Sa mundo ng mga trillionaire, hindi sapat ang pera upang makuha ang lahat—ngunit para kay Fortuna Han, isang pastry chef na lumaki sa simpleng buhay, kaya niyang gawin ang lahat, kahit pa ito’y maging kasalanan, basta’t mapasakanya ang lalaking matagal na niyang minamahal. Si John Tan, isang brilliant, CEO ng isang IT company, cold-hearted computer engineer at tagapagmana ng pinakamalaking business empire sa bansa, ay may isang pangakong kailangang tuparin—ang mapangasawa si Senyora Abedida, ang tanging babaeng tinatangi niya simula high school. Ang mundo nila ay naaayon sa isa’t isa, at walang puwang para sa isang babaeng tulad ni Fortuna. Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Fortuna. Sa isang mapanganib na laro ng pag-aakit, pagsisinungaling, at panlilinlang, ginawa niya ang lahat upang maagaw si John mula kay Senyora. At nang tuluyan niyang nakamit ang lalaking matagal na niyang inibig, isang hindi inaasahang rebelasyon ang bumulaga sa kanya—matagal na palang nakatakda ang kasal nila ni John dahil sa isang arranged marriage na pinlano ng kanilang mga pamilya noon pa man. Dahil sa galit at panlilinlang, si John ay napilitang pakasalan si Fortuna sa ilalim ng isang kontrata—dalawang taon lamang silang magiging mag-asawa, at pagkatapos noon, tuluyan na siyang mawawala sa buhay nito. Para kay John, ito ay isang laro ng kapangyarihan. Para kay Fortuna, ito ang katuparan ng kanyang pangarap. Ngunit paano kung sa gitna ng kasunduang ito, may isang gabi ng kapusukan ang tuluyang magtatali sa kanila magpakailanman? Paano kung ang babaeng itinuring niyang mang-aagaw ay siyang magbibigay sa kanya ng bagay na hindi niya kailanman inakala—isang anak? At paano kung sa paglipas ng panahon, ang malamig na poot at galit ni John ay unti-unting mapalitan ng isang damdaming pilit niyang nilalabanan? Si Senyora Abedida, na hindi kailanman papayag na maagaw si John nang ganoon lang.
Lihat lebih banyakTahimik ang gabi sa penthouse ni Senyora. Wala ni isang tunog kundi ang mahinang himig ng jazz music na marahang umaagos mula sa kanyang sound system. Mula sa kanyang kinatatayuan, tanaw ni John ang city lights na kumikislap sa labas ng floor-to-ceiling window.May hawak siyang baso ng alak, ngunit hindi iyon ang nakakalasing—kundi ang presensya ng babaeng nasa kanyang likuran."Kanina pa kita hinihintay, John," malambing na sabi ni Senyora habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Ang boses nito ay parang alon—banayad ngunit may dalang lalim.Nagkatinginan sila nang humarap si John. Napansin niya agad ang suot ni Senyora—isang pulang silk robe, bahagyang nakabukas sa bandang dibdib. Hindi ito bastos tignan. Sa halip, may klaseng nakakabighani."Late meeting sa opisina," sagot ni John, inilayo ang tingin.Ngumiti si Senyora at kinuha ang baso sa kamay niya, uminom doon mismo. "Bakit parang may bumabagabag sa’yo?"Hindi siya agad sumagot. Itinuon niya ang paningin sa city lights, tila ma
Isang gabi ng kasalanan.Isang gabi ng hindi matinag na tukso.Pagkapasok pa lang ni John sa loob ng pribadong penthouse ni Senyora, ramdam na niya ang init ng kapaligiran. Hindi dahil sa temperatura ng kwarto kundi dahil sa tingin ng babaeng kaharap niya—mapanukso, puno ng pagnanasa.Nakasuot lang ito ng pulang silk robe, bahagyang nakabukas, nagbibigay ng sulyap sa kutis nitong walang bahid. Ang mapulang labi ni Senyora ay nakakurba sa isang ngiti, habang ang mahahabang daliri nito ay naglalaro sa baso ng alak na hawak niya."Akalain mong bumalik ka, John," pabulong nitong sabi habang lumalapit sa kanya. "Akala ko'y sa wakas ay may puwang na siya sa puso mo."Napabuntong-hininga si John."Huwag na nating pag-usapan si Fortuna."Napangisi si Senyora. "Tama. Wala naman talaga siyang halaga sa atin, hindi ba?"Lumapit ito nang husto, at bago pa siya makapagsalita, naramdaman na niya ang mainit nitong palad sa kanyang dibdib."Dumaan lang ako para makipag-usap.""Makipag-usap?" Hinawaka
"John…" tinig ni Fortuna, malumanay, kalmado. "Sa loob ng maraming taon, minahal kita. Walang hinihintay na kapalit, walang inaasahan. Sapat na sa akin na nandito ako, na nandiyan ka."Napakuyom si John ng kamao."Pero pagod na ako. Kaya kung wala kang sasabihin… aalis na ako.""Aalis?""Hindi literal," sagot ni Fortuna, may bahid ng lungkot sa tinig niya. "Pero aalis ako sa pagiging babaeng martir. Hindi na ako maghihintay sa wala."Sa unang pagkakataon, naghanap ng sagot si John sa loob ng sarili niya.Pero wala siyang maibigay.Kaya pinili na lang niyang hindi magsalita.At pinili niyang panoorin ang babaeng unti-unting lumalayo mula sa kanya.Sa loob ng isang marangyang restaurant, umupo si John sa harapan ni Senyora.Tulad ng dati, elegante ito, matapang ang mga mata. Pero sa ilalim ng pulang lipstick at perpektong suot, may kung anong init sa tingin nito."Akala ko ba, pupuntahan na kita kagabi?" tanong ni Senyora, nilalaro ang baso ng alak sa kanyang kamay. "Bakit hindi mo itin
Mataas na ang araw nang dumating si Fortuna sa bahay. Halos hindi na niya namalayan ang oras sa dami ng ginawa niya sa trabaho.Pagod man, masaya siya.Sa unang pagkakataon, may dahilan na siyang ngumiti—hindi dahil kay John, kundi dahil sa sarili niyang mga pangarap.Pero sa pagbukas niya ng pinto, naroon si John… naghihintay.Tahimik itong nakaupo sa sofa, nakayuko, at tila matagal nang naroroon.Napahinto siya.Ang presensya nito ay parang isang alaala ng sakit na pilit niyang tinatakasan.Ngunit hindi siya ang tipong umiiwas.Kaya't nagpatuloy siya sa paglalakad papasok, hindi ito pinansin."Saan ka galing?" tanong ni John, malamig ang tinig.Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa kanilang silid upang magpalit ng damit.Pero hindi nagpaawat si John. Sinundan siya nito."Saan ka galing, Fortuna?" ulit nito, ngunit sa pagkakataong ito, mas may diin ang boses.Napabuntong-hininga siya. Hindi niya kailangang ipaliwanag ang sarili niya rito."Trabah
"Ano? Aalis ka?" Malamig ang boses nito, puno ng pag-aalinlangan. "Bakit?"Umupo si John sa gilid ng kama, hindi alam kung paano ipapaliwanag."Kailangan ko nang umuwi.""Diyos ko, John. May bahay ka na rito." Napahagikhik si Senyora, pero sa ilalim ng matinis na tawa nito, may bahid ng galit at pangamba. "Aminin mo, gusto mo na akong iwan, hindi ba?""Hindi naman sa gano'n—""Then bakit, ha? Bakit mo ako iniiwan? Sabihin mo sa akin nang harapan!"Huminga nang malalim si John, pinipigilan ang sarili. Hindi niya gustong magkaroon ng gulo, pero alam niyang hindi madaling kumbinsihin si Senyora."Alam mo namang hindi tayo puwedeng ganito habang buhay.""Bakit hindi?" Isang matalim na titig ang ibinigay nito. "Ano ba ang pinanghahawakan mo, John? Ang kasal mo kay Fortuna? Wala kang pagmamahal sa kanya, ‘di ba?"Napapikit siya. Hindi niya gustong sagutin ang tanong na iyon.Tama si Senyora. Wala naman siyang pagmamahal kay Fortuna, hindi ba?Pero bakit siya nag-aalangan?"Kailan ako makaka
Napabuntong-hininga ang manager, tila nag-iisip. “You know, our hotel is one of the best in the country. We need skilled chefs.”Naramdaman niya ang bahagyang panghuhusga nito. Ngunit hindi siya natinag."I may not have the same experience as others, but I can guarantee that I am hardworking and willing to learn. If given the chance, I will prove my worth.”May bahagyang gulat sa mukha ng manager sa kanyang determinasyon."Hmm… We’ll give you a chance. Report tomorrow. We'll test your skills."Nagliwanag ang mukha ni Fortuna. Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, may dahilan ulit siya upang maging masaya."Ito na ang simula. Ito na ang bagong kabanata ng buhay ko."Lumabas siya ng opisina ng manager na may bahagyang ngiti sa labi. Hindi niya maipaliwanag, pero parang nawala ang bigat sa kanyang dibdib.Habang siya ay abala sa paghahanap ng direksyon sa buhay, hindi niya alam na si John ay nasa ibang mundo—sa piling ng babaeng matagal nang sumisira sa kanilang pagsasama.
Sa kabilang banda...Habang nakatayo si John sa loob ng isang mamahaling bar, hawak ang baso ng alak, walang ibang laman ang kanyang isip kundi ang sinabi ni Lola Irene kanina."Kung mahal niya ang sarili niya, edi sana matagal na siyang umalis."Biglang bumigat ang dibdib niya.Naiinis siya sa sarili dahil bakit parang hindi niya nagustuhan ang ideya na baka isang araw… talagang umalis na si Fortuna?“John?” Naputol ang pag-iisip niya nang biglang lumapit si Senyora sa kanya, nakangiti at puno ng pang-aakit. “Para kang natulala diyan.”Uminom siya ng alak bago marahang ngumiti. “Wala ‘to.”Senyo ang ulo ni Senyora. “Ikaw talaga, hindi marunong magsabi ng totoo.”Umupo ito sa tabi niya at inilapit ang mukha nito sa kanya. “Naisip mo na ba ang sinabi ko?”Napatingin siya rito. “Alin?”“Na layuan na si Fortuna. Na ako na lang ang piliin mo.”Nanigas ang kanyang katawan.Piliin si Senyora? Iniisip na niyang gawin iyon noon pa, ‘di ba? Pero bakit ngayong may pagkakataon na siyang gawin iy
"Bumalik ka pala."Malalim ang boses nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa na tila napansin nito ang pagkawala niya, o mas masaktan dahil walang kahit anong emosyon sa tinig nito."Oo." Mahinang tugon niya.Pumasok ito at dumiretso sa aparador. Nakatalikod ito sa kanya habang hinuhubad ang coat."Hindi ko akalaing babalik ka pa."Napayuko siya. "Wala akong balak umalis."Natawa si John—isang malamig, mapait na tawa. "Talaga? Hanggang kailan ka ba talaga kakapit, Fortuna?"Huminga siya nang malalim. "Hangga’t kaya ko pa."Napalingon ito sa kanya. "At kung dumating ang araw na hindi mo na kaya?"Pinilit niyang ngumiti. "Edi bibitaw na ako."Saglit itong hindi nakapagsalita. Para bang may kung anong kumurot sa puso nito sa sinabi niya.Naiwan si Fortuna sa loob ng silid, nakatulala sa malamig na tinig ni John na para bang isang patalim na muling humiwa sa puso niya. Alam niyang wala siyang inaasahang kahit anong lambing mula rito, ngunit sa kabila ng paulit-ulit na sakit, nan
Mabilis ang bawat hakbang ni Fortuna palabas ng bahay. Gusto na niyang matapos ito. Gusto na niyang matapos ang paulit-ulit na sakit ng pagmamakaawa at pag-aasa sa isang lalaking hindi kailanman tumingin sa kanya ng may pagmamahal.Humigpit ang hawak niya sa strap ng kanyang bag. Tama na.Sa pagkakataong ito, sarili na niya ang pipiliin niya.Ngunit bago pa siya tuluyang makatawid sa tarangkahan—“Fortuna, sandali!”Nilingon niya ang tumawag. Si Irene Tan.Ang matikas at matapang na lola ni John, na sa kabila ng kanyang malamig na personalidad, ay tila nagpakita ng emosyon sa pagkakataong ito.Hingal si Irene nang abutan siya sa tapat ng gate. Agad nitong hinawakan ang braso niya, mahigpit, parang ayaw siyang pakawalan.“Huwag kang umalis,” sabi nito, ngunit hindi ito nagmamakaawa—bagkus, ito’y isang utos.Nagulat si Fortuna.“Lola Irene…”“Huwag kang susuko. Hindi ka pwedeng sumuko.”Napatigil siya. Bakit? Bakit parang ipinipilit nitong manatili siya, gayong hindi naman siya mahal ng
Ang marangyang ballroom ng Grand Astoria Hotel ay puno ng musika, ilaw, at tawanan. Isang engrandeng selebrasyon ang nagaganap—ang graduation ball ng Computer Engineering batch ng St. Vincent University. Sa gitna ng kasiyahan ay isang lalaking hindi maaring hindi mapansin—John Tan, ang pinakamayamang graduate ng kanilang unibersidad, ang tagapagmana ng isang trillion-dollar real estate empire, at ang lalaking pinapangarap ng halos lahat ng kababaihan sa kanilang campus.Si John ay pinakagwapo sa grupo,matangkad at laging mabango.Ngunit sa gabing iyon, hindi siya ang kumokontrol sa sitwasyon.Si John, na palaging may maingat na plano sa bawat kilos, ay hindi nakaligtas sa isang laro ng kapangyarihan. Ang kanyang mga kaklase, na palihim na naiinggit sa kanya, ay may binabalak—isang gabi ng walang kontrol na pagsasaya, isang pagsubok sa kanilang pinakamalakas na alpha.“Dude, relax. It’s your night!” sigaw ng isa niyang kaklase, itinulak siya sa direksyon ng bar."Come on, Tan! Ikaw lang...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen