“Sir, ito na po ‘yong pinahanda ninyong document na kailangang pag-aralann ni Ms. Martinez. Ako po ba ang magbibigay sa kanya o kayo na?” ani Eli habang nakasunod sa amo na noo’y patungo na sa lift.
“Umuwi na ba siya? Did you check?” tanong ni Jace kay Eli habang papasakay sila sa lift. Pasado alas-otso na ng gabi but he just got off from work dahil may inasikaso siyang mahahalagang bagay para sa isang malaking project ng LDC abroad.
The project is worth billions of dollars. And he is confident that he would get the project dahil pinag-aralan niya iyon ng husto. Nagbigay siya at ang kanyang team of architects ng designs na hindi lang maganda subalit economical rin. And he cannot to see the shocked face of his Uncle Rey when that project is successfully awarded to LDC under his leadership.
Sigurado ang binata na titigil itong muli sa pagkakalat ng mga kasiraan sa kanya upang mapapatalsik siya sa kanyang pwesto.
Reymond Lagdameo is his father’s only cousin. Anak ito ng nag-iisang kapatid ng kanyang Lolo Gabriel na si Raymundo. At kahit na noon pa man, sadya nang kontra sa anumang pagpapasya ng binata sa tiyuhin. Wala rin itong bilib sa kanya dahil para dito mas karapat-dapat daw itong maging CEO ng LDC kaysa sa kanya. Kaya naman madalas din patunayan ng binata na mali ito sa tingin sa kanya. That he is way more capable than his uncle and all of his cousins combined.
And he can only do that when his words are backed by proofs. So far, none of the big projects he got for LDC failed. It was more than enough to keep his Uncle Rey in place. Subalit nitong huli, panay ang pag-iingay nito sa ilang miyembro ng board na dapat daw magkaroon ng stability sa kumpanya at masiguro ang kinabukasan ng LDC by marrying him off to some businessman’s daughter.
That got him pissed so much. Paano’y unti-unti nang naniniwala ang board sa kanyang tiyuhin. Something that he finds preposterous!
Pati si Doña Cristina ay sumang-ayon din kay Reymond, na mas mapapanatag itong lumisan sa mundo kung makikita nitong may asawa na si Jace. Kaya naman hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binata at agad na ibinalita sa kanyang abuela na kasal na siya. But Doña Cristina wanted to be sure first, she wanted to meet his wife.
Initially, that was the big hole in his supposed perfect plan to ward off his stupid Uncle’s plan. But last night, he overheard a desperate conversation about a woman trying to flee from her unwanted fiancée.
Hearing the urgency in her voice and seizing the opportunity, he stepped up and gave the stranger woman an offer she couldn’t resist—marriage.
And now there he is, married to a stranger of whom he just yelled at that morning. He didn’t mean that. Alam niyang natakot si Lara sa kanya, bakas iyon sa mga mata ng dalaga habang nagkukumahog itong umalis ng pantry sa kanyang opisina. It was just he’s pissed that she was there and heard all his conversation with Via. With his status, privacy is everything for him. And wife or not, his boundaries must not be crossed.
“Umuwi na raw po, Sir. Wala nang tao sa marketing department sabi ng roving guard,” ani Eli, pinindot na ground floor button sa lift.
Hindi umimik si Jace, inalala ang mga mata ni Lara. Her eyes looked eerily familiar. Like he had seen them before—many many years ago.
“Bakit, Sir. Gusto ninyo siyang makausap? Pupuntahan niyo ba ulit si Doña Cristina? Tatawagan ko na siya?” si Eli, kinuha ang cellphone mula sa bulsa nito, hinintay ang sagot ng boss.
Marahang umiling si Jace, tiningala ang floor counter ng lift. “No. I will talk to her some other time. I need to go home. I’m beat. The last few days preparing for the Aura Project in Bahamas is wearing me down. Kailangan kong magpahinga,” pag-amin ng binata, tiniingala na rin ang floor counter.
The Aura Project is one of the biggest if not the biggest development project yet of LDC to date. At kapag na-award sa kanila ang proyektong iyon, tiyak na seselyuhan niyon ang kanyang posisyon bilang CEO ng LDC, something his Uncle Rey cannot contest anymore.
Isa lang ang nais ni Jace ngayon, ang maabutan pa ng kanyang abuela ang groundbreaking ng proyektong iyon.
Tumunog ang lift and bumukas ang pinto. Naunang naglakad si Jace palabas ng lift at dumiretso sa lobby ng building. Nagulat pa siya nang makabungguan mismo si Lara. She was shaking and tears were brimming in her eyes.
“H-hinahabol ako ni Boss Chino. P-please, tulungan mo ‘ko, J-Jace,” tarantang sabi nito bago wala sa sariling ibinuro ang mukha sa kanyang dibdib at doon umiyak.
Agad na umigiting ang panga ni Jace, bumaling kay Eli. “Tell our men to get those guys, fast! Sa alternate exit kami dadaan,” anang binata bago nagmamadaling iginiya ulit si Lara sa lift.
She was still sobbing and shaking at hindi malaman ng binata kung paano ito aaluin. Kaya naman nag-aalangan man, niyakap na lamang ni Jace si Lara habang hinihintay ulit nilang bumukas ang lift sa penthouse.
Pagdating doon, bahagyang lumayo si Lara kay Jace. Unang pagkakataon na nakita ng dalaga ang penthouse, restricted area kasi ‘yon. Pati ang button sa lift na patungo roon ay may code na tanging si Jace lamang ang nakakaalam.
“Have a seat, Ms. Martinez,” ani Jace, marahang idineposito ang nanginginig pa ring dalaga sa leather couch bago kumuha ng tubig sa ref at ibinigay kay Lara. “Drink this, it will calm you down.”
Subalit marahas ng umiling si Lara, muling humikbi.
Nagbuga ng marahas na hininga si Jace, umupo sa tabi ni dalaga. “That man who’s after you… that’s the man you’re supposed to marry?” Mabilis na tumango si Lara, nagpunas ng luha.
Umigting ang panga ni Jace. In as much as he doesn’t want to get involved with Lara’s affairs, ito ang pinakasalan niya at ipinakilala sa kanyang abuela bilang asawa. Her safety is her also his concern. Lalong magiging mahirap sa kanya kung may biglaang may mangyari rito. That would surely blow their cover, bagay na hindi niya maaring pagayan.
“Give me his full name and I will make sure he won’t come near you again.”
“S-Sir… h’wag na lang po--“
“Give me the damned name of the man who’s after you!” mariing utos ng binata.
“C-Chino J-Jocson po.”
“Alright, wait here,” anito, tumalikod, iniwan si Lara sa may couch at muling nagtungo sa kusina. Nakikita niyang may kausap ito cellphone subalit hindi niya marinig ang pinag-uusapan. Pagbalik nito, madilim na ang mukha nito. “The chopper is going to pick us up. Let’s go.”
Wala sa sariling tumango si Lara at sumunod dito. Pagdating ng chopper, agad silang sumakay doon at nagtungo sa isang magarang bahay na nasa mataas na bahagi ng siyudad.
Malaki at malawak ang bahay at hindi napigilan ni Lara ang mapasinghap nang makita ang kabuuan niyon.
“S-Sir… Jace, n-nasaan po tayo?”
“This my home. You will stay here with me tonight.”
Namilog agad ang mga mata ni Lara sa sinabi ni Jace, niyakap ang sarili. “S-Sir… w-wala po sa usapan natin ito.”Sandaling nangunot ang noo ni Jace bago nagbuga ng hininga. “Hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo ngayon, Ms. Martinez. But whatever is it, scrap it! I am not spending the night with you nor you with me. Ang sabi ko lang, dumito ka habang inaayos ko ang gulo mo. Ang alam ni lola ikaw ang asawa ko. Masyadong magiging kumplikado para sa akin kung may mangyayaring masama sa ‘yo at malaman ni Lola. Do you understand my intention now?” ani Jace, may bahagyang pagsingkit ang mga mata.Kumurap naman si Lara, wala sa sariling tumango. “Ah… okay po Sir, naiintindihan ko na. Akala ko kasi...” Hindi na itinuloy ng dalaga ang sasabihin, alanganing ngumiti, lihim na hiniling na sana lamunin na lang siya muna ng sahig sa sobrang kahihiyan.“You sure? Loud and clear?” ani Jace, diskumpiyado“Y-yes, Sir.”“Good. Now go make yourself comfortable in the couch,” utos ni Jace sa dalaga na a
Kanina pa pabiling-biling sa kanyang higaan si Lara. Malalim na ang gabi subalit tila ayaw siyang dalawin ng antok dahil namamahay siya.Sino ba namang hindi? Napakalaki ng silid na ibinigay sa kanya ni Jace. Pakiramdam ng dalaga ay ang buong silid lang na iyon ay kasinglaki na ng bungalow na kanyang kinalakihan. Kahit nang mag-shower siya kanina’y wala ring papantay sa gara ng banyo. Everywhere she looks inside that house, screamed elegance. Bagay na wala siya habang lumalaki. Kaya naman talagang naninibago si Lara. Idagdag pa na marami rin siyang iniisip. Isa na riyan ang balak niyang pag-uwi sa kanila kinabukasan upang muling kausapin ang kanyang T’yo Berto.Napatihaya sa malawak na higaan ang dalaga. Naghahalo ang kaba at galit sa kanyang dibdib. Alam niya, mahihirapan siyang kumbinsihin ang kanyang tiyuhin na pabayaan na lang siya sa kanyang gusto. But she needs to try. Kahit umiyak siya ng dugo, gagawin niya. Magkaintindihan lamang sila ng tiyuhin.Lumaban ka rin kasi.‘Yan an
“Girl, may problema ka na naman ba? Ang laki ng eyebags mo a,” puna ni Erin kay Lara kinabukasan. Nagkasabay ang magkaibigan sa lift.“Nag-OT ako kagabi,” tipid na sagot ni Lara, humikab. Inaantok siyang talaga. Paano, late siyang natulog subalit ni hindi pa sumisikat ang araw kanina’y gising na ulit siya.Tinotoo ni Lara ang pag-alis nang maaga sa bahay ni Jace. Hindi pa rin kasi alam ng dalaga kung paano pakikibagayan ang galit ni Jace sa kanya. Galit na wala namang dahilan dahil wala siyang ginawa na dapat ikagalit nito.Isa pa, bakit naman siya magmamanman para kay Sir Reymond? Ni hindi niya ito kilala dahil madalas itong nasa labas ng bansa at umuuwi lamang kung may board meeting at events ang LDC. At sa dalawang taon niya sa kumpanya, halos tatatlong beses pa lang nakita ni Lara ang tiyuhin ng boss. Kaya wala talaga sa hulog ang paratang ni Jace.Nitong huli, madalas niyang naririnig sa canteen ang madalas na pag-iiringan nina Jace at ng tiyuhin nito. At base sa paratang sa kany
“Erin, aalis na ‘ko. Baka gabihin ako sa daan e. Mas mabuti nang maaga akong makarating sa amin para maaga rin akong makauwi,” paalam ni Lara sa kaibigan.Pinilit tapusin ni Lara ang mga pinagawa ni Amanda kanina kahit na masama ang kanyang loob dahil sa insultong inabot niya kay Jace. Well, inangkin naman ni Amanda na gawa niya iyon at ito ang napagalitan. But still, that’s her work and hers alone!Nagdadamdam man sa sinabi ni Jace tungkol sa gawa niya na pilit na inangkin ni Amanda, sinubukan pa rin ni Lara na gawin ang kanyang trabaho. Sa katunayan, nakapag-submit na siya ng draft na kailangang pag-aralan at i-approve ni Amanda. Wala pa naman feedback ang boss kaya pinasya ng dalaga na umuwi na upang magawa niya ang sadya niya sa kanila.“Uy, sure ka ba? Parang kinukutuban ako sa tiyuhin mong lasenggo e. Gusto mo, samahan na lang kita?”Umiling si Lara. “H’wag na. Maaabala ka pa. At saka si T’yo Berto ‘yon. Ano namang gagawin niya sa ‘kin?” anang dalaga, ngumiti bago tuluyan nang l
Napa*ungol si Lara nang muli siyang magkamalay. Masakit na masakit ang kanyang ulo sa kadahilanang hindi niya alam. Gayunpaman, pinilit ng dalaga ang magmulat ng mga mata.Dilim ang unang sumalubong sa kanya at isang nag-aagiw na kisame. Sa ‘di kalayuan ay may naririnig siyang nagsasalita subalit hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.Sa nanlalabong isip ay pilit na inalala ng dalaga ang nangyari sa kanya. Naalala niyang sumakay siya ng bus pauwi. Naalala rin niya ang usapan nila ng kanyang T’yo Berto. Tapos… bigla na lang nakaramdam ng pagpukpok ng kung anuman sa kanyang ulo na nagpangyari upang mawalan siya ng malay-tao.Mariing pumikit ang dalaga nang muling sumigid ang sakit sa kanyang ulo. Kasabay niyon ang paggitaw sa isip niya ng isang malalim at maputik na bangin na hindi niya alam kung saan.Muling umu*ngol si Lara, pinilit buksan ang mga mata at sinubukang hawakan ang kanyang ulo. Subalit hindi niya magawa. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang mga kamay subalit bigo siy
Rage and nostalgia. That’s what Jace felt the moment he saw Lara on the old dusty floor bleeding and almost lifeless. Pinaalala niyon ang isang pangyayari sa kanyang nakaraan na pillit niyang nililimot subalit hindi niya magawa—ang kamatayan ng kanyang amang si James.Sandaling naparalisa si Jace, nilunod ng masasamang alaala.“Pagbabayaran mo ito kung sino ka mang tarantado ka! Pagbabayaran mo!” ani Chino, habang namimilipit sa sahig, hawak ang maselang bahagi ng katawan nito.Noon pa lamang nahimasmasan si Jace, muling bumalik ang galit sa dibdib. Gigil nitong hinawakan sa kwelyo si Chino. “I will wait for you then. Siguruhin mong mahahanap mo ko, Chino Jocson. Dahil kung hindi, ikaw ang hahabulin ko kahit saang sulok ka man ng mundo magtatago!” banta ni Jace bago marahas na binitiwan ang lalaki. Muli itong nagmura nang mauntog sa sahig.Subalit hindi na ‘yon pinansin ni Jace, agad na dinaluhan ng binata si Lara.“Lara, can you hear me?” anang binata, marahang hinaplos ang pisngi n
“S-Sir… P-paanong…” halos hindi maituloy-tuloy ni Lara ang nais sabihin dahil naguguluhan siya. Kanina lang ay nasa pa-zigzag na daan siya at kasama ang ina. Paanong ngayon ay naroon na si Jace, nakatunghay sa kanya?“It’s okay, Lara. It was just a nightmare,” anang binata, marahang inalis ang kamay sa balikat ni Lara.Kumurap-kurap si Lara, pinagsunod-sunod ang hugot at buga ng hininga bago mabilis na ipinalibot ang mga mata sa kanyang kinaroroonan. Base sa kagamitang nakikita niya sa palibot, nasa ospital siya.Subalit bakit?Maya-maya pa, biglang namilog ang mata ng dalaga nang maalala ang huling eksenang kanyang nasaksihan bago siya mawalan ng malay.Nasa bakanteng silid siya sa kanila, nakatali habang kausap si Boss Chino. Nanlaban siya, sinampal siya ng lalaki hanggang sa matumba siya sa sahig habang iniinda ang matinding sakit sa kanyang ulo. At habang pilit na inaagaw ng dilim ang kanyang katinuan, naalala niyang dumating si Jace.Tama, dumating si Jace at iniligtas siya! Kung
“A-ano po, Sir?” mataas ang boses ni Lara nang magtanong. Kahit na kumikirot ang sugat niya sa ulo, hindi mapigilan ng dalaga ang mag-panic.Nahihibang na ba ito? Bakit doon siya sa bahay nito tutuloy? Hindi siya pwedemg tumira sa bahay ni Jace. Baka araw-araw lang siyang atakihin doon ng nerbyos. Makausap nga lang niya ito, halos magkandautal na siya. Paano na lang kung makakasama niya ito sa iisang bubong?“Sir, baka naman po pwede pang magbago ang desisyon mo? Nakakulong na si Boss Chino. Hindi na niya ‘ko magagawan pa ng masama. Kung si T’yo Berting naman ang inaala mo, k-kaya ko na siyang labanan ngayon. B-bibili ako ng self-defense kits. Kayang kong ipagtanggol ang aking sarili laban sa kanya at—““Enough!” mariing putol ni Jace kay Lara. “My decision is final. Mula ngayon, doon ka sa bahay ko tutuloy. But I’m warning you, I will watch your every move, Ms. Martinez. Cross me and I will snap your neck myself,” banta ni Jace sa malamig na tinig. “You’ve brought this upon yourself.
“Cami, careful, sweetheart,” paalala ni Jace sa panganay na noon ay naglalaro sa may pool ng private beach resort na pag-aari ng LDC. Doon ginanap ang binyag ng kanilang bunso na Lara si Gray.“I’m just going back to the water, Daddy. My pink floaties will save me,” sagot ni Cami, bago muling tumalon sa kiddie pool kung saan naroon din si Emie at ang iba pang anak at apo ng mga guests.For the past year, lalong naging malapit ang dalawang bata. And Jace is happy with the progress. Ngumiti si Jace, sandaling pinanood ang paglangoy ng anak gamit ang floaters nito patungo sa iba pang kasama nito sa pool. His little girl is starting to be independent even at just four years old. Mukhang dapat pa niyang hiritan si Lara ng isa pang prinsesa. He’s not done spoiling little princesses just yet.With that in thought, bumalik sa isa sa mga cabana si Jace at pinuntahan sina Lara at Gray. Naabutan niyang tulog si Gray sa kamay ni Lara na noon nakaupo sa rocking chair.Sandaling pinagmasdan ni Ja
“Wake up, sleepy head,” ani Jace kay Lara, masuyong hinagkan ang pisngi ng natutulog na asawa.Lara’s eyes fluttered open and the first thing she saw was Jace’s smiling face. “Goodmorning,” sagot ni Lara, bahagyang ngumuso. Jace chuckled and planted a soft kiss on Lara’s lips. Lara smiled, satisfied. “Anong oras na? I’m still sleepy.”Tumayo na si Jace mula sa kama, muling pinulot ang isang tuwalya at itinuloy ang pagpapatuyo ng buhok. “It’s almost eight, love. Our appointment at the hospital is nine.”“And you already took a bath!” ani Lara, naninikwas ulit ang nguso. “How early did you wake up?”“Before six,” sagot ni Jace, kinindatan ang asawa, bago pigil na ngumiti.Lara chuckled, her heart overdriving. “You’re too excited.”“Can you blame me? I missed everything with Cami. Kaya gusto ko ngayon, sa bawat check-up ninyong dalawa ni baby, kasama ako,” ani Jace.Bumangon na sa kama si Lara. “You’re a great father, Jace even if you missed every single important thing when I was pregna
“Paanong natabig?” nag-aalalang tanong ni Lara sa wedding planner niyang si Elaine.Iyon ang araw ng kasal nila ni Jace sa farm ng mga Lagdameo subalit… there she was, just hours away from her wedding, upang malaman lamang na natabig ng tauhan ni Elaine ang kanila ng wedding cake at bumagsak iyon sa loob ng reception venue.Even just thinking about it now was making her freak out!“Mag-sorry ka! Mag-sorry ka, Girly!” ani Elaine sa kasama nitong tauhan na nakatungo at panay ang singhot.“M-Ma’am p-pasensiya na po kayo. Pinapamadali ko po kasi sa mga kasama ko ‘yong cake table. Hindi ko naman alam na hindi maganda ang pagkaka-ayos ng mga kasama ko sa cake table. Kaya no’ng natabig ko nang kaunti 'yong table, gumalaw tapos hindi nakaya ‘yong bigat ng cake t-tapos… tapos… S-sorry po talaga, Ma’am Lara,” anang tauhan ni Elaine, panay na rin ang punas ng luha nito.Napabuga ng hininga si Lara, tinantiya ang emosyon. Gusto niyang magalit subalit hindi niya magawa. Alam niyang hindi 'yon sina
“What are you doing here, Lara?” pukaw ni Jace sa asawa nang maabutan ito ng binata sa may veranda ng silid nila sa farm house. Nilapitan ng binata ang asawa at magaang niyakap mula sa likuran nito, musuyong hinaplos ang impis pa nitong tyan. “Hindi ka pa rin ba makatulog dito? Natatakot ka pa rin ba sa mga nangyari?” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang leeg ng asawa.Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente na gawa ni Michaela. At iyon ang unang gabi na sa farm house ng mga Lagdemeo sila tumuloy na mag-anak imbes na sa rest house ng mga De Guzman.Lara fully rested her back on Jace’s chest, heaving a sigh after. “Medyo. Pero alam ko naman na marami nang nagbabantay sa atin dito. Alam kong wala nang maggugulo pa sa atin,” sagot ni Lara, tumingala sa langit. Napangiti ang dalaga nang makitang puno ng bituin ang langit, nagsasalitaan ang mga iyon sa pagkislap. “I kinda miss you, Jace. You’re always out for the past few days,” ani Lara.It’s true Jace has been g
“What is she doing there? Is she…” Hindi maituloy-tuloy ni Jace ang nais sabihin. He’s more than puzzled as to why Michaela was inside the interrogation room."She lost her job at the bank. Ang sabi, na-scam daw siya at nakadispalko siya nang milyon-milyon sa bangko. Ang sabi niya sa manager niya, paulit-ulit daw niyang sinasabi na mababayaran niya rin naman 'yon lahat kapag pinakasalan mo na siya." Nagsalubong na ang mga kilay ni Jace. "But I never promised her anything! Nang magtapat siya nang nararamdaman niya sa akin, tinapat ko siya na hindi ko kailanman masusuklian ang damdamin niya. I have never given her any false hopes!” Tumango-tango si Carlo. "I believe you. Kaya lang, she's been mentally unstable for weeks now. Ang sabi ng mga magulang niya, matagal na raw na hindi umuuwi sa kanila si Michaela. Kung saan ito tumutuloy, hindi nila alam. Nakausap ko ang mga tauhan ng mga De Guzman sa may aplaya. Ang sabi nila, ilang araw na raw nilang nakikita si Michaela na nagpapalakad-
Ang mahihinang pag-uusap sa kanyang paligid ang tuluyang nagpagising kay Lara. Pagbukas niya ng kanyang mga mata, ang mukha ni Jace ang una niyang nakita.“L-Lara, how are you feeling? Anong masakit sa ‘yo?” magkasunod na tanong ng binata, bakas ang labis na pag-aalala sa tinig.“Y-you’re here? P-paanong—“ Naguguluhang ipinaikot ng dalaga ang kanyang mata sa loob ng silid na kanyang kinaroronan. Everything is white. She’s more more than sure she is in a hospital.“I came as soon as I received the news. Nawalan ka raw ng malay sa bahay after… after you saw your mutilated portrait.”Napasinghap si Lara nang maalala ang mga pangyayari bago siya mawalan ng malay. “S-si Cami? N-nasaan si Cami?” tanong ng dalaga sa paos na tinig.Masuyong hinaplos ni Jace ang pisngi ng asawa. “She is with Manang Lagring. Nasa labas na rin ng ER si Coco, naghihintay ng anumang balita tungkol sa ‘yo. Kasama nila ang ibang security detail natin. You don’t need to worry about anything, love. Pinapaimbestigahan
Maingat na inilapag nina Coco at Lara ang bungkos ng mga bulaklak sa puntod na nasa kanilang harapan. Nasa public cemetery na sila sa San Marcelino. “Nay, tapos na po ang lahat. Nalaman na po ni Ate Lara ang lahat. Nagbabayad na rin po ang lahat ng may kasalanan sa nangyari sa kanya. Nagawa na po namin ni Ate ang nais mo. Pwede ka nang matahimik, Nay,” ani Coco sa pinatatag na tinig.“Salamat, Tiyang,” umpisa ni Lara. “Mula noon hanggang ngayon, ang kapakanan ko ang iniisip ko. H’wag ka nang mag-alala kay Coco, ako nang bahala sa kanya, Tiyang. Sisiguruhin kong matutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya,” dugtong pa ni Lara bago bumaling sa puntod ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. “Yaya Melissa, salamat dahil hanggang sa kahuli-hulihan, pinili mong iligtas ako. Salamat sa sakripisyo mo, nagawa ko pa ring makabalik sa tunay na pamilya ko.”Pinagmasdan ng dalaga ang pangalan ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. Pinapalitan na niya iyon noong huling beses silang nagpunta roon
Tahimik na pinagmamasdan ni Jace ang paglagak sa labi ni Keith sa mausoleum ng mga Montano. Iyon ang araw ng libing ni Keith. Despite the truths that he has discovered, hindi pa rin nagbago ang isip ni Jace at patuloy na inasikaso ang pagpapalibing sa dating kaibigan at kababata.Matapos ang isang linggong burol sa St. Anthony’s Hospital, inihatid na rin sa huling hantungan si Keith. Maraming kaakilala ang dumalo sal amay at libing ng doktor. Ang iba, mga dating pasyente na ginamot ng namayapang binata. Patunay na minsan, sa maikling buhay nito ay naging mabuti ito at nakagawa ng tama.Nakadalaw si Divina sa burol ng anak nito. Subalit, saglit lang. Hindi na rin kasi ito halos makausap nang mga panahong iyon. Lagi itong tulala at paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang, ‘Wala akong kasalanan.’Kung sino ang sinasabihan nito ng mga salitang ‘yon, kung ibang tao ba o ang mismong sarili nito, hindi na mahalaga para kay Jace. Ang tanging importante sa binata ay nakakulong na si Divina a
Tila nabingi si Jace sa ipinagtapat ng tiyuhin. “Paanong…”“Hayop ka talaga, Reymond! Hayop ka!” singhal ni Divina kay Reymond, pilit na kumakawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ng dalawang police escort na kasama nito.“Mas hayop ka, Divina! Hindi ba’t habang naiinggit ako sa pinsan ko dahil sa kayamanan at tagumpay na kanyang tinatamasa’y ikaw ang nagsabi sa akin na kayang-kaya mo siyang paglahuin sa mundong ibabaw? Alam kong ayaw mo sa kanya dahil ayaw niyang pahiramin ng malaking pera si Carlos para sa research lab na gusto mong ipatayo.”“Sinungaling! Sinungaling ka! Do not believe him, officer! Naghahanap lang siya ng masisisi sa mga kasalanan niya!” ani Divina, panay pa rin ang piglas. “Gusto mo bang sabihin ko sa kanila kung paano mo nilagyan ng lason ang alak ni James nang manggaling siya sa inyo bago siya umuwi sa kanila nang araw na madisgrasya siya? O gusto mong sabihin ko na kaya sa daan inabutan ng atake sa puso at aksidente si James ay dahil imbes na ang paghahanap