Share

Chapter 9

last update Last Updated: 2025-04-02 19:04:37
Ysla

First day of work ko sa company ni Nathan. Ilang araw matapos kong banggitin sa kanya ang tungkol sa kagustuhan kong magtrabaho ay pinagawa niya ako ng resume na siyang pinasa ko kay Damien. Ang parehong lalaki na siyang nagdadala ng mga envelope noong nasa Batangas kami.

Si Damien rin ang siyang nag-inform sa akin na sa marketing department ako naka-assign bilang office assistant. Napansin kong tila nahihiya pa siyang sabihin sa akin iyon ngunit nginitian ko siya upang ipaalam sa kanya na okay lang. Alam ko naman na wala akong kahit na anong working experience na mailalagay sa resume ko kaya masaya na ako sa binigay niya.

At ngayon nga, araw ng Lunes ay naghahanda na ako sa pagpasok at ganon din ang asawa ko.

Hindi ko siya pinapansin ni tinitignan man lang dahil nga busy din ako hanggang sa may naalala ako.

“Okay lang ba sayong sumabay ako pala ako?” tanong ko.

Tumingin siya sa akin, kunot ang noo at bago pa siya makapagreklamo ay inunahan ko na siya. Hindi naman siguro masama la
Lovella Novela

Hello! P-like and comment po kung ano po ang tingin niyo. I would love to hear from you. Thank you! Pwede niyo po ako follow sa epbi: Lovella Novela IWrite

| 21
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Beth Fier Cabalud
wow ang Ganda ng kwento thanks po
goodnovel comment avatar
Vergara
Naku mahirap kapag may inggiterang ka trabaho. For sure, gulo lagi ang hanap Yan.
goodnovel comment avatar
Christopher Busa Daiz
I am so excited sa mga mang yayare hehehe love it
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 10

    YslaMahigit isang linggo na akong nagtatrabaho sa kumpanya, at sa ngayon ay maayos naman ang lahat.Sa umaga, sumasabay ako kay Nathan hanggang sa gate, at sa hapon naman ay sinasabay na niya akong pauwi. Madalas, nagte-text na lang ako o siya kung saan kami magkikita.Hindi na rin ako masyadong naiilang sa routine na ito, bagaman minsan ay napapaisip pa rin ako kung okay lang ba talaga sa kanya 'yon. Pero mas pinili kong huwag na lang pansinin at kapag nakakita ako ng second hand na motor ay bibili na lang ako para kahit hindi na ako makisabay ay ayos lang. Mahirap din naman kasi talaga ang mag-commute at ang mahal naman kung magmo-moto-taxi ako.Sa opisina, kung wala lang si Marichu, magiging perpekto na sana ang trabaho ko.Ang kaso, dahil nga utusan lang ako, sinusulit talaga ng bruhang ‘yon ang pagkakataon. Kung anu-anong ipinagagawa niya kahit may sarili akong tasks. Pero hindi ko na lang pinapansin. Ayaw kong makarating kay Nathan at sabihan niya akong masyado akong pumapapel p

    Last Updated : 2025-04-03
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 11

    NathanNakita ko siya. At sa palagay ko, nakita rin niya ako.Bakit kasama na naman niya ang lalaking ‘yon? Tama ba ang sinabi ni Marichu?“Nathan, are you listening?” tanong ni Blythe, halatang inis na sa kawalan ko ng atensyon.Yes. I’m with Blythe Borromeo. My ex-girlfriend.Tinawagan niya ako, humihiling ng isang pagkikita. Noong una, ayaw ko sana. Hindi ko alam kung may saysay pa bang makipag-usap sa kanya. Pero sinabi niyang kailangan niya akong makausap, na may gusto siyang ipaliwanag.Hindi daw niya hinihiling na patawarin ko siya at hindi rin siya umaasang magkakabalikan kami.She just wants to talk.She just wants to explain.Kaya kahit may pag-aalangan, nagdesisyon akong pumayag. Sinabi ko kay Ysla na hindi ko siya maisasabay pauwi.“Yeah, continue.” Bumaling ako kay Blythe, pero hindi ko maiwasang bumalik ang tingin ko sa direksyon kung saan ko siya nakita kanina. Sa direksyon kung saan naroon si Ysla… kasama ang lalaking ‘yon.Nakalagpas na ang dalawa at kahit pa linguynin

    Last Updated : 2025-04-04
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 12

    YslaNakabili na pala ng bagong motor ang kapitbahay ni Nico kaya hinayaan na akong dalhin iyon pauwi para daw masubukan kong gamitin. Luma man ang sasakyan ay halatang halata ang pag-aalaga ng tunay na may-ari non kaya naman hindi na rin ako nagdalawang isip na kunin ‘yon.Merong malapit na tindahan ng motorcycle accessories sa barangay lang din nila kung saan doon na rin ako nakabili ng helmet. Mabuti na lang at may cash akong dala kahit papaano. Ang bayad naman sa motor ay pwede kong bayaran online.Nadatnan ko si Nathan na kakatapos lang daw kumain. Nagtaka ako dahil hindi ko inaasahan na mauuna pa siya sa akin na umuwi gayong kasama niya ang ex niya na ayon nga kay Nico ay love of his life na rin. Hindi na kami nag-usap pa pagkatapos at naligo na ako at naghanda para sa aking pagtulog.“Hindi ka pa ba sasabay?” tanong ni Nathan ng matapos siyang kumain. Ako kasi ay medyo mabagal na ang kilos dahil hindi ko na nga kailangang magmadali.“Uhm hindi na. May motor na akong magagamit.”

    Last Updated : 2025-04-05
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 13

    NathanGaling ako sa isang lunch meeting. Nang paalis na ako at tinignan ko ang table niya at wala siya doon. Uminit ang ulo ko hindi dahil sa kung ano pa man. Sinabi niya na kailangan niya ng trabaho tapos ay ganito ang gagawin niya?Pagbalik ko galing sa meeting ayun na nga at may nasasabi na naman ang kasamahan niya. Sa lahat ng ayaw ko ay yung mga hindi ginagawa ang kanilang mga trabaho.“Sir, may meeting ka pa po sa marketing.” Nag-angat ako ng tingin kay Damien saktong pagkaupo ko.“Ngayon na ba yon?” “Yes Sir,” tugon niya at tumango na nga ako.“Tawagin mo lang ako kung magsisimula na.”“Sige po, Sir.”Lumabas na ng aking office si Damien kaya napatingin na ako sa aking orasan. Pasado alas tres na pala. Then naalala ko na parang hawak ni Ysla ang lunchbox niya. Hindi pa ba siya kumakain or kakakain lang niya?Pinilig ko ang aking ulo. Bakit ba kailangan ko pang isipin ‘yon?Nagdesisyon na lang na akong pumunta na sa meeting room at ‘wag ng hintayin na tawagin pa ni Damien ng tu

    Last Updated : 2025-04-07
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 14

    YslaMabuti na lang at Biyernes na ngayon at sa aking kaibigan na si Grace ako mag-i-stay. Nang-umalis ako sa poder nila Tiyo ay mukhang kinakalaban na rin ako ng husto ng pinsan kong si Lizbeth.May vlogging kami at sa tuwina ay siya ang humaharap sa camera bukod pa sa masked singer na paandar namin. At ang masked singer na yon ay pinalalabas niya na siya kaya ngayon ay sumisikat ang mukha ng bruha.Ang kapal ng mukha!Mabuti na lang at si Grace ang inatasan kong magmanage ng page namin at pinaalam niya sa akin iyon. Ngayon ay pag-uusapan namin ang dapat naming gawin dahil sa inangkin niyang katauhan ko.Oo. Ako ang masked singer at alam niya yon pero inangkin pa rin niya. Talagang gusto niyang kunin ang lahat sa akin ha.Bago namin gawin ang masked singer segment niya na ‘yon ay nagkasundo kami na babayaran niya ako. Mabuti na lang pala at gusto kong magkaroon ng raket ang bestfriend ko at hindi alam ng malandi kong pinsan na si Grace ang aming page manager.Lahat ng may kinalaman sa

    Last Updated : 2025-04-08
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 15

    Ysla“A-Ano sa tingin mo ang ginawa mo?” galit at gulat kong tanong, nanlalaki ang mga mata habang itinutulak ko siya palayo nang pakawalan na niya ang mga labi ko. Mabilis kong pinahid iyon gamit ang likod ng aking palad na parang may duming ayaw kong manatili sa balat ko.“Anong sa tingin mo? Pinapaalala ko lang sa’yo, may asawa ka na. At bilang may asawa, hindi mo na dapat pinapalapit pa ang ibang lalaki sa’yo.”“Kanino ako nakipaglandian, ha?” napasinghal ako, hindi makapaniwala sa kapal ng mukha niya. “Simula pa nung Biyernes ganyan ka na! Kung makapagsalita ka, parang sigurado ka sa lahat ng sinasabi mo. Wala ka namang alam sa totoong nangyari!”Nakita kong natigilan siya, parang binunggo ng katotohanan ang ego niyang akala mo'y hindi kailanman matitinag. Sinamaan ko siya ng tingin. Yunng matatalim na parang tinging kaya siyang sunugin ng buhay kung pwede lang.“Then tell me,” malamig niyang sabi. “Nasaan ka simula Biyernes ng gabi hanggang nagyon? Sino ang kasama mo?”“Sa best f

