, muling bumakas ang takot sa mukha nito.“Pwede mo bang i-drawing sa amin kung anong hitsura ng bahay? O kaya naman ay alam mo ba ang address?” tanong ulit ng pulis, inabutan ng lapis at papel ang naguguluhang dalaga.Nanginig agad ang mga labi ni Larissa, tuluyan nang tumulo ang luha habang pinagmamasdan ang lapis at papel na nasa kanyang harapan. Maya-maya pa, nag-angat ito ng tingin kay Jace na ilang hakbang lang ang layo sa dalaga at tahimik na nakabantay rito.Agad namang bumigat ang dibdib ni Jace, hindi na nag-aksaya ng panahon at tuluyang humakbang palapit sa pwesto ng kababata. “Officer, baka pwede natin siyang bigyan nang kaunti pang panahon to adjus
“Imbes na pinapagod mo ang sarili mo sa pag-iisip, why don’t you do first things first, Jace? Send bereavement flowers to the Antolin family at sikasuhin mo agad ang pagre-release ng mga benepisyo ng mga naaksidenteng manggagawa. That way, maaayos natin agad ang problema,” mahinahong sabi ni Cristina sa apo na noon ay nakaupo sa gilid ng hospital bed ng matanda.“Lola, kapag naglabas ulit ako ng pondo, ibig sabihin, para ko na ring inamin na nagkamali talaga ang LDC, na sadya kong hindi inasikaso ang benepisyo ng mga manggagawa gayong hindi naman ‘yon ang totoo,” rason ng binata, hindi na napigilan ang bahagyang pagtaas ng tinig.Halos wala pa siyang itinulog nang nagdaang gabi. He was waiting for updates from Eli. And when their men confirmed na totoong mga kamag-anak ng mga tauhan nila sa LDC ang nagreklamo, Jace has been in contact to all of their men under Engr. Antolin—umaasang may maibibigay ang mga itong sagot sa kanyang mga tauhan. Twenty million is twenty million! Hindi maar