Share

Chapter 10

Author: Zyglerx
last update Last Updated: 2024-12-11 15:32:32

Sinundan ng tingin ni Charice ang mamahaling Mercedes Benz habang ito ay papalayo. Mariin pa itong napakagat ng labi dahil sa inggit na kanyang nararamdaman. Padabog na lumakad ang dalaga pabalik sa kanilang opisina at agad na sinabi ang nakita sa kanyang mga kasama.

"Alam nyo ba? Kaya pala wala lang para kay Irene na mawalan ng trabaho kasi naman, may sugar daddy pala ang malanding 'yon?"

"Sugar daddy?"

Kumunot ang noo ng mga empleyadong nakarinig sa sinabi ni Charice. Isa-isang lumapit ang mga ito upang makiusiyoso.

"Bakit? Paano mo nalaman?" sambit ng mga marites niyang katrabaho.

"Nakita ko," taas noong pagmamalaki ni Charice. Umupo siya sa kanyang swivel chair saka pinag-cross ang mga binti. Isa-isa namang umupo sa malapit ang kanyang mga kasama at seryosong nakinig sa kanya. "Kanina kasi, ihahatid ko lang sana ang mga gamit ni Irene sa kanya, pero nagulat ako nang makitang sumakay siya sa isang top-of-the-line luxury car. Isang matandang lalaki ang sumundo sa kanya at kumandong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 11

    Ang nananahimik na si Luke na ngayon ay nakaupo sa tabi ng driver ay mariing napalunok nang marinig ang usapan ng dalawa. Nag-signal siya sa katabing driver at sinabing ihinto sandali ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Matapos ang paghinto ng kotse, agad niyang hinawakan ang braso ng driver at sinama sa paglabas niya mula sa kotse. Ang dalawa ay lumakad palayo at hindi tumingin sa nakaparadang mamahaling sasakyan upang hindi makita ang ano mang bagay na hindi dapat nila makita.Sa loob naman ng kotse, seryosong nakatingin ang malamig na mga mata ni Maki sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan. Ang guwapo nitong mukha ay tila namamangha sa katapangan ng babaeng napili niyang mapangasawa at hindi niya maipaliwanag kung bakit.***Samantala, sa Antel Corporation, sunod-sunod ang panenermon ni Mr. Salazar kay Manager Chen dahil sa pagpapapasok ng mga empleyadong hindi maayos at gumamit pa ito ng backer system upang makapasok lang sa kompanya ang kanyang kamag-anak."Manager Chen, gumawa ka ng

    Last Updated : 2024-12-12
  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 1

    "Pagkatapos ng kasal natin, titigil ka sa pagtatrabaho, aalagaan mo akong mabuti sa bahay, at sa loob ng isang taon, bibigyan mo ako ng isang malusog na lalaking anak! Ayoko ng anak na babae, ang mga anak na babae ay isa lang malaking gastos!" aroganteng sambit ng isang matandang lalaki.Tumingin si Irene sa ka-blind date. Sa pagkakataong ito, isang lalaking matanda na may kalat-kalat na buhok ang kanyang kaharap, malaki ang tiyan, at halos nasa kuwarenta anyos na ang gulang.Takot ang madrasta ni Irene na maikasal siya sa mabubuting lalaki, kaya pinili niya ang matatandang binata upang maka-blind date ni Irene.Hindi talaga natutuwa ang matandang lalaki na kaharap ngayon ni Irene sa smokey na make-up sa mukha niya. Animoy makaluma kasi ang dating nito at hindi akma sa taste niya. Ngunit nang makita ng lalaki na may payat na katawan at magandang hubog ang dalaga, agad pumasok sa isip nito ang hitsura ni Irene sa oras na maghubad ito ng damit sa kanyang harapan.Pagkatapos ay tinanong

    Last Updated : 2024-10-22
  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 2

    Ang mga bisita ay may iba't ibang mga komento sa nangyayari at pinagbubulungan ito."Ito ba ang fiancée ni Mr. Maki? Bakit parang babaeng kalye ang suot niya?" wika ng isa."Hindi ba dapat maamo at magandang babae ang fiancée ni Mr. Maki? Ano ito?" sabat naman ng isa."Well, medyo kakaiba ang taste ni Mr. Maki..."Si Irene ay sadyang nagbihis ng parang gangter para takutin sana ang ka-blind date niya.Sa kabilang banda, walang pakialam si Maki kung ang mga tao sa paligid niya ay kinukutya ang pananamit ng kanyang fiancée. To be precise, wala siyang pakialam kung kinukwestyon ng mga tao ang taste niya sa babae.Sa kabila ng mga mapanghusgang tingin ng mga bisita, kinailangan ni Irene na magpanggap at sumunod sa nais ng binata. Nakipagpalitan siya engagement ring kay Maki dahil tila may malamig na kutsilyong nakatutok sa kanyang likod at isang maling galaw lang niya, tapos ang kanyang buhay. Hanggang sa inanunsyo ng host na tapos na ang seremonya.Bagama't nahirapan ang lahat na tanggap

    Last Updated : 2024-10-22
  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 3

    Lahat ng mga lalaki sa binigay na profile ni Irene ay hindi guwapo. Halos nasa kuwareta anyos na ang mga ito at karamihan sa kanila, walang kahit isang disenteng trabaho.Pinandilatan ni Ben si Tasha at halatang hindi natuwa sa nakita."May mga lalaki talaga na halos kasing edad ko rito, Tasha? Paano mo naatim na ipakilala sa matatandang lalaki si Irene?"Medyo naninigas ang mukha ni Tasha. Ang totoo, inutusan niya sa isang tao na itago ang mga larawan at profile ng mga lalaking iyon. Hindi niya inaasahan na si Irene, isang tahimik na batang babae ay may kakayahang malaman ang totoong impormasyon ng mga lalaking iyon.Nagmamadaling umarte si Tasha na animoy na-agrabyado."Ben, hindi ko alam kung paano ito mangyayari. Ang mga lalaking pinili ko para kay Irene ay pinili mula sa isang daang lalaki na nasa blind date circle. Siguradong nagsinungaling ang matchmaker tungkol sa impormasyon na binigay niya."Hindi naman maiwasan ni Irene na matawa sa sinabi ng kanyang tiya."Tita Tasha, hind

    Last Updated : 2024-10-22
  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 4

    Nalilito pa rin si Sarah matapos marinig ang sinabi ng kanyang ina."Singsing? Kailan pa ako nakatanggap ng isa –” Natigilan si Sarah nang maalala ang isang bagay. “O, tama! Nay, naalala ko, kahapon pinadalhan ako ng isang anonymous na fan ng diamond ring sa pamamagitan ng express delivery! Natatakot ako na baka magkagulo ang media tungkol dito, kaya tinabi ko at hindi ko na dinala."Natuwa si Tasha nang marinig niya ito."Ayan! Matagal na sigurong may lihim na pagtingin si Mr. Maki sa iyo at hinahabol ka niya sa pangalan ng fan mo. Nag-imbestiga na ako at ang dumating para mag-propose kahapon ay ang personal assistant ni Mr. Maki.Ang pamilyang Montealegre ang fist family at si Maki ay sinsero at may gusto sa ‘yo. Hindi ka magkakamali kung pakakasalan mo siya.”Hindi napigilan ni Sarah ang pamumula at ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.Hindi pa niya nakita si Maki, ngunit naririnig na niya ang tungkol sa young master ng first family. Si John Maki Montealegre, siya ang diyos ng

    Last Updated : 2024-10-22
  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 5 - Sino nga ba ang bride?

    Maki tilted his head slightly. Siningkit niya ang kanyang mga mata habang nakatitig sa maliit na balkonahe sa bahay na ‘yon.Nagtaka si Luke ngunit hindi na nagtangkang magtanong pa sa young master. Kinuway niya ang kanyang kamay at sumenyas sa mga grooms men na pumasok na sa loob.“Let’s go, sundan nyo ako,” utos ni Luke.Ang prusisyon ng kasal ng pamilya Montealegre ay hinarang ng mga bridesmaid sa pintuan ng pamilya Smith para humingi ng mga pulang sobre habang nagkakasiyahan.Wala man lang nakapansin na ang tunay na groom ay lumibot sa likod ng pinto ng Smith family villa.Lumakad si Irene sa likod ng bahay at hindi ito nagpahalata sa mga taong nandoon upang hindi makaagaw ng atensyon, ngunit matapos ang ilang hakbang at nang tuluyan siyang makalabas sa backdoor, nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman ang isang kamay na humawak sa kanyang kuwelyo. Binuhat siya nito na animoy pusa at tinaas ang buong katawan, dahilan upang mabitin sa hangin ang kanyang paa.“Saan ka pupunta?”

    Last Updated : 2024-11-02
  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 6

    Nagsimulang lumubog ang araw at sumapit na ang dilim.Nakarating na ang dalawa sa mansion ng mga Montealegre. Matapos isama ni Maki ang dalagang si Irene, binigay niya ito sa mga maid upang maasikaso dahil magsisimula na ang seremonya ng kasal."Kunin nyo ang babaeng ito at linisin siya," utos ni Maki sa mga kasambahay.Dali-dali namang tumakbo ang mga katulong upang sundin ang inutos ng young master.Nilinisan nila ang dalaga, nilagyan ng magandang make-up sa mukha, at sinuotan ng traditional white wedding dress. Sa pagtakip ng veil sa mukha ni Irene, wala siyang ibang makita kung hindi ang maputing see-through na tela. Habang ang ulo niya ay nakayuko, nakita niya ang luxurious leather shoes ng lalaking nasa harapan niya.Lumakad ito at lumapit, saka nagsalita gamit ang mababa nitong tinig."Makipag-cooperate ka lang sa akin. Wala akong gagawing masama sa iyo," saad ni Maki na may commanding voice.Ang boses na iyon ni Maki ay tila nagpapakalma kay Irene, ngunit nababalot ng mabigat

    Last Updated : 2024-11-03
  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 6.1

    Marahang kinurot ni Maki ang pisngi ni Irene. Ramdam ng dalaga ang maliliit na kalyo sa payat na daliri nito, animoy sanay ito sa mga bagay-bagay at lubos na mapanganib."U-Uncle! Kailangan mong tumupad sa usapan. Huwag kang sinungaling!" nakakunot ang noong sambit ni Irene.Sinubukan ni Irene na muling igalaw ang katawan, ngunit wala pa rin itong nagawa. Masiyadong malakas ang hawak ni Maki sa kanya, dahilan upang hindi siya makatakas.Tinapunan ni Irene ng masamang tingin si Maki, animoy sinasabing hindi siya magpapatinag sa lakas ng binata. Nang makita iyon ni Maki, sandali siyang napangisi, saka marahang binitiwan ang katawan ni Irene."Huwag kang mag-alala, hindi naman ako interesado sa mga batang tulad mo," sambit ni Maki.Sandaling nakahinga nang maluwag si Irene, saka tumawa."Mabuti naman! Kasi hindi ko rin type ang mga gaya mong matanda," pilyang tugon ng dalaga na nagpataas ng kilay ni Maki.Hindi nakatugon ang lalaki at nanatiling kunot ang noo habang nakatingin kay Irene.

    Last Updated : 2024-11-07

Latest chapter

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 11

    Ang nananahimik na si Luke na ngayon ay nakaupo sa tabi ng driver ay mariing napalunok nang marinig ang usapan ng dalawa. Nag-signal siya sa katabing driver at sinabing ihinto sandali ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Matapos ang paghinto ng kotse, agad niyang hinawakan ang braso ng driver at sinama sa paglabas niya mula sa kotse. Ang dalawa ay lumakad palayo at hindi tumingin sa nakaparadang mamahaling sasakyan upang hindi makita ang ano mang bagay na hindi dapat nila makita.Sa loob naman ng kotse, seryosong nakatingin ang malamig na mga mata ni Maki sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan. Ang guwapo nitong mukha ay tila namamangha sa katapangan ng babaeng napili niyang mapangasawa at hindi niya maipaliwanag kung bakit.***Samantala, sa Antel Corporation, sunod-sunod ang panenermon ni Mr. Salazar kay Manager Chen dahil sa pagpapapasok ng mga empleyadong hindi maayos at gumamit pa ito ng backer system upang makapasok lang sa kompanya ang kanyang kamag-anak."Manager Chen, gumawa ka ng

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 10

    Sinundan ng tingin ni Charice ang mamahaling Mercedes Benz habang ito ay papalayo. Mariin pa itong napakagat ng labi dahil sa inggit na kanyang nararamdaman. Padabog na lumakad ang dalaga pabalik sa kanilang opisina at agad na sinabi ang nakita sa kanyang mga kasama."Alam nyo ba? Kaya pala wala lang para kay Irene na mawalan ng trabaho kasi naman, may sugar daddy pala ang malanding 'yon?""Sugar daddy?"Kumunot ang noo ng mga empleyadong nakarinig sa sinabi ni Charice. Isa-isang lumapit ang mga ito upang makiusiyoso."Bakit? Paano mo nalaman?" sambit ng mga marites niyang katrabaho."Nakita ko," taas noong pagmamalaki ni Charice. Umupo siya sa kanyang swivel chair saka pinag-cross ang mga binti. Isa-isa namang umupo sa malapit ang kanyang mga kasama at seryosong nakinig sa kanya. "Kanina kasi, ihahatid ko lang sana ang mga gamit ni Irene sa kanya, pero nagulat ako nang makitang sumakay siya sa isang top-of-the-line luxury car. Isang matandang lalaki ang sumundo sa kanya at kumandong

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 9

    Kunot ang noo ni Veronica habang nakatingin sa seryosong si Irene, na ngayon ay nakaupo sa harap ng computer. Unti-unti na kasi siyang nawawalan ng pag-asa na maaayos pa ang presentation na pinaghirapan niyang gawin nang isang buwan.Marahang umiling ang dalaga, saka bumuntong hininga."Mukhang busy ka, sandali at kukuhaan kita ng kape," pag-offer ni Veronica sa kaibigan."Sige, salamat," tugon naman ni Irene na tutok pa rin ang mga mata sa ginagawa.Nagsimulang lumakad palayo si Veronica at nagtungo sa pantry. Maya-maya lang, isang red na bar line ang nag-flash sa black screen monitor ni Irene. Agad na nilagay ng dalaga ang password at kinausap ang hacker na nasa kabilang program."Anong problema mo? Bakit mo pinasok ang system ng kompanyang ito?" tanong ni Irene sa hacker.Sa kabilang banda, nagulat ang hacker nang mabasa niya ang mensahe ni Irene. Agad itong nag-type sa keyboard upang sagutin ang dalaga."Sino ka? Paano ka nakapasok sa program namin?" tanong ng hacker."Hindi na ma

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 8

    Bago pa man makatugon sa katrabaho, narinig na niya ang beep tone sa kabilang linya ng telepono. Kamot-ulo pa siyang tumayo mula sa kinauupuang kama saka lumakad patungo sa closet ni Maki. Sa pagbukas niya nito, kumunot ang kanyang noo nang makitang puro panlalaki ang nasa loob ng kabinet at ang lahat ng ito ay maluwag sa kanya.Dahil sa ginawa ni Faye kanina, wala na namang maisuot si Irene at wala siyang choice kung hindi ang suotin ang damit ng kanyang asawa.Napabuntonghininga na lang si Irene, saka humila ng isang puting Tshirt sa kabinet ni Maki. Hanggang tuhod ang haba ng damit na iyon sa kanya, sapat lang upang magmukhang casual dress kay Irene.***Matapos magbihis, agad na nagtungo ang dalaga sa building ng Antel Corporation kung saan siya ay kasalukuyang intern.Ang Antel Corporation ay isa sa malalaking kompanya sa bansa, napakasuwerte niya dahil napili siya ng kanilang university na dito mag-take ng kanyang internship dahil na rin sa matataas niyang grades sa school.Nagm

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 7

    MATAPOS magpalit ng damit si Irene, sandali siyang sumilip sa labas ng pinto at nakita niyang wala na roon si Maki. Hindi na niya iyon pinansin at lumabas na lang ng silid. Hindi na rin inisip ng dalaga kung saan nagtungo ang asawa dahil wala na rin siyang pakialam, after all, isang kontrata lang naman ang pinagsasaluhan nila, isang kontrata na tatagal nang tatlong buwan.Agad na pumunta si Irene sa pinto upang i-lock ito, saka natulog sa malambot niyang kama.***Sa pagsapit ng umaga, kumunot ang noo ni Irene nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kanyang silid. Wala n asana siyang planong sagutin ang mga katok na iyon ngunit nagising ang diwa niya nang marinig ang salita ng tao mula sa kabila.“Madame, inutusan po ako ng young master na dalhan ka ng damit pamalit,” sambit ng kasambahay sa likod ng pintong iyon.Hindi pa kumpleto ang tulog ni Irene ngunit wala siyang magawa. Walang ganang tumayo mula sa pagkakahiga ang dalaga, saka lumakad patungo sa pinto at ti

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 6.1

    Marahang kinurot ni Maki ang pisngi ni Irene. Ramdam ng dalaga ang maliliit na kalyo sa payat na daliri nito, animoy sanay ito sa mga bagay-bagay at lubos na mapanganib."U-Uncle! Kailangan mong tumupad sa usapan. Huwag kang sinungaling!" nakakunot ang noong sambit ni Irene.Sinubukan ni Irene na muling igalaw ang katawan, ngunit wala pa rin itong nagawa. Masiyadong malakas ang hawak ni Maki sa kanya, dahilan upang hindi siya makatakas.Tinapunan ni Irene ng masamang tingin si Maki, animoy sinasabing hindi siya magpapatinag sa lakas ng binata. Nang makita iyon ni Maki, sandali siyang napangisi, saka marahang binitiwan ang katawan ni Irene."Huwag kang mag-alala, hindi naman ako interesado sa mga batang tulad mo," sambit ni Maki.Sandaling nakahinga nang maluwag si Irene, saka tumawa."Mabuti naman! Kasi hindi ko rin type ang mga gaya mong matanda," pilyang tugon ng dalaga na nagpataas ng kilay ni Maki.Hindi nakatugon ang lalaki at nanatiling kunot ang noo habang nakatingin kay Irene.

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 6

    Nagsimulang lumubog ang araw at sumapit na ang dilim.Nakarating na ang dalawa sa mansion ng mga Montealegre. Matapos isama ni Maki ang dalagang si Irene, binigay niya ito sa mga maid upang maasikaso dahil magsisimula na ang seremonya ng kasal."Kunin nyo ang babaeng ito at linisin siya," utos ni Maki sa mga kasambahay.Dali-dali namang tumakbo ang mga katulong upang sundin ang inutos ng young master.Nilinisan nila ang dalaga, nilagyan ng magandang make-up sa mukha, at sinuotan ng traditional white wedding dress. Sa pagtakip ng veil sa mukha ni Irene, wala siyang ibang makita kung hindi ang maputing see-through na tela. Habang ang ulo niya ay nakayuko, nakita niya ang luxurious leather shoes ng lalaking nasa harapan niya.Lumakad ito at lumapit, saka nagsalita gamit ang mababa nitong tinig."Makipag-cooperate ka lang sa akin. Wala akong gagawing masama sa iyo," saad ni Maki na may commanding voice.Ang boses na iyon ni Maki ay tila nagpapakalma kay Irene, ngunit nababalot ng mabigat

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 5 - Sino nga ba ang bride?

    Maki tilted his head slightly. Siningkit niya ang kanyang mga mata habang nakatitig sa maliit na balkonahe sa bahay na ‘yon.Nagtaka si Luke ngunit hindi na nagtangkang magtanong pa sa young master. Kinuway niya ang kanyang kamay at sumenyas sa mga grooms men na pumasok na sa loob.“Let’s go, sundan nyo ako,” utos ni Luke.Ang prusisyon ng kasal ng pamilya Montealegre ay hinarang ng mga bridesmaid sa pintuan ng pamilya Smith para humingi ng mga pulang sobre habang nagkakasiyahan.Wala man lang nakapansin na ang tunay na groom ay lumibot sa likod ng pinto ng Smith family villa.Lumakad si Irene sa likod ng bahay at hindi ito nagpahalata sa mga taong nandoon upang hindi makaagaw ng atensyon, ngunit matapos ang ilang hakbang at nang tuluyan siyang makalabas sa backdoor, nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman ang isang kamay na humawak sa kanyang kuwelyo. Binuhat siya nito na animoy pusa at tinaas ang buong katawan, dahilan upang mabitin sa hangin ang kanyang paa.“Saan ka pupunta?”

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 4

    Nalilito pa rin si Sarah matapos marinig ang sinabi ng kanyang ina."Singsing? Kailan pa ako nakatanggap ng isa –” Natigilan si Sarah nang maalala ang isang bagay. “O, tama! Nay, naalala ko, kahapon pinadalhan ako ng isang anonymous na fan ng diamond ring sa pamamagitan ng express delivery! Natatakot ako na baka magkagulo ang media tungkol dito, kaya tinabi ko at hindi ko na dinala."Natuwa si Tasha nang marinig niya ito."Ayan! Matagal na sigurong may lihim na pagtingin si Mr. Maki sa iyo at hinahabol ka niya sa pangalan ng fan mo. Nag-imbestiga na ako at ang dumating para mag-propose kahapon ay ang personal assistant ni Mr. Maki.Ang pamilyang Montealegre ang fist family at si Maki ay sinsero at may gusto sa ‘yo. Hindi ka magkakamali kung pakakasalan mo siya.”Hindi napigilan ni Sarah ang pamumula at ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.Hindi pa niya nakita si Maki, ngunit naririnig na niya ang tungkol sa young master ng first family. Si John Maki Montealegre, siya ang diyos ng

DMCA.com Protection Status