    Last Updated : 2025-04-09
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 16

    NathanHindi ko akalain na magagawa kong halikan si Ysla. And yes, she was right. Sinabi ko ng hindi dapat ng maulit ang nangyari sa amin sa Batangas pero hindi na ako nakapagpigil lalo na ng tugunin na niya ang halik ko.I demanded it. Hindi ko naman akalain din na susundin niya. But I didn’t regret it. I even liked it.Nakita ko ang galit sa mukha niya matapos kong sabihin ang tungkol sa ibagn lalaki. And napaisip din naman ako.Oo nga naman, sinong tangang babae ang tatalon na naman sa isang relasyon matapos siyang lokohin at pagtangkaan ng masama ng lalaking muntik na niyang pakasalan?Napatingin ako ulit kay Ysla na ngayon ay mahimbing ng natutulog matapos ang mainit naming sandali.I chuckled.She’s not even clingy.Nakakatulog siya ng hindi umaalis sa pwesto niya. As in kapag gagalaw siya or papaling siya sa kabilang side ay umaangat ang katawan niya tsaka siya pipihit kaya yun at yun pa rin ang espasyong sinasakop niya.Hindi ko alam kong ayaw lang ba niya akong katabi or what

    Last Updated : 2025-04-10
  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 17

    YslaInis na inis ako sa sarili ko. Sa sobrang inis, parang gusto kong suntukin ang sarili ko at paulit-ulit kong sinisisi ang sarili sa nangyari kagabi. Maaga akong nagising, mas maaga pa sa sikat ng araw, at dali-daling umalis ng bahay. Hindi lang dahil sa may trabaho ako dahil sobrang aga ko talaga, kundi dahil ayokong makita si Nathan. Ayokong makaharap ang taong ‘yon matapos ang lahat.May nangyari "ulit" sa amin matapos magkasundo na hindi na dapat na maulit ang unang beses.At hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano ko siya tititigan nang hindi namumula sa hiya o nababalot ng galit.Kaya heto ako ngayon, naglalakad sa sidewalk habang tangan-tangan ang isang maliit na brown bag na galing sa botika pabalik sa nakaparada kong motor. Kailangan kong uminom ng afterpills.Hindi ako pwedeng magbuntis. Hindi ngayon. Lalo na’t ang sira-ulong ‘yon, ni hindi man lang nag-abalang mag-withdrawal! Walang protection, walang pasintabi. Ni hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko at hin

    Last Updated : 2025-04-11

Latest chapter

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 29 part 2

    Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho habang pilit na pinapawi ang mga gumugulo sa isip ko. Maingat kong kinuha ang folder na naglalaman ng report tungkol sa pamilya ng tiyuhin ni Ysla at inilagay ito sa aking bag. Plano kong dalhin iyon pauwi upang mapag-aralan nang mas maigi sa mas tahimik na kapaligiran.Gusto kong siguruhing walang kahit anong detalye ang makakalusot sa aking pagsusuri lalo na’t mahalaga ito para sa asawa ko at sa kinabukasan niya. Nakasalalay din dito ang tanong sa isip ni ysla, kung bakit nagawang planuhin ng pamilyang pinagkatiwalaan niya ang pagkawasak niya na mabuti na lang ay hindi natuloy.Tungkol naman kay Blythe... hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganon ang naging pahayag niya kay Damien. Wala kaming napagkasunduan na magkikita sa susunod na araw lalo at Sabado iyon dahil maaring magpunta kaming mag-asawa kay Lola na nakakatuwang makita na malakas na.Ang totoo, niyaya ako ni Blythe na mag-lunch sa labas kanina pero maayos ko siyang tinanggihan. Sinabi ko

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 29 Part 1

    NathanNa-receive ko na ang initial report ng private investigator na hin-hire ni Damien para silipin ang nakaraan ni Sandro Dela Peña.Bilang isang negosyante, alam ko kung gaano kahirap magsimula mula sa wala.Hindi madali.Hindi biro.Hindi lang basta ideya ang puhunan kung hindi pati oras, pagod, at buong pagkatao ang nakataya.Kaya’t bilang tagapagmana ng kumpanya ni Lolo, at sabay na pinapatakbo ang sarili kong itinayong negosyo, sanay na akong makakita ng mga pattern, ng inconsistencies, ng mga numerong hindi nagsisinungaling.Kahit na may pangalan na ako dahil nga sa kumpanyang namana ko ay nahirapan pa rin akong mag-established ng sarili kong brand name. At talagang ipinagmamalaki ko 'yon.Kaya nagtataka ako sa tiyuhin ni Ysla. Owner ng number one fast food chain sa bansa, pero walang nakaraan, walang pinagmulan.Iyon ay ayon sa report na binigay sa akin ng private investigator kaya naman may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib ko. Parang may kulang. Parang may hindi tama.

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 28 Part 2

    YslaHindi ko maipaliwanag, pero parang biglang lumundag ang puso ko. Naging mabilis ang tibok, walang babala, parang tambol na sunod-sunod ang hampas. Para akong biglang natahimik sa sarili kong mundo habang magkahinang ang aming mga mata.Para bang huminto ang oras, at sa pagitan ng titig na iyon, may lihim kaming naiintindihan na kahit kami mismo ay hindi kayang ipaliwanag.Ilang segundo pa lang ang lumipas, ngunit pakiramdam ko'y habang-buhay kaming na-stuck sa sandaling iyon. Hanggang sa napansin kong pareho naming pinakawalan ang bahagyang ngiti sa aming mga labi. Sabay, tulad ng kung paanong sabay ding tumigil ang aming mga titig sa isa’t isa.Teka lang… paano ko nalaman 'yon?Dahil sa mga labi niya ako nakatingin.Bigla akong napalunok, para bang nanuyo ang lalamunan ko. Naramdaman ko ang init na dahan-dahang umaakyat mula leeg ko hanggang sa pisngi.Umiinit ang mukha ko, hindi dahil sa kahihiyan lang, kundi dahil sa alaala. Ang maalab at mapusok na alaala ng kung paano niya ak

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 28 Part 1

    Ysla“Anong ibig mong sabihin? Hindi ko ma-gets,” litong-lito kong tugon habang napapakunot ang noo. “Wala naman sigurong masama kung maging tauhan niya ang mga magulang ko. Magkapatid sila ng nanay ko at natural lang kung magtutulungan sila, ‘di ba?”Napatingin siya sa akin, matalim ngunit puno ng pag-aalalang titig. “I’m thinking… na maaaring ang mga magulang mo ang talagang may-ari ng kumpanyang hawak ng tiyuhin mo ngayon.”“What?” napabulalas ako, at halos matawa sa absurdity ng sinabi niya. “Nasisiraan ka na ba? Hindi ko maintindihan ‘yan, at lalong hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ideyang ‘yon.”Pero nanatili siyang seryoso. “How long have you been living with your uncle?” tanong niya, diretsahan.“Since I was five,” sagot ko. “Nagkaroon ng aksidente sa pamilya namin, tapos nagising na lang ako sa ospital.”“Tapos?” ulit niya, parang ayaw tantanan hangga’t hindi niya nakuha ang buong kwento.“That’s it. Sila na ang kumupkop sa akin mula noon kasi nga raw… namatay ang mga mag

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 27 Part 2

    Pinagtulungan naming ligpitin ni Nathan ang aming pinagkainan. Tahimik kaming gumalaw, pero may kakaibang alon ng tensyon sa pagitan namin. Sa bagay, ganito naman na talaga kami. Magkibuan-dili, at hindi rin ganap na komportable.Kinuha ko ang lunchbag ko at nagtangkang lumabas ng kanyang opisina, ngunit bago ko pa man mahawakan ang doorknob, nagsalita siya.“Kapag dumating ang report na inaasahan ko, ipapatawag ulit kita,” aniya, malamig ngunit magalang ang tono.Napalingon ako sa kanya at tumango, walang salita, pero sapat na ang tugon ko para malaman niyang naintindihan ko. Pagkatapos ay tahimik na akong nagpatuloy sa paglakad palabas ng opisina niya.Habang pabalik sa desk ko, naramdaman ko ang bahagyang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil ba sa pag-uusap namin o dahil sa tinig niyang tila ba pinipigil ang sariling emosyon? Iniisip ko na baka hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.Pagdating ko sa table ko, maingat kong inilagay sa ilalim nito ang lunchbag na dala ko. Saglit akong naup

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 27 Part 1

    YslaAyaw ko sa nararamdaman ko.May kakaibang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko tuwing nahuhuli ko ang mga titig ni Nathan. Hindi ko alam kung epekto ba 'yon ng gutom, ng pagod, o ng simpleng ilusyon. Pero ang sigurado ako, delikado 'yon.Sobra.Kaya dapat akong umiwas.Hindi ko dapat hayaang mahulog ako sa bitag ng mga tingin niyang 'yon. Hindi ngayon. Hindi kailanman.“Maupo ka na at nang makakain na tayo,” aniya, kaya kahit ayokong magmukhang sunud-sunuran, napilitan na rin akong gawin ang sinabi niya. Para saan pa at makikipagtalo ako kung totoo namang nagrereklamo na ang sikmura ko?Pagkaupo ko, saka ko lang napansin na para sa aming dalawa pala talaga ang laman ng lunchbag. Hindi ko man lang naramdaman na medyo mabigat pala iyon noong kunin ko 'yon sa table kanina ng ipatong ni Manang Nelda.Siguro ay dahil sa inis na nararamdaman ko kanina bago umalis dahil nga kailangan ko ng mag-report ngayon sa office ni Nathan bilang assistant ng assistant niya.Ang bango ng ulam. Beef na

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 26 Part 2

    “Follow me,” utos niya. Wala man lang bakas ng ngiti sa kanyang mga labi. Seryoso ang tono niya, matigas ang pananalita na parang pinapaalala sa akin kung sino ang boss dito. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang, kahit medyo kumulo ang dugo ko sa istilo ng pagkakasabi niya.Diretso siya sa tila receiving area ng opisina niya. Isa iyong six-seater rectangular table na hindi naman kalayuan sa mismong office desk niya. Doon ko lang napansin iyon at sa palagay ko, dito niya inaasikasong makipag-usap kay Damien o sa kung sinumang bisita niya kung sakaling may pag-uusapan silang importante.Nakakatawang hindi ko iyon agad napansin kanina nang dalhin ko ang folder at pinapirmahan sa kanya. Lalo na kaninang umaga nang inihatid ko ang kape niya. Ni hindi ko nga nakita ang table na ‘yan dahil sa tuwing pumapasok ako sa opisina niya, siya agad ang unang nahuhuli ng paningin ko.Pero isang tanong ang bigla kong hindi napigilan, bakit hindi sila nag-usap ni Blythe dito? Bakit sa mismong

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 26 Part 1

    YslaBumalik ako sa table ko sa labas at marahang naupo, sabay patong ng folder na may dokumentong pinirmahan ni Nathan. Bahagyang napabuntong-hininga ako habang tinititigan ang papel kasabay ang pag-asa na bigla na lang maglaho ang gulo sa utak ko. Mamaya lang ay babalik na rin si Jam para kunin ito.Pilit kong tinatapik ang sarili ko mentally. Focus, Ysla. Trabaho muna. Wala ka sa teleserye.Sinubukan kong balikan ang ginagawa ko kanina, pero parang wala na akong maalala. Parang kinuha ng hangin ang atensyon ko. Kahit ilang beses kong i-redirect ang utak ko, wala talaga. Ang isip ko, kung saan-saan napapadpad."Miss Ysla, okay na po ba?"Napalingon ako at nakita ko si Jam, humihingal ng bahagya na parang nagmadali. Inabot ko sa kanya ang folder at ngumiti."Thank you so much po talaga." Kita sa mukha niya ang pag-aalala pero mas nangingibabaw ang pasasalamat."Walang anuman, Jam. Basta huwag kang mahihiya o matatakot na lumapit next time, lalo na kung para sa trabaho." Pinilit kong i

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 25 Part 2

    YslaPinilit ko ng ibaling ang atensyon ko sa monitor, pero wala akong maintindihan sa mga lumalabas sa screen. Parang ang utak ko ay nasa ibang frequency. Tuloy-tuloy pa rin ang pagkabog ng dibdib ko, hindi sa kaba kundi sa gigil at pagka-inip.Ilang sandali pa, napatingin ulit ako sa pintuan ng opisina ni Nathan at napansin kong tila mas lumaki ang awang non. Halos isang dangkal na lang ang layo sa pagiging bukas nang tuluyan. Napakunot ang noo ko. Hindi ako chismosa pero hindi ko rin mapigilan ang sarili kong mapatingin.Nakita ko ang anino ni Nathan na nakaupo sa swivel chair niya, bahagyang nakatagilid. Si Blythe ay nakatayo sa gilid, nakasandal sa lamesa niya at parang may sinasabi. Hindi ko marinig, pero kita ko ang pagkibit ng balikat niya na parang may sinasadyang landi.Napakagat ako sa loob ng aking pisngi. Alam kong hindi ako dapat maapektuhan. Technically, wala kaming “kami” ni Nathan. Contract lang ang meron. Pero kahit pa, asawa ko siya. At hindi ako papayag na bastusin

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status