Tahimik si Jace habang hihintay ng binata na matapos ang ginagawang check-up ng doktor kay Lara. Matapos magising ng asawa kanina ay agad na tinawag ng binata ang doktor upang matignan agad nito si Lara. Jace doesn't want to take chances. Nais niyang magdoble-ingat ngayong sigurado na siyang isa sa kanyang mga kaaway ang seryoso sa pananakit sa kanya. Kung sino, that he has yet to know."Alright, that's good. Just rest well and you could probably go home tomorrow afternoon," anang doktor, isinabit sa leeg nito ang ginamit na stethoscope, bago bumaling kay Jace. "I'll go ahead.""Thank you, doctor," anang binata. Tumango lang ang doktor bago tuluang lumabas ng hospital suite. Umupo si Jace sa gilid ng kama ni Lara bago masuyong hinawakan ang malayang kamay ng asawa at hinagkan. "How are you feeling?" Pilit na ngumiti si Lara, "M-maayos na 'ko, Jace. H'wag ka nang m-mag-alala."Marahang tumango si Jace, pilit na pinapalis ang kaisipang muntik nang mawala si Lara sa kanya. The memor
“Natutuwa akong maayos ka na, Lara,” umpisa ni Erin nang bisitahin ng dalaga ang kaibigan kinabukasan. “Grabeng nerbiyos ang inabot ko nang hindi kita makita kasama ang mga kasamahan natin! Akala ko talaga, wala nang magiging ninang ang mga future babies namin ni Lucas,” nangingiting dugtong pa nito.Napangiti na rin si Lara. “Bakit wala ka na bang ibang kaibigan na pwedeng mag-ninang sa mga future babies mo?” biro ng dalaga.“Siyempre meron, ‘no! Pero walang katulad mo na asawa ng CEO! Handa na nga ‘yong wishlist ko para sa mga ireregalo mo sa magiging anak ko e. Naglista na ko hanggang twelve years old sila.”Sabay na humagikgik ang magkaibigan. Hindi talaga nawawalan ng biro si Erin. At ‘yon ang isa sa mga nagustuha ni Lara sa kaibigan. Sa dami ng pinagdaanan niyang problema mula noong magkakilala sila, walang maisip na panahon si Lara na hindi pinagaan ni Erin ang kanyang nararamdaman. Erin was always there to cheer her up and make her problems lighter.Ilang sandali pa, inabot ni
“Mrs. Ladgameo, sa tingin mo, anong motibo ni Mr. Pasion para pagtangkaan ka niyang patayin?” tanong ni Lt. Alejandro na noon ay kausap ni Lara. Ang sabi ni Jace, ang pulis daw ang siyang head investigator ng kaso niya laban kay Jeff. Naroon ang dalaga sa police station upang magbigay ng kanyang statement tungkol sa sinapit niya ilang araw na nakararaan. Dapat sana ay maghahakot siya ng kanyang mga gamit sa LDC dahil nag-file na isya ng resignation. Subalit, minamadali na ng mga otoridad ang pagresolba sa kaso niya kaya naman doon muna sa police station dumiretso ang mag-asawa.Sandaling sumulyap si Lara kay Jace na nasa kanyang tabi at hawak ang kanyang kamay. Jace nodded and gave her a reassuring smile.“W-wala po talaga, Sir. H-hindi ko po talaga alam kung bakit niya n-nagawa sa akin a-ang gano’n,” alanganing sagot ni Lara nang maibalik ang tingin sa pulis.Tumango-tango ang pulis, sandaling tumipa sa computer nito bago muling nag-angat ng tingin sa kanya. “Wala ka bang napansin
“Lola, ayos lang po kayo?” ani Lara kay Cristina habang tinutulak ng dalaga ang wheelchair ng matanda papasok sa lift ng St. Gabriel Hospital. Dalawang linggo na ang matuling lumipas mula nang mag-resign ang dalaga sa LDC. Ganoon na rin katagal na sa bahay ng matanda sila tumutuloy ni Jace upang siya mismo ang mag-asikaso sa matanda.May nurse pa rin ito subalit, si Lara ang talagang personal na nag-aalaga at tumitingin sa matanda na lalo pang nangayayat nitong nakalipas na ilang linggo. Subalit sa kabila niyon, masaya pa rin ang matanda na sa poder na nito naririhan ang apo at ang asawa nito. Madalas nitong sabihin kay Lara na hindi na siya natatakot pang mamatay kung sakali dahil sigurado, kasama niya sina Jace at Lara sa mga huling sandali ng kanyang buhay.Magkagayon man, umaasa pa rin si Jace ng milagro, ng mas mahaba pang panahon upang makapiling ang abuela. At ganoon din si Lara. Kaya naman todo asikaso ang dalaga sa matanda, umaasang kapag nakikita nitong naroon sila sa tabi
“J-Jace…” alanganing tawag ni Lara sa asawa, subalit ni hindi siya nito tinignan, pinanatili nito ang mga mata kay Keith.“Don’t make me repeat myself, Keith,” muling sabi ni Jace, lalong bumigat ang tinig.Sandaling natahimik si Keith, nagpigil ng emosyon bago binalingan si Lara. “Mauna na ‘ko, Lara,” anito bago tuluyang lumabas ng silid. Si Jace naman ay nagmamadaling lumapit sa asawa.“What the hell is he doing here? Hindi ba malinaw ang bilin ko sa ‘yo, that I don’t want him near you or Lola!” anang binata, sa mahina subalit puno nang bigat na tinig. “Nakikinig ka ba talaga sa akin, Lara?”Kumurap-kurap si Lara, agad nataranta. “J-Jace… ano kasi…d-dumaan siya para kay Lola. Nahiya naman akong pagbawalan siya kasi---““Kasi ano? Kasi mabilis kang madala kapag siya ang nakiusap? Na kapag siya ang nagsabi, mabilis mong paniwalaan agad? Gano’n ba? Baka pagdating ng panahon, mas paniwalaan mo na siya kaysa sa akin, Lara,” gigil na putol ni Jace sa asawa.Kadarating lang ng binata gali
"Pinabayaan niya kami. Nangako ang kumpanya niya na bibigyan niya kami ng kabuhayan at iba pang mga benipisyo matapos pumanaw ang mga mahal namin sa buhay. Pero lahat 'yon napako. Makasarili talaga ang Jace Lagdameo na 'yan. Kaya kami nandito para sabihin sa buong bansa na ang isang Jace Lagdameo ay hindi mapagkakatiwalaan!" anang isang babae na kasalukuyang ininterview sa TV. Isa ang babae sa mga nagprotesta at namato kay Jace sa speaking event nito sa Cebu. Marahas na in-off ni Jace ang TV ng hospital suite bago bumaling kay Eli. "Have you confirmed that her claims are true? Is her late husband even working under one of our projects?”“We are still working on it, Sir—““Bullshit!” anas ng binata, sandaling bumaling sa kabilang bahagi ng frosted wall na siyang naghahati sa receiving room ng silid at mismong hospital bed kung saan mahimbing pa rin na natutulog si Crisitina. “Akala ko kinausap mo na nang maayos ang mga taong ‘yan kanina sa convention, Eli?”“I did, Sir. Pero wala nama
“Imbes na pinapagod mo ang sarili mo sa pag-iisip, why don’t you do first things first, Jace? Send bereavement flowers to the Antolin family at sikasuhin mo agad ang pagre-release ng mga benepisyo ng mga naaksidenteng manggagawa. That way, maaayos natin agad ang problema,” mahinahong sabi ni Cristina sa apo na noon ay nakaupo sa gilid ng hospital bed ng matanda.“Lola, kapag naglabas ulit ako ng pondo, ibig sabihin, para ko na ring inamin na nagkamali talaga ang LDC, na sadya kong hindi inasikaso ang benepisyo ng mga manggagawa gayong hindi naman ‘yon ang totoo,” rason ng binata, hindi na napigilan ang bahagyang pagtaas ng tinig.Halos wala pa siyang itinulog nang nagdaang gabi. He was waiting for updates from Eli. And when their men confirmed na totoong mga kamag-anak ng mga tauhan nila sa LDC ang nagreklamo, Jace has been in contact to all of their men under Engr. Antolin—umaasang may maibibigay ang mga itong sagot sa kanyang mga tauhan. Twenty million is twenty million! Hindi maar
“Ibig mong sabihin, dinala ka ng mga kidnappers mo sa isang lumang bahay at doon ikinulong ng halos dalawang dekada?” tanong ng pulis kay Larissa de Guzman. Nasa police station ang dalaga, marumi ang damit at pudpod na rin ang gamit na tsinelas.Pinagsalikop ng dalaga ang mga nanginginig na kamay bago mangiyak-ngiyak na tumango, muling bumakas ang takot sa mukha nito.“Pwede mo bang i-drawing sa amin kung anong hitsura ng bahay? O kaya naman ay alam mo ba ang address?” tanong ulit ng pulis, inabutan ng lapis at papel ang naguguluhang dalaga.Nanginig agad ang mga labi ni Larissa, tuluyan nang tumulo ang luha habang pinagmamasdan ang lapis at papel na nasa kanyang harapan. Maya-maya pa, nag-angat ito ng tingin kay Jace na ilang hakbang lang ang layo sa dalaga at tahimik na nakabantay rito.Agad namang bumigat ang dibdib ni Jace, hindi na nag-aksaya ng panahon at tuluyang humakbang palapit sa pwesto ng kababata. “Officer, baka pwede natin siyang bigyan nang kaunti pang panahon to adjus
Four years later“Papa!” anang tatlong taong gulang na si Cami kay Keitth na noon ay kararating lamang mula sa ospital. Mula sa hagdan ay nagtatakbo ang batang babae patungo sa frontporch ng malaking bahay at sinalubong ang lalaki ng yakap.Halos dalawang araw nang hindi umuwi si Keith dahil tinatapos nito ang training para sa kanyang specialization. May duty siya ulit mamayang gabi but he missed Cami so much that he needs to go home to see his little girl.Agad namang kinaraga ni Keith si Cami at pinupog ng halik ang pisngi ng bata. Hindi naglaon, napuno ng halakhak ni Cami ang buong bahay ng mga De Guzman.“Oh Keith, nandito ka na pala, hijo,” ani Doña Carmelita na noon ay naglalakad papasok sa french door ng bahay mula sa garden. Kasunod nito ang nurse nitong si Alma.“Yes, Lola. Miss na miss ko na kasi si Cami. At saka nangako ako sa kanya na dito ako magbe-breakfast ngayon kaya pinilit ko talagang pumunta,” paliwanag ni Keith, muling pinatakan ng magaang halik ang ulo ng bata.
Kanina pa naroon sa investigation room si Jace at hinihintay ang pagbabalik ni Atty. Marquez. Humiling ang binata sa mga pulis na bigyan siya ng isang pribadong lugar upang muling makausap ang kaniyang abogado. At ang investigation room ang ibinigay sa kanya ng mga ito.Hindi naglaon, bumukas na ang pinto ng silid. Agad namang bumaling sa direksyon niyon si Jace at bahagyang ngumiti nang makita ang bulto roon ni Attorney Marquez.“Attorney, salamat at pinaunlakan mo ang—“ Nabitin sa ere ang sana’y mga sasabihin ni Jace nang makitang hindi nag-iisa ang abogado. Nakasunod dito ang isang taong kahuli-hulihan niyang gustong makita, si Reymond. “What is he doing here?!” sabi agad ni Jace, tinuro ang tiyuhin.He balled his fists as he rein in his emotions.“Jace, hijo, please calm down,” anang abogado sa malumanay na tinig. “Ang sabi niya ay gusto ka niya munang makausap bago mo pirmahan ang kasunduan.”Napatayo na ang binata, lalong nagtagis ang mga bagang bago bumaling sa tiyuhin. “Wha
Kuyom ang mga kamay ni Jace habang nakaupo siya sa selda na siyang pinagdalhan sa kanya ng mga pulis na humuli sa kanya kanina. He was alone in the cell yet he had never felt more suffocated in his entire life. Ang apat na sulok ng selda iyon ang nagpapatunay kung anong klaseng pagkalugmok ang inihanda ng tadhana para sa kanya.He lost his grandmother and LDC. Lara is still missing. Now, will he lose his freedom too? He used to have everything and yet…Pilit na nilunok ng binata ang bikig sa kanyang lalamunan. Just thinking about the past, the things he had lost, makes his chest felt heavy. Hanggang ngayon na naroon na siya sa piitang ‘yon, hindi pa rin makapaniwala si Jace na sunod-sunod niyang naiwala ang mga importanteng bagay at tao sa kanyang buhay. He used to think he has everything. He used to have a great life. Hence, he was arrogant and ruthless, thinking all the things he had will always be with him. At ngayon, naiwala na niyang lahat ng ‘yon.Totoo nga ang sabi nila. May h
“Hija, handa ka na ba?” ani Doña Carmelita kay Lara na noon ay nasa silid na nito sa mansiyon at nag-aayos pa rin ng mga dadalhing gamit para sa kanikang flight papuntang Washington.Bumalik sa pagtira sa mansiyon ang mag-lola dalawang araw na ang nakararaan. Dahil para kay Carmelita, ngayong nakabalik na ang apo, dapat lamang na doon sila muling tumira bilang tanda ng pag-aalala sa kanilang mga yumao sa buhay. Subalit hindi rin naman magtatagal ‘yon dahil aalis din sila. But they will take the important things with them. “Tapos na po akong mag-empake, Lola. I’m just checking kung wala na po akong nakalimutan,” anang dalaga, inilagay ang isang lumang stuff toy sa kanyang bag.“Dadalhin mo ‘yan?” tanong ng matanda, pumasok na sa silid ng apo bago pinulot ang stuff toy.“Naisip ko lang po, na matagal na walang kasama si Mr. Boogie dito sa kwarto ko, Lola. Nakakunsensiya kapag iniwan ko siya ulit ngayon,” anang dalaga, nangingiti. Ang stuff toy na ‘yon ang welcome gift ni Carmelita sa
Pinagsalikop ni Via ang kanyang nanginginig na mga kamay habang naroon siya sa loob ng investigation room. Ang sabi ng pulis na humuli sa kanya, hintayin raw niya ang pagdating ni Lt. Alejandro. Ito raw ang magtatanong sa kanya tungkol sa kanyang kaso.Kaso.Nagtagis ang mga bagangn ng dalaga nag bumaba ang kanyang mata sa mga kamay niyang nakaposas. Bakit siya ang ikukulong? Wala naman siyang kasalanan. That bitch deserved to die. Inaagaw nito si Jace sa kanya.Tumalim ang mata ni Via nang maalala si Larissa or Delia or whatever her damn name is. The girl fake! She did everyone a favor! Lalo na si Doña Carmelita.That old woman would’ve been living with a fake until now kung hindi niya idinispatsa si Delia. Everyone should be thanking her. She killed the fake Larissa. Hindi na ito makakapanloko pa. At lalong wala na ito sa landas nila ni Jace.Ngumiti ang dalaga nang maalala ang dating nobyo. Now that fake Larissa is out of the picture, wala nang hadlang sa pagbabalikan nila ni Jace
Nagising si Jace na ramdam ang kirot sa kanyang buong katawan. He felt like he had been into some kind of a fight and he lost. Nang tuluyang magmulat ang binata, ang una niyang namulatan ay ang puting kisame at ang dextrose stand. Hindi naglaon, naramdaman niyang nakasuot siya ng oxygen mask.Hospital. He really was in the hospital.Marahang bumaling si Jace sa kanyang kanan at doon niya nakita si Eli na nakaupo sa sofa, pikit ang mga mata. Nang huling makita niya si Eli ay noong paalis sila sa presinto dahil hinahanap nila si Lara at…And then just like that, the memories of the incident with Jeff surfaced in his mind. It felt like a dream though. Wala sa sarili niyang kinapa ang kanyang tiyan, mayroon siyang nakapang gasa doon at bahagyang pagkirot. Noon napagtanto ng binata na totoo ang mga nangyari at hindi panaginip lang.Sinubukang bumangon ni Jace, subalit hindi niya magawa. He was in pain, in a lot of pain that all he could do was wince and groan.Noon naman nagising si Eli na
Abala si Keith sa pagche-check ng kanyang naka-admit na pasyente nang marinig niya ang page mula sa information desk. They were asking all trauma surgeons to go to the ER to assist with the victims of a small collision accident nearby. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binata at dali-daling tinungo ang ER.Gaya nang madalas mangyari, agad na sumalubong sa binata ang kaguluhan. Sa ER nangyayari ang unang laban ng mga pasyente sa pagitan ng buhay at kamatayan. And they, doctors, are there to help, to give their patients their best fighting chance at life.Mabilis na nagsuot ng gloves ang binata at humakbang sa bay 2 ng ER kung saan naroon ang apat na biktima ng aksidente. Naroon na rin ang iba pang miyembro ng trauma team, naghihintay sa assessment ng kanikang chief na si Dr. Pasion.“Keith,” ani Dr. Pasion, ang chief ng surgery departmet at ang kanyang immediate boss. “May stabbing victim sa cubicle 4. Doon na lang kayo ni Ronnie,” ang sabi ng doktor.Sandaling nagkatinginan ang magka
Sandaling natigilan si Carmelita, pinagmasdang maiigi ang dalaga na tinatawag siyang Lola. Pamilyar ang mukha nito. Hindi ba ito ang asawa ni Jace? Bakit…“L-Lola, a-ako po ito si L-Larissa,” muling sabi ni Lara, panay ang patak ng luha.Ngayong muling nakita ni Lara ang matanda, naiintindihan na niya kung bakit siya nakaramdam ng kung anong emosyon sa kanyang dibdib nang una niya itong makita. It was her grandmother. The grandmother she had forgotten for a long time.And seeing her now, old and frail makes her heart break. They have lost so much time. At wala nang nais pa ang dalaga kundi ang yakapin ito at sabihing hindi na ito muling mag-iisa dahil nakauwi na siya.Muling humakbang palapit ang dalaga sa abuela. Subalit muli itong nagsalita.“D’yan ka lang!” ani Carmelita sa mataas na tinig. “H’wag mo nang tangkaing lumapit. Kilala ko ang mga gaya mo, nais lamang pagkakitaan aang kalungkutan ko. Anong kailangan mo? Kwarta? Alahas? Bahay at lupa? Ano?!”Sandaling naguluhan si Lara, hi
“Maraming salamat, Agnes,” ani Doña Carmelita sa katulong nang maiupo siya nito sa kanyang kama. Si Agnes ay pamangkin ni Lita at naiwan sa mansiyon kasama ang ilan pa niyang katulong upang pangalagaan iyon. Subalit pinatawag ng matanda sa penthouse upang samahan sila roon pansamantala.Kararating lang ng matandang donya mula sa ospital. Kanina lang ay kasama niyang na-discharge mula sa ospital sina Lita at Manuel na nagtamo ng kaunting sugat sa ulo matapos ang ginawang pananakit ni Delia sa kanila kahapon.Nagpapasalamat ang matanda at walang napinsala sa kanila ng mga kasama niya sa bahay. At ngayong nasa mas maayos na silang kalagayan at nakauwi na, she can start moving on from the nightmare Delia had caused her.Three weeks. Tatlong linggo siyang nilinlang ng babaeg inakala niyang kanyang apo. Hanggang ngayon, hind pa rin lubos maisip ng matandang babae na nagpaloko siya nang ganoon katagal sa isang tao. Now that she had known the truth, looking back, there were tell-tale signs De