Isang kontrata ang magtatali kila Ysla at Nathan. Kasunduan na may hangganan at dahil lamang sa mga personal nilang dahilan. Si Nathan upang masunod ang kanyang lola at si Ysla upang makaganti sa kanyang fiance at sa mga taong inakala niyang pamilya. Paano kung magbago na ang pagtingin nila sa isa't-isa kasabay ang pagbabalik ng dating pag-ibig ni Nathan at pagdating ng mga problemang dulot ng pamilya ni Ysla?
Lihat lebih banyakYslaHindi ko maipaliwanag, pero parang biglang lumundag ang puso ko. Naging mabilis ang tibok, walang babala, parang tambol na sunod-sunod ang hampas. Para akong biglang natahimik sa sarili kong mundo habang magkahinang ang aming mga mata.Para bang huminto ang oras, at sa pagitan ng titig na iyon, may lihim kaming naiintindihan na kahit kami mismo ay hindi kayang ipaliwanag.Ilang segundo pa lang ang lumipas, ngunit pakiramdam ko'y habang-buhay kaming na-stuck sa sandaling iyon. Hanggang sa napansin kong pareho naming pinakawalan ang bahagyang ngiti sa aming mga labi. Sabay, tulad ng kung paanong sabay ding tumigil ang aming mga titig sa isa’t isa.Teka lang… paano ko nalaman 'yon?Dahil sa mga labi niya ako nakatingin.Bigla akong napalunok, para bang nanuyo ang lalamunan ko. Naramdaman ko ang init na dahan-dahang umaakyat mula leeg ko hanggang sa pisngi.Umiinit ang mukha ko, hindi dahil sa kahihiyan lang, kundi dahil sa alaala. Ang maalab at mapusok na alaala ng kung paano niya a
Ysla“Anong ibig mong sabihin? Hindi ko ma-gets,” litong-lito kong tugon habang napapakunot ang noo. “Wala naman sigurong masama kung maging tauhan niya ang mga magulang ko. Magkapatid sila ng nanay ko at natural lang kung magtutulungan sila, ‘di ba?”Napatingin siya sa akin, matalim ngunit puno ng pag-aalalang titig. “I’m thinking… na maaaring ang mga magulang mo ang talagang may-ari ng kumpanyang hawak ng tiyuhin mo ngayon.”“What?” napabulalas ako, at halos matawa sa absurdity ng sinabi niya. “Nasisiraan ka na ba? Hindi ko maintindihan ‘yan, at lalong hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ideyang ‘yon.”Pero nanatili siyang seryoso. “How long have you been living with your uncle?” tanong niya, diretsahan.“Since I was five,” sagot ko. “Nagkaroon ng aksidente sa pamilya namin, tapos nagising na lang ako sa ospital.”“Tapos?” ulit niya, parang ayaw tantanan hangga’t hindi niya nakuha ang buong kwento.“That’s it. Sila na ang kumupkop sa akin mula noon kasi nga raw… namatay ang mga ma
Pinagtulungan naming ligpitin ni Nathan ang aming pinagkainan. Tahimik kaming gumalaw, pero may kakaibang alon ng tensyon sa pagitan namin. Sa bagay, ganito naman na talaga kami. Magkibuan-dili, at hindi rin ganap na komportable.Kinuha ko ang lunchbag ko at nagtangkang lumabas ng kanyang opisina, ngunit bago ko pa man mahawakan ang doorknob, nagsalita siya.“Kapag dumating ang report na inaasahan ko, ipapatawag ulit kita,” aniya, malamig ngunit magalang ang tono.Napalingon ako sa kanya at tumango, walang salita, pero sapat na ang tugon ko para malaman niyang naintindihan ko. Pagkatapos ay tahimik na akong nagpatuloy sa paglakad palabas ng opisina niya.Habang pabalik sa desk ko, naramdaman ko ang bahagyang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil ba sa pag-uusap namin o dahil sa tinig niyang tila ba pinipigil ang sariling emosyon? Iniisip ko na baka hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.Pagdating ko sa table ko, maingat kong inilagay sa ilalim nito ang lunchbag na dala ko. Saglit akong nau
YslaAyaw ko sa nararamdaman ko.May kakaibang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko tuwing nahuhuli ko ang mga titig ni Nathan. Hindi ko alam kung epekto ba 'yon ng gutom, ng pagod, o ng simpleng ilusyon. Pero ang sigurado ako, delikado 'yon.Sobra.Kaya dapat akong umiwas.Hindi ko dapat hayaang mahulog ako sa bitag ng mga tingin niyang 'yon. Hindi ngayon. Hindi kailanman.“Maupo ka na at nang makakain na tayo,” aniya, kaya kahit ayokong magmukhang sunud-sunuran, napilitan na rin akong gawin ang sinabi niya. Para saan pa at makikipagtalo ako kung totoo namang nagrereklamo na ang sikmura ko?Pagkaupo ko, saka ko lang napansin na para sa aming dalawa pala talaga ang laman ng lunchbag. Hindi ko man lang naramdaman na medyo mabigat pala iyon noong kunin ko 'yon sa table kanina ng ipatong ni Manang Nelda.Siguro ay dahil sa inis na nararamdaman ko kanina bago umalis dahil nga kailangan ko ng mag-report ngayon sa office ni Nathan bilang assistant ng assistant niya.Ang bango ng ulam. Beef na
“Follow me,” utos niya. Wala man lang bakas ng ngiti sa kanyang mga labi. Seryoso ang tono niya, matigas ang pananalita na parang pinapaalala sa akin kung sino ang boss dito. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang, kahit medyo kumulo ang dugo ko sa istilo ng pagkakasabi niya.Diretso siya sa tila receiving area ng opisina niya. Isa iyong six-seater rectangular table na hindi naman kalayuan sa mismong office desk niya. Doon ko lang napansin iyon at sa palagay ko, dito niya inaasikasong makipag-usap kay Damien o sa kung sinumang bisita niya kung sakaling may pag-uusapan silang importante.Nakakatawang hindi ko iyon agad napansin kanina nang dalhin ko ang folder at pinapirmahan sa kanya. Lalo na kaninang umaga nang inihatid ko ang kape niya. Ni hindi ko nga nakita ang table na ‘yan dahil sa tuwing pumapasok ako sa opisina niya, siya agad ang unang nahuhuli ng paningin ko.Pero isang tanong ang bigla kong hindi napigilan, bakit hindi sila nag-usap ni Blythe dito? Bakit sa mismong
YslaBumalik ako sa table ko sa labas at marahang naupo, sabay patong ng folder na may dokumentong pinirmahan ni Nathan. Bahagyang napabuntong-hininga ako habang tinititigan ang papel kasabay ang pag-asa na bigla na lang maglaho ang gulo sa utak ko. Mamaya lang ay babalik na rin si Jam para kunin ito.Pilit kong tinatapik ang sarili ko mentally. Focus, Ysla. Trabaho muna. Wala ka sa teleserye.Sinubukan kong balikan ang ginagawa ko kanina, pero parang wala na akong maalala. Parang kinuha ng hangin ang atensyon ko. Kahit ilang beses kong i-redirect ang utak ko, wala talaga. Ang isip ko, kung saan-saan napapadpad."Miss Ysla, okay na po ba?"Napalingon ako at nakita ko si Jam, humihingal ng bahagya na parang nagmadali. Inabot ko sa kanya ang folder at ngumiti."Thank you so much po talaga." Kita sa mukha niya ang pag-aalala pero mas nangingibabaw ang pasasalamat."Walang anuman, Jam. Basta huwag kang mahihiya o matatakot na lumapit next time, lalo na kung para sa trabaho." Pinilit kong i
YslaPinilit ko ng ibaling ang atensyon ko sa monitor, pero wala akong maintindihan sa mga lumalabas sa screen. Parang ang utak ko ay nasa ibang frequency. Tuloy-tuloy pa rin ang pagkabog ng dibdib ko, hindi sa kaba kundi sa gigil at pagka-inip.Ilang sandali pa, napatingin ulit ako sa pintuan ng opisina ni Nathan at napansin kong tila mas lumaki ang awang non. Halos isang dangkal na lang ang layo sa pagiging bukas nang tuluyan. Napakunot ang noo ko. Hindi ako chismosa pero hindi ko rin mapigilan ang sarili kong mapatingin.Nakita ko ang anino ni Nathan na nakaupo sa swivel chair niya, bahagyang nakatagilid. Si Blythe ay nakatayo sa gilid, nakasandal sa lamesa niya at parang may sinasabi. Hindi ko marinig, pero kita ko ang pagkibit ng balikat niya na parang may sinasadyang landi.Napakagat ako sa loob ng aking pisngi. Alam kong hindi ako dapat maapektuhan. Technically, wala kaming “kami” ni Nathan. Contract lang ang meron. Pero kahit pa, asawa ko siya. At hindi ako papayag na bastusin
YslaHindi ko na pinansin ang paghabol ni Blythe papasok sa opisina ni Nathan. Wala akong pakialam. Ang buong atensyon at utak ko ay nasa isang tao lang, kay Lizbeth.Sa totoo lang, iniisip ko pa rin kung talaga bang iniisip niyang makakalusot siya sa pagpapanggap bilang masked singer. Akala ba niya, hanggang ay magbubulagbulagan ako? Na hahayaan kong gamitin niya ako?Yes, she can sing. Pero hanggang doon lang 'yon. Ang pagkanta ko bilang masked singer ay hindi basta basta magagaya. Kung balak niyang mag-lipsync ay bahala siya. Iilan lang naman ang alam kong mga kantang maaari niyang magamit.Pero sigurado ako na once na magsimula akong mag-livestream ay mapapansin at mapapansin ng marami na iisa lang ang boses namin ng naunang masked singer.Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Grace. Kailangan kong may makausap at siya lang ang tao na makakaintindi sa level ng inis ko ngayon.“Ano na, friendship?” bungad agad niya, parang may kutob nang may pasabog ako.Wala akong si
NathanGusto kong matawa sa itsura niya ngayon. Sobrang halata ng pagkainis niya, pero wala siyang magawa kundi sundin ang gusto ko. At doon ako mas lalong natuwa. Sa bawat kibot ng labi niya, sa bawat irap ng mga mata niyang ayaw makipagtagpo sa akin ay ramdam ko ang galit, pero mas ramdam ko ang kawalan niya ng kontrol.Kaya ko siya inilipat sa opisina ko ay dahil ayokong may kung sinu-sinong nag-uutos sa kanya. Asawa ko pa rin siya, at hindi ko maatim na tratuhin siya na parang ordinaryong empleyado lang. Lalo na kung para lang mag-abot ng kape o dokumento. Pakiramdam ko ay binabastos din ako kapag ganun ang nangyayari.At isa pa, si Marichu na hindi ko maiwasang tingnan ng masama. Ang babaeng ‘to.Dahil sa kanya, nakapagsalita ako ng masama kay Ysla. Nakita ko ang galit at disbelief sa mga mata ng asawa ko habang tinataasan ko siya ng boses noon. Pasalamat na lang si Marichu at na-control ko ang aking sarili at hindi ko siya tinanggal kahit parang gusto ko na siyang palayasin at hi
YslaMasakit ang ulo ko at tila umiikot ang aking paligid ng imulat ko ang aking mga mata. Sa palagay ko ay umaga na dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa siwang ng malaking kurtina mula sa harapan ko.Inikot ko ang aking tingin sa paligid ngunit hindi ako nagtagumpay na makilala o maalala man lang kung kaninong silid ang kinaroroonan ko.Bumangon ako at naupo sa kama. Malaki iyon at kung pagbabasehan ang itsura at gulo non ay halatang hindi lang ako ang nahiga dito.Dahil sa naisip ko ay bigla akong napatingin sa aking sarili, narealize kong wala ako kahit na anong saplot sa aking katawan!Nag-angat ako ng tingin at muling inilibot iyon sa paligid. Napansin ko ang ilang damit na nagkalat sa sahig na tila pamilyar sa akin. Doon ako biglang natauhan at naalala ang mga nangyari ng nagdaang gabi.Hinawi ko ang comforter na nakatakip sa akin at umurong ng bahagya kaya nakita ko ang pulang mantsang nagpapatunay na tuluyan ko ng naibigay ang iniingatan kong pagkababae.Ang tanging regalong...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen