“Siya nga? Halik hija, umupo ka rito sa tabi ko,” ani Doña Cristina ang abuela ni Jace. Agad namang tumalima si Lara, umupo sa gilid ng kama ng matanda. “Nang sabihi ni Jace sa akin na nag-asawa na siya’y hindi ako agad naniwala. Subalit ngayong nandito ka na, sobra talaga akong natutuwa. You are beautiful, hija. Magaling pumili ang aking apo. Inaasahan kong mula sa ‘yo ay magpapatuloy ang lahi ng pamilya Lagdameo.”
Alanganing ngumiti si Lara. “Makakaasa po kayo, L-lola,” anang dalaga mabilis na sumulyap kay Jace na nasa kabilang gilid lang ng kama ng matanda.
“Mabuti kung gano’n. Si Jace ay nag-iisang apo ko. We have a curse in this family, Lara. Isang anak na lalaki lang sa bawat henerasyon ng Lagdameo ang ipinapanganak. At umaasa akong ikaw ang puputol sa sumpang ‘yon—“
“Alright, that’s too much information, Lola. Please, h’wag po ninyong takutin si Lara,” masuyong saway ni Jace sa abuela, mabilis na iniba ang usapan. “Nakainom ka na ng gamot mo? Nasaan nga pala si Nurse Mandy? Bakit mag-isa ka rito?”
“Inutusan ko lang sa kusina, hijo. May pinakuha lang ako,” ani Cristina, muling ibinalik ang tingin kay Lara. “Sana ay lagi ninyo akong dalawin nang ganito ni Jace, Lara. I’m getting weaker by the day. I’m afraid I won’t last for the next six months just like what the doctor said.”
“M-may sakit po kayo?” hindi na napigilang tanong ni Lara.
“Oo, hija. I only have six months to live,” anang matanda. “Hindi ba naikwento ni Jace sa ‘yo?”
Napangiwi si Lara, natatarantang tumingin kay Jace.
“Mababaw ang luha ni Lara, Lola. Kaya hindi ko masabi-sabi sa kanya,” maagap na sagot ni Jace, makahulugang tumingin kay Lara.
Sa taranta ng dalaga’y bigla niyang niyakap ang matanda. “Ipagdarasal ko po kayo araw-araw sa simbahan, Lola. Naniniwala ako na gagaling kayo,” anang dalaga.
Ngumiti naman si Cristina. “Maraming salamat, hija. Hindi ka lang maganda, may mabuti kang puso. Sana’y maging maligaya kayo ng apo ko.”
Narakaramdam ng pagbigat sa kanyang dibdib si Lara, unti-unti nang naging malinaw sa isip ng dalaga kung bakit nangailangan bigla si Jace ng asawa. Agad din siyang nakunsensiya sa sinabi ng matanda. Bilang na ang mga araw nito sa mundo subalit, naroon silang dalawa ni Jace, pinapaniwala pa nila ang matanda sa isang kasinungalingan.
Nang umingit pabukas ang pinto ng silid, bumitiw na si Cristina kay Lara.
“Sir Jace, nandito ka pala,” ani Mandy, ang private nurse ni Cristina.
“Dinalaw lang namin ng misis ko si Lola,” ani Jace.
Agad na lumipad ang tingin ni Mandy kay Lara. “M-misis, Sir? Nag-asawa ka na? Kailan pa?”
“You’re asking too much again, Mandy. Alam mo namang malihim si Jace,” saway ni Cristina sa nurse.
Bahagyang nataranta si Mandy. “S-sorry po, nagulat lang po ako kasi ang akala ko’y hinihintay pa rin ni Sir Jace ang pagbabalik ni Ma’am Via at sila ang magpapakasal—“
“Mandy! That’s enough!” mataas ang boses na saway ni Cristina sa kanyang private nurse.
“S-sorry po ulit,” hinging paumanhin ng nurse. Yumuko na.
“Mabuti pa siguro’y bumalik na kayo sa siyudad, Jace. Gabi na rin. Gusto ko nang magpahinga,” ani Cristina, umayos na ng higa sa kama. Si Lara na ang tumulong sa pag-aayos ng unan ng matanda dahil siya ang nasa malapit.
Ilang sandali pa, nagpaalam na rin si Jace sa abuela. Sunod na nagpaalam si Lara.
“Magpagaling po kayo, Lola. Dadalaw po kami ulit ni Jace,” anang dalaga.
Ngumiti ang matanda, “Aasahan ko ‘yan, hija.”
Hindi nagtagal, lumabas na ng silid sina Jace at Lara.
Nasa daan na sila pabalik sa siyudad nang may ibigay na folder si Eli kay Jace. Tahimik na pinanood ni Lara ang pagbuklat ng binata sa folder.
“Lara Veronica Martinez. Twenty five years old, no parents, no siblings. Closest kin: an uncle, a sick aunt and a cousin who’s barely out of high school” ani Jace, bago nag-angat ng tingin sa dalaga. “Your file is boring, Ms. Martinez,” dugtong ng binata, tiniklop na ang folder bago kinuha ang isa pa at ibinigay sa dalaga.
Tinanggap ni Lara ang folder at maingat na binuksan. Isa ‘yong kontrata, a business contract regarding their marriage.
“That is our contract for the next six months. I want you to read it carefully and then sign it. Nariyan na rin ang ating annulment papers na ipapasa agad sa korte sa sandaling matapos ang anim na buwan. We don’t need to live under one roof unless necessary. Everything is already arranged, Ms. Martinez, wala kang dapat ibang alalahanin pa kundi ang umakto bilang asawa ko sa harapan ni Lola. Do that and I will give ten million pesos for your service after. Enough para makapagbagong buhay ka.”
Sampung milyon. Sampung milyon lamang pala ang halaga ng kanyang pagkatao. Nais mainsulto ni Lara subalit… ganoon naman talaga ang mayayaman, maliit ang tingin sa mga ordinaryong tao gaya niya.
“What? Is ten million not enough? Magsabi ka lang, kaya kong magdagdag,” ani Jace, sa malamig na tinig nang makitang nakatulala si Lara sa dokumento sa kanyang harapan.
Lalong bumigat ang dibdib ni Lara sa sinabi ng lalaki. Anong akala nito sa kanya mukhang pera? Kaya niyang magtrabaho at kumita ng malinis.
“Sir, pasensiya na po pero hindi ko po tatanggapin ang anumang sobrang ibibigay ninyo na wala dito sa kontrata. Kung iniisip po ninyo na sasamantalahin ko ang pagkakataon na ito upang hingan kayo ng kung ano-ano, hindi ko po gagawin ‘yon. Malaking bagay na po sa akin na iniligtas ninyo ako sa pagpapakasal sa taong hindi ko gusto,” dire-diretsong pahayag ng dalaga bago naglabas ng ballpen at pinirmahan ang mga dokumentong nasa kanyang harapan.
Matapos ibalik ang folder kay Jace, hindi na nag-imikan pa ang dalawa. Masama ang loob ni Lara sa mga pasimpleng insulto ni Jace sa kanya. Subalit pilit na inalo ng dalaga ang sarili dahil, alam naman niyang wala siy ang magagawa. Malayo ang agwat ng buhay ni Jace sa kanya. Hindi nito maiintindihan ang kanyang damdamamin bilang isang taong namuhay sa kahirapan.
Pagdating sa siyudad, si Eli na nag nagtanong kay Lara kung saan ang kanyang kasera. Agad naman iyong sinabi ng dalaga.
Hindi naglaon, huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng boarding house kung saan nakatira si Lara.
“Mauna na po ako, S-Sir Jace. Salamat po sa paghatid,” ani Lara, bago tinulak pabukas ang pinto ng kotse.
Subalit bago pa man makalabas ang dalaga’y mabilis na hinagip ni Jace ang isang kamay nito at pinigilan. “I have two rules for you that you must uphold at all times. Don’t tell anyone about this. You must keep this as a secret. I’m warning you, Ms. Martinez. You don’t want me angry. Also, I forbid you to fall in love with me. Understood?” ani Jace, seryoso.
“Makakaasa po kayo, Sir. Hindi ko gagawin ang mga 'yan,” ani Lara bago binawi ang kamay sa lalaki at tuluyang lumabas ng sasakyan.
Pagdating sa sariling kwarto, agad na tumunog ang cellphone ng dalaga. Rumehistro sa screen ang pangalan ng kanyang Tiyo Berto. Subalit imbes na sagutin ang tawag, in-off niya ang kayang cellphone, dumiretso sa banyo at naligo.
“Uy, Lara, tawag ka ni boss,” bulong ni Erin kay Lara na mula pa nang dumating sa opisina ay tila hulog sa malalim na pag-iisip.Agad namang napakurap si Lara, mabilis na hinamig ang sarili. “H-ha? Ano ‘yon?”“Ms. Martinez, tinatanong kita kung ano nang progress sa pinagawa ko sa ‘yo noong isang araw?” mataas ang boses na sabi ni Amanda, ang marketing manager nila sa LDC at immediate boss ni Lara. “May progress na ba o tinambak mo na naman sa desk mo?”Sandaling napangiwi si Lara, hindi pa niya tapos ang pinapagawa nitong marketing plan dahil sa marami siyang iniisip. But that doesn’t mean she’s not efficient. Isang linggo ang ibinigay ni Amanda na palugit sa kanya She still has four days to finish it. “I’m half way through it, Ma’am. Pwede po akong mag-overtime mamaya para matapos ko,” pormal na sagot ng dalaga.Umirap si Amanda, noon pa ma’y mainit na ang dugo nito kay Lara dahil mabilis talaga magtrabaho ang dalaga kumpara sa ibang empleyado. Subalit, nangangahulugan din ‘yon na i
Sandaling napatanga si Lara sa sinabi ng babae. Tila sanay na sanay itong mag-utos, gaya rin Jace. At sigurado si Lara na galing din ito sa maalwang pamilya gaya ni Jace.Biglang nanliit si Lara. Hindi niya napigilan sarili na ikumpara sa babae. While Via was a star, she was but juts a speck of dust.“Hey, did you hear me? Bakit nakatanga ka pa riyan? Ang sabi ko, kape. Pronto!” untag ni Via kay Lara, iritado. Nagkumahog naman si Lara na sundin ang utos ng babae at dali-daling nagtungo sa panty.Si Via naman ay umupo sa swivel chair ni Jace, bumusangot. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay siya lalo na ng mga utusan. She is a prima ballerina. Her time is precious and must not be wasted. Sa totoo lang, she shouldn’t be there yet because her plane from Milan just landed. Kaya lang, may nais siyang malaman agad kay Jace. Nangako ito sa kanya na hihintayin siya nito. That he will always wait for her to achieve her dreams before they get married. Noong umalis siya two years a
“Tiyo, bakit ako?” mangiyak-ngiyak na reklamo ni Lara sa tiyuhin na si Berto nang sabihin nito sa kanya na nakapili na raw ng aasawahin ang intsik na amo nito sa grocery store. At ang malas na babae, siya.“O e alangan namang ako? Alam mo naturingan kang gradweyt pero may pagkatanga ka rin minsan. Ikaw lang naman sa atin dito sa bahay ang puwedeng ialay kay Bossing. At saka ayaw mo no’n, tiyak na yayaman tayo, Lara. Kahit hindi ka na magtrabaho, mahihiga ka sa kwarta!” anang tiyuhin, nagsalin ng gin sa baso, humithit muna ng sigariylo bago uminom ng alak. “Matagal ka nang kursunada no’n ni Boss Chino e. ‘Di ba nga palagi kang may regalo sa kanya tuwing Pasko at birthday mo. Seryoso ‘yon sa ‘yo, kaya ‘wag mo nang tanggihan. Minsan na nga lang ako mag-utos sa ‘yo, nagrereklamo ka pa. Parang wala kang utang na loob a,” patuloy pa ni Berto, muling tumungga ng alak.Nakagat ni Lara ang kanyang pang-ibabang labi, yumuko. Noon pa man ay masakit nang magsalita ang kanyang tiyuhin. Asawa ito
“S-Sir… h-hindi ko po maintindihan--”“Fine, let’s get things straight. Hindi ba nasa labas lang ang mapapangasawa mo na hindi mo gusto?” Tumango si Lara. “I am offering you an escape from your current dilemma, Miss…”“Martinez, Sir. Lara Veronica Martinez.” “Well, Miss Martinez, I am offering you an escape. Six months of marriage, no strings attached. Marry me and I’ll solve your problems. How’s that?” ani Jace sa pormal na tinig.Lalong natulala si Lara sa sinabi ng boss.Sa dalawang taon ng dalaga sa LDC ni hindi pa niya ito nakakausap ng harapan. Kaya naa-amuse siya ngayon na kinakasuap siya nito nang harapan lalo pa at inaalok siya ng kasal!Kasal.Madalas ipaalala sa kanya ng kanyang tiyahin na ang kasal ay sagrado at ginagawa lamang nga mga taong lubos na nagmamahalan. Subalit… may iba pa ba siyang pagpipilian ngayon gayong iniipit siya ng kanyang tiyuhin?“Look, it’s just six months. It’s not like your signing your life away with me. It’s just half a year,” muling untag ni