Puno ng sakit at panghihina ang katawan ni Fortuna habang tahimik siyang naglakad papasok sa kanilang bahay. Mugtong-mugto ang kanyang mga mata, bakas sa kanyang mukha ang matinding kirot ng isang pusong durog.
Ang gabing iyon… ang gabing matagal niyang pinangarap, ay hindi natapos sa isang fairytale. Hindi siya niyakap ni John, hindi siya hinalikan nang may pagmamahal. Bagkus, itinulak siya nito palayo—parang isang babaeng hindi karapat-dapat mahalin.
"Fortuna!"
Naputol ang kanyang malalim na iniisip nang marinig niya ang boses ng kanyang ina. Agad siyang napatingin sa direksyon nito at nagulat nang makitang may mga bisitang naghihintay sa kanilang sala—isang matandang babae at isang mag-asawang mukhang makapangyarihan at mayaman.
Nag-aalalang lumapit ang kanyang ina, si Jinky Han, at sinuri ang kanyang mukha. “Anak, bakit ngayon ka lang nakauwi? Bakit namumugto ang mata mo?”
Mabilis niyang tinakpan ang sakit sa kanyang puso sa pamamagitan ng isang matipid na ngiti. Hindi niya maaaring sabihin ang totoo. Hindi niya maaaring ipaalam na muli na naman siyang itinakwil ni John.
"Masakit lang po ang ngipin ko, Mama," pagsisinungaling niya. "Kaya natagalan ako sa pag-uwi. Nagpa-check-up na rin ako kanina."
Nag-alala ang kanyang ina, ngunit hindi na nagtanong pa. Sa halip, lumapit ito sa bisita nilang matandang babae at magalang na ngumiti. “Fortuna, gusto kong ipakilala sa’yo si Madam Irene Tan.”
Napatingin siya sa matandang babae—malamlam na ang mga mata nito ngunit may halong awtoridad at respeto. Isang babae na halatang may malalim na koneksyon sa kanilang pamilya.
“Ikinalulugod kitang makilala, iha,” malamig ngunit pormal ang tono ng matanda. “Matagal na kitang gustong makita.”
Bahagyang yumuko si Fortuna bilang pagbibigay-galang. “Ikinagagalak ko rin po kayong makilala, Madam Tan.”
Muling nagsalita ang kanyang ina. “At ito naman ang mag-asawang sina Leona at Luigi Tan.”
Ngumiti ang mag-asawa sa kanya. Halata sa kanilang postura at pananamit ang yaman at kapangyarihan, na lalo lamang nagpatibay sa kanyang pakiramdam na may mahalagang dahilan kung bakit sila naroon.
“Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong niya, kahit pa hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba.
Madam Irene, na kanina pa siya tinititigan, ay ngumiti nang bahagya bago binitiwan ang isang napakalaking rebelasyon—isang bagay na agad nagpabago sa ikot ng kanyang mundo.
“Fortuna, may matagal nang kasunduan sa pagitan ng iyong lola Rose at ng aming pamilya.”
Nagtagpo ang kanyang mga mata at ang kay Madam Irene. Nakaramdam siya ng matinding kaba sa susunod na sasabihin nito.
“Ikaw at ang apo kong si John Tan ay matagal nang nakatakdang ikasal.”
Parang naubusan ng hangin si Fortuna. Si John? Ang lalaking itinulak siya palayo? Ang lalaking nagsabi na hindi niya kailanman mamahalin?"Hindi… hindi po ako makapaniwala," mahina niyang bulong.
Ngumiti si Madam Irene, ngunit sa kanyang mga mata ay may di-matitinag na determinasyon. "Ito ay pangako ng iyong lola. Matagal nang napagkasunduan na ang susunod na henerasyon ng Han at Tan ay magkakasama upang pag-isahin ang ating yaman, negosyo, at kapangyarihan."
Napalunok si Fortuna. Hindi niya alam kung paano ipoproseso ang lahat ng ito. Ang lalaking nagbigay sa kanya ng pinakamalupit na sakit ang siyang ipinagkasundong ipakasal sa kanya?
