Ang akala niyang magandang buhay bilang bagong kasal ang magbibigay sa kaniya ng sobrang kaginhawaan at labis na saya, ay siya palang mag-uuwi sa kaniya sa magulong buhay. Ang akala niyang wagas na pag-ibig dahil sa wakas ay natali na siya sa taong mahal niya, ay iyon pala ang dahilan kung bakit siya sobrang magdurusa. Ang sagradong kasal na inaakala ng lahat na magiging masaya, iyon pala ang siyang magdadala sa kaniya ng labis na kalungkutan. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga nangyayari sa buhay niya lalo na't nag-iba na ang turing sa kaniya ng kaniyang mahal. Hindi niya alam kung saan siya lulugar at hindi niya na alam kung saan pa niya ilalagay ang pagmamahal na meron siya sa kanilang relasiyong dalawa. Hirap na hirap na siya lalo na at pakiramdam niya ay siya na lang ang lumalaban sa kanilang dalawa at tila siya na lang ang gumagawa ng paraan para maging maayos sila. Pero sa huling pagkakataon, gagawin niyang muli ang lahat para bumalik sa dati ang takbo ng kanilang relasiyon. Sa huling pagkakataon, sasabayan niya ang takbo ng panahon at maghihintay muli na dumating ang oras na sasaya siya muli sa piling ng kaniyang mahal. Ito ang kuwento ng isang babae, kuwento ng isang aping asawa... ito ang kuwento ni Rowena.
View MoreHindi ko alam kung anong gagawin ko o di kaya kung ano ang dapat kong maramdaman. Ilang beses na akong nakamukmok rito sa bahay dahil sa pag-iisip sa asawa ko na iilang araw na lang ay aalis na. Kung hindi ko lang nalaman kay Sanna, baka para na naman akong tanga na maghihintay sa pag-uwi niya rito sa bahay. Para na naman akong ulilang asawa na walang ginawa kun'di ang maghintay ng maghintay! "Ma'am, nakahanda na po ang hapunan ninyo, baka gusto niya na pong kumain?" Huminga na lang ako ng malalim dahil kahit ang boses ni Manang ay halatang nag-aalala na sa akin. Inayos ko na lang ang salamin ko at tumingin kay Manang, ngumiti ako sa kaniya ng tipid at tumango. "Sige po Manang, bababa na po." Mahinang sabi ko na siyang ikinatango niya naman. Agad rin siyang lumabas ng kwarto na siyang ikinahinga ko na naman ng malalim. Hindi ko alam kung anong gagawin ko rito mag-isa kung wala si Manang at ang nanny ni Lulu. Baka mabaliw ako sa kakaisip ng paraan para lang talaga mapansin ng asawa
Pagkauwi na pagkauwi ko ay agad akong pumunta sa kwarto at hindi na pinansin pa ang pagtawag sa akin ni Manang. Agad kong tinakpan ang mukha ko ng unan at tahimik na pumikit... kasabay ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Dahil sa mga oras na 'to, hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo na't napakasakit ng nakita ko kanina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo na't unang beses ko siyang nakitang may kasamang babae! I weakly stared at the beautiful nude color ceiling where a chandelier is gorgeously hanging. I suddenly remember that it was Lucas' gift when we were in highschool, it was our anniversary that time. It wasn't that expensive but it was the first gift I've ever received in my entire life from other people and that made me happy. Ni wala man lang akong naibigay sa kaniya no'n. "H-Hindi ko na alam ang gagawin ko." I whispered still feeling hurt. Gulong-gulo na rin ang utak ko dahil sa nakita at hindi ko alam kung sasabihin ko ba 'yon kay Sanna o hindi. Pero pinili ko
Hanggang ngayon tulala pa rin ako habang nakatingin sa sarili kong repleksiyon sa salamin. Kumikirot pa rin ang pisngi ko dahil sa ginawang pagsampal ni Lucas kagabi at halos hindi ako makatulog dahil do'n. Pero hindi lang do'n ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog, kun'di sa babaeng nasa wallpaper ng cellphone niya na kahit hanggang ngayong umaga ay isip-isip ko pa rin."Ma'am, nandito na po ako." Napaayos na lang ako ng marinig ang boses ni Manang Joy, ang maid sa bahay. Mukhang maaga ang pagpasok niya. Napatingin ulit ako sa salamin at napahaplos sa pisngi ko, mabuti na lang hindi ganoon namaga."Manang, teka," sambit ko at agad sinuot ang tsinelas. Hindi rito natulog sa kwarto namin si Lucas at doon sa guest room nagpalipas ng gabi. Hindi ko alam kung tulog pa siya pero sa pagkakaalam ko, maaga ang pasok niya palagi kapag lunes. Lumapit na ako sa pinto at binuksan 'yon, bumungad sa akin ang nakangiting itsura ni Manang. "Nakakain na po ba kayo? May niluto ako kahapon na menud
"Ma, ayos lang nga po ako. Huwag na po kayong mag-alala at tiyaka si Lucas naman po ay busy rin sa trabaho. Pero huwag kayong mag-alala, hindi naman nawawala ang t-time niya sa aming mag-ina niya." Pilit ngiti kong sabi habang naka face time kami ngayon ni Mama. Nasa likuran naman niya si Papa na nakangiti lang habang nakasandal ang baba niya sa balikat ni Mama."Nako, intindihin mo na lang kapag pagod si mister, Rowena. Alam mo namang siya lang ang nagtaguyod at tumulong sa kompaniya." Sabat ni Papa na siyang agad ko namang ikinatango at ikinangiti. "At tiyaka anak, palagi mong lambingin ah? Ganiyan ginagawa ko kay Mama mo kapag galing siya ng trabaho." Dagdag pa nito na siyang ikinahagikhik ko na lang.Nandito ako ngayon sa kwarto at nakasuot ng jacket, mabuti na lang hindi na nila itinanong kung bakit ito ang suot ko. Minsan nga ay nalulungkot ako dahil sa ilang beses na rin akong nagsisinungaling sa kanila, si Sanna rin ay naisasama ko pa sa sitwasiyon ko pero mabuti na lang ay ni
Pagkauwi ni Sanna ay agad akong naghanda ng tanghalian. Hindi ko alam kung uuwi si Lucas pero maganda na ang sigurado dahil baka nagugutom siya tapos wala pa lang pagkain rito sa bahay namin.Agad akong naghanda at pumunta sa kusina. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at hinanda na ang mga gagamitin sa pagluto at kinuha ang mga ingredients. Lulutin ko ulit ang paborito niyang menudo, 'yon pa naman palagi ang nire-request kapag palagi siyang pagod mula sa trabaho. Kung trabaho ang inaatupad niya ngayon, siguro kapag umuwi siya, pagod na pagod siya kaya kailangan ko talagang maghanda."Ito, ayan, at 'yan." Bulong ko sa sarili habang hinahalo na ang mga hiniwa ko ng hotdog sa coocking pan kasama ang mga malalambot ng mga patatas at carrots. Napangiti na lang ako dahil sa alam ko kung gaano kasarap ang resulta nito. Naaalala ko pa noon na palaging nakatanaw sa akin ang asawa ko at hinihintay na maluto. Hindi ko pa nga nase-serve ay may laman na ang kutsara niya habang nakasubo na sa kaniy
"Hindi ba sabi ko sa'yo noon pa, hiwalayan mo na 'yang asawa mo? Bakit parang baliw na baliw ka diyan eh marami ka rin namang pera?" Napapikit na lang ako dahil sa sinabi ni Sanna, ang nag-iisa kong kaibigan na hindi ako iniwan mula noon hanggang ngayon. Siya ang naging sandalan ko kapag marami akong problema, siya rin ang kasa-kasama ko kahit masaya ako. We're friends since elementary, I can consider her as my childhood bestfriend."Hindi naman akin ang pera na 'yon, Sanna, sa parents ko 'yon. At tiyaka, mas mayaman ka no! Grabe ka naman sa maraming pera eh ikaw nga 'tong may itinayong dalawang restaurant dito sa Manila." Nguso kong sabi sa kaniya na siyang ikinasimangot niya naman. Sanna Rosales, one of the successful tycoons here in Manila. Her family owns the Rosales Jewelries and I can say that it is all over the Philippines. Kahit saang panig ka man ng Pilipinas, makikita't makakasalubong mo ang mga branches nila lalo na't isa sila sa mga mayayaman na tao sa buong bansa.Hindi
"T-Tama na, Lucas! Nasasaktan ako ano ba!" Pagmamakaawa ko sa kaniya pero parang wala iyang naririnig dahil patuloy niya lang akong hinihila papalayo sa opisina niya. Masakit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at alam na alam ko pagkamamaya, magkakaroon na naman 'yon ng pasa.Namumula ang kaniyang muha dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya at mas lalong nagbigay sa akin ng sobrang takot nang tumingin siya sa gawi ko na may nakakatakot na mga mata. Nanlilisik ang mga 'yon na siyang dahilan kung bakit nilulukuban rin ako ng sobrang kaba.Hiyang-hiya na ako lalo na't maraming nakatingin sa amin na mga empleyado niya. Ang iba ay nakangiwi, ang iba naman ay nandidiring nakatingin sa akin at may iba rin na naaawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at tila gusto ko na lang magunaw sa harapan nila dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko."I already fucking told you not to come here, Rowena! You are so damn stubborn you bitch!" Galit na galit niyang bulong sa tenga ko na siyang na
"T-Tama na, Lucas! Nasasaktan ako ano ba!" Pagmamakaawa ko sa kaniya pero parang wala iyang naririnig dahil patuloy niya lang akong hinihila papalayo sa opisina niya. Masakit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at alam na alam ko pagkamamaya, magkakaroon na naman 'yon ng pasa.Namumula ang kaniyang muha dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya at mas lalong nagbigay sa akin ng sobrang takot nang tumingin siya sa gawi ko na may nakakatakot na mga mata. Nanlilisik ang mga 'yon na siyang dahilan kung bakit nilulukuban rin ako ng sobrang kaba.Hiyang-hiya na ako lalo na't maraming nakatingin sa amin na mga empleyado niya. Ang iba ay nakangiwi, ang iba naman ay nandidiring nakatingin sa akin at may iba rin na naaawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at tila gusto ko na lang magunaw sa harapan nila dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko."I already fucking told you not to come here, Rowena! You are so damn stubborn you bitch!" Galit na galit niyang bulong sa tenga ko na siyang na...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments