Chapter: KABANATA 99: FINALE (MY FOREVER IS YOU)Nang hindi siya umimik ay bumitaw na ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang tawagin nito ang mga pulis at itinaas ang dalawang kamay. Nang akmang ipoposas na rin ng isa sa mga pulis ang nakalambitin na posas kay Zian ay saka lang siya parang natauhan. Tinampal niya ang kamay ng pulis bago pa man nito maiposas ang kamay ni Zian. "Bakit ninyo naman siya aarestuhin? Ano bang kasalanan niya?" Galit na sita niya sa pulis. Napakamot sa ulo ang pulis na tinanong niya saka napatingin sa mga kasamahan. "At ikaw, sinong kikilalaning ama ng mga anak ko kung magpapakulong ka? Sira ka ba?" Inis na sabi niya saka sinuntok ito nang mahina sa dibdib. Ang kanina'y naiiyak na mukha ni Zian ay may ngiting unti-unting sumilay sa mga labi. Bigla nitong hinuli ang kamay niyang ayaw na yatang tumigil sa kakasuntok sa dibdib nito. "Ayaw mo akong ipakulong?" Naninigurong tanong nito na hinalikan na ang isang kamay niyang hawak nito. "Bakit? Gusto mo bang takasan itong responsibilidad mo sa a
Huling Na-update: 2025-01-19
Chapter: KABANATA 98: SAYING GOODBYEInasikaso niya muna ang lahat ng mga dapat asikasuhin para maisampa ang mga kaso kina Amanda at Chelsea .Ang plano niya ay saka na kausaping mabuti ang anak kapag nakabalik na sila ng UK.Sa ngayon ay kailangan niya munang masiguro na makagawa ng hakbang para mapagbayaran ng dalawa ang mga kasalanan sa kanya.Hindi iilang beses na kinontak siya ni Chelsea para iurong niya ang kaso pero bingi na siya sa mga pagmamakaawa ng mga ito sa kanya.Ang araw na iyon ang flight nila pabalik ng UK. Apat na raw nang hindi nagparamdam si Zian sa kanya.Apat na araw nang tahimik ang phone niya sa mga tawag at text nito. Apat na araw nang walang pumupunta ng bahay nila para mangulit.Apat na araw na rin siyang walang tigil sa pag-iyak. Gustong kamuhian ng isip niya ang lalaki pero ang puso niya ay nanatiling tumitibok para rito.Napahawak siya tiyan niyang wala pang umbok pero alam niyang may nagsisimula nang mabuo sa loob.Biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at sumungaw ro'n ang malungkot na m
Huling Na-update: 2025-01-19
Chapter: KABANATA 97: KARMA IS A BITCHHindi maampat-ampat ang mga luha ng ama niya habang nasa harap sila ng libingan ng ina niya.Napag-alaman niyang isang taon mula nang pinalayas siya ng ama ay nalaman nitong patay na ang ina niya.Hinanap siya nito at nalamang nasa UK nga siya pero imbes na puntahan siya ay hinayaan siya ng amang manirahan sa UK. Sa masasakit na salitang binitiwan nito tungkol sa ina niya nang palayasin siya ay wala na raw itong mukhang ihaharap sa kanya para pabalikin siya ng Pilipinas. Nalaman din ng ama niyang hindi totoong sumama sa ibang lalaki ang mama niya dahil ang lahat ng iyon ay puro gawa-gawa ng madrasta niyang si Zenaida para tuluyang mahulog ang loob ng ama niya rito."I'm sorry, Kristine. Alam kong huli na ang lahat para humingi ng tawad sa mga naging kasalanan ko sa'yo," humahagulgol na sabi ng ama niya sa puntod ng ina."Dad, tama na. Alam kong napatawad ka na ng Mama. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo," pilit na pinatatag niya ang sarili upang huwag ding umiyak. Ayaw niyang mas
Huling Na-update: 2025-01-18
Chapter: KABANATA 96: IMPOSSIBLE TRUTHMas lalong lumakas ang bulungan ng mga dumalo. Nag-aalalang nilingon niya ang ama. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa envelope na inabot kanina ni Amanda.Si Zian ay kinausap saglit si Mrs. Conchita pero umiling-iling lang ang matanda. Sa tingin niya ay gusto ni Zian na paalisin muna ang lola nito do'n para huwag nitong masaksihan ang gulong nagaganap.Nang hindi nga makumbinsi ang matandang babae ay inalalayan na lang ito ni Zian na bumalik sa upuan nito.Si Zenaida naman ay nahuli niyang tahimik na napapangiti. Hindi man lang ito kakitaan ng pag-aalala sa kalagayan ng ama niya.Pinisil niyang muli nang mahigpit ang kamay ng ama."Let me handle this, Dad." Tinatagan na niya ang loob niya saka siya tumayo.Lumapit siya sa kinatatayuan ni Zian pero naglagay din ng konting distansiya sa pagitan nila.Hindi niya kasi alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito habang titig na titig sa larawan sa projector. Hindi niya alam kung paano ito haharapin pagkatapos ng gabing iyon pero kailangan niya
Huling Na-update: 2025-01-16
Chapter: KABANATA 95: THE TRUTH"This is a family matter, by the way. However, I also want to take this opportunity to explain my side regarding why I suddenly left before my wedding with Zian. I have already explained my side to Zian, but I also want everyone to know the real reason I had to leave, even though I love Zian so much and have dreamed of nothing else but marrying him."Tumahimik ang lahat at matamang nakikinig kay Heather. Sinenyasan ni Zian si Arthur kaya't mabilis na lumapit ang lalaki sa harap. May ibinulong si Zian dito saka tumango-tango ang lalaki.Agad na lumapit si Arthur sa kanila."Kukunin ko muna si Xavier at ipapasyal sa labas," makahulugang sabi ni Arthur sa kanya.Nakuha niya naman agad ang gustong gawin nito. Iniiwas nito ang anak niya sa kung ano mang tensiyon na sinimulan ni Heather.Tumango siya saka bumaling sa anak na naguguluhan ang mukha."You might get bored with their speech, so Tito Arthur here will drive you around first, okay?" Sabi niya sa anak.Tumayo naman si Xavier saka tu
Huling Na-update: 2025-01-12
Chapter: KABANATA 94: A MEMORABLE NIGHT FOR YOUThanksgiving PartyNasa bahay sila ng ama niya at kanina pa nakahanda. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya sa gabing iyon. Para siyang excited na may halong hindi matukoy na damdamin.Si Arthur ang susundo sa kanila dahil ang sabi ni Zian ay may aasikasuhin muna ito.Sasama rin sa kanila ang madrasta niyang si Zenaida at ang stepsister na si Amanda. Nagtaka pa nga siya nang malaman na sasama ang dalawa. Mas lalong ipinagtaka niya na para bang excited din si Amanda at parang masayang-masaya. Inayos niya muna uli ang ayos ng anak bago sila lumabas ng bahay.Nang makarating sila sa manor ng mga Escobar ay marami-rami na ring mga empleyado ng Glamour Fashion Philippines ang dumating.Agad na sinalubong sila ni Mrs. Conchita Escobar. Hindi rin maikakaila sa mukha nito ang kasiyahan. Napaisip tuloy siya kung nagkaayos na ito at si Zian."I'm so happy to see you and your family, Jenna. I'm sorry at hindi ako nakadalo sa fashion gala but I've seen the video. I'm so proud
Huling Na-update: 2025-01-10