Share

Kabanata 0007

Author: JCuenz
last update Last Updated: 2024-10-30 14:30:06

"Hey po, do you know who my father is?"

Mabilis na nilingon ni Jenna ang anak nang marinig ang boses nito. Hindi niya napansin na bumaba pala ito ng cart bago pa siya naglakad palayo sa mga lalaking sumalubong sa kanila sa airport.

"Xavier!" Agad na tawag niya rito sabay hawak sa kamay ng bata.

"Sorry," hinging paumanhin niya sa tauhan ni Mrs. Escobar.

"Mommy, I just-"

Agad na kinarga niya ang anak nang parang ayaw nga nitong paawat sa kakatanong sa lalaki. Nagulat din siya dahil iyon ang unang beses na nagtanong ang anak tungkol sa ama nito sa ibang tao.

"Xavier, you cannot just ask anyone about your... d-dad, okay?" Halos ayaw pang lumabas sa bibig niya ang salitang "dad".

Biglang lumungkot ang mukha ng bata.

"I thought they knew my dad because we're here in the Philippines already, Mom."

Imbes na sagutin agad ang anak ay hinalikan niya ito sa noo. Hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot dito. Alam niyang simula pa lang iyon at masusundan pa ang mga tanong nito lalo pa at nasa Pilipinas na sila. Kinumpirma niya kasi na nasa Pilipinas nga ang ama nito para may masagot man lang siya sa mga tanong nito tungkol sa ama.

"Mommy, I'm hungry."

Nalilito pa ang utak niya kung ano ang sasabihin sa anak. Mabuti na lang at ito na ang kusang nag-iba ng topic.

"Okay, let's eat first before we go home." Hinalikan niyang muli ito sa noo saka ibinaba.

Pumara siya ng taxi at nagpahatid muna sa bukas pa na kainan.

Mabuti at hindi pa naman gano'n kalalim ang gabi nang marating nila ang Pilipinas.

Pagkakain ay agad na nagpahatid na siya sa tutuluyan nila ng anak.

Bago pa sila umuwi ng Pilipinas ay nakahanap na siya ng matitirhan nila ng anak sa tulong ni Kate, ang pinsan niya. Isa rin iyong maliit na condo malapit sa magiging office niya.

Napabuntunghininga siya nang maalala ang trabaho. Hindi naging madali ang buhay niya nang mapadpad siya ng UK. Mabuti at may malayong kamag-anak sila sa side ng ina niya na kumupkop sa kanya. Tumutulong siya sa mga gawaing bahay ng kamag-anak habang nag-aaral din siya ng short course ng designing.

Iyon ang napili niya dahil mahilig siya sa pagdi-design ng mga damit dati pa. Mas lalong naging kumplikado ang sitwasyon niya nang malaman niyang buntis siya.

Talaga nga yatang pinaglaruan siya ng tadhana nang mga panahong iyon dahil nag-iwan pa talaga ng ala-ala ang pangyayaring pilit niyang kinakalimutan.

Halo-halong emosyon ang naramdaman niya nang malamang nagbunga ang karahasan ng lalaking isinusumpa niya, mas lamang ang galit niya lalo na kina Chelsea at Amanda.

Hindi talaga siya nagsumbong sa pulis dahil ayaw niyang makaladkad ang pangalan ng ama sa iskandalong iyon. Sa katunayan ay maaari pa niyang dalhin ang mga pulis sa kwarto kung saan nanatiling walang malay ang lalaking bumaboy sa kanya.

Ayaw niyang tumatak sa utak niya ang pagmumukha ng lalaki kaya't ni hindi man lang niya binuksan ang ilaw para tingnan ang hitsura nito.

Kahit nangangapa sa dilim ay pinilit niyang magbihis para makalabas agad ng kwarto habang nanatiling walang kakilos-kilos ang lalaki. Marahil sa sobrang kalasingan kaya't nawalan ito ng malay pagkatapos nitong angkinin siya nang sapilitan.

Bakit hindi na lang ito nawalan ng malay bago pa man nito naisakatuparan ang lahat?

Napalingon siya kay Xavier. Diyata't may dahilan ang lahat. Pinahintulutan yata ng tadhana na mangyari ang dapat mangyari para dumating sa buhay niya si Xavier.

Napangiti siya sa kabila ng mapait na ala-ala. Ni hindi sumagi sa isip niya na ipalaglag ang nasa sinapupunan niya kahit pa mangangahulugan iyon ng panghabang-buhay na pagtakwil ng ama sa kanya.

Siguradong mas isusuka siya nito bilang anak kapag nalamang nagkaanak siya at wala man lang maipakilalang ama ng bata. Lalong iigting ang mga maling akala nito sa kanya na itinanim ng stepsister niyang si Amanda at ng dating kaibigan na si Chelsea.

Kahit nasa malayo siya ay ilang beses siyang kumukontak sa ama pero lagi ay ayaw nitong tanggapin ang kanyang tawag. Wala siyang itinanim na galit para rito. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito bilang ama.

Hindi siya nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na pakikinggan siya nito para maituwid niya ang mga maling iniisip nito sa kanya.

Sa ngayon ay magfo-focus muna siya sa trabaho niya. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho sa Glamour Fashion.

Naging matalik na kaibigan niya ang isa sa mga naging kaklase sa designing course at nagta-trabaho na ito sa Glamour Fashion nang panahong iyon.

Nang matapos niya ang associate degree for designing ay sumubok siyang mag-apply sa Glamour Fashion na sikat din sa UK. Nabigyan siya ng part time job lang pero makalipas ang isang taon ay inabsorb na rin siya ng kompanya dahil naging mabenta ang designs niya.

Ngayon nga ay hindi siya makahindi nang alukin siya ng kompanya na lumipat sa Pilipinas dahil nagpatayo sila ng branch sa bansa. Isa siya sa mga napili na ma-relocate dahil na rin sa kaalaman na isa siyang pinay. Magiging advantage daw kasi iyon lalo at taga Pilipinas siya.

Malaki ang itataas ng sweldo niya kaya't pumayag na rin siya.

Ang totoo rin kasi ay masidhi ang kagustuhan niyang makabalik ng Pilipinas lalo pa at nalaman niya na may dinaramdam ng sakit ang ama. Nakikibalita kasi siya lagi sa pinakamalapit niyang pinsan na si Kate.

Napag-alaman niyang halos kalahati ng mga negosyo nila ay sina Amanda at Zenaida na ang namamahala.

Wala naman siyang pakialam na sa mga ari-arian ng ama. Mas iniisip niya ang kalusugan nito kaya't ipinagpasalamat na rin niya na hinahayaan na nitong tulungan ito ng iba sa pamamahala ng mga negosyo nito.

Sa susunod na linggo na agad siyang magsisimula sa trabaho niya. Mag-iisang taon na ang Glamour Fashion sa Pilipinas nang alukin siya ng kompanya na lumipat sa branch nila sa Pilipinas.

Agad na pumatok ang mga designs ng Glamour Fashion sa Pilipinas kahit kakasimula pa lang nito sa bansa. Gusto ng kompanyang i-introduce ang designs niya sa sariling bansa dahil naniniwala sila na mas lalong papatok iyon dahil na rin mas alam niya ang taste ng mga Pinoy.

Sa Europe ang main branch ng Glamour Fashion at nabalitaan niyang may mga Filipino models ng company ang ipapadala rin ng kompanya na siyang gagawing models ng mga gawa niya.

Kahit kakarating pa lang ay agad na sumabak na siya sa trabaho nang mapatulog na si Xavier.

Tiningnan niya ang design ng isang gown na di niya matapos-tapos. Kailangang maging mabusisi siya sa design na iyon dahil iyon ang gown na isusuot ng main model sa Europe ng kompanya.

Iyon ang gown na isusuot ni Heather Phillips. Isang half Filipina, half American model na uuwi rin ng Pilipinas sa taong iyon.
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dela Cruz Maricel
wla n Pala add
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0008

    "Did you introduce yourself to Jenna already?" Kahit matanda na ang lola niya ay hindi pa rin maikakaila ang pagiging demanding at bossy nito sa tono ng pananalita. Kung naiiba lang ay siguradong manginginig na sa boses pa lang ng abuela. Kalmadong umupo si Zian sa swivel chair sa harap ng mesa ng

    Last Updated : 2024-10-30
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0009

    First day niya sa trabaho sa araw na iyon. Mabuti na lang at malapit lang ang nursery school na nahanap niya para sa anak sa condo nila. Siya na ang naghatid kay Xavier at ang susundo naman sa anak niya mamaya ay ang stay out yaya na nirekomenda ng pinsan niyang si Kate. Alas otso ng umaga ang paso

    Last Updated : 2024-10-30
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0010

    "Just wait in my office," sabay talikod na sabi ng babae. "Wait, should't I be here also?" Pahabol na tanong niya bago pa man ito nakalayo sa kanya para bumalik sa loob. Nasa bukana pa rin kasi sila ng pintuan. Mabuti na lang at nasa bagong CEO na ng kompanya nakatuon ang atensiyon ng lahat. N

    Last Updated : 2024-10-31
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0011

    Ngani-ngani na niyang patulan ang babae pero pinigilan niya lang ang sarili dahil boss pa rin niya naman ito. Hindi naman big deal sa kanya ang pakikipagpalit nito ng office sa kanya. Baka nga naman kasi nagkamali lang ng bigay sa kanya. Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang paraan ng pagpapaalis n

    Last Updated : 2024-11-01
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0012

    Gusto niyang maging productive sa unang araw ng trabaho niya sa Pilipinas sa kabila ng hindi magandang simula nila ng senior niyang si Paula. Habang busy ang dalawang utility staff na lalaki sa kakahakot sa mga gamit ni Paula para ilipat sa opisina niya sana ay hinila niya ang isang upuan at pumuwes

    Last Updated : 2024-11-02
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0013

    Buong araw nga siyang nasa pantry nakatambay. Do'n na rin siya kumain ng lunch. Hinintay niyang tawagan siya ni Paula upang ipaalam kung pwede na siyang lumipat sa magiging opisina niya pero isang oras na ang lumipas pagkatapos ng lunch ay hindi pa rin ito kumontak sa kanya. Napagpasyahan niyang

    Last Updated : 2024-11-02
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0014

    Hindi niya tuloy alam kung saan didiretso nang pumasok na siya kinabukasan. Hinanap niya na lang din ang dating opisina ni Paula at umaasang nailipat na nito lahat ng mga gamit nito sa bagong opisina. Nakita niyang pangalan pa rin ng babae ang nakalagay sa pinto. Sinubukan niyang buksan ang pinto p

    Last Updated : 2024-11-03
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0015

    Gusto niyang maasiwa lalo at obvious din ang matamang pagtitig nito sa kanya sa mga mata ni Paula. Iniiwas niya ang tingin sa lalaki at ibinaling kay Paula ang mga mata kaya't kitang-kita niya ang pagtaas ng kilay nito habang parang nagtatakang nakatingin din kay Zian. "I changed my mind. Instead

    Last Updated : 2024-11-03

Latest chapter

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0136

    Mangiyak-ngiyak ito at hindi rin makapaniwala sa lahat ng nalaman nito. Napatitig siyang muli kay Zian. I love you... Iyon ang mga salitang tahimik na sinabi nito sa kanya na nababasa niya sa mga labi nito. Do'n na niya hindi napigilan ang pag-agos ng dalawang luhang nagpapaligsahan sa pag-a

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0135

    Nang hindi siya umimik ay bumitaw na ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang tawagin nito ang mga pulis at itinaas ang dalawang kamay. Nang akmang ipoposas na rin ng isa sa mga pulis ang nakalambitin na posas kay Zian ay saka lang siya parang natauhan. Tinampal niya ang kamay ng pulis bago pa ma

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0134

    Inasikaso niya muna ang lahat ng mga dapat asikasuhin para maisampa ang mga kaso kina Amanda at Chelsea . Ang plano niya ay saka na kausaping mabuti ang anak kapag nakabalik na sila ng UK. Sa ngayon ay kailangan niya munang masiguro na makagawa ng hakbang para mapagbayaran ng dalawa ang mga kasala

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0133

    Si Xavier na walang kaalam-alam sa mga pangyayari ay nagtatanong na kung bakit hindi na nito nakakausap ang ama. Pinagbawalan niya rin kasi si Zian na makita ang anak niya. Ang anak nila! Ang alam niya ay kinausap na nang tuluyan ng ama niya si Zian dahil maging ito ay kinukulit ni Zian kahit hala

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0132

    Hindi maampat-ampat ang mga luha ng ama niya habang nasa harap sila ng libingan ng ina niya. Napag-alaman niyang isang taon mula nang pinalayas siya ng ama ay nalaman nitong patay na ang ina niya. Hinanap siya nito at nalamang nasa UK nga siya pero imbes na puntahan siya ay hinayaan siya ng amang

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0131

    Naka-zoom in na nga ang kaliwang parte ng likod nito sa itaas. Inadjust na rin ang brightness no'n dahil hindi agad mapapansin ang balat na iyon kung hindi ia-adjust. Nanlaki ang mga mata niya nang makita nga ang parehong balat ni Zian do'n. Tiningnan niya ang balat sa likod nito para maniguro. Nap

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0130

    Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga dumalo. Nag-aalalang nilingon niya ang ama. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa envelope na inabot kanina ni Amanda. Si Zian ay kinausap saglit si Mrs. Conchita pero umiling-iling lang ang matanda. Sa tingin niya ay gusto ni Zian na paalisin muna ang lola nito d

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0129

    "This is a family matter, by the way. However, I also want to take this opportunity to explain my side regarding why I suddenly left before my wedding with Zian. I have already explained my side to Zian, but I also want everyone to know the real reason I had to leave, even though I love Zian so much

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0128

    Nang makaabot do'n ay kinuha nito ang mic ng isang host. "Am I late?" Pabirong sabi nito sa lahat. "Sorry at hindi man lang ako nakapag-ayos talaga but you won't mind, right, Mrs. Escobar?" Matamang tiningnan muna ng matanda si Heather bago sumagot. "It's okay, Heather, after all, this party is

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status