Ngani-ngani na niyang patulan ang babae pero pinigilan niya lang ang sarili dahil boss pa rin niya naman ito. Hindi naman big deal sa kanya ang pakikipagpalit nito ng office sa kanya. Baka nga naman kasi nagkamali lang ng bigay sa kanya. Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang paraan ng pagpapaalis n
Gusto niyang maging productive sa unang araw ng trabaho niya sa Pilipinas sa kabila ng hindi magandang simula nila ng senior niyang si Paula. Habang busy ang dalawang utility staff na lalaki sa kakahakot sa mga gamit ni Paula para ilipat sa opisina niya sana ay hinila niya ang isang upuan at pumuwes
Buong araw nga siyang nasa pantry nakatambay. Do'n na rin siya kumain ng lunch. Hinintay niyang tawagan siya ni Paula upang ipaalam kung pwede na siyang lumipat sa magiging opisina niya pero isang oras na ang lumipas pagkatapos ng lunch ay hindi pa rin ito kumontak sa kanya. Napagpasyahan niyang
Hindi niya tuloy alam kung saan didiretso nang pumasok na siya kinabukasan. Hinanap niya na lang din ang dating opisina ni Paula at umaasang nailipat na nito lahat ng mga gamit nito sa bagong opisina. Nakita niyang pangalan pa rin ng babae ang nakalagay sa pinto. Sinubukan niyang buksan ang pinto p
Gusto niyang maasiwa lalo at obvious din ang matamang pagtitig nito sa kanya sa mga mata ni Paula. Iniiwas niya ang tingin sa lalaki at ibinaling kay Paula ang mga mata kaya't kitang-kita niya ang pagtaas ng kilay nito habang parang nagtatakang nakatingin din kay Zian. "I changed my mind. Instead
Nang bumalik siya ng opisina ni Paula ay naabutan niya itong parang naiinis habang kausap ang mga staff na inaalis ang mga gamit nito. "Who told you to bring my things back to my old office? Inutusan ko ba kayo?" Kahit gigil na gigil ang boses nito ay hininaan lamang nito sa takot na baka marinig
Maaaring isinali nga sa report ni Paula ang eksenang tungkol sa kape kaya't alam iyon ng lalaki at tila ginawa pa nitong biro iyon. Nang mapatingin siya rito ay ando'n nang muli ang ngiting napagkit na yata sa utak niya. "I can't believe this..." Parang wala sa sariling sabi ni Paula. Bumalik
Kanina pa siya hindi mapakali habang iniisa-isang tingnan ni Zian ang isang folder na puro designs niya. Tatlong araw mula nang pirmahan niya ang bagong posisyon bilang Senior Designer ay saka lang niya uli nakita ang lalaki. Inaamin niya na sa loob ng tatlong araw na iyon ay ilang beses ding napap
Dumiretso siya sa isang bakanteng upuan. Mamaya pa nila malalaman ang seat plan nila kaya't umupo siya sa silyang malayo sa inuupuan nito. "Ang isnabera naman ni Chunky." Ayaw yata talaga siyang tigilan nito. Narinig pa niya ang pagtawa ng iba pang naroon. Inirapan niya lang ang kaklase. Mabuti n
"Dad, can I skip softball practice after school? Pinagtatawanan kasi nila ako kasi mabagal akong tumakbo because of my weight-" "That's all the more reason you need to join. You need to do more physical activities so you can lose weight." Parang walang ano mang putol ng ama niya sa kanya habang bus
"Arthur, di ba you'll be in second grade next school year just like me?" Parang excited na tanong nito. Late kasi siya ng isang taon sa pag-aaral. Hindi siya napag-aral agad dahil dati pa ay sinusumpong na ng sakit ang ina niya. Nagtataka siya kung bakit parang ang saya nito kahit mukhang kakagisi
Agad na nilatag niya sa ibabaw ng kama ang mga pinamili nila sa mall. Sa totoo lang ay first time niyang makatungtong sa mall na gano'n kalaki. Isinama siya ni Zian habang namimili ito ng mga kagamitan sa school kahit isang buwan pa bago ang pasukan uli. Sinamahan sila ng yaya nito sa mall. Mula n
Kanina ay excited na excited siya nang malamang bibisita uli sila ng mamita niya sa bahay nina Zian. Ang mamita niya ay ang lola niya na ina ng daddy niya. Matalik na magkaibigan ang mamita niya at ang lola ni Zian kaya't walang linggo na hindi nadadayo ang lola niya sa mansiyon ng mga ito. Minsan
Sa labas pa lang ng gate ay halos malula na siya sa laki ng bahay na magiging tahanan na niya mula sa araw na iyon. "Arthur," nilingon siya ng lola niya. "Tandaan mo, ha, mula ngayon ay inay ang itatawag mo sa akin. Hindi mo ako lola kundi ako ang iyong ina. Huwag na huwag mo iyang kakalimutan." P
Mangiyak-ngiyak ito at hindi rin makapaniwala sa lahat ng nalaman nito. Napatitig siyang muli kay Zian. I love you... Iyon ang mga salitang tahimik na sinabi nito sa kanya na nababasa niya sa mga labi nito. Do'n na niya hindi napigilan ang pag-agos ng dalawang luhang nagpapaligsahan sa pag-a
Nang hindi siya umimik ay bumitaw na ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang tawagin nito ang mga pulis at itinaas ang dalawang kamay. Nang akmang ipoposas na rin ng isa sa mga pulis ang nakalambitin na posas kay Zian ay saka lang siya parang natauhan. Tinampal niya ang kamay ng pulis bago pa ma
Inasikaso niya muna ang lahat ng mga dapat asikasuhin para maisampa ang mga kaso kina Amanda at Chelsea . Ang plano niya ay saka na kausaping mabuti ang anak kapag nakabalik na sila ng UK. Sa ngayon ay kailangan niya munang masiguro na makagawa ng hakbang para mapagbayaran ng dalawa ang mga kasala