Share

Chapter 2: Contract Bride

 “S-Sir… h-hindi ko po maintindihan--”

“Fine, let’s get things straight. Hindi ba nasa labas lang ang mapapangasawa mo na hindi mo gusto?” Tumango si Lara. “I am offering you an escape from your current dilemma, Miss…”

“Martinez, Sir. Lara Veronica Martinez.”

“Well, Miss Martinez, I am offering you an escape. Six months of marriage, no strings attached. Marry me and I’ll solve your problems. How’s that?” ani Jace  sa pormal na tinig.

Lalong natulala si Lara sa sinabi ng boss.

Sa dalawang taon ng dalaga sa LDC ni hindi pa niya ito nakakausap ng harapan. Kaya naa-amuse siya ngayon na kinakasuap siya nito nang harapan lalo pa at inaalok siya ng kasal!

Kasal.

Madalas ipaalala sa kanya ng kanyang tiyahin na ang kasal ay sagrado at ginagawa lamang nga mga taong lubos na nagmamahalan.  Subalit… may iba pa ba siyang pagpipilian ngayon gayong iniipit siya ng kanyang tiyuhin?

“Look, it’s just six months. It’s not like your signing your life away with me. It’s just half a year,” muling untag ni Jace sa dalaga na tila nahulog sa malalim na pag-iisip.

“P-pero hindi mo ‘ko kilala, Sir—“

“You just gave me your name. I know your name. With my connection, I can know everything about you in under ten minutes. What about you, do you know me?”

Mabilis na tumango si Lara. “You’re Jace Lagdameo, Sir. Sa LDC po ako nagta-trabaho.”

“Good. Now that know each other’s names, enough going circles. Anong desisyon mo? Tatanggapin mo ba ang alok ko o hindi?”

Umiwas ng tingin si Lara, sandaling inisip ang magiging konsekwensiya ng kanyang magiging pasya. Sigurado siyang magagalit ang kanyang Tiyo Berto sa kanyang gagawin. Subalit mas nanaisin na niyang magalit ito sa kanya kaysa ang sundin ito sa gusto nito. Hinding-hindi siya magpapakasal kay Boss Chino!

Anim na buwan, pag-uulit ng dalaga sa isip. Mabilis lang ang anim na buwan, sabi pa niya sa sarili.

Humugot ng malalim na hininga si Lara bago, “P-payag na ‘ko, Sir. Magpapakasal ako sa ‘yo.”

Jace lifted his head a fraction, pilit na ikinubli ang tuwa na ngayon ay nasulusyonan na rin ang kanyang problema. “Very well. Let’s shake to that,” ani Jace, inilahad ang kamay kay Lara. Sandaling pinakatitigan ng dalaga ang kamay ng boss, naguluhan. “Shaking hands will close our deal, Ms. Martinez.”

Alanganing tinanggap ni Lara ang kamay ni Jace. “Deal,” anang dalaga.

“Deal,” sabi naman ni Jace, bago binitiwan ang kamay ni Lara at inilabas sa bulsa ang cellphone nito. “What’s the table number of your fiancée?”

“H-hindi ko alam. B-basta doon siya sa may dulo sa bandang kaliwa,” umpisa ni Lara, sunod na inilarawan ang hitsura ni Chino.

“Eli, yes. There’s a fat man at the far left end table of the restaurant. Drag him out, now!” malamig na utos ni Jace sa kanyang assistant. “Seen him? Call me when you’re done,” dugtong pa ng binata bago tuluyang pinutol ang tawag.

Napalunok naman ulit si Lara nang tumingin si Jace sa kanya. Ang mga mata nitong kasingdilim ng gabi ay tila tumatagos sa kanyang pagkatao— tila inaalam kung anu-ano ang kanyang mga sikreto.

“S-Sir, b-bakit po?” ani Lara sa boss nang hindi na niya matagalan ang pagtitig nito.

Kumurap si Jace, muling pumormal. “Do you have other plans tonight?”

Mabilis na umling ang dalaga. “W-wala po.”

“Good. Let’s get married tonight,” kaswal na sabi ni Jace.

Muling nanlaki ang mga mata ni Lara. “S-Sir? Ngayon na po? Agad-agad?”

Nagbuhol agad ang mga kilay ni Jace. “Yes. Why? Nagbago na agad ang isip mo? Puwede pa kitang ipasundo dito sa fiancée mo, Ms. Martinez. Magsabi ka lang.”

Tarantang umiling si Lara. “N-nagtatanong lang po, Sir. Kung ngayon po tayo magpapakasal, payag po ‘ko kahit na anong oras.”

Hindi sumagot si Jace, sinagot lang ang tawag sa cellphone nito. “Let’s go. Wala na sa labas ang fiancée mo,” ani Jace, nagpatiuna nang lumabas ng banyo.

Taranta namang sumunod si Lara sa boss, nakayuko ang ulo hanggang makalabas sila ng restaurant. Pagdating sa parking lot, sinalubong si Jace ng kanyang assistant na si Eli at ng miyembro ng security team nito.

Agad na dumiretso sa nakaabang na sasakyan si Jace. Si Lara naman ay alanganing tumayo sa may nakabukas na  pinto ng sasakyan. May isang bahagi pa rin ng kanyang lohika ang nagtatangkang pumigil sa kanya sa gagawin.

“Ms. Martinez, get inside the car, fast!,” utos ni Jace kay Lara.

Mabilis na hinamig ni Lara ang sarili at tuluyan nang pumasok sa sasakyan.

“Call Judge Asuncion. Sabihin mong magpapakasal na ‘ko ngayon,” utos ni Jace sa assistant na noon ay nasa shotgun seat.

Sandali pang sumulyap si Eli kay Lara bago sumunod sa utos ng boss.

Tahimik si lang si Lara habang isinisiksik ang sarili sa may pinto ng sasakyan. Pakiramdam niya kasi ay nalulunod siya sa presensiya ni Jace.

Jason Timothy Lagdameo is no ordinary man. Sa edad nitong twenty-eight ay ito na ang pinakabatang naging CEO ng LDC. Na hindi naman nakakapagtaka because his achievements are unparalleled. Magaling itong mag-close ng deal at may foresight sa mga bagay-bagay lalo na sa negosyo. Bali-balita sa LDC na nagmana raw ito sa yumao nitong ama na si James Lagdameo, na siya talagang nagpalago sa LDC. Kung tutuusin, na ‘kay Jace na ang lahat—kasikatan, kayamanan at karangyaan. Ang ipinagtataka lang ni Lara, parang hindi nito natutunan ang ngumiti.

Kaya ba ‘yong pakibagayan ni Lara ang pagsusuplado ni Jace sa loob ng anim na buwan?

Hindi pa man nasasagot ang tanong sa isip ng dalaga’y huminto na ang sasakyan sa isang malaking bahay. Nang lumabas si Jace ng sasakyan, sumunod din si Lara.

Sa may portico pa lang ay nag-aabang na si Judge Asuncion. Sandali itong nakipag-usap kay Jace bago nito  inaya ang dalawa na pumasok na ng bahay. Literal na pirma lang ang ginawa nina Jace at Lara sa loob ng bahay ng judge. Wala pang kinse minuto, nasa daan ulit sila patungo kung saan.

Tumigil ang sasakyan sa isang magarang bahay sa labas ng siyudad. Nang bumaba si Jace sumunod din si Lara.

“S-Sir, saan po tayo pupunta?” tanong ng dalaga hindi na nakatiis.

“Ipapakilala kita kay Lola,” anang binata, dumiretso sa pag-akyat sa grand staircase.

Kabadong sumunod si Lara kay Jace.

“Sir—“

“Stop calling me Sir. Mag-asawa tayo sa harap ni Lola. Call me, Jace,” anang binata, tuloy-tuloy pa rin sa pag-akyat sa hagdan.

“J-Jace, ano pa lang sasabihin ko sa lola mo ‘pag nagtanong siya sa akin tungkol sa—“

“Let me do the talking for now. Sasabihin ko sa ‘yo ang mga dapat mong malaman later.  Ang importante makita ka niya ngayon. She’s running out of time,” anang binata bago huminto sa tapat ng isang silid.

Pagbukas ni Jace sa pinto, agad na umaliwas ang mukha ni Doña Cristina. “Jace!” bulalas ng matandang babae, inilahad ang mga bisig para sa apo.

Hinawakan ni Jace ang kamay ni Lara bago lumapit sa matanda. Sandaling pinaglipat ng matandang babae ang tingin sa dalawang bagong dating.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Jace, hinapit sa baywang si Lara bago, “Lola, I’d like you to meet my wife, Lara.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status