Share

Chapter 4

"Ma, ayos lang nga po ako. Huwag na po kayong mag-alala at tiyaka si Lucas naman po ay busy rin sa trabaho. Pero huwag kayong mag-alala, hindi naman nawawala ang t-time niya sa aming mag-ina niya." Pilit ngiti kong sabi habang naka face time kami ngayon ni Mama. Nasa likuran naman niya si Papa na nakangiti lang habang nakasandal ang baba niya sa balikat ni Mama.

"Nako, intindihin mo na lang kapag pagod si mister, Rowena. Alam mo namang siya lang ang nagtaguyod at tumulong sa kompaniya." Sabat ni Papa na siyang agad ko namang ikinatango at ikinangiti. "At tiyaka anak, palagi mong lambingin ah? Ganiyan ginagawa ko kay Mama mo kapag galing siya ng trabaho." Dagdag pa nito na siyang ikinahagikhik ko na lang.

Nandito ako ngayon sa kwarto at nakasuot ng jacket, mabuti na lang hindi na nila itinanong kung bakit ito ang suot ko. Minsan nga ay nalulungkot ako dahil sa ilang beses na rin akong nagsisinungaling sa kanila, si Sanna rin ay naisasama ko pa sa sitwasiyon ko pero mabuti na lang ay niintindihan niya ako.

"Ano ka ba, mahal, huwag mo na ngang sabihin 'yan." Kunyaring inis na sagot sa kaniya ni Mama. "At tiyaka anak ah, huwag mong kalimutan na alagaan siya kapag pagod siya. Puwede mo rin siyang hilutin if he wanted too. Hay nako, I told you anak that you should have a trip in our province in Negros Oriental. Both of you should relax a bit." Anya pa niya na siyang ikinatigil ko.

Habang sinasabi nila ang mga salitang 'yon, mas lalo lang nasasaktan ang puso ko. Hindi man nila sadiya dahil nga sa wala silang kaalam-alam sa sinapit ko, pero choice ko 'to eh kailangan kong maging matatag. Minsan nga ay naiinggit na lang ako kina Mama at Papa dahol sa hanggang ngayon ay kitang-kita ko pa rin ang labis na pagmamahal nila sa isa't isa. Kita ko pa rin ang tamis ng bawat halakhal nila kapag magkasama silang dalawa at pansin na pansin ko pa rin sa kanilang dalawa na kinikilig pa rin sila.

Inggit na inggit ako.

"B-By the way Ma, Pa, pupunta ako diyan sa susunod na linggo ah? Kukunin ko na si Lulu, alam niyo naman na matagal na siyang nandiyan sa inyo." Biglang nalungkot ang ekspresiyon ni Mama na siyang ikinahinga ko ng malalim. "Ma." I called her name again because I know that she's getting sad because I'm going to take my daughter again. 

Ang rason lang naman kung bakit ko muna ipinahiram sa kanila si Lulu ay dahil sa ayaw kong dumating ang panahon na malaman niyang nag-aaway kami ni Papa niya. Wala siyang alam pati na ang mga maids at si Angela, hindi ko sila sinabihan at wala silang kaalam-alam sa nangyayari sa amin ni Lucas.

"Mahal, miss na rin ng anak natin si apo." Rinig ko pa kay Papa na siyang ikinatango ko. Ngumuso pa ako para magpangga na malungkot na siyang naging effective naman agad. Huminga ng malalim si Mama at tumango na siyang ikinangiti ko na lang. Basta si Papa talaga, hindi siya nakakahindi.

Natigilan ako nang marinig ang busina mula sa labas kaya agad akong napaayos. "Ma, Pa, I have to end this call. Nandiyan na si Lucas, baka pagod 'yon. Alam niyo na, kahit sunday ay nagtatrabaho." 

"Nako, sige anak. Kailangan na rin naming matulog, alas nuwebe na rin ng gabi. Sige na, magpaalam ka na mahal, huwag ka ng magtampo." Natawa na lang ako dahil sa sinabi ni Papa, ngumuso naman si Mama.

"Bye anak, bisita kami diyan soon." Sambit nito na siyang ikinatango ko at ikinangiti. Limang segundo bago ko pinatay ng tawag at agad inayos ang jacket ko.

I immediately ran towards the door and went down the stairs, his tired face welcomed me that made me stopped... he's not just tired, I think he's drunk too.

"L-Lucas, uminom ka ba?" Agad akong lumapit sa kaniya at kinuha ang briefcase na hawak niya. Nilagay ko kaagad 'yon sa lamesita sa sala at lumapit ulit sa kaniya. "Kumain ka na ba? May menudo pa sa ref, gusto mo initin ko?" Tanong ko pa bago hinubad ang itim niyang coat sa kaniya.

"No, I won't eat your fucking food." He drunkenly uttered that made me sighed.

"Lucas, baka hindi ka pa kumakain." Alalang turan ko pa at hahawakan na sana ang balikat niya ng bigla niya na lang ako tinabig. Agad akong napaatras dahil sa lakas ng puwersa pero huminga na lang ako ng malalim at lumapit ulit sa kaniya.

"Umupo ka na muna nga rito, dadalhan kita ng malamig na tubi——"

"I said no!" He shouted and then I was shocked when he aggresively grabbed my arm that made me winced! 

"L-Lucas, nasasaktan ako ano ba!" Sambit ko sa kaniya.

"Masasaktan ka talaga kung hindi ka makikinig! Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mong babae ka? Hindi ka ba makaintindi? Boba ka? Diba grumaduweyt ka ng may mga medal? Bakit simpleng 'no' ay hindi mo maintindihan?" Malakas na sigaw niya na siyang dahilan kung bakit agad ako nakaramdam ng sakit, takot at lungkot. "If you just used your brain to help me with this fucking life, I am not this so exhausted when going home!" He roared that made me closed my eyes. His voice is like a thunder echoing repeatedly in our house.

How can he say that if in the first place, he already chose not to let me in his industry! He already forgot that he doesn't want me to work? Because it is his responsibility as a man, as a son and as a husband?

"B-Bitawan mo 'k——" agad akong napahaplos sa pisngi ko nang bigla na lang akong nakaramdam ng sobrang sakit at hapdi. Napadilat ako at napatulala dahil sa lakas ng sampal na 'yon na siyang dahilan kung bakit tumilapon ang salamin ko. Parang nahinto ang oras ko dahil sa ginawa niya na siyang dahilan kung bakit mas lalong nadurog ang puso ko.

Hindi ko alam kung ilang segundo akong hindi nakagalaw. Iniisip ko na lang kung bakit ganoon na lang kadali para sa kaniya ang pagbuhatan ako ng mabibigat niyang mga kamay?

Kahit ayoko mang umiyak sa harapan niya, my eyes betrayed me and then suddenly, tears fell. My heart is aching like it was shattered into many pieces.

Paano ko magagawa ang mga suhestiyon nina Papa at Mama kung ganito kami lagi araw-araw, gabi-gabi? Paano ko siya lalambingin, paano ko siya magagawang mahilot tuwing pagod siya at paano ko siya mahahagkan... kung lagi siyang galit sa akin?

Narinig ko na lang ang mabibigat niyang yapak papaakyat habang unti-unti ko ng naririnig ang sarili kong paghikbi. Nanghihina akong napaluhod at napatulala.

"A-Ang sakit na talaga." Bulong ko sa sarili at napatingala sa kisame para kontrolin ang mga luha na gusto pang lumabas galing sa mga mata ko.

Akmang tatayo na sana ako pero nahinto ako nang makitang nasa sahig ang cellphone ng asawa ko. Huminga ako ng malalim at nanginginig 'yong inabot. I was about to put it in my pocket but my fingers accidentally opened the phone and it stunned me.

Parang gumuho ang mundo ko at halos manginig ang buong kalamnan ko dahil sa nakikita ko ngayon!

"T-This isn't me in his wallpaper. Who i-is she?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status