“Pasensiya ka na, Jace. Alam kong isang malaking kaabalahan sa ‘yo ang palaging pagpunta rito tuwing binabangungot si Larissa,” umpisa ni Doña Carmelita. Nakatayo ang dalawa sa glass wall window ng silid at nag-uusap. Iyon na ang ikatlong araw na inaabot ng umaga sa sa condo ng matanda si Jace dahil na rin sa madalas na pagdalaw ng masasamang panaginip tuwing natutulog si Larissa. “Subalit wala naman akong magawa dahil ikaw ang hinahanap niya. Maybe she longed for the presence of her old friends. Sa katunayan, pinatawag ko na rin si Keith para matignan na rin niya ang apo ko. I know what happened to Larissa is really traumatizing. I can only imagine the things she went through all throughout these years while she was held captive by those who took her. Subalit ang importante ngayon, nakabalik na siya, sa akin—sa atin. I know it will be a long way to recovery but… I will not give up on my grandchild. Ayaw man kitang obligahin, pero Jace, sana ay samahan ko ako sa pagtulong kay Larissa
Masayang pinagmamasdan ni Jace si Larissa habang tumutugtog ang kaibigan ng piano. Sa pagdaan ng mga araw, mas nakikita ng binata ang pagbabago sa kaibigan. And he's positive na sa malao’t madali’y tuluyan na rin itong makaka-recover.“Jace, halika, sabayan mo ‘ko,” aya ni Larissa sa kaibigan, umusog nang bahagya sa piano seat. Agad namang pinaunlakan ni Jace si Larissa at umupo sa tabi nito, sinabayan ang pagpindot nito sa tiklado.Ilang sandali pa, they were making a beautiful happy music floating throughout the whole house. Nang matapos ang tugtog, agad na bumaling si Larissa kay Jace.“Salamat, Jace,” anang dalaga bagpoito yumakap sa kanya.Sa isang sulok ng bahay, lihim na nakamasid si Carmelita. Hiling niya na sana… sana hindi na lang matapos ang maliligayang araw na ‘yon kaya lang...---Inihinto ni Lara ang wheelchair ni Doña Carmelita sa gitna ng sunflower garden ng ospital. Hapon na at hiniling ng matanda sa lumabas sa silid nito. Kasama si Nurse Angela at ang iba pang bodyg
Madilim pa nang gisingin si Lara ng malakas na ring ng kanyang cellphone. Pikit-matang inabot ng dalaga sa bedside table ang kanyang cellphone at sinagot."H-hello?" anang dalaga sa paos na tinig."Lara, nasaan ka? Kasama mo ba si Jace?" anang pamilyar na boses ni Keith sa kabilang linya.Napakurap si Lara, nangunot-noo. "K-Keith? Bakit anong kailangan mo--""It's about Lola Cristina. Tell, Jace to come to the hospital immediately."Awtomatikong tinambol ng kaba ang dibdib ng dalaga nang marinig ang pangalan ni Cristina. "B-bakit anong nangyari kay Lola?" "She's in a bad shape, Lara. She had a cardiac arrest kanina. Na-revive lang namin. She's in coma right now. We transferred her to the ICU and-- ""P-papunta na 'ko," nagmamadaling putol ni Lara sa sanay sasabihin pa ng doktor. Agad siyang dumiretso sa banyo at nag-shower. Pagkatapos maligo, nagmamadali siyang nagbihis. Panay ang patak ng luha ni Lara habang nagbibihis. Hindi maalis ang isip sa pag-aalala kay Doña Cristina.Kahapon
Kumurap si Lara, muling nangilid ang luha. “P-pinauwi ako ni Lola, Jace,” sagot ng dalaga alanganin. “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, h-hindi na lang sana ako umuw,” dugtong pa niya, yumuko bago tuluyang humagulgol.Hindi naman nag-aksaya ng oras si Jace at niyakap na agad ang asawa. Alam ng binata na dapat siya ang naroon at nagbabantay sa abuela subalit wala siyang magawa. It seems like he’s needed everywhere!“I’m sorry, J-Jace,” ani Lara sa pagitan ng paghikbi.Humigpit ang yakap ni Jace sa asawa. “It’s okay. Gusto mo, ihatid na muna kita sa bahay para doon ka makapagpahinga?” bulong ng binata sa asawa.Subalit umiling si Lara. Lalong ibinuro ang sarili sa dibdib ng asawa. Sa nangyari kay Cristina’y lalo siyang hindi dapat umuwi. Mananatili siya sa ospital hanggang kaya niya.“D-dito lang ako, Jace. Dito sa tabi ni Lola,” anang dalaga sa determinadong tinig.“Okay, if that’s what you want. We will stay here… together,” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang buhok ng
“Just send those to me then. I need to read the documents before we file the counter-affidavit. Alright, I’ll wait,” ani Jace kay Eli habang kausap ng binata ang kanyang assistant sa cellphone.He is in a lot of mess right now in the office kaya hindi niya maiwan ang mga trabaho kahit na naroon na siya sa ospital at binabantayan ang kanyang abuela. He needs to make time for all those concerns too. Because that’s his job as the CEO of LDC, to keep everything afloat even if his life is crumbling into pieces.“I know. But tell Atty. Marquez that I will call him later today for further instructions. Please also make sure that the legal team is ready to answer should this news leaked to the media,” dugtong pa ni Jace, nagbuga ng hininga bago tuluyang tinapos ang tawag.Sandaling pinakatitigan ng binata ang kanyang cellphone, iniisip kung kailan ulit magri-ring iyon. He barely slept and he’s been answering calls left and right the whole night last night. The concerns relating to LDC kept
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Lara habang naroon siya sa restroom sa ground floor ng ospital. Hawak niya sa isang kamay ang pregnancy test stick na agad niyang binili kanina nang bumuti ang kanyang pakiramdam. Hinihintay ng dalaga na matapos ang tatlong minuto na gaya nang nasa instruction ng kit. Tatlong minuto lang subalit pakiramdam ni Lara ay ang tatlong minutong iyon ay katumbas na ng habambuhay na paghihintay.Ilang sandali pa, tumunog ang timer niya. Maingat na sinilip ni Lara ang stick na nakalagay sa counter ng CR upang lalo lang panlamigan nang makitang nakabakas doon ang dalawang pulang linya. Kumpirmado, buntis siya.Ang kanyang madalas na pagkaliyo, ang kanyang pagiging antukin, maging ang kanyang pagiging pihikan sa pagkain, lahat ng iyon ay sintomas ng pagdadalang-tao niya. Subalit bakit ni hindi man lang niya naisip ‘yon? Halos tatlong linggo na rin siyang delayed! She could’ve known. She could’ve…A baby. She and Jace are having a baby!Napasinghap siya, natutop
Panay pa rin ang hikbi ni Lara habang nakaupo siya sa waiting area ng ICU. Kanina pa siya roon, naghihintay sa pagpayag ni Jace na makapasok siya sa mismong silid ni Cristina. She wanted to grieve too. Dahil sa maikling panahon na nakilala niya ang matanda, wala itong ibang ipinakita sa kanyang kundi pawang kabutihan lamang. At maging siyang ay nasasaktan din sa pagpanaw nito.Gusto niya ring umiyak, magdalamhati. Kaya lang… kanina pa siya pinagtatabuyan ni Jace. He gave orders not to be near him. Na kung maari lang siya nitong paglahuin marahil ay kanina pa nito ginawa. At isa ‘yon sa lalong nagpapahirap sa kanya.Mahirap na ngang tanggapin ang pagkawala ni Cristina, ipinagtatabuyan pa siya ng asawa.Mabilis na nagpunas ng luha si Lara nang maramdaman niya ang muling pagtulo niyon sa kanyang pisngi. Ayaw niyang sumuko. Hindi niya susukuan si Jace. Magpapaliwanag siya. Makikiusap. Gagawin niya ang lahat upang magkaayos sila. Gagawin niya ‘yon hindi lang para sa kanya kundi para sa kan
“Sir, handa na po kayo?” pukaw ni Eli sa boss nang makita itong nakatayo sa may glass wall panel ng penthouse nito.Hindi gaya kanina nang iwan niya ito, nakaligo na ito at nakabihis na rin ng bagong damit. Hindi ito umuwi sa bahay nito dahil sinabi niyang pinauwi niya si Lara doon. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ng assistant ang totoong dahilan sa galit ng boss kay Lara. Subalit umaasa siyang maayos din ng mag-asawa iyon. Dahil kailangan ng boss ng karamay ngayon, higit kailanman.“It’s officially the first day without Lola, Eli. I don’t know how will it go,” anang binata, tinanaw ang papasikat pa lang na araw sa ‘di kalayuan. He only had two hours of sleep and his body craved for rest. Subalit hindi niya magawa. Marami pa siyang aasikasuhin.“Magiging maayos po ang lahat, Sir. Tumawag po ang sa memorial gardens, handa na raw po po ang lahat doon. Marami na rin po ang tumawag at nagpaabot ng pakikiramay. Nagtatanong na rin po ang mga taga-LDC kung kailan po sila pwedeng dumalaw,”
“Cami, careful, sweetheart,” paalala ni Jace sa panganay na noon ay naglalaro sa may pool ng private beach resort na pag-aari ng LDC. Doon ginanap ang binyag ng kanilang bunso na Lara si Gray.“I’m just going back to the water, Daddy. My pink floaties will save me,” sagot ni Cami, bago muling tumalon sa kiddie pool kung saan naroon din si Emie at ang iba pang anak at apo ng mga guests.For the past year, lalong naging malapit ang dalawang bata. And Jace is happy with the progress. Ngumiti si Jace, sandaling pinanood ang paglangoy ng anak gamit ang floaters nito patungo sa iba pang kasama nito sa pool. His little girl is starting to be independent even at just four years old. Mukhang dapat pa niyang hiritan si Lara ng isa pang prinsesa. He’s not done spoiling little princesses just yet.With that in thought, bumalik sa isa sa mga cabana si Jace at pinuntahan sina Lara at Gray. Naabutan niyang tulog si Gray sa kamay ni Lara na noon nakaupo sa rocking chair.Sandaling pinagmasdan ni Jac
“Wake up, sleepy head,” ani Jace kay Lara, masuyong hinagkan ang pisngi ng natutulog na asawa.Lara’s eyes fluttered open and the first thing she saw was Jace’s smiling face. “Goodmorning,” sagot ni Lara, bahagyang ngumuso. Jace chuckled and planted a soft kiss on Lara’s lips. Lara smiled, satisfied. “Anong oras na? I’m still sleepy.”Tumayo na si Jace mula sa kama, muling pinulot ang isang tuwalya at itinuloy ang pagpapatuyo ng buhok. “It’s almost eight, love. Our appointment at the hospital is nine.”“And you already took a bath!” ani Lara, naninikwas ulit ang nguso. “How early did you wake up?”“Before six,” sagot ni Jace, kinindatan ang asawa, bago pigil na ngumiti.Lara chuckled, her heart overdriving. “You’re too excited.”“Can you blame me? I missed everything with Cami. Kaya gusto ko ngayon, sa bawat check-up ninyong dalawa ni baby, kasama ako,” ani Jace.Bumangon na sa kama si Lara. “You’re a great father, Jace even if you missed every single important thing when I was pregna
“Paanong natabig?” nag-aalalang tanong ni Lara sa wedding planner niyang si Elaine.Iyon ang araw ng kasal nila ni Jace sa farm ng mga Lagdameo subalit… there she was, just hours away from her wedding, upang malaman lamang na natabig ng tauhan ni Elaine ang kanila ng wedding cake at bumagsak iyon sa loob ng reception venue.Even just thinking about it now was making her freak out!“Mag-sorry ka! Mag-sorry ka, Girly!” ani Elaine sa kasama nitong tauhan na nakatungo at panay ang singhot.“M-Ma’am p-pasensiya na po kayo. Pinapamadali ko po kasi sa mga kasama ko ‘yong cake table. Hindi ko naman alam na hindi maganda ang pagkaka-ayos ng mga kasama ko sa cake table. Kaya no’ng natabig ko nang kaunti 'yong table, gumalaw tapos hindi nakaya ‘yong bigat ng cake t-tapos… tapos… S-sorry po talaga, Ma’am Lara,” anang tauhan ni Elaine, panay na rin ang punas ng luha nito.Napabuga ng hininga si Lara, tinantiya ang emosyon. Gusto niyang magalit subalit hindi niya magawa. Alam niyang hindi 'yon sinas
“What are you doing here, Lara?” pukaw ni Jace sa asawa nang maabutan ito ng binata sa may veranda ng silid nila sa farm house. Nilapitan ng binata ang asawa at magaang niyakap mula sa likuran nito, musuyong hinaplos ang impis pa nitong tyan. “Hindi ka pa rin ba makatulog dito? Natatakot ka pa rin ba sa mga nangyari?” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang leeg ng asawa.Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente na gawa ni Michaela. At iyon ang unang gabi na sa farm house ng mga Lagdemeo sila tumuloy na mag-anak imbes na sa rest house ng mga De Guzman.Lara fully rested her back on Jace’s chest, heaving a sigh after. “Medyo. Pero alam ko naman na marami nang nagbabantay sa atin dito. Alam kong wala nang maggugulo pa sa atin,” sagot ni Lara, tumingala sa langit. Napangiti ang dalaga nang makitang puno ng bituin ang langit, nagsasalitaan ang mga iyon sa pagkislap. “I kinda miss you, Jace. You’re always out for the past few days,” ani Lara.It’s true Jace has been g
“What is she doing there? Is she…” Hindi maituloy-tuloy ni Jace ang nais sabihin. He’s more than puzzled as to why Michaela was inside the interrogation room."She lost her job at the bank. Ang sabi, na-scam daw siya at nakadispalko siya nang milyon-milyon sa bangko. Ang sabi niya sa manager niya, paulit-ulit daw niyang sinasabi na mababayaran niya rin naman 'yon lahat kapag pinakasalan mo na siya." Nagsalubong na ang mga kilay ni Jace. "But I never promised her anything! Nang magtapat siya nang nararamdaman niya sa akin, tinapat ko siya na hindi ko kailanman masusuklian ang damdamin niya. I have never given her any false hopes!” Tumango-tango si Carlo. "I believe you. Kaya lang, she's been mentally unstable for weeks now. Ang sabi ng mga magulang niya, matagal na raw na hindi umuuwi sa kanila si Michaela. Kung saan ito tumutuloy, hindi nila alam. Nakausap ko ang mga tauhan ng mga De Guzman sa may aplaya. Ang sabi nila, ilang araw na raw nilang nakikita si Michaela na nagpapalakad-
Ang mahihinang pag-uusap sa kanyang paligid ang tuluyang nagpagising kay Lara. Pagbukas niya ng kanyang mga mata, ang mukha ni Jace ang una niyang nakita.“L-Lara, how are you feeling? Anong masakit sa ‘yo?” magkasunod na tanong ng binata, bakas ang labis na pag-aalala sa tinig.“Y-you’re here? P-paanong—“ Naguguluhang ipinaikot ng dalaga ang kanyang mata sa loob ng silid na kanyang kinaroronan. Everything is white. She’s more more than sure she is in a hospital.“I came as soon as I received the news. Nawalan ka raw ng malay sa bahay after… after you saw your mutilated portrait.”Napasinghap si Lara nang maalala ang mga pangyayari bago siya mawalan ng malay. “S-si Cami? N-nasaan si Cami?” tanong ng dalaga sa paos na tinig.Masuyong hinaplos ni Jace ang pisngi ng asawa. “She is with Manang Lagring. Nasa labas na rin ng ER si Coco, naghihintay ng anumang balita tungkol sa ‘yo. Kasama nila ang ibang security detail natin. You don’t need to worry about anything, love. Pinapaimbestigahan
Maingat na inilapag nina Coco at Lara ang bungkos ng mga bulaklak sa puntod na nasa kanilang harapan. Nasa public cemetery na sila sa San Marcelino. “Nay, tapos na po ang lahat. Nalaman na po ni Ate Lara ang lahat. Nagbabayad na rin po ang lahat ng may kasalanan sa nangyari sa kanya. Nagawa na po namin ni Ate ang nais mo. Pwede ka nang matahimik, Nay,” ani Coco sa pinatatag na tinig.“Salamat, Tiyang,” umpisa ni Lara. “Mula noon hanggang ngayon, ang kapakanan ko ang iniisip ko. H’wag ka nang mag-alala kay Coco, ako nang bahala sa kanya, Tiyang. Sisiguruhin kong matutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya,” dugtong pa ni Lara bago bumaling sa puntod ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. “Yaya Melissa, salamat dahil hanggang sa kahuli-hulihan, pinili mong iligtas ako. Salamat sa sakripisyo mo, nagawa ko pa ring makabalik sa tunay na pamilya ko.”Pinagmasdan ng dalaga ang pangalan ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. Pinapalitan na niya iyon noong huling beses silang nagpunta roon
Tahimik na pinagmamasdan ni Jace ang paglagak sa labi ni Keith sa mausoleum ng mga Montano. Iyon ang araw ng libing ni Keith. Despite the truths that he has discovered, hindi pa rin nagbago ang isip ni Jace at patuloy na inasikaso ang pagpapalibing sa dating kaibigan at kababata.Matapos ang isang linggong burol sa St. Anthony’s Hospital, inihatid na rin sa huling hantungan si Keith. Maraming kaakilala ang dumalo sal amay at libing ng doktor. Ang iba, mga dating pasyente na ginamot ng namayapang binata. Patunay na minsan, sa maikling buhay nito ay naging mabuti ito at nakagawa ng tama.Nakadalaw si Divina sa burol ng anak nito. Subalit, saglit lang. Hindi na rin kasi ito halos makausap nang mga panahong iyon. Lagi itong tulala at paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang, ‘Wala akong kasalanan.’Kung sino ang sinasabihan nito ng mga salitang ‘yon, kung ibang tao ba o ang mismong sarili nito, hindi na mahalaga para kay Jace. Ang tanging importante sa binata ay nakakulong na si Divina a
Tila nabingi si Jace sa ipinagtapat ng tiyuhin. “Paanong…”“Hayop ka talaga, Reymond! Hayop ka!” singhal ni Divina kay Reymond, pilit na kumakawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ng dalawang police escort na kasama nito.“Mas hayop ka, Divina! Hindi ba’t habang naiinggit ako sa pinsan ko dahil sa kayamanan at tagumpay na kanyang tinatamasa’y ikaw ang nagsabi sa akin na kayang-kaya mo siyang paglahuin sa mundong ibabaw? Alam kong ayaw mo sa kanya dahil ayaw niyang pahiramin ng malaking pera si Carlos para sa research lab na gusto mong ipatayo.”“Sinungaling! Sinungaling ka! Do not believe him, officer! Naghahanap lang siya ng masisisi sa mga kasalanan niya!” ani Divina, panay pa rin ang piglas. “Gusto mo bang sabihin ko sa kanila kung paano mo nilagyan ng lason ang alak ni James nang manggaling siya sa inyo bago siya umuwi sa kanila nang araw na madisgrasya siya? O gusto mong sabihin ko na kaya sa daan inabutan ng atake sa puso at aksidente si James ay dahil imbes na ang paghahanap