Share

Chapter 3

Pagkauwi ni Sanna ay agad akong naghanda ng tanghalian. Hindi ko alam kung uuwi si Lucas pero maganda na ang sigurado dahil baka nagugutom siya tapos wala pa lang pagkain rito sa bahay namin.

Agad akong naghanda at pumunta sa kusina. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at hinanda na ang mga gagamitin sa pagluto at kinuha ang mga ingredients. Lulutin ko ulit ang paborito niyang menudo, 'yon pa naman palagi ang nire-request kapag palagi siyang pagod mula sa trabaho. Kung trabaho ang inaatupad niya ngayon, siguro kapag umuwi siya, pagod na pagod siya kaya kailangan ko talagang maghanda.

"Ito, ayan, at 'yan." Bulong ko sa sarili habang hinahalo na ang mga hiniwa ko ng hotdog sa coocking pan kasama ang mga malalambot ng mga patatas at carrots. Napangiti na lang ako dahil sa alam ko kung gaano kasarap ang resulta nito. Naaalala ko pa noon na palaging nakatanaw sa akin ang asawa ko at hinihintay na maluto. Hindi ko pa nga nase-serve ay may laman na ang kutsara niya habang nakasubo na sa kaniyang bibig.

I was stiffened when I heard a loud beep from outside and I am hearing that the gate is slowly opening. I smiled and then immediately placed the cooking pan on the counter and put the menudo in the big bowl. I even forgot to wear apron but anyways, agad na akong pumunta sa dining room at inilapag ang niluto.

And then Lucas came inside.

"Lucas, I cooked your favorite menudo. Tamang-tama, bagong luto pa." Ngiti kong aya ko sa kaniya. Tinignan niya ako sa mga mata at hindi ko alam pero agad akong nakaramdam ng kaba. Kapag kasi tinitignan niya ako ng ganiyan, hindi nagiging maganda ang kutob ko lalo na't alam kong may mangyayari na namang masama. Pero pinilit ko ang sarili kong ngumiti at hindi na inisip 'yon, hindi naman sa lahat ng oras ay ganiyan siya.

"I won't fucking eat that, Rowena." I was stopped when he said that but I just smiled at him so sweetly.

"But I cooked it for you, Lucas. And I know you're from your work so you have to eat at least." I retorted. But I was stunned when his stared suddenly turned into glares.

"Hindi ka ba nakakaintindi, Rowena? Ang sabi ko, hindi ako kakain! Naiintindihan mo? Hindi... ako... kakain. Huwag mo ngang ipaalala sa akin ang katarantaduhan na ginawa mo kahapon sa loob ng kompaniya ko!" Tuluyan niyang sigaw na siyang dahilan kung bakit ako napatahimik. Hinay-hinay kong hinaplos ang braso ko kung saan niya mahigpit na hinawakan kahapon. Nakaramdam na naman ako ng takot dahil sa hindi ko na alam kung anong gagawin para lang mapasaya siya kahit kaunti.

Hindi na ako nagsalita at yumuko na lang hanggang sa narinig ko na lang siyang umakyat ng hagdanan. Huminga ako ng malalim at malungkot na tinignan ang menudo.

Nagsimula ang ganitong sitwasiyon namin nang makuha niya ang kompaniya na halos ubusin na niya lahat ng oras niya sa pagtatrabaho. Namatay kasi si Dad, Papa niya, kaya ipinasa sa kaniya lahat ng mga responsibilidad sa pabagsak na negosyo nila. Sinabi ko naman noon sa kaniya na gusto kong tumulong pero sabi niya ay responsibilidad niya naman 'yon bilang asawa na maging responsable at mapagkakatiwalaan... hindi lang bilang asawa, kun'di bilang isang anak na rin.

Unang buwan pagkatapos niya makuha ang kompaniya ay ayos pa naman ang lahat pero no'ng pangalawang buwan na, doon na nagbago ang lahat. Nagsisimula na siyang magalit kahit wala naman akong ginagawa, o di kaya kapag nanlalambing ako ay agad niya akong pagagalitan. May mga oras rin na kapag nag-aaway kami, bigla-bigla niya na lang akong sasakmalin o sinasakal. Kapag hindi ko siya pinagbibigyan na makipagtalik dahil nga sa nagtatampo ako, pipilitin niya ako hanggang sa mamaga lahat ng buong katawan ko dahil sa sobrang ka agresibo niya.

Wala akong nagawa siyempre dahil bilang asawa, kailangan ko siyang intindihin lalo na't may malaking siyang problema na kinakaharap. Sinabi ko na lang sa sarili ko na pagkatapos ng iilang buwan at kapag naayos niya na ang kompaniya, magiging maayos na ang lahat.

Pero isang tao na ang nakalipas pero gano'n pa rin ang turing niya sa akin. Habang ako, ginagawa ko lahat para lang maayos lagi ang relasiyon namin bilang mag-asawa. Kapag galit siya, tumatahimik na lang ako at minsan nga ay hinahatiran ko siya ng pagkain sa opisina niya. Pero palagi niya lang akong pinagsasabihan hanggang sa sumabog na talaga siya kahapon.

I can't do anything but to understand him, respect his decision and wants in life. I don't want him to get mad at me everyday, so what I need to do is to follow what he wants. Give him space and freedom to do what he wanted to do. I'll just support him.

Umupo na lang ako sa sala bago ko ilagay ang menudo sa refrigerator. Kinuha ko ang phone at agad bumungad sa akin ang wallpaper namin. Napangiti na lang ako ng mapait dahil sa matamis na matamis pa ang ngiti niya rito.

"Please come back to me again, my husband." I painfully whispered while caressing his image... his image while kissing my cheek.

May mga oras na gusto ko ng sumuko, may mga araw na gusto ko ng lumayo sa kaniya pero hindi ko magawa dahil sa natatakot ako... natatakot ako na baka magkahiwalay na kami ng tuluyan at hindi na niya magampanan ang pagiging asawa niya... at ang pagiging ama niya sa nag-iisang anak namin.

I unlocked my phone and then dialed our nanny's number who's working overnight. One ring passed and she immediately answered her phone.

"Hello po Ma'am Rowena!" Masigla nitong sagot na siyang dahilan kung bakit ako napangiti.

"Nasa'n si Lulu, Angela?" I softly asked. Narinig ko kaagad ang pagsigaw ni Angela sa kabilang linya na tinatawag ang anak ko hanggang sa naririnig ko na ang pagtawa nito.

"Mom?" I smiled. Hindi ko alam pero parang may bumara sa lalamunan ko. Agad akong tumingala sa kisame para pigilan ang aking luha.

That's why I still want to fight... because I don't want my child to grow up without a father. I don't want him to grow with an incomplete family.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status