Hinalikan ni Irene Smith ang isang lalaking hindi niya kilala upang matakasan ang ka-blind date, subalit hindi niya akalain na ang lalaking aksidente niyang hinalikan ay isa palang bilyonaryo na noon ay nakatakda nang ikasal. Si John Maki Montealegre, isang mayamang lalaki na nangangailangan ng mapapangasawa. Kailangan niyang mapapayag ang kanyang lolo na magpa-opera. Dahil sa ginawa ni Irene, siningil siya ni Maki sa kalapastanganan ng dalaga. Ang kabayaran? Ipakikilala ni Maki si Irene sa kanyang pamilya bilang kanyang fiancée.
view moreNalilito pa rin si Sarah matapos marinig ang sinabi ng kanyang ina."Singsing? Kailan pa ako nakatanggap ng isa –” Natigilan si Sarah nang maalala ang isang bagay. “O, tama! Nay, naalala ko, kahapon pinadalhan ako ng isang anonymous na fan ng diamond ring sa pamamagitan ng express delivery! Natatakot ako na baka magkagulo ang media tungkol dito, kaya tinabi ko at hindi ko na dinala."Natuwa si Tasha nang marinig niya ito."Ayan! Matagal na sigurong may lihim na pagtingin si Mr. Maki sa iyo at hinahabol ka niya sa pangalan ng fan mo. Nag-imbestiga na ako at ang dumating para mag-propose kahapon ay ang personal assistant ni Mr. Maki.Ang pamilyang Montealegre ang fist family at si Maki ay sinsero at may gusto sa ‘yo. Hindi ka magkakamali kung pakakasalan mo siya.”Hindi napigilan ni Sarah ang pamumula at ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.Hindi pa niya nakita si Maki, ngunit naririnig na niya ang tungkol sa young master ng first family. Si John Maki Montealegre, siya ang diyos ng
Lahat ng mga lalaki sa binigay na profile ni Irene ay hindi guwapo. Halos nasa kuwareta anyos na ang mga ito at karamihan sa kanila, walang kahit isang disenteng trabaho.Pinandilatan ni Ben si Tasha at halatang hindi natuwa sa nakita."May mga lalaki talaga na halos kasing edad ko rito, Tasha? Paano mo naatim na ipakilala sa matatandang lalaki si Irene?"Medyo naninigas ang mukha ni Tasha. Ang totoo, inutusan niya sa isang tao na itago ang mga larawan at profile ng mga lalaking iyon. Hindi niya inaasahan na si Irene, isang tahimik na batang babae ay may kakayahang malaman ang totoong impormasyon ng mga lalaking iyon.Nagmamadaling umarte si Tasha na animoy na-agrabyado."Ben, hindi ko alam kung paano ito mangyayari. Ang mga lalaking pinili ko para kay Irene ay pinili mula sa isang daang lalaki na nasa blind date circle. Siguradong nagsinungaling ang matchmaker tungkol sa impormasyon na binigay niya."Hindi naman maiwasan ni Irene na matawa sa sinabi ng kanyang tiya."Tita Tasha, hind
Ang mga bisita ay may iba't ibang mga komento sa nangyayari at pinagbubulungan ito."Ito ba ang fiancée ni Mr. Maki? Bakit parang babaeng kalye ang suot niya?" wika ng isa."Hindi ba dapat maamo at magandang babae ang fiancée ni Mr. Maki? Ano ito?" sabat naman ng isa."Well, medyo kakaiba ang taste ni Mr. Maki..."Si Irene ay sadyang nagbihis ng parang gangter para takutin sana ang ka-blind date niya.Sa kabilang banda, walang pakialam si Maki kung ang mga tao sa paligid niya ay kinukutya ang pananamit ng kanyang fiancée. To be precise, wala siyang pakialam kung kinukwestyon ng mga tao ang taste niya sa babae.Sa kabila ng mga mapanghusgang tingin ng mga bisita, kinailangan ni Irene na magpanggap at sumunod sa nais ng binata. Nakipagpalitan siya engagement ring kay Maki dahil tila may malamig na kutsilyong nakatutok sa kanyang likod at isang maling galaw lang niya, tapos ang kanyang buhay. Hanggang sa inanunsyo ng host na tapos na ang seremonya.Bagama't nahirapan ang lahat na tanggap
"Pagkatapos ng kasal natin, titigil ka sa pagtatrabaho, aalagaan mo akong mabuti sa bahay, at sa loob ng isang taon, bibigyan mo ako ng isang malusog na lalaking anak! Ayoko ng anak na babae, ang mga anak na babae ay isa lang malaking gastos!" aroganteng sambit ng isang matandang lalaki.Tumingin si Irene sa ka-blind date. Sa pagkakataong ito, isang lalaking matanda na may kalat-kalat na buhok ang kanyang kaharap, malaki ang tiyan, at halos nasa kuwarenta anyos na ang gulang.Takot ang madrasta ni Irene na maikasal siya sa mabubuting lalaki, kaya pinili niya ang matatandang binata upang maka-blind date ni Irene.Hindi talaga natutuwa ang matandang lalaki na kaharap ngayon ni Irene sa smokey na make-up sa mukha niya. Animoy makaluma kasi ang dating nito at hindi akma sa taste niya. Ngunit nang makita ng lalaki na may payat na katawan at magandang hubog ang dalaga, agad pumasok sa isip nito ang hitsura ni Irene sa oras na maghubad ito ng damit sa kanyang harapan.Pagkatapos ay tinanong
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments