Share

Battered Wife's Sweet Revenge
Battered Wife's Sweet Revenge
Author: goddess_aba

Chapter 1

"T-Tama na, Lucas! Nasasaktan ako ano ba!" Pagmamakaawa ko sa kaniya pero parang wala iyang naririnig dahil patuloy niya lang akong hinihila papalayo sa opisina niya. Masakit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at alam na alam ko pagkamamaya, magkakaroon na naman 'yon ng pasa.

Namumula ang kaniyang muha dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya at mas lalong nagbigay sa akin ng sobrang takot nang tumingin siya sa gawi ko na may nakakatakot na mga mata. Nanlilisik ang mga 'yon na siyang dahilan kung bakit nilulukuban rin ako ng sobrang kaba.

Hiyang-hiya na ako lalo na't maraming nakatingin sa amin na mga empleyado niya. Ang iba ay nakangiwi, ang iba naman ay nandidiring nakatingin sa akin at may iba rin na naaawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at tila gusto ko na lang magunaw sa harapan nila dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko.

"I already fucking told you not to come here, Rowena! You are so damn stubborn you bitch!" Galit na galit niyang bulong sa tenga ko na siyang nagpakirot hindi lang sa pisikal, kun'di sa emosyonal. Hindi ko alam kung ilang beses ko pa bang titiisin ang pagtawag niya sa'kin ng ganiyan, hindi ko alam kung hanggang kailan ko titiisin ang pagtrato niya sa'kin ng ganito.

"H-Hinatid ko lang naman ang lunch mo, Lucas. P-Pinagluto kasi kita ng paborit--" hindi kona natapos ang sasabihin ko sana nang mas lalo niyang higpitan ang pagkakahawak niya sa akin na halos ikaungol ko sa sobrang sakit. "Masakit, Lucas." Mahina kong bulong pero hindi pa rin niya ako pinakikinggan.

Nakakahiya na sa mga empleyado niya rito sa loob ng building na halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa amin... sa akin. Pero parang wala lang pakialam si Lucas dahil sa galit na galit lang itong hinihila ang braso ko.

"Hindi ka na natutong babae ka!" Rinig ko sa kaniya hanggang sa makalabas kami ng gusali. Gulat pang napatingin sa amin ang dalawang guwardiya at tila natigilan sila nang makita nila ang boss nila. Agad silang bumati pero hindi sila pinansin dahil galit lang 'tong nakatingin sa akin.

I was stunnned when he suddenly throw away the lunch box I made for him in the big trashcan. And that's not it, he even throw some one thousand bills in my face that made me winced because of being afraid of what he did. I looked at his eyes and I can't even find a bit of concern or regrets, all I can see is hatred and anger towards me.

"Guards," he calledout the guards. Agad namang lumapit sa kaniya ang dalawang guwardiya at takot na yumuko. "Kapag nalaman kong pinapasok niyo pa ang manlilimos na 'to sa loob, sesesantihin ko kayong dalawa!" Parang dinurog ang puo ko dahil a sinabing 'yon ni Lucas. Agad may parang bumara sa lalamunan ko nang marinig o 'yon mula sa kaniya na para bang ibang tao ang tingin niya sa akin!

"O-Opo!" Tarantang sigaw ng dalawang guwardiya at agad akong inilayo. Dalawa silang nakahawak sa magkabilang braso ko na para bang isa akong kriminal na kailangang hulihin at ikulong. Hindi ko na namalayan na nakalayo na pala kami hanggang sa marahas nilang binitawan ang mga braso ko. Napapikit ako do'n dahil sa lakas ng pagkakabitaw nila.

"Grabe! Dahil sa'yo, malapit pa kaming masisante! Sabi na nga ba hindi ka mapagkakatiwalaan eh!" Sigaw ng isang guwardiya sa akin na siyang ikinayuko ko na lang. Hindi ako makapagsalita dahil sa parang umurong ang dila ko sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na mangyayari ito ulit sa akin at halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa sobrang kahihiyan.

"Tara na, hayaan na lang natin 'yan diyan. Isauli na lang natin 'yong mga pera kay sir." Pinanuod ko na lang silang umalis sa harapan ko habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa manggas ng damit ko. Naptingala ako sa kalangitan para maiwasang hindi mapaiyak pero sadiyang mapaglaro ang tadhana dahil sa bigla na lang bumuhos ng malakas ang ulan.

The rain maybe preventing me to look like a mess but I think I look more like a mess.

Nakakaawa ako tignan habang basang-basa sa ulan. Tinanaw ko ang matayog at matangkad na building na siyang pagmamay-ari ni Lucas at ngumiti ng mapait. Hindi iniinda ang malakas na pagbuhos ng ulan, ang maiingay na busina ng mga sasakyan at ang mga awa na nanggagaling sa mga dumadaan.

Sobra na akong naaawa sa saril ko. Sobrang nakakaawa pero kailangang lumaban.

Ilang beses na 'tong nangyari sa akin, kahit saang lugar. Ilang beses na rin akong napapahiya dahil sa ginagawa niya pero hindi pa rin ako tumitigil. Palagi ko pa rin siyang sinusuportahan at iniintindi... dahil 'yon ang tingin kong tama.

Asawa niya ako, asawa ko siya. Kasal kami at matagal na pero nagbago ang lahat nang makuha niya ang kompaniya ng daddy niya. Naging mas seryoso siya sa buhay at ang laging iniisip niya na lang ay ang negosyo ng pamilya niya. Noon ay palagi pa kaming kumakain magkasama sa umagahan hanggang hapunan pero ngayon, milagro na lang kung magkakasabay kaming dalawa sa hapag kainan. Magkatabi pa kami noon sa pagtulog pero nagbago ang lahat at halos hindi na siya umuwi sa bahay namin.

Hindi ko naman kinukuwestiyon ang trabaho niya lalo na't alam kong importante 'yon sa kaniya pero nakakalimutan niya na talagang may asawa siya. Minsan nakakalimutan niyang asawa niya ako at hindi tao na kung kailangan niya ng malalapitan niya ay lalapitan niya. Hindi ko alam pero minsan napapansin ko rin, mas nagmumukha akong estranghero para sa kaniya kaysa bilang asawa.

Napangiti na lang ako ng malungkot dahil sa hindi na ito ang unang pagkakataon na nangyari 'to sa akin. Ilang beses na at halos hindi ko na mabilang. Masakit man sa puso pero wala akong magagawa, mahal ko siya at hindi ko siya kayang iwan. Kahit saktan man niya ako ng pisikal o emosyonal, hindi ako susuko dahil alam kong darating rin ang oras na babalik siya sa dating ugali niya... sa dating Lucas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status