“L-Lola, s-saan na po tayo pupunta?” ani Larissa sa abuela nang pumasok ang sasakyan sa isang matayog na condo building.“Uuwi tayo sa condo ko, hija. Doon na ako nakatira ngayon,” anang matandang babae.“W-wala na po ‘yong dating bahay natin, Lola?”“Matagal na akong hindi tumutuloy doon, apo. Mula nang mawala ka’y hindi ko na kayang mabuhay nang mag-isa sa mansiyon. Matanda na ako at hindi ko na kakayanin pa ang sobrang lungkot. Kaya minabuti kong lumipat ng tahanan. Subalit magugustuhan mo rito sa condo ko. Don’t worry, Larissa, we got everything that we need here,” anang matandang babae, inabot pa ang kamay ng apo at marahan iyong tinapik.Muling bumaling si Larissa sa labas ng sasakyan, pinagmasdan ang loob ng malawak na parking lot sa loob ng building. Bumakas ang pagkamangha sa mukha ng dalaga at hindi iyon nakaligtas kay Carmelita.Nang tuluyang huminto ang sasakyan, agad na pinagbukas ni Manuel ng pinto ang matandang babae, inalalayan ito sa pagbaba. Ipagbubukas na sana ng dr
“Pasensiya ka na, Jace. Alam kong isang malaking kaabalahan sa ‘yo ang palaging pagpunta rito tuwing binabangungot si Larissa,” umpisa ni Doña Carmelita. Nakatayo ang dalawa sa glass wall window ng silid at nag-uusap. Iyon na ang ikatlong araw na inaabot ng umaga sa sa condo ng matanda si Jace dahil na rin sa madalas na pagdalaw ng masasamang panaginip tuwing natutulog si Larissa. “Subalit wala naman akong magawa dahil ikaw ang hinahanap niya. Maybe she longed for the presence of her old friends. Sa katunayan, pinatawag ko na rin si Keith para matignan na rin niya ang apo ko. I know what happened to Larissa is really traumatizing. I can only imagine the things she went through all throughout these years while she was held captive by those who took her. Subalit ang importante ngayon, nakabalik na siya, sa akin—sa atin. I know it will be a long way to recovery but… I will not give up on my grandchild. Ayaw man kitang obligahin, pero Jace, sana ay samahan ko ako sa pagtulong kay Larissa
Masayang pinagmamasdan ni Jace si Larissa habang tumutugtog ang kaibigan ng piano. Sa pagdaan ng mga araw, mas nakikita ng binata ang pagbabago sa kaibigan. And he's positive na sa malao’t madali’y tuluyan na rin itong makaka-recover.“Jace, halika, sabayan mo ‘ko,” aya ni Larissa sa kaibigan, umusog nang bahagya sa piano seat. Agad namang pinaunlakan ni Jace si Larissa at umupo sa tabi nito, sinabayan ang pagpindot nito sa tiklado.Ilang sandali pa, they were making a beautiful happy music floating throughout the whole house. Nang matapos ang tugtog, agad na bumaling si Larissa kay Jace.“Salamat, Jace,” anang dalaga bagpoito yumakap sa kanya.Sa isang sulok ng bahay, lihim na nakamasid si Carmelita. Hiling niya na sana… sana hindi na lang matapos ang maliligayang araw na ‘yon kaya lang...---Inihinto ni Lara ang wheelchair ni Doña Carmelita sa gitna ng sunflower garden ng ospital. Hapon na at hiniling ng matanda sa lumabas sa silid nito. Kasama si Nurse Angela at ang iba pang bodyg
Madilim pa nang gisingin si Lara ng malakas na ring ng kanyang cellphone. Pikit-matang inabot ng dalaga sa bedside table ang kanyang cellphone at sinagot."H-hello?" anang dalaga sa paos na tinig."Lara, nasaan ka? Kasama mo ba si Jace?" anang pamilyar na boses ni Keith sa kabilang linya.Napakurap si Lara, nangunot-noo. "K-Keith? Bakit anong kailangan mo--""It's about Lola Cristina. Tell, Jace to come to the hospital immediately."Awtomatikong tinambol ng kaba ang dibdib ng dalaga nang marinig ang pangalan ni Cristina. "B-bakit anong nangyari kay Lola?" "She's in a bad shape, Lara. She had a cardiac arrest kanina. Na-revive lang namin. She's in coma right now. We transferred her to the ICU and-- ""P-papunta na 'ko," nagmamadaling putol ni Lara sa sanay sasabihin pa ng doktor. Agad siyang dumiretso sa banyo at nag-shower. Pagkatapos maligo, nagmamadali siyang nagbihis. Panay ang patak ng luha ni Lara habang nagbibihis. Hindi maalis ang isip sa pag-aalala kay Doña Cristina.Kahapon
Kumurap si Lara, muling nangilid ang luha. “P-pinauwi ako ni Lola, Jace,” sagot ng dalaga alanganin. “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, h-hindi na lang sana ako umuw,” dugtong pa niya, yumuko bago tuluyang humagulgol.Hindi naman nag-aksaya ng oras si Jace at niyakap na agad ang asawa. Alam ng binata na dapat siya ang naroon at nagbabantay sa abuela subalit wala siyang magawa. It seems like he’s needed everywhere!“I’m sorry, J-Jace,” ani Lara sa pagitan ng paghikbi.Humigpit ang yakap ni Jace sa asawa. “It’s okay. Gusto mo, ihatid na muna kita sa bahay para doon ka makapagpahinga?” bulong ng binata sa asawa.Subalit umiling si Lara. Lalong ibinuro ang sarili sa dibdib ng asawa. Sa nangyari kay Cristina’y lalo siyang hindi dapat umuwi. Mananatili siya sa ospital hanggang kaya niya.“D-dito lang ako, Jace. Dito sa tabi ni Lola,” anang dalaga sa determinadong tinig.“Okay, if that’s what you want. We will stay here… together,” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang buhok ng
“Just send those to me then. I need to read the documents before we file the counter-affidavit. Alright, I’ll wait,” ani Jace kay Eli habang kausap ng binata ang kanyang assistant sa cellphone.He is in a lot of mess right now in the office kaya hindi niya maiwan ang mga trabaho kahit na naroon na siya sa ospital at binabantayan ang kanyang abuela. He needs to make time for all those concerns too. Because that’s his job as the CEO of LDC, to keep everything afloat even if his life is crumbling into pieces.“I know. But tell Atty. Marquez that I will call him later today for further instructions. Please also make sure that the legal team is ready to answer should this news leaked to the media,” dugtong pa ni Jace, nagbuga ng hininga bago tuluyang tinapos ang tawag.Sandaling pinakatitigan ng binata ang kanyang cellphone, iniisip kung kailan ulit magri-ring iyon. He barely slept and he’s been answering calls left and right the whole night last night. The concerns relating to LDC kept
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Lara habang naroon siya sa restroom sa ground floor ng ospital. Hawak niya sa isang kamay ang pregnancy test stick na agad niyang binili kanina nang bumuti ang kanyang pakiramdam. Hinihintay ng dalaga na matapos ang tatlong minuto na gaya nang nasa instruction ng kit. Tatlong minuto lang subalit pakiramdam ni Lara ay ang tatlong minutong iyon ay katumbas na ng habambuhay na paghihintay.Ilang sandali pa, tumunog ang timer niya. Maingat na sinilip ni Lara ang stick na nakalagay sa counter ng CR upang lalo lang panlamigan nang makitang nakabakas doon ang dalawang pulang linya. Kumpirmado, buntis siya.Ang kanyang madalas na pagkaliyo, ang kanyang pagiging antukin, maging ang kanyang pagiging pihikan sa pagkain, lahat ng iyon ay sintomas ng pagdadalang-tao niya. Subalit bakit ni hindi man lang niya naisip ‘yon? Halos tatlong linggo na rin siyang delayed! She could’ve known. She could’ve…A baby. She and Jace are having a baby!Napasinghap siya, natutop
Panay pa rin ang hikbi ni Lara habang nakaupo siya sa waiting area ng ICU. Kanina pa siya roon, naghihintay sa pagpayag ni Jace na makapasok siya sa mismong silid ni Cristina. She wanted to grieve too. Dahil sa maikling panahon na nakilala niya ang matanda, wala itong ibang ipinakita sa kanyang kundi pawang kabutihan lamang. At maging siyang ay nasasaktan din sa pagpanaw nito.Gusto niya ring umiyak, magdalamhati. Kaya lang… kanina pa siya pinagtatabuyan ni Jace. He gave orders not to be near him. Na kung maari lang siya nitong paglahuin marahil ay kanina pa nito ginawa. At isa ‘yon sa lalong nagpapahirap sa kanya.Mahirap na ngang tanggapin ang pagkawala ni Cristina, ipinagtatabuyan pa siya ng asawa.Mabilis na nagpunas ng luha si Lara nang maramdaman niya ang muling pagtulo niyon sa kanyang pisngi. Ayaw niyang sumuko. Hindi niya susukuan si Jace. Magpapaliwanag siya. Makikiusap. Gagawin niya ang lahat upang magkaayos sila. Gagawin niya ‘yon hindi lang para sa kanya kundi para sa kan
“Sigurado ka? In-endorse ito mismo ng Aunt Ingrid mo, Erin. Baka kapag nagkamali ako at nagkaroon ng aberya, lalong tayong malagay sa alanganin,” ani Suzanne, ang vice-president ng AdSpark Media.Kausap ito ngayon ni Erin sa loob ng opisina ng dalaga. Dalawang araw na ang nakakaraan mula nang dinner meeting nila ni Michelle. At bukas, magbibigay siya nang update kay Kiel tungkol sa project.At base sa naging reaksiyon niya nang huli silang magkita, batid ni Erin na gagawa lamang siya ng isa pang napakalaking pagkakamali kung makikipagkita pa siyang ulit kay Kiel. She is not herself whenever he is around, something that she hates to keep repeating.Hindi iyon maganda para sa napaka-importanteng project na ‘yon. Kailangan niyang siguruhin na hindi magkakaroon ng kahit na anong bad impression si Michelle sa kanya or sa kanyang kumpanya. At magagawa lang niya ‘yon kapag hindi na siya mismo ang direktang nakakausap ng dalawa. That’s why she needs Suzanne to step-up for her.“Don’t worry. I
“Kiel, you’re here. Dito ka ba matutulog?” tanong ni Engr. Francis Benavidez, ang ama ni Kiel. Nasa lanai ng kanilang bahay ang matandang lalaki, nagpapahangin habang nakaipit ang nangangalahati nang sigarilyo sa pagitan ng dalawang daliri nito.“I’m just visiting, Dad. Idadaan ko lang din ang regalo ko kay Ivo,” anang binata, bahagyang itinaas ang box na hawak. He missed his nephew’s birthday yesterday. He was too caught up with work at nakalimutan niya. Natawagan na niya kahapon si Lucas. Humingi na rin siya ng pasensiya.“Si Ivo, tulog na ba Dad?”anang binata, nagpalinga-linga sa sala. Wala sa bahay ang kapatid, nasa conference ito sa Cebu. He flew there just this morning. Ito na kasi ang pumalii sa kanilang ama na nag-retire na sa pagtatrabaho sa gobyerno. After leaving LDC thee years ago, pumasok sa gobyerno si Lucas.“Baka pinapatulog na ni Medring. Umakyat ka na lang, hijo. Baka maabutan mo pang gising. Matutuwa ‘yon d’yan sa regalo mo,” ani Francis, humithit sa sigarilyo.Tu
“Excuse me?” ani Michelle, kunot ang noong tumingin kay Erin. What Erin said didn’t settle well with her. Well, that is, if she heard it correctly kaya siya nagtatanong.Si Erin naman ay tarantang tumayo, nanirik sandali ang lohika, naguguluhang tumingin sa mga tauhan na noon ay halos laglag din ang mga pangang nakatingin sa dalaga.“W-what I mean is… w-wedding bells! Yes! That’s it! I-I hear wedding bells f-for you two dahil bagay na bagay kayo, M-Michelle and Engr. B-Benavidez,” naguguluhang paliwanag ni Erin, halos manginig na ang mga tuhod sa sobrang pagkataranta lalo na nang magtama ang mga mata nila ni Kiel.Kung mayroon lamang siyang pagpipilian, kanina pa niya siguro hiniling na bumukas ang sahig at lamunin siya pansamalanta. How can she say aloud what’s inside her head? At sa harap pa mismo nina Kiel at Michelle!How stupid can she be?Kapag nagkamali talaga siya sa project niyang ‘yon, hindi lang siya ang malilintikan sa tiyahin niya, pati na rin ang kanyang ad agency. And
Palinga-linga si Erin sa loob ng restaurant na kanyang kinaroronan habang hinihintay ang mga kakausapin tungkol sa ad campaign project na inirekomenda ng kanyang tiyahin.Ang sabi ng tiyahin niya bago siya nito pinapunta roon, ang unica hija daw ng mga Dela Fuente ang kakausapin niya—ang interim CEO ng DF Steels who is expanding the business now to appliances production. Kaya nila kailangan ng isang solid ad campaign to promote their new products.She had never tried working for a whole line of product before. This would be the first. Kaya naman excited siya na kinakabahan para sa project na iyon.“Ms. Erin, ano kayang trip ng bago nating kliyente? Wine ba o hard drink?” tanong ni Chantal, ang isa mga creatives niya sa firm.“Baka ma-wine. Parang matanda na kasi ang pangalan e, Michelle Dela Fuente. Parang sosyal na hindi, di ba?” hirit ni Paul, ang isa pang tauhan ni Erin. Isinama ng dalaga ang dalawa para marinig nila mismo mula sa kliyente ang tungkol sa project na gagawin nila.Us
Kanina pa nakatunganga sa harap ng laptop niya si Erin subalit ni ayaw gumana ng kanyang isip upang magtrabaho. Pasado alas nueve pa lamang ng umaga subalit pakiramdam niya, tila pagod na pagod na siya.Well, sleep was elusive last night. After the truths she had learned yesterday, hindi na siya tumigil sa kakaisip. How did she end up sleeping with Lucas’ brother? Well, older half-brother, the one she didn’t have the opportunity of meeting noong sila pa ng dating nobyo.Alam niyang may kapatid si Lucas pero ang sabi nito nasa abroad ito at doon nagta-trabaho. Alam niyang magulo ang buhay pamilya nina Lucas kaya iniiwasan niya talagang magtanong tungkol sa pamilya nito. And when they broke up dahil nakabuntis ito at nagpakasal sa iba, mas lalo naman siyang nawalan ng interes dito. She vowed to forget everything about Lucas. Dahil para ano pa, tadhana na mismo ang nagtakda na hindi sila ang para sa isa’t-isa. And so she moved on.She focused on AdSpark Media, her very own ‘baby’. Workin
Napaungol si Erin Jade Villegas or Erin nang tumama ang malakas na buhos ng liwanag sa kanyang mukha nang tangkain niyang magmulat ng mga mata. Hindi niya alam kung anong nangyayari; kung bakit tila may bumabarena sa ulo niya nang magising siya nang umagang iyon. Ang tanging alam ng dalaga ay umaga na at kailangan niyang bumangon. Muling napapikit ng mga maga si Erin, mariing hinawakan na ang nananakit na ulo.That's when she remembered last night.Last night.Well, last night, bumaha ang inumin dahil um-attend siya at ang kanyang mga kasamang empleyado sa launching ng isang brand ng alak. It was a genius move from the owners dahil talagang tinaon nila sa ad congress ang launching ng bagong produkto. She's sure, there's already more than a dozen of free ads for the product circulating now in various platforms. Baka nga pati mga empleyado niya may kanya-kanya na ring‘post’ tungkol sa alak na ‘yon. Which, she must stop.At AdSpark Media, her ad agency, they don’t do free advertising. No
TEASERErin Jade Villegas was done with love. Matapos siyang saktan ng kanyang huling nobyo na si Lucas, nangako siya sa sariling hindi na iibig pang muli. Itinuon niya ang kanyang buong atensyon sa kanyang sarili at sa advertising agency na kanyang naipundar sa tulong ng kanyang mayamang tiyahin na si Aunt Ingrid, ang pinsan ng kanyang namayapang ina.Minsan, binigyan siya ng tiyahin ng isang malaking kliyente, ang mga Dela Fuente. Malapit ang pamilya sa tiyahin ni Erin. Kaya naman ang sabi nito’y kapag maayos niyang naitawid ang transaksiyon sa mga Dela Fuente, bayad na siya sa lahat ng utang niya rito. Handang gawin ni Erin ang lahat, maging maayos lang ang kanyang trabaho. Subalit paano kung tila pinaglalaruan siya ng tadhana dahil ang direkta niyang makakatrabaho ay ang fiancé ng nag-iisang dalaga ng mga Dela Fuente, si Engr. Ezekiel ‘Kiel’ Benavidez, ang half-brother ni Lucas at ang lalaking nakasama niya sa isang gabi ng pagkakamali?Magawa pa kaya ni Erin ang kanyang trabaho g
“Cami, careful, sweetheart,” paalala ni Jace sa panganay na noon ay naglalaro sa may pool ng private beach resort na pag-aari ng LDC. Doon ginanap ang binyag ng kanilang bunso na Lara si Gray.“I’m just going back to the water, Daddy. My pink floaties will save me,” sagot ni Cami, bago muling tumalon sa kiddie pool kung saan naroon din si Emie at ang iba pang anak at apo ng mga guests.For the past year, lalong naging malapit ang dalawang bata. And Jace is happy with the progress. Ngumiti si Jace, sandaling pinanood ang paglangoy ng anak gamit ang floaters nito patungo sa iba pang kasama nito sa pool. His little girl is starting to be independent even at just four years old. Mukhang dapat pa niyang hiritan si Lara ng isa pang prinsesa. He’s not done spoiling little princesses just yet.With that in thought, bumalik sa isa sa mga cabana si Jace at pinuntahan sina Lara at Gray. Naabutan niyang tulog si Gray sa kamay ni Lara na noon nakaupo sa rocking chair.Sandaling pinagmasdan ni Jac
“Wake up, sleepy head,” ani Jace kay Lara, masuyong hinagkan ang pisngi ng natutulog na asawa.Lara’s eyes fluttered open and the first thing she saw was Jace’s smiling face. “Goodmorning,” sagot ni Lara, bahagyang ngumuso. Jace chuckled and planted a soft kiss on Lara’s lips. Lara smiled, satisfied. “Anong oras na? I’m still sleepy.”Tumayo na si Jace mula sa kama, muling pinulot ang isang tuwalya at itinuloy ang pagpapatuyo ng buhok. “It’s almost eight, love. Our appointment at the hospital is nine.”“And you already took a bath!” ani Lara, naninikwas ulit ang nguso. “How early did you wake up?”“Before six,” sagot ni Jace, kinindatan ang asawa, bago pigil na ngumiti.Lara chuckled, her heart overdriving. “You’re too excited.”“Can you blame me? I missed everything with Cami. Kaya gusto ko ngayon, sa bawat check-up ninyong dalawa ni baby, kasama ako,” ani Jace.Bumangon na sa kama si Lara. “You’re a great father, Jace even if you missed every single important thing when I was pregna