Itinakwil ng ama kaya't anim na taong nawala sa Pilipinas si Jenna. Kailangan lang niyang bumalik ng bansa dahil sa trabaho. Hindi niya naman akalain na magugulong muli ang buhay niya nang bumalik ng bansa lalo pa at bumalik uli ang ala-ala ng nakaraang gusto na niyang kalimutan. Dumagdag pa sa sakit ng ulo niya ang "out of the blue" na proposal ng isang Zian Walton Escobar. Ni hindi niya personal na kilala ang lalaki kaya't ipinagtataka niya ang pag-alok nito ng kasal sa kanya. Hindi na sana niya sasakyan ang kahibangan ng lalaki dahil maaaring pinag-tripan lang siya nito lalo pa't alam niyang isa sa pinakamayaman sa bansa ang angkan nito. Ang tanging nakapagpukaw ng interes niya ay ang malaking pagkakahawig nito sa anak niyang si Xavier. Sino nga ba si Zian Walton Escobar?
View More"You can be my girlfriend, if papayag ka ngayon." Muntik pa niyang maibuga palabas ang beer sa loob ng bibig niya dahil sa narinig. Nang malunok na nang tuluyan ang beer na hindi nabubulunan ay saka siya tumawa nang tumawa. Siya yata ang biglang nalasing kahit isang lata lang ng beer ang naubos n
Ando'n uli sila ni Arthur sa paboritong tambayan nila, sa top view ng siyudad. Nakaupo sila sa lupa kung saan kitang-kita ang mga ilaw sa mga buildings sa siyudad. As usual, may baon uli itong beer in cans. Kuntentong tahimik na nakaupo lang sila sa pwesto nila at nakatingin sa mga ilaw sa ibaba.
Two years after... Kahit hindi na pareho ang school na pinapasukan nila ni Arthur ay madalas pa rin silang magkita ng lalaki. Business course ang kinukuha nito. Nabanggit nito sa kanya na gusto ni Mrs. Conchita na sa ibang bansa ito pag-aralin katulad ni Zian pero tumanggi ito. Nawiwili na rin kas
Pinuntahan niya sa school nito si Clarise. Nabanggit ni Arthur dati ang schedule ng klase nito para sa MWF. Hindi siya sigurado kung gano'n pa rin ang out ng babae pero nagbabakasakali siya. Inaalala rin niya na baka makita si Arthur do'n para sunduin ang girlfriend nito. Habang nag-aabang ay panay
"Magli-live in kayo?" Napamulagat na sabat niya. Tumawa ito. "Of course not, pero- if aabot sa ganyan, I think kaya ko naman yatang-" "Seryoso ka ba, Arthur? Ilang taon ka pa lang, ha? Nabubulagan ka na ba ng pag-ibig-pag-ibig na iyan? Hindi mo ba naiisip ang magiging buhay mo kung basta-basta na
"You know Clarise, right?" Natigilan siya. Dagli ring kinabahan sa paunang tanong ng babae. "Y-yeah. H-hindi ba't isa siya sa mga scholars ninyo na anak ni Aling Corazon?" Tumango ito habang iniikot ang kutsara sa tasa ng kape nito. "May relasyon ba sila ni Arthur?" Diretsang tanong nito. Natig
Tinupad nga ni Arthur ang usapan nila. Hindi na siya nito pinupuntahan sa classroom nila tuwing break. Kapag uwian naman ay siya ang nagmamadaling umalis ng room para maiwasan kahit ang hindi sinasadyang pagkikita nila sa labas. Kinukumusta naman siya nito sa phone paminsan-minsan. Nakatulong ang h
Kinakabahan siya nang ipatawag siya ni Mrs. Conchita sa opisina nito sa loob ng mansyon. Nag-aalala agad siya para kay Clarise. Nalaman na kaya nito ang lihim na relasyon nila ni Clarise? Kung sakali man ay buo rin naman ang loob niyang pag-aralin si Clarise kung babawiin na ni Mrs.Conchita ang sch
Panay ang lingon niya kay Clarise na tahimik na nakaupo sa tabi niya habang nagda-drive siya. Ramdam niyang parang may malaking problema ito. "Are you okay?" Hindi na niya napigilang itanong. Ibinaling nito ang tingin sa kanya saka ngumiti nang tipid. "Arthur, pwede bang huwag muna tayong umuwi
Pilit na ibinubuka ni Jenna ang mga mata para makita nang maayos ang numero ng kwarto ng inn na iyon. Ipinilig pa niya ang ulo nang sa tingin niya ay naliliyo na siya habang nakahawak sa door knob para lang huwag mabuwal.Pumikit muna siya nang ilang segundo bago itinuong muli ang mga mata sa numero...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments