Share

The Billionaire's Sassy Fiancée
The Billionaire's Sassy Fiancée
Author: Zyglerx

Chapter 1

"Pagkatapos ng kasal natin, titigil ka sa pagtatrabaho, aalagaan mo akong mabuti sa bahay, at sa loob ng isang taon, bibigyan mo ako ng isang malusog na lalaking anak! Ayoko ng anak na babae, ang mga anak na babae ay isa lang malaking gastos!" aroganteng sambit ng isang matandang lalaki.

Tumingin si Irene sa ka-blind date. Sa pagkakataong ito, isang lalaking matanda na may kalat-kalat na buhok ang kanyang kaharap, malaki ang tiyan, at halos nasa kuwarenta anyos na ang gulang.

Takot ang madrasta ni Irene na maikasal siya sa mabubuting lalaki, kaya pinili niya ang matatandang binata upang maka-blind date ni Irene.

Hindi talaga natutuwa ang matandang lalaki na kaharap ngayon ni Irene sa smokey na make-up sa mukha niya. Animoy makaluma kasi ang dating nito at hindi akma sa taste niya. Ngunit nang makita ng lalaki na may payat na katawan at magandang hubog ang dalaga, agad pumasok sa isip nito ang hitsura ni Irene sa oras na maghubad ito ng damit sa kanyang harapan.

Pagkatapos ay tinanong ng lalaki si Irene.

"Miss, gaano ka kataas?"

Inip na hinalo ni Irene ang kape sa tasa at bahagyang sumagot, "5’6."

Labis na nasiyahan ang matandang lalaki sa bagay na narinig. Agad itong napangisi na tila nagsisimula nang maglaro ang isip.

"Well, sa tingin ko ay bagay tayo sa isa’t isa. Halos 1.8 meters ang taas ko. Hindi ba ang ganda ng pagkakaiba ng tangkad natin? Kapag naghalikan tayo sa hinaharap, kailangan mong tumayo habang nakatingkayad para halikan ako, pero di bale, kaya kong yumuko para pagbigyan ka."

Tumaas ang kilay ni Irene at ang madilim na talukap ng kanyang mga mata ay bahagyang nanginig.

"Sir, parang hindi mo alam kung ano ang pagkakaiba ng height ng isang lalaki sa height ng isang batang babae na kailangang tumingkayad upang halikan ka."

Tila hindi naman natuwa ang lalaki sa tinuran ng dalaga, dahilan upang mapakunot ang noo nito,

"Anong ibig mong sabihin?"

Sa oras na ito, isang matangkad at tila walang emosyon na lalaki ang pumasok sa coffee shop na may tangkad na 2.8 metro.

Nang itinaas ni Irene ang kanyang mga mata, nakita niya ang lalaking kakapasok lang. May bakas ng ngiti sa mga labi ng dalaga at isang pilyang ideya ang pumasok sa isip niya, tumayo ang dalaga at naglakad patungo sa kinaroroonan ng ginoo na kumuha sa atensyon niya.

"Handsome guy, excuse me!” wika ni Irene nang lapitan niya ang hindi kilalang binata, dahilan upang mapatingin din ito sa kanya. Muling lumingon si Irene sa matandang ka-blind date saka ngumisi ang labi, “Hayaan mo akong ipakita sa ‘yo kung ano ang tunay na pagkakaiba ng height!” wika ni Irene.

Kumunot naman ang noo ng walang kamalay-malay na ginoo habang nakatingin kay Irene.

Bago pa makatanggi ang ginoo, hinawakan ni Irene ang kanyang kurbata at hinila ito pababa, tumingkayad ang dalaga at mainit na nilapat ni Irene ang labi sa manipis na labi ng lalaki nang marahan at tila wala nang balak pang bumitaw.

Nang maglayo ang labi ng dalawa, sandaling ngumiti si Irene sa binata, saka bumalik ng tingin sa matandang lalaki.

"Nakita mo ba? Kailangan mong tumangkad kahit gaano para mahalikan ka nang nakatingkayad ng isang babae."

"Ikaw!"

Nagalit ang matandang lalaki, saka ito tumayo at itinuro si Irene.

"Walang delikadesa! Talagang hinalikan mo ang isang lalaki na hindi mo naman kilala? Maghintay ka at sasabihin ko sa matchmaker ang mga bagay na ginawa mo at gagawing kahiya-hiya ang iyong pangalan sa blind date circle. Siguradong hindi ka na makakahanap ng ka-blind date! Pweh!"

Bahagyang napangiti si Irene. Umaayon ang lahat sa nais niya.

Sa oras na kumalat ang insidenteng ito, tiyak na mahihirapan nang makahanap muli si Tasha ng bago niyang ka-blind date.

Ngumisi si Irene at hinayaang umalis sa galit ang mamantikang matanda. Kumaway naman siya sa matangkad na lalaking tumulong sa kanya kanina, saka niya pinahayag ang kanyang pasasalamat.

"Uncle, thank you for seeing injustice and helping me! Magkikita tayong muli kung papalarin tayo, bye!"

Pagkasabi ni Irene sa bagay na iyon, tumalikod na siya, ngunit nang akmang lalakad na siya palayo, naramdaman niya ang isang malamig na palad na humawak sa kanyang palapulsuhan, dahilan upang muli siyang mapalingon.

Ang mababa at malamig na tinig ng lalaki ay pumasok sa tainga ni Irene.

"Hinalikan mo ako nang mariin kanina, ngayon gusto mong lumayo na lang nang ganito?"

Nakaramdam si Irene ng panginginig na may matinding takot. Sa pag-angat ng kanyang ulo, tumama ang tingin niya sa isang guwapong lalaki na ngayon ay nakatayo sa kanyang harapan. Malamig man ang presensyang binibigay nito sa kanya, tila nagbigay pa rin ito sa kanyang puso ng kakaibang pakiramdam.

Napakaguwapo ng lalaking nasa harapan niya. Mature at halatang metikiloso ang lalaking may itim na buhok na ngayon ay kaharap ni Irene. Malamig ang mga mata nito at maputi ang guwapo nitong mukha. Sa pagitan ng mga kilay ng binata, naramdaman ni Irene na mapanganib ito at may kalupitan.

‘Tama… Isang mapanganib na tao,’ sa isip ni Irene.

Kanina, ang gusto lang naman ng dalaga ay makaalis sa hindi magandang sitwasyon na iyon, kaya basta na lang siyang humila ng matangkad na lalaki sa paningin niya. Subalit hindi napansin ng dalaga ang hitsura ng ginoo. Ngayong nagtama ang tingin ng dalawa sa isa’t isa, kitang-kita ng dalaga na talagang gwapo at pambihira ang lalaking ito. Makikita sa ugali ng ginoo na hindi ordinary ang karakter niya.

Bahagyang kumunot ang noo ni Irene.

"So, anong gusto mo?"

Malamig na tumingin ang lalaki kay Irene. Nagsimulang gumalaw ang manipis nitong labi na animoy may nais sabihin.

Ngunit bago pa siya makapagsalita, ang naka-itim na lalaking kasama ng binata na nakatayo ‘di kalayuan sa kanya ay nakatanggap ng tawag sa telepono. Lumakad ito palapit sa binata na may seryosong mukha upang mag-ulat.

"Young Master, nagbago ang sitwasyon! Ang flight ni Miss Sophia ay hindi natuloy dahil sa masamang panahon at hindi siya makakarating sa Pilipinas ngayon, ngunit ang engagement party mo ay ngayong gabi at ang oras ay malapit na. Ano nang plano nyong gawin ngayon?" sunod-sunod na tanong ng lalaking tila kanang kamay ng binata.

Kumunot ang noo ng ginoo nang marinig ang balitang inulat sa kanya.

‘Ang engagement party na ito ay para mailigtas ko ang buhay ni Lolo,’ bulong niya sa sarili.

Nagalit kasi ang lolo ng ginoo dahil halos tatlumpung taong gulang na siya ay wala pa rin siyang nobya at patuloy siya nitong hinihimok na magpakasal. Kamakailan lang, inatake sa puso ang kanyang lolo at kinailangan agad ng transplant operation para mailigtas ang kanyang buhay.

Ngunit isang malupit na pahayag ang sinabi ng matanda. Kung gusto niyang makipagtulungan ito sa operasyon, kailangan niyang magpakasal ngayon at dapat ikasal siya sa loob lamang ng tatlong araw.

Si Sophia, ang babaeng una niyang natagpuan na dapat sana ay ihaharap niya sa kanyang lolo, ay hindi makakapunta ngayon.

Sa sandaling ito, si Irene ay hawak pa rin nang mahigpit ng ginoo. Naiinip na ito kaya muli na itong nagsalita, "Hoy! Uncle! Mayroon ka pa bang sasabihin? Kung wala na, pwede mo na kong bitawan."

Gamit ang malamig nitong mga tingin, tiningnan ng lalaking nagngangalang Maki ang babaeng si Irene at isang maliit na ideya ang pumasok sa kanyang isip.

Maya-maya lang, tumaas ang magkabiling gilid ng labi ni Maki.

"Dahil ang babaeng ito na mismo ang kusang lumapit sa ‘kin, siya ang papalit kay Sophia," anunsyo ng binata.

Natigilan ang tauhan ni Maki na nagngangalang Luke. Tumingin ito kay Irene nang pataas at pababa na may halong panghahamak.

Isang batang babae na may mausok na make-up, malaki at magulong buhok, at nakadamit na parang isang maliit na gangster ang nakatayo sa kanilang harapan ngayon. Paano magiging karapat-dapat ang ganoong babae na tumayo sa tabi ng kanyang young master?

"Young master, hindi ba parang?"

"Siya na!" malamig na utos ni Maki.

Hindi na nangahas pang sumagot ang tauhan niyang si Luke at magbigay pa ng opinyon,

"Okay, Sir!" tugon nito.

Naramdaman ni Irene na may mali sa mga nangyayari at maingat na nagtanong, "Anong ibig mong sabihin na ako na? Uncle, ano ang gagawin mo sa ‘kin?"

Tiningnan siya ng lalaki nang masama at malamig na sinabi sa kanya.

"Gusto kong maging responsable ka sa ‘kin."

“Responsable?” Animoy nakakita si Irene ng multo dahil sa kanyang narinig. "Talaga, Uncle? Gusto mo kong managot sa isang halik? Binigay ko nga sa ‘yo ang first kiss ko at hindi naman kita inutusang managot dito!”

Tumaas ang matalas na kilay ng binata na tila interesado sa salitang narinig, "First kiss"

Napabuntong-hininga si Irene na may kaunting panghihinayang, "Oo! Hinihintay ko ang unang halik ko sa loob ng halos dalawampung taon at ngayon, ibinigay ko ito sa iyo nang libre!"

Ang maliit na babaeng ito ay napakatapang.

Nababakas ang malamig na tingin ni Maki habang nakatingin sa dalaga. Maya-maya lang, muli siyang nagsalita gamit ang mababa nitong boses, “Kunin nyo ang babaeng ito.”

Matapos ang mga salitang iyon, si Irene ay binuhat ng ilang lalaking nakaitim at isinakay sa isang itim na luxury car.

***

High street Bonifacio Global City

Grand Hilton Hotel, ang pinaka-high-end na hotel at event’s place sa lungsod.

Ngayon gabi, si John Maki Montealegre, ang young master ng fist family ng Montealegre ay nagdaos ng engrandeng engagement banquet dito. Ang banquet hall ay puno ng mga celebrity at mga taong may katungkulan sa bansa.

"Hindi ko alam kung kaninong anak ang mapapangasawa ni Mr. Maki Montealegre," sambit ng isang mayamang bisita na dumalo sa engrandeng pagsasalo.

"Isa sigurong perpektong babae na may parehong yaman sa pamilya. Paano mapapansin ang isang ordinaryong babae ni Mr. Maki, hindi ba?" tugon naman ng kausap niya.

"Tingnan mo, nandito na si Mr. Maki! Sobrang gwapo!"

"Ha? Ang babaeng katabi ba ni Mr. Maki ang kanyang magandang mapapangasawa? Bakit parang medyo..."

Hindi kapareho ng inaakala ng lahat ang babaeng nakikita nila ngayon.

Habang ang mga tao ay may panghuhusgang tingin kay Irene, si Maki, ang panganay na anak ng pamilya Montealegre ay sinamahan ang babaeng kasama niya patungo sa center