Sandaling napatanga si Lara sa sinabi ng babae. Tila sanay na sanay itong mag-utos, gaya rin Jace. At sigurado si Lara na galing din ito sa maalwang pamilya gaya ni Jace.
Biglang nanliit si Lara. Hindi niya napigilan sarili na ikumpara sa babae. While Via was a star, she was but juts a speck of dust.
“Hey, did you hear me? Bakit nakatanga ka pa riyan? Ang sabi ko, kape. Pronto!” untag ni Via kay Lara, iritado. Nagkumahog naman si Lara na sundin ang utos ng babae at dali-daling nagtungo sa panty.
Si Via naman ay umupo sa swivel chair ni Jace, bumusangot. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay siya lalo na ng mga utusan. She is a prima ballerina. Her time is precious and must not be wasted. Sa totoo lang, she shouldn’t be there yet because her plane from Milan just landed. Kaya lang, may nais siyang malaman agad kay Jace. Nangako ito sa kanya na hihintayin siya nito. That he will always wait for her to achieve her dreams before they get married. Noong umalis siya two years ago, ito ang nagtanong sa kanya kung handa na niya itong pakasalan. Tinanggihan niya ang alok nito. Of course, her career comes first. Subalit ngayon, sa kanyang pagbabalik, siya naman ang magtatanong kay Jace. And she’s more than sure that she will be Mrs. Lagdameo soon.
Nang matapos sa pagtitimpla ng kape si Lara, agad niya iyong isinilbi kay Via.
Paglapag na paglapag pa lamang ni Lara ng kape sa mesa, agad na nagsalubong ang kilay ng babae. “Is that brewed?” Umiling si Lara. “I only drink brewed coffee. Sinabi ko ‘yan sa lahat ng interviews at trivia about me. Are you stupid or something?”
“S-sorry po, Ma’am. Papalitan ko na lang agad,” ani Lara, nagmamadaling inalis sa mesa ang tasa ng instant coffe na kagagawa lang niya bago bumalik sa pantry.
Nakabusangot ang dalaga habang gumagawa ng brewed coffee. Malay ba niyang mapili ang bisita sa kape. Isa pa, wala siyang interes na alamin ang buhay ng mga mayayaman. Abala siya sa pagkayod uoang mabuhay. Tapos aalamin pa niya ang likes at dislikes ng mga alta?
Umirap sa hangin ang dalaga. Bagay nga ito at si Jace, parehas silang masama ang ugali!
Pinagbuti ni Lara ang pagtitimpla ng kape. Ang balak niya, kapag nagustuhan iyon ni Via, lalabas na lang siya ng opisina ni Jace at tatambay sa rooftop ng building upang doon magpalipas ng oras.
Nasa may pinto na ng pantry si Lara bitbit ang bagong timplang kape nang bumalandra pabukas ang pinto ng opisina ni Jace. Pumasok sa silid si Jace kaya agad na napaatras pabalik sa pantry si Lara, doon nagkubli.
“Jace, babe!” bulalas ni Via, napatayo na sa swivel chair at nagmamadaling sinalubong si Jace ng halik at yakap. “I missed you so much. Two years is a long time, babe. Did you miss me?” anang babae, sinubukang iburo ang mukha sa dibdib ng dating nobyo subalit tila ayaw nito.
“Let go, Via. I’m busy. Umuwi ka na,” malamig na sabi ni Jace, ni hindi gumanti ng yakap sa dating kasintahan.
Nagtataka namang tiningala ni Via si Jace, nanibago. “But why? Nandito na ‘ko o. Ang sabi mo sa ‘kin bago ako umalis, pagbalik ko, magpapakasal na tayo. Why the sudden coldness, Jace?”
“Things has changed and you know why,” si Jace, tuluyan nang humakbang palayo kay Via, kuyom ang mga kamay sa pagpipigil ng emosyon. “Besides, I’m already married.”
Napasingap si Via. Hindi inaasahan ng dalaga ang balitang ‘yon. “M-married?”
“Yes, you heard it right. I moved on. You are two years too late, Olivia. So get out, you have no business here,” patuloy pa ng binata.
“K-kung nagpakasal ka na, p-paano ‘ko, Jace? P-paano tayo?” ani Via sa garalgal na tinig. Pakiramdam ng dalaga ay biglang lumiliit ang silid at nahihirapan siyang huminga.
“We ended when you left two years ago, Via. I’m sorry, hindi ako nakapaghintay.”
Humikbi na si Via, tuluyang napaluha. “J-Jace… why are you doing this to me? P-please… don’t. Don’t leave me,” pakiusap ni Via. Subalit nanatili lang namakamasid si Jace sa dating nobya. Sa puntong iyon, alam na ni Via na wala na siya talagang aasahan pa kay Jace. To save face, mabilis na nagpunas ng kanyang luha si Via. “Who? Who is your wife? Kanino mo ‘ko pinagpalit? At least you have to tell me. I need closure, Jace.”
Umigting ang panga ni Jace. “You don’t need to know, Via. And I have no plans to tell you.”
Napapadyak na si Via sa inis kay Jace. “I hate you, Jace! I don’t know you are this heartless!”
“And I don’t know you are this shameful, Olivia. Sinabi ko na sa ‘yo, tapos na tayo. Fcking deal with it.”
Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Via, agad na tumalikod ang dalaga at nagmartsa palabas ng opisina ng dating nobyo. Si Lara ay marahang ibinaba sa mesa ang tasa ng brewed coffee, hindi malaman kung anong dapat maramdaman sa mga narinig.
Pagpiphit niya, naroon na si Jace sa may pinto ng pantry, salubong ang mga kilay at matalim ang titig sa kanya.
“What the hell are you doing here?”
Agad na kumabog ang dibdib ng dalaga. “S-Sir may papapirmahan po kasi sana akong documents mula sa department namin at---“
“Leave!” putol ni Jace sa sana’y sasabihin ni Lara.
“K-kailangan ko lang po talagang—“
“I said fcking leave!” singhal na ni Jace, tinuro pa ang direksyon ng pinto. “Hindi porke’t kasal tayo pwede ka nang humarap sa akin kung kailan mo gusto, Ms. Martinez! Don’t show your face to me unless I tell you! So, leave, now!”
Muling nataranta si Lara, mabilis na kinuha ang folders na bitbit niya kanina bago nagmamadaling lumabas ng panty.
Pagbalik ni Lara sa marketing department, katakot-takot na sermon ang ibinigay ni Amanda sa kanya. Kesyo raw incompetent siya,tamad at kung ano-ano pa. Subalit hindi niya pinatulan ang boss. Mas gusgustuhin pa niyang ito na lang ang magalit sa kanya kaysa si Jace.
Itinuloy ni Lara ang pagtatrabaho. Ni hindi na rin siya nananghalian para siguradong may matatapos siya sa araw na ‘yon. Kahit nang uwian na, nagpaiwan pa rin si Lara at pinasyang mag-overtime.
Pagpatak ng alas-otso ng gabi. Nagpasya nang umuwi si Lara. Subalit paglabas na paglabas ng dalaga ng building ay agad siyang sinalubong ni Boss Chino at ng ilang tauhan nito.
“Nandito ka lang pala. Ang kapal ng mukha mong pagtaguan ako gayong malaki ang utang ng tiyuhin mo sa akin. Hala, sige, dalhin niyo ‘to. Iuuwi ko ‘to sa bahay ngayon!” ani Boss Chino sa mga tauhan.
Sa takot ng dalaga’y nagmamadali siyang bumalik sa lobby ng building. Hinding-hindi siya magpapahuli kay Boss Chino kahit na anu man ang mangyari.
Nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang bigla siyang bumangga sa pader. Hawak ang nasaktang ulo, nag-angat ng tingin ang dalaga upang mapasinghap lamang nang hindi pala siya sa pader bumangga kundi sa dibdib mismo ni Jace.
“H-hinahabol ako ni Boss Chino. P-please, tulungan mo ‘ko, J-Jace,” pakiusap ng dalaga, kumapit na coat ng asawa at doon ibinuro ang mukha.
“Tiyo, bakit ako?” mangiyak-ngiyak na reklamo ni Lara sa tiyuhin na si Berto nang sabihin nito sa kanya na nakapili na raw ng aasawahin ang intsik na amo nito sa grocery store. At ang malas na babae, siya.“O e alangan namang ako? Alam mo naturingan kang gradweyt pero may pagkatanga ka rin minsan. Ikaw lang naman sa atin dito sa bahay ang puwedeng ialay kay Bossing. At saka ayaw mo no’n, tiyak na yayaman tayo, Lara. Kahit hindi ka na magtrabaho, mahihiga ka sa kwarta!” anang tiyuhin, nagsalin ng gin sa baso, humithit muna ng sigariylo bago uminom ng alak. “Matagal ka nang kursunada no’n ni Boss Chino e. ‘Di ba nga palagi kang may regalo sa kanya tuwing Pasko at birthday mo. Seryoso ‘yon sa ‘yo, kaya ‘wag mo nang tanggihan. Minsan na nga lang ako mag-utos sa ‘yo, nagrereklamo ka pa. Parang wala kang utang na loob a,” patuloy pa ni Berto, muling tumungga ng alak.Nakagat ni Lara ang kanyang pang-ibabang labi, yumuko. Noon pa man ay masakit nang magsalita ang kanyang tiyuhin. Asawa ito
“S-Sir… h-hindi ko po maintindihan--”“Fine, let’s get things straight. Hindi ba nasa labas lang ang mapapangasawa mo na hindi mo gusto?” Tumango si Lara. “I am offering you an escape from your current dilemma, Miss…”“Martinez, Sir. Lara Veronica Martinez.” “Well, Miss Martinez, I am offering you an escape. Six months of marriage, no strings attached. Marry me and I’ll solve your problems. How’s that?” ani Jace sa pormal na tinig.Lalong natulala si Lara sa sinabi ng boss.Sa dalawang taon ng dalaga sa LDC ni hindi pa niya ito nakakausap ng harapan. Kaya naa-amuse siya ngayon na kinakasuap siya nito nang harapan lalo pa at inaalok siya ng kasal!Kasal.Madalas ipaalala sa kanya ng kanyang tiyahin na ang kasal ay sagrado at ginagawa lamang nga mga taong lubos na nagmamahalan. Subalit… may iba pa ba siyang pagpipilian ngayon gayong iniipit siya ng kanyang tiyuhin?“Look, it’s just six months. It’s not like your signing your life away with me. It’s just half a year,” muling untag ni
“Siya nga? Halik hija, umupo ka rito sa tabi ko,” ani Doña Cristina ang abuela ni Jace. Agad namang tumalima si Lara, umupo sa gilid ng kama ng matanda. “Nang sabihi ni Jace sa akin na nag-asawa na siya’y hindi ako agad naniwala. Subalit ngayong nandito ka na, sobra talaga akong natutuwa. You are beautiful, hija. Magaling pumili ang aking apo. Inaasahan kong mula sa ‘yo ay magpapatuloy ang lahi ng pamilya Lagdameo.”Alanganing ngumiti si Lara. “Makakaasa po kayo, L-lola,” anang dalaga mabilis na sumulyap kay Jace na nasa kabilang gilid lang ng kama ng matanda.“Mabuti kung gano’n. Si Jace ay nag-iisang apo ko. We have a curse in this family, Lara. Isang anak na lalaki lang sa bawat henerasyon ng Lagdameo ang ipinapanganak. At umaasa akong ikaw ang puputol sa sumpang ‘yon—““Alright, that’s too much information, Lola. Please, h’wag po ninyong takutin si Lara,” masuyong saway ni Jace sa abuela, mabilis na iniba ang usapan. “Nakainom ka na ng gamot mo? Nasaan nga pala si Nurse Mandy? Bak
“Uy, Lara, tawag ka ni boss,” bulong ni Erin kay Lara na mula pa nang dumating sa opisina ay tila hulog sa malalim na pag-iisip.Agad namang napakurap si Lara, mabilis na hinamig ang sarili. “H-ha? Ano ‘yon?”“Ms. Martinez, tinatanong kita kung ano nang progress sa pinagawa ko sa ‘yo noong isang araw?” mataas ang boses na sabi ni Amanda, ang marketing manager nila sa LDC at immediate boss ni Lara. “May progress na ba o tinambak mo na naman sa desk mo?”Sandaling napangiwi si Lara, hindi pa niya tapos ang pinapagawa nitong marketing plan dahil sa marami siyang iniisip. But that doesn’t mean she’s not efficient. Isang linggo ang ibinigay ni Amanda na palugit sa kanya She still has four days to finish it. “I’m half way through it, Ma’am. Pwede po akong mag-overtime mamaya para matapos ko,” pormal na sagot ng dalaga.Umirap si Amanda, noon pa ma’y mainit na ang dugo nito kay Lara dahil mabilis talaga magtrabaho ang dalaga kumpara sa ibang empleyado. Subalit, nangangahulugan din ‘yon na i