“Alam kong hindi ito inaasahan, pero wala tayong magagawa,” dagdag ni Leona Tan, ang asawa ni Luigi Tan. “It’s either sumunod tayo sa kasunduan… o mawala ang lahat ng yaman ng ating pamilya.”
Nagpintig ang tainga niya sa narinig. "Paano pong mawala ang lahat?"
Nanlalamig ang buong katawan ni Fortuna.Ang mga kamay niyang nakapatong sa kanyang kandungan ay nagsimulang manginig. Pakiramdam niya ay bumagal ang oras, habang pilit niyang inuunawa ang narinig.
Si John Tan?
Ang lalaking matagal niyang minahal.
Ang lalaking ilang beses siyang itinulak palayo. Ang lalaking tinalikuran siya matapos ang gabing ipinagkaloob niya ang sarili rito.Siya ang itinakda para sa kanya?
"T-Teka lang po..." halos pabulong niyang sabi, nanginginig ang tinig. "S-Sinong John Tan ang tinutukoy ninyo?"
Nagpalitan ng tingin ang mga bisita. Kita niya sa mukha ng kanyang ina ang bahagyang pagtataka sa kanyang tanong. Samantalang si Madam Irene ay nanatiling seryoso, walang bahid ng alinlangan ang kanyang sagot.
"Si John Tan, iha. Batchmate mo siya sa paaralan. Kumukuha ng kursong Computer Engineering," anito nang may katiyakan. "Iisa lang ang eskwelahan na pinasukan ninyo."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Ang John na tinutukoy nila ay walang iba kundi si John Ethan Tan.
Ang kanyang unang pag-ibig… at ang lalaking pinakamalupit na nagwasak ng kanyang puso.
Napasinghap siya at mabilis na napahawak sa kanyang dibdib, pilit pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang mga palad at ang pamamanhid ng kanyang katawan.
"Hindi... imposible ito..." mahina niyang bulong sa sarili.
Nanghina ang kanyang mga tuhod, dahilan upang mapaupo siya sa malambot na sopa sa kanilang sala.
"Fortuna?" nag-aalalang tawag ng kanyang ina.
Napatingin siya sa kanyang ina—sa kanyang nag-aalalang mga mata.
Ang kanyang ina… walang kaalam-alam sa pinagdaanan niya kay John.
Napabuntong-hininga si Madam Irene. "Iha, alam kong ito'y isang malaking gulat para sa iyo, pero ito na ang nakatakdang mangyari. Hindi natin maaaring balewalain ang kasunduan ng ating mga pamilya."Napatingin siya sa matanda, at sa kauna-unahang pagkakataon, may bahid ng hinanakit ang kanyang mga mata."Bakit po? Bakit kailangang magpakasal kami ni John?" Hindi na niya napigilan ang pagpalahaw ng kanyang damdamin. "Hindi ba’t dapat ang kasal ay dahil sa pagmamahal? Hindi dahil sa isang kasunduan?"Muling nagpalitan ng tingin ang mga bisita. Maging ang kanyang ina ay tila naguguluhan sa kanyang emosyonal na pagtutol."Iha," sabat ni Leona Tan, na mula kanina'y tahimik lamang. "Ang kasunduang ito ay matagal nang napagkasunduan. Hindi lang ito tungkol sa inyo ni John, kundi tungkol sa ating mga pamilya. Ito ang paraan upang mapanatili ang ating legacy.""B-Bakit ngayon lang po ito sinabi sa akin?" Nanginginig ang kanyang boses, pilit kinakalma ang sarili.Napabuntong-hininga si Madam Ir
