Share

Chapter 5

Hanggang ngayon tulala pa rin ako habang nakatingin sa sarili kong repleksiyon sa salamin. Kumikirot pa rin ang pisngi ko dahil sa ginawang pagsampal ni Lucas kagabi at halos hindi ako makatulog dahil do'n. Pero hindi lang do'n ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog, kun'di sa babaeng nasa wallpaper ng cellphone niya na kahit hanggang ngayong umaga ay isip-isip ko pa rin.

"Ma'am, nandito na po ako." Napaayos na lang ako ng marinig ang boses ni Manang Joy, ang maid sa bahay. Mukhang maaga ang pagpasok niya. Napatingin ulit ako sa salamin at napahaplos sa pisngi ko, mabuti na lang hindi ganoon namaga.

"Manang, teka," sambit ko at agad sinuot ang tsinelas. Hindi rito natulog sa kwarto namin si Lucas at doon sa guest room nagpalipas ng gabi. Hindi ko alam kung tulog pa siya pero sa pagkakaalam ko, maaga ang pasok niya palagi kapag lunes. Lumapit na ako sa pinto at binuksan 'yon, bumungad sa akin ang nakangiting itsura ni Manang. "Nakakain na po ba kayo? May niluto ako kahapon na menudo, marami-rami pa po 'yon." Umiling lang si Manang.

"Tapos na po ako kumain bago dumating rito, kayo po ba? Gusto niyo po bang initin ko ang menudo para makapag-umagahan na po kayo?" Tanong nito pabalik sa akin na siyang ikinangiti ko na lang at ikinatango. Ngumiti rin siya lalo at sabay kaming bumaba.

I was thinking the possibilities if Lucas is really cheating, that woman is unfamiliar to me and as far as I remember, she isn't even a relative. But what if she's just a officemate? What if she's just an employee from his company?

Pero nasa wallpper talaga? Na sila lang dalawa?

"Manang, naabutan niyo po bang umalis si Lucas?" Tanong ko rito nang makarating na kami sa hapag-kainan.

"Ay opo, nagmamadali po siyang umalis." Bago pa po ako makapasok rito ay papalabas na po siya." Tumango na lang ako at mas lalong kinabahan sa hindi alam ang dahilan. Hindi ko alam pero sumakit na naman ang puso ko dahil sa nangyari kagabi at halos hindi ako tumigil sa pag-iyak kagabi. 

Isang oras ang lumipas ay napag-isipan kong pumunta ng mall at ito ngayon, kasama ko si Sanna na halos ang dami ng pinamili! Iisang section pa lang pero ang dami niya ng designer bags na nabili na ngayo'y dala-dala ng dalawang bodyguards niya.

"Ang sabi ko ay kakain lang tayo, pero hindi naman ako aware na bibilhin mo na halos ang mga nakikita mong mga bags." Mahinang sambit ko sa kaniya habang naglalakad kami ng sabay, nasa likuran naman namin ang dalawa niyang guard. "At tiyaka, nagdala ka pa ng mga guards mo, mas lalo lang tayong pinagtitinginan eh." Dagdag ko pa pero ngumisi lang siya at inikutan ako ng mga mata.

"Geez, you don't know how mad I was when I heard that they were going with me! I don't even know why I have these damn bodyguards!" Reklamo niya na siyang ikinataka ko naman.

"Bakit? Hindi ba si Daddy mo ang nagpadala sa kanila?" Takang tanong ko pero umiling lang siya at mas lalo lang atang nainis.

"Psh, Dad won't act like that. He won't send bodyguards if not really needed, well, it is really hard to please that fucker." Mas lalo lang akong nagtaka dahil sa sinabi niya pero huminga na lang ako ng malalim. May namataan akong restaurant na siyang nagpangiti na lang sa akin.

"Kumain na lang tayo do'n," turo ko sa restaurant na siyang agad namang nilingon ni Sanna. Natigilan siya at tumingin sa'kin pabalik, hanggang sa sumilay ang ngisi sa kaniyang mga labi.

Moon Café, that's the name of the resto.

"Hindi mo pa rin talaga nakakalimutan ang nagpapatahimik at nagpapasaya sa akin, ah!" Galak niyang sabi na siyang ikinangiti ko naman ng malapad.

Since we were in our highschool days, that's specific restaurant gave Sanna an inspiration to pursue her course. It was her dream to become a chef and I am one of those people who witnessed her success. That restaurant made her achieved her long term goal... it is her happy pill if she's always getting mad.

"Pasta lang muna akin, sa'yo Rowena?" Sanna asked me.

"Same na lang muna tayo, ang dami ko na rin kasing kinain sa bahay bago umalis." I reasoned out but it was just my alibi, I really don't have the apetite to eat a lot because of what happened last night.

Agad kinuha ng waitress ang order namin na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim. 

"So did you already call your parents?" Biglaang tanong ni Sanna, tumango naman ako sa sinabi niya. Nakaharap ako sa glass habang siya ay nakatalikod ro'n kaya nakikita ko kung sino ang dumadaan sa labas while si Sanna naman, ang mga kumakain sa likuran ko ang nakikita niya.

"I called them last night. Kamustahan gano'n, at tiyaka balak ko na ring kunin si Lulu sa kanila. Miss ko na anak ko eh." Biglang lumiwanag ang mukha ni Sanna na siyang ikinailing ko na lang. Spoiled na spoiled pa naman sa kaniya ang anak kong 'yon.

"Oh my gosh, you're sure? Am excited! I want to buy her lot of toys again!" She almost shouted but I just glared at her.

"Sanna, ang mga laruan na binili mo ay napakarami at tiyaka ang iba ay hindi pa nabubuksan. You love pampering her so much! If you'll buy another bunch of toys, she'll just destroy it." I said but she just smirked. This woman!

"Okay lang, I have money to buy again." She arrogantly uttered back that made me shook my head. She is so unbelievable!

I was about to talk when I noticed something from outside. I narrowed my eyes to clearly see it but I was stunned who that person is!

Lucas?

"Don't worry, as her ninang, I'll give her what she wants." I heard from Sanny but my focus is still on him! Bigla na lang akong nanigas nang may pumulupot sa kamay niya na isang babae at doon ako mas lalong kinabahan!

Hanggang sa parang sinaksak ang puso ko ng ilang beses nang makitang hinalikan ng babae ang labi ni Lucas!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status