Share

A Blessing in That One Sinful Night
A Blessing in That One Sinful Night
Author: JCuenz

Kabanata 0001

Author: JCuenz
last update Huling Na-update: 2024-10-19 11:33:35

Pilit na ibinubuka ni Jenna ang mga mata para makita nang maayos ang numero ng kwarto ng inn na iyon. Ipinilig pa niya ang ulo nang sa tingin niya ay naliliyo na siya habang nakahawak sa door knob para lang huwag mabuwal.

Pumikit muna siya nang ilang segundo bago itinuong muli ang mga mata sa numero ng kwarto.

Pinauna kasi siya ng kaibigan sa kwarto dahil nga lasing na siya. Ang sabi nito ay susunod na ito sa kanya pagkatapos nang ilang minuto. Sinamahan niya ang kaibigan na magpakalasing dahil brokenhearted ito.

Hindi siya umiinom talaga pero dahil umiiyak na nakiusap sa kanya si Chelsea ay wala siyang nagawa kundi ang samahan nga ito. Hindi niya naman planong uminom pero pinilit siya ng kaibigan kahit tatlong baso lang daw.

Tatlong baso nga lang ba ang nainom niyang alak? Bakit halos hindi na siya makatayo sa kalasingan?

Bigla ay parang umiikot na naman ang paningin niya. Kung siya lang ang masusunod ay uuwi na siya sa bahay nila, kaso isa sa pakiusap ng kaibigan ay ang samahan ito sa gabing iyon at baka may gawin itong hindi maganda sa sarili dahil sa sakit na nararamdaman.

Napatingin siya sa paligid. Hindi niya alam kung bakit do'n sa maliit na inn pa naisipang mag-book ng kwarto ng kaibigan gayong pwede naman silang mag-book sa maayos na hotel.

No'n lang din siya nakakita ng inn na may malaking bar underground. Ayaw niya sanang tumuloy do'n dahil mukhang club iyon na pugad ng mga prostitutes at adik imbes na isang simpleng bar.

Muntik pa siyang matumba nang biglang bumukas ang pinto kahit hindi pa niya iyon naipihit. Mabuti na lang at may nakayakap agad sa kanya bago pa man sinalubong ng sahig ang mukha niya kung tuluyang natumba nga siya.

Sumalubong sa kanya ang kadiliman ng kwarto.

"What took you so long, babe?" Isang baritonong boses ng lalaki ang narinig niya.

"W-wait... I think this is not the-"

"You're not here to bore me with chitchat." Parang nawawalan na ng pasensiyang sabi ng lalaki na agad siyang hinila papasok ng kwarto. Narinig pa niya ang pag-lock nito ng pinto.

Naramdaman na lang niya ang katawan na bumagsak sa hindi kalambutang kama. Babangon na sana siya pero biglang may mabigat na bagay na dumagan sa kanya.

"S-sino ka?" Kahit nakaramdam na rin ng takot ay pilit niya pa ring kinikilala ang lalaki kahit walang nakikita ang mga mata niya sa sobrang dilim ng paligid.

"Just cooperate." Ang namamaos na boses ng lalaki ang narinig niya.

"Um..." nagpupumiglas siya at akmang sisigaw pero bago pa man lumabas ang boses sa bibig niya ay naramdaman na lang niya ang bibig ng lalaking nasa ibabaw niya.

Pinigilan ng mga labi nito ang sanay malakas na sigaw niya. Naaamoy at nalalasahan niya ang mint sa bibig ng hindi kilalang lalaki. Parang mapapaso ang balat ni Jenna sa init ng katawan ng lalaking pwersahang nakadagan sa kanya.

Ilang beses na sinubukan niyang igalaw ang katawan para maitulak ito pero ni hindi man lang natinag ang katawan ng mapangahas na lalaki.