Muling nagsalita si Madam Irene, mas madiin at matigas ang boses. "Makinig ka, Fortuna. Hindi mo ba naiintindihan? Kapag tumanggi si John, mawawala sa inyong pamilya ang lahat. Ang negosyo ng Han na itinayo ng iyong lola—mawawala. Lahat ng ari-arian, lahat ng yaman, lahat ng koneksyon. Gusto mo bang makita ang iyong pamilya na naghihirap?"Napasinghap siya, napatingin sa kanyang ina na tila hindi rin alam ang gagawin.Hindi lang ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol sa kanyang pamilya."Hindi ko gustong mapunta sa ganoong sitwasyon, iha," patuloy ni Madam Irene, mas banayad na ngayon ang tono ngunit dama pa rin ang bagsik. "Ngunit ito ang reyalidad. Kaya kung iniisip mong may pagpipilian ka pa, itapon mo na ang ideyang iyon. Ikaw ang magiging asawa ni John, at wala siyang magagawa kundi tanggapin iyon."Nanghina ang buong katawan ni Fortuna.Nanghina ang buong katawan ni Fortuna. Pakiramdam niya’y parang lumulubog siya sa kinatatayuan niya, na para bang kahit anong pilit niyang huminga
Nanlamig ang buong katawan ni Fortuna sa mga narinig niya.Ibibigay sa bahay ampunan ang lahat ng yaman ng Tan at Han?Parang kinukurot ang kanyang puso habang nakatitig kay Madam Irene, ang babaeng may hawak sa kapalaran niya. Matalim ang tingin ng matanda, puno ng awtoridad at hindi matitinag."Hindi lang ito tungkol sa gusto mo o gusto niya!" madiin nitong ulit. "Ito ay tungkol sa responsibilidad! Sa pangako ng dalawang pamilya! Hindi mo na mababago ang nakatakda, Fortuna."Ramdam niya ang bigat ng bawat salita. Hindi lang basta-basta kasal ito—hindi lang simpleng kasunduan. Ito ang magsasalba o magpapabagsak sa lahat ng pinaghirapan ng kanilang pamilya."Hindi pwedeng mawala ang yaman ng Tan at Han!" galit na sigaw ni Jinky, ang kanyang ina. "Hindi ko matanggap na mawawala ang lahat dahil lang sa kapabayaan ng anak ko!"Napapikit si Fortuna."Kung hindi matutuloy ang kasal ninyo ni John," matigas na sabi ni Madam Irene, "magdedesisyon akong ibigay ang kayamanan sa bahay ampunan—ga
Hindi ko ginusto ang nangyari... pero ginusto ko si John.Dahil sa pagmamahal niya rito, nagawa niyang agawin ito kay Senyora.Ngunit ngayon, siya naman ang nasasaktan."Alam mo bang kung hindi lang dahil sa kasunduan, wala nang may gustong pumakasal sa iyo, Fortuna?" dagok muli ng ina. "Ang swerte mo at may kasunduan ang pamilya natin sa Tan! Pero kahit may kasunduan, hindi ibig sabihin na hindi mo ako binigo!"Napakuyom siya ng kamao."Kasalanan mo rin kung bakit nangyari ito," mahina niyang sabi.Napasinghap si Jinky."Ano ang sinabi mo?""Kasalanan mo rin," ulit niya, mas madiin. "Kayo ang nagtakda ng kasunduang ito. Kayo ang nagdesisyon para sa akin. Hindi mo man lang ako tinanong kung ano ang gusto ko!"Matalim ang tingin ni Jinky."Hindi mo na kailangang magdesisyon, Fortuna, dahil simula’t sapul, ang buhay mo ay naka-ukit na!" galit nitong sagot. "Ikaw ang apo ni Rose Han! Ikaw ang tagapagmana ng Han Empire! Hindi mo pwedeng talikuran ang obligasyon mo!""Obligasyon?" mapait n
Wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya."Kailangan kang pakasalan ni John," malamig na sabi ni Jack. "Wala tayong ibang pagpipilian. At sana, sa pagkakataong ito, matuto kang magpakumbaba."Napatingin siya sa kanyang ama, umiiyak pa rin."Pero paano kung ayaw niya?" mahina niyang tanong.Nanatili siyang nakayuko, hinayaan ang mga luhang bumagsak sa kanyang pisngi.Bawat salita ng kanyang ama at ina ay parang matatalim na kutsilyong dumudurog sa kanyang puso."Hindi siya makakatanggi. Pasalamat ka na may kasunduan ang lola mo! Kundi isang malaking kahihiyan ito!" madiing sabi ng kanyang ama, ang tinig nito'y puno ng galit at panghihinayang. "Saan kami nagkulang, ha, Fortuna? Binigay namin ang lahat ng luho mo para suklian mo kami ng ganito!""Pa..." mahina niyang sambit, nanginginig ang boses."Napaka-walang hiya mo!" sigaw ng kanyang ina, kasabay ng paghagis ng isang baso sa sahig. Napapikit siya nang marinig ang tunog ng nabasag na salamin. "Nakakahiya sa pamilyang Tan
Napatuwid ng tayo si John, nagngangalit ang panga. “Paki-ulit nga, Pa? So, gusto niyo sabihin na kung hindi ko pakakasalan si Fortuna, mawawalan tayo ng lahat?”Tumango si Luigi. “Oo.”Napasandal si John sa dingding, tila hindi makapaniwala. “This is insane,” pabulong niyang sabi. “You expect me to give up my freedom dahil lang sa isang kasunduan na ginawa decades ago?”“John—”“NO!” sigaw niya, na ikinagulat ng lahat. “Hindi ko ito matatanggap! Hindi ako puppet na basta niyo na lang gagalawin sa gusto niyo! Hindi ko siya mahal, okay? At lalo na pagkatapos ng ginawa niya sa akin!”Napatigil si Madam Irene. “Ano’ng ginawa niya sa’yo?”Natawa si John ng mapait. “She took advantage of me, Lola. She made sure I was drunk enough para may mangyari sa amin! Niloko niya ako! At ngayon, gusto niyo akong pilitin na pakasalan siya?”“Hindi natin alam ang buong kwento, John,” sabat ni Leona. “Baka naman may dahilan siya—”“Dahilan?” malakas na tawa ni John. “Anong klaseng dahilan ang sapat para s
Ramdam ang bigat ng mundo sa mga balikat ni John Tan habang nakaupo siya sa loob ng kanyang silid, walang ilaw kundi ang malamlam na liwanag mula sa lampshade sa tabi ng kanyang kama. Sa ibabaw ng mesa ay nagkalat ang ilang bote ng alak, karamihan ay halos ubos na. Ang kanyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa isang basong puno ng whiskey, nanginginig sa galit, sa sakit, at sa matinding kawalang-kontrol sa kanyang sariling buhay.Nilagok niya ang alak sa isang iglap, nilasahan ang pait nito na parang lason sa kanyang lalamunan. Pero wala siyang pakialam. Mas mabuti nang maramdaman niya ang init ng alak kaysa sa lamig ng realidad na ipinilit sa kanya ng kanyang pamilya.Pilit niyang inabot ang cellphone sa gilid ng kama. Kailangan niyang makausap ang taong tanging nagpapatahan sa kanyang puso—si Senyora Abedida, ang babaeng tunay niyang mahal.Nanginginig ang kanyang daliri habang tinatap ang pangalan nito sa kanyang phone screen. Ilang sandali pa, narinig niya ang pamilyar na tono ng
Mabilis niyang ibinato ang cellphone sa kabilang dulo ng kama, sabay hinawakan ang kanyang buhok, pilit pinipigil ang namumuong galit at hinanakit sa dibdib. Ramdam niyang unti-unti siyang binabasag ng realidad.Muli niyang dinampot ang bote ng alak sa mesa, halos maubos na, pero wala siyang pakialam. Agad niya itong tinungga, hinayaan ang apoy ng alak na dumaloy sa kanyang lalamunan, na para bang kaya nitong sunugin ang lahat ng sakit na bumabalot sa kanya."Putang ina!" sigaw niya, sabay hampas ng bote sa sahig. Basag.Katulad ng kanyang puso.Katulad ng kanyang buhay.Wala siyang nagawa kundi humiga sa malamig na sahig ng kanyang silid. Muling bumalik sa kanyang isip ang sinabi ni Madam Irene kanina:"Sumunod ka na lang, John. Panagutan mo ang nangyari sa inyo ni Fortuna."Muli siyang napangisi, pero walang halong saya ang kanyang ekspresyon. Anong panagutan?! Hindi siya kailanman pumayag sa kung anong nangyari noong gabing iyon. Wala siyang maalala, wala siyang kontrol. Pero ngayo
Tahimik ang gabi, ngunit hindi matahimik ang loob ni John.Sa terrace ng condo ni Senyora, nakatayo siya, hawak ang baso ng wine. Tumititig sa malalayong ilaw ng siyudad na parang kumikindat sa kaniya—pero walang ningning na dumampi sa puso niya. Sa loob ng unit, maririnig ang malumanay na pagtawa ni Senyora habang nanonood ng TV. Ngunit ang bawat halakhak niya ay tila pumapaimbabaw sa katahimikang sinisikap ni John buuin sa kanyang sarili.“John, dito ka nga,” tawag ni Senyora mula sa loob. “May pinapanood akong comedy, gusto mo ‘to.”Ngunit hindi siya kumilos.Pinikit niya ang mga mata, malalim na huminga. Sa bawat bugso ng hangin na dumadampi sa mukha niya, may mga alaalang pumapait—hindi niya mapigilan. Larawan ni Fortuna habang naka-apron, nakatalikod sa kusina. Ang boses nito habang tinatawag siyang kumain. Ang paalala tuwing nalalasing siya. Ang mga mata nitong punô ng hinanakit—na noon ay binalewala lang niya.“Ang tahimik mo yata, John.” Niyakap siya ni Senyora mula sa likod.
Bumungad ang malamig na hangin ng gabi habang dahan-dahang bumababa si Fortuna sa sasakyan. Sa harap ng ancestral house ng pamilyang Han, isang tila tahimik at matatag na estruktura ang sumasalubong sa kanya—pero sa kabila ng katahimikang iyon, naroon ang mga alaala. Masasakit. Mabibigat. At ngayon, isang lihim na kailangan niyang itago.Si Jack Han ang unang lumapit sa kanya, binuksan ang pinto at marahang hinaplos ang kanyang likod. “Anak, dito ka na muna. Walang makakaabala sa’yo rito. Ligtas ka sa lahat… pati na kay Lola Irene.”Sumunod si Jinky, buhat ang ilang gamit ni Fortuna. Kita sa mga mata nito ang pagkabahala, pero mas nangingibabaw ang determinasyon.Pagpasok sa loob ng bahay, agad na naupo si Fortuna sa sofa. Bumuntong-hininga siya nang malalim. Napahawak sa tiyan—hindi pa halata, pero naroon na ang bigat. Hindi lang sa katawan, kundi sa puso.“Anak,” mahinang bungad ni Jinky, habang nauupo sa tapat niya. “Napag-usapan na namin ng papa mo. Hindi natin puwedeng ipaabot ka
Masiglang tinig ni Senyora sa kabilang linya, punong-puno ng tuwa—tila bang siya ang nagwagi sa isang laban na matagal na niyang kinikimkim.Pero si John, habang pinapakinggan iyon, ay tila nahulog sa isang balon ng katahimikan. Wala siyang masabi, kundi isang mahinang:“Hmm…”Pagkababa niya ng tawag, muling bumalik ang bigat. Ang katahimikan sa silid ay parang sumisigaw. Sumasalungat sa tinig ni Senyora na puno ng selebrasyon. Isang kalayaang hindi niya lubusang masayahan.Tumayo siya. Lumapit sa salamin. Tinitigan ang sarili—maputla, puyat, at walang ningning ang mga mata.“Kalayaan?” mahina niyang bulong sa sarili. “Kung ito ang kalayaan... bakit parang mas lalo akong nakakulong?”Tahimik ang loob ng sasakyan. Tanging tunog ng makina at mahinang hinga ni Fortuna ang maririnig. Nakatingin siya sa bintana habang lumilipas ang mga tanawin sa labas—mga punong tila naglalakad pabalik, mga alaalang pilit na iniiwan.Katabi niya si Jinky, habang si Jack ang nagmamaneho sa harapan. Sa gitn
Tahimik ang buong silid. Wala ni isang kaluskos. Tanging tunog ng malamig na aircon at ang unti-unting paglalim ng kanyang paghinga ang naririnig sa loob ng kwartong minsang naging saksi ng lahat ng kasinungalingan at pag-aalinlangan.Si John, nakahigang nakatingin sa kisame, suot pa rin ang parehong damit na sinuot niya kagabi. Nanatili siyang walang kilos. Walang tinig. Parang estatwang kinain ng liwanag ng madaling-araw. Hawak niya ang puting scrunchie ni Fortuna — nahulog ito kagabi, noong huli nilang pagkikita sa loob ng bakuran ng Tan.Ang scrunchie. Gamit na simpleng gamit, ngunit para sa kanya ngayon, mas mabigat pa sa alinmang kayamanan ng mga Tan o Han. Para itong huling alaala ng isang taong hindi na babalik. Huling hibla ng buhay na unti-unting lumayo sa kanya.Napapikit si John. Mahigpit ang pagkakapit niya sa scrunchie. Para bang sa bawat segundo ng katahimikan, unti-unting kinakain ng katotohanan ang kanyang pagkatao.Umalis na si Fortuna. At ang mas masakit, hindi na s
Tumingin si Irene sa anak. Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata—mata ng isang anak na nag-aalala hindi lang para sa yaman, kundi sa gulong maaaring sumunod.Mabigat ang buntong-hininga ni Irene bago siya sumagot.Mabigat ang buntong-hininga ni Irene bago siya sumagot. Dahan-dahan siyang umupo sa upuang minana pa niya sa kaniyang ama—isang lumang silyang kahoy, simbolo ng kapangyarihan at bigat ng pangalan ng Tan.“Ang kasunduan…” bulong ni Irene, halos hindi marinig. “May bisa pa rin ‘yon, Luigi. Ang mga papeles ay perpektong pinirmahan. Legal. Matibay. At nakatali pa rin sa pangalan ng anak ni Jack Han.”Napakunot ang noo ni Luigi. “Pero, Ma… hiwalay na sila. Hindi ba’t kapag napawalang-bisa ang kasal, nawawala rin ang bisa ng kasunduang iyon?”Napapikit si Irene, pinisil ang sariling sintido. “Hindi gano’n kasimple, anak. Hindi lang kasal ang tinutukoy sa kasunduang ‘yon. May clause doon na nagsasabing—anumang mangyari sa relasyon nina John at Fortuna, mananatili ang paghahati n
Pumirma agad si Fortuna. Walang alinlangan, walang pagdadalawang-isip. Isang linya lang ng tinta, ngunit parang itinali niya roon ang bawat sakit, bawat pasakit, bawat pangarap na kailanma’y hindi natupad.Nang inabot kay John ang papel, tumigil siya. Nanlalamig ang mga daliri niya. Tila ayaw kumilos ng kamay niya."John," bulong ni Irene, "kung hindi mo pipirmahan, lalong masasaktan ang lahat. Kung mahal mo talaga si Fortuna… hayaan mo na siyang maging malaya."Dahan-dahang gumalaw ang kamay ni John. At sa isang kisapmata, pumirma siya. Pero kasabay ng tinta sa papel ay ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata. Hindi siya umiiyak ng malakas. Tahimik lang, pero mabigat. Para bang ang sarili niya ay unti-unting gumuho.Pagkalagda ni John, hindi na nagsalita si Fortuna. Tumayo siya, ni hindi tumingin sa paligid, at diretsong lumakad palabas ng bahay. Parang kaluluwa na binigyan ng bagong buhay—may kirot, may lungkot, pero malaya.“Fortuna!” sigaw ni John, pilit siyang sinundan.Ngu
Bumabalot pa rin ang malamig na hangin sa loob ng ancestral house ng mga Tan. Hindi ito dahil sa panahon, kundi dahil sa bigat ng damdamin ng bawat isa sa loob ng sala. Ang chandeliers ay tila ba ayaw magningning, ang marmol ay malamig sa talampakan, at ang bawat paghinga ay parang mabigat na buntong-hininga.Si Madam Irene Tan, nakaupo sa gitna ng antigong sofa na pinaglihan ng marami nang lahi, ay nakatingin sa kawalan. Sa harap niya ay ang kanyang anak na si Luigi Tan, at ang manugang niyang si Leona, ina ni John Tan.Sa tabi ni Luigi, nakatayo si John, namumutla at tila wala sa sarili. Nakayuko, nanginginig ang mga kamay. Katabi niya ang ina, si Leona, na paulit-ulit ang himas sa braso ng anak na tila pinipilit nitong mapanatag.At doon sa pintuan, tahimik ngunit matatag—si Fortuna, hawak-hawak ang kanyang bag na tila ba kasingbigat ng lahat ng sugat na iniwan ng relasyon nila ni John."Luigi," mahinang tawag niya.Agad na lumapit ang apo niyang si Luigi. “Yes, Ma?”"Pakitawagan a
Tahimik na nagmumuni-muni si John habang ang bawat salita na lumabas mula sa kanyang bibig ay patuloy na bumibigat sa kanya. Ang kanyang katawan, na minsang matibay at puno ng tapang, ngayon ay parang isang piraso ng kahoy na natutunaw sa ilalim ng init ng katotohanan.Sa kabila ng mabigat na katahimikan sa sala, ramdam ang bawat galos sa puso ni Jinky. Pinipilit niyang huwag ipakita ang sakit, ngunit ang mga luha na patak-patak ay masakit na patunay ng mga sugat na hindi kayang paghilumin ng mga salita."John..." ang mahinang tinig ni Jinky. "Bakit mo hinayaan mangyari 'to? Bakit hindi mo kami pinakinggan?" Ibinagsak ni Leona ang ulo, at tila ang mga tanong na iyon ay siyang nagtulak sa kanya para magdusa nang mag-isa. "Alam mo, kahit gaano mo kami kamahal, hindi ko na kayang tanggapin kung bakit ka naging ganito..."Si Jack, na kanina pa galit na galit, ay hindi na nakatiis. Tumayo siya at mabilis na lumapit kay John. "Wala ka nang ibang pwedeng sabihin pa! Huwag mong gawing dahilan
Madaling-araw. Kasunod ng matinding pag-uusap nila John at Madam Irene, agad siyang kumilos. Kinuha ni Madam Irene ang kanyang telepono at nagpadala ng mensahe kina Jinky at Jack Han. Isang pagpupulong ang itinakda para sa araw ding iyon—oras na upang pag-usapan ng bawat pamilya ang kinahinatnan ng kasal nina John at Fortuna.Sa loob ng isang pribadong function room sa isang lumang resthouse ng mga Tan, alas-diyes ng umaga.Naglalakad paikot sa mesa, halatang balisa si Jinky “Ano bang ibig sabihin nito, Madam Irene? Bakit mo kami pinatawag nang ganito kaaga? Hindi pa nga natutuyo ang luha ng anak ko, heto’t gusto mong mag-usap tayo?”Tahimik. Malumanay pero may bagsik sa tinig ni Madam Irene“Dahil oras na. Hindi na puwedeng patagalin. Kailangang pag-usapan natin ito, habang may natitira pang respeto sa pagitan ng dalawang pamilya.”“May respeto pa ba, Irene? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ng apo mo sa anak namin?”Nanigas ang tinig ni Jack Han habang nakatitig sa matandang babae. Hin