Nanginginig ang katawan at magulong-magulo ang buhok niya nang lumabas ng kwartong iyon. Kahit siya mismo ang nakaranas ng karahasang iyon ay hindi niya pa rin maalis ang pag-aalala para sa kaibigang si Chelsea. Nasa gano'n siyang estado nang biglang may lumabas sa kabilang kwarto. Natuon agad ang pansin niya sa mga ito.

Nakita niya si Chelsea. Napalitan ng kalituhan ang ekspresyon ng mukha niya nang makitang ando'n din si Amanda, ang stepsister niya. Bago pa man niya maibuka ang bibig para magtanong ay nakita niya ang kakaibang ekspresyon sa mukha ng dalawa.

Ngumisi si Chelsea sa kanya habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa, saka lang niya naalala ang sariling mukha. Alam niyang sa ayos niyang iyon ay mahuhulaan na agad kung ano ang nangyari sa kanya.

"Explain it to me, Chelsea," kahit mahinahon ang boses ay nakakuyom ang mga palad niya sa tinitimping galit. Gusto niyang marinig ang paliwanag ng kaibigan.Nagkatinginan sina Chelsea at si Amanda nang marinig ang tanong niya. Kahit wala pang sinasabi ang mga ito ay nakikita niyang may kinalaman ang dalawa sa nangyari sa kanya sa kabilang kwarto. Maya-maya ay sa kanya na muling bumaling ang tingin ng dalawa.

"B-bakit?" Mas lamang ang hinanakit sa boses niya kaysa sa galit. Hindi niya kailan man naisip na kaya siyang ilagay sa ganitong sitwasyon ng mga taong itinuring na niyang parang mga kapatid.

Imbes na ma-guilty ay pasimpleng umismid lang si Chelsea at unti-unti ring ngumiti na parang nakakaloko, "Bakit ba andali mong lokohin, my dear bestie? Kung hindi dahil sa akin, siguradong ilang beses mo nang pinagmukhang tanga ang sarili mo."

"Kumusta naman iyong gigolo sa loob? Did you have fun tonight, sis?" Saka lang nagsalita si Amanda, ang stepsister niya.

Nagpalipat-lipat sa dalawa ang mga mata niya. Ayaw man niya ay hindi niya napigilan ang mga luhang umaagos.

Gigolo?

Isa bang lalaking bayaran ang nasa loob ng kwarto, ang sapilitang kumuha sa iniingatan niyang dangal sa loob ng twenty years? Bakit?

Parehong maganda ang relasyon niya sa mga ito, lalo na si Chelsea, ang matalik niyang kaibigan.

Malamig ang mga tinging ibinigay ni Chelsea sa kanya, "Do you really think, Jenna, that I treated you like a sister? Hindi mo ba alam na sa tuwing pinapalakas ko ang loob mo dahil isa kang "weakling" ay lumalaki ang poot ko sa'yo? Naiinis ako sa kabaitang pinapakita mo na para bang isa kang anghel sa lupa. Gustong-gusto kong sirain iyang pagmumukha mong halos hindi makabasag pinggan. Rinding-rindi na ako sa mga papuring naririnig ko para sa'yo mula nang magkakilala tayo, na kahit ang pamilya ko ay ikinukumpara ako sa'yo!"

"Well, same sentiments here, sissy. Nakakapagod ang pagtrato sa'yo ng daddy na para bang isa kang babasaging pinggan." Umikot pa ang mga mata ng stepsister niya habang sinasabi iyon.Napailing-iling siya habang patuloy sa pagtulo ang mga luha.

Ngayon lang niya nalamang may galit ang dalawa sa kanya dahil sa isa siyang mabuting tao? Napaka-absurd pakinggan kung gaano kababaw ang dahilan ng dalawa para ipariwara siya sa lalaking binayaran ng mga ito!

Si Amanda... alam niyang kahit hindi ito tunay na anak ng ama niya ay itinuturing din itong anak ng daddy niya. Lahat ng gusto nito ay ibinibigay din ng ama. Mas maluho pa nga ito kaysa sa kanya.

"Anyway, may ebidensiya na akong ibibigay kay daddy para sabihing isa kang pariwarang babae at tumatanggap ka ng mga indecent proposals dahil isa kang malanding babae," excited pa ang boses ni Amanda nang magsalita.

Nakatingin ang dalawa sa screen ng phone ni Amanda habang nagtatawanan.

"How dare..." ang kanina'y hinanakit na naramdaman ay napalitan ng matinding poot. May hinala siya na mga larawan niya ang pinagtatawanan ng mga ito. Alam niyang mga larawan iyon na hindi niya kailan man gugustuhing kumalat.

The betrayal of friendship, the cruelty of her stepsister, and her broken body, at this moment, gusto na lang niyang mamatay.

"Let's go, Chelsea. Mission accomplished na tayo." Agad na hinila ni Amanda ang braso ni Chelsea para umalis na sa lugar na iyon. Nagpatianod naman ang babae.

Hindi na siya nakakilos sa kinatatayuan. Nanlalambot ang mga tuhod habang mas lalong nararamdaman niya ang pananakit ng katawan dahil sa pwersang ginawa ng lalaking nasa loob ng kwarto.

Gusto niyang mapahandusay na lang pero pinilit niyang humakbang. Kailangan niyang umalis na sa isinusumpang lugar na iyon.
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
8514anysia
🫶🫶🫶🫶🫶
goodnovel comment avatar
JCuenz
hahahaha ambilis ah
goodnovel comment avatar
Katana
Yieehh! Update na Ms. A!.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0002

    Isang linggo pagkatapos ng gabing iyon..."Hindi kita pinaaral sa mamahaling paaralan para lang tumanggap ng mga ganitong proposals at babuyin ang sarili mo! Kaya pala hindi ka humihingi ng tulong sa akin dahil sa iba ka humihingi ng pera! Gusto mong palabasin na kaya mong buhayin ang sarili mo nang

    Huling Na-update : 2024-10-19
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0003

    Naalimpungatan si Jenna sa malalakas na katok sa munting apartment niya. Masakit man ang ulo ay napilitan siyang bumangon para tingnan kung sino ang kumakatok. Napakunot-noo pa siya nang makita ang dalawang lalaking naka-formal attire sa labas ng pinto ng apartment niya."Yes?""Excuse us, are you M

    Huling Na-update : 2024-10-19
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0004

    Kamuntik nang mag-file ng bankruptcy si Chelsea dahil mula nang i-take over niya ang boutique na iyon ay hindi man lang ito nakaka-recover. Napilitan na siyang magbenta ng ibang mga gamit para lang maisalba ang boutique. Matagal na niyang pangarap ang makapundar ng sariling business. Hindi naman ka

    Huling Na-update : 2024-10-19
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0005

    Sa loob naman ng sasakyan ay agad na napasandal si Zian. Hindi niya alam kung bakit imbes na matuwa at sa wakas ay nakita na niya ang babaeng hinanap sa loob ng anim na taon ay kabaliktaran ang nararamdaman niya. Bakit parang iba ang babaeng iyon sa babaeng laging nasa alaala niya? Why did he fe

    Huling Na-update : 2024-10-19
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0006

    "Yes! Wherever mommy goes, I'll go!" Kumikislap pa ang namimilog na mga mata ng batang lalaki habang sinasabi iyon na tumatalon-talon pa. Jenna couldn't help but stare at him in amazement. Sa tuwing tinititigan niya ang mukha ng anak ay hindi niya mapigilan ang kagalakan ng puso. Hindi pa rin siya

    Huling Na-update : 2024-10-30
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0007

    "Hey po, do you know who my father is?" Mabilis na nilingon ni Jenna ang anak nang marinig ang boses nito. Hindi niya napansin na bumaba pala ito ng cart bago pa siya naglakad palayo sa mga lalaking sumalubong sa kanila sa airport. "Xavier!" Agad na tawag niya rito sabay hawak sa kamay ng bata. "

    Huling Na-update : 2024-10-30
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0008

    "Did you introduce yourself to Jenna already?" Kahit matanda na ang lola niya ay hindi pa rin maikakaila ang pagiging demanding at bossy nito sa tono ng pananalita. Kung naiiba lang ay siguradong manginginig na sa boses pa lang ng abuela. Kalmadong umupo si Zian sa swivel chair sa harap ng mesa ng

    Huling Na-update : 2024-10-30
  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0009

    First day niya sa trabaho sa araw na iyon. Mabuti na lang at malapit lang ang nursery school na nahanap niya para sa anak sa condo nila. Siya na ang naghatid kay Xavier at ang susundo naman sa anak niya mamaya ay ang stay out yaya na nirekomenda ng pinsan niyang si Kate. Alas otso ng umaga ang paso

    Huling Na-update : 2024-10-30

Pinakabagong kabanata

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0136

    Mangiyak-ngiyak ito at hindi rin makapaniwala sa lahat ng nalaman nito. Napatitig siyang muli kay Zian. I love you... Iyon ang mga salitang tahimik na sinabi nito sa kanya na nababasa niya sa mga labi nito. Do'n na niya hindi napigilan ang pag-agos ng dalawang luhang nagpapaligsahan sa pag-a

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0135

    Nang hindi siya umimik ay bumitaw na ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang tawagin nito ang mga pulis at itinaas ang dalawang kamay. Nang akmang ipoposas na rin ng isa sa mga pulis ang nakalambitin na posas kay Zian ay saka lang siya parang natauhan. Tinampal niya ang kamay ng pulis bago pa ma

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0134

    Inasikaso niya muna ang lahat ng mga dapat asikasuhin para maisampa ang mga kaso kina Amanda at Chelsea . Ang plano niya ay saka na kausaping mabuti ang anak kapag nakabalik na sila ng UK. Sa ngayon ay kailangan niya munang masiguro na makagawa ng hakbang para mapagbayaran ng dalawa ang mga kasala

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0133

    Si Xavier na walang kaalam-alam sa mga pangyayari ay nagtatanong na kung bakit hindi na nito nakakausap ang ama. Pinagbawalan niya rin kasi si Zian na makita ang anak niya. Ang anak nila! Ang alam niya ay kinausap na nang tuluyan ng ama niya si Zian dahil maging ito ay kinukulit ni Zian kahit hala

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0132

    Hindi maampat-ampat ang mga luha ng ama niya habang nasa harap sila ng libingan ng ina niya. Napag-alaman niyang isang taon mula nang pinalayas siya ng ama ay nalaman nitong patay na ang ina niya. Hinanap siya nito at nalamang nasa UK nga siya pero imbes na puntahan siya ay hinayaan siya ng amang

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0131

    Naka-zoom in na nga ang kaliwang parte ng likod nito sa itaas. Inadjust na rin ang brightness no'n dahil hindi agad mapapansin ang balat na iyon kung hindi ia-adjust. Nanlaki ang mga mata niya nang makita nga ang parehong balat ni Zian do'n. Tiningnan niya ang balat sa likod nito para maniguro. Nap

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0130

    Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga dumalo. Nag-aalalang nilingon niya ang ama. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa envelope na inabot kanina ni Amanda. Si Zian ay kinausap saglit si Mrs. Conchita pero umiling-iling lang ang matanda. Sa tingin niya ay gusto ni Zian na paalisin muna ang lola nito d

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0129

    "This is a family matter, by the way. However, I also want to take this opportunity to explain my side regarding why I suddenly left before my wedding with Zian. I have already explained my side to Zian, but I also want everyone to know the real reason I had to leave, even though I love Zian so much

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 0128

    Nang makaabot do'n ay kinuha nito ang mic ng isang host. "Am I late?" Pabirong sabi nito sa lahat. "Sorry at hindi man lang ako nakapag-ayos talaga but you won't mind, right, Mrs. Escobar?" Matamang tiningnan muna ng matanda si Heather bago sumagot. "It's okay, Heather, after all, this party is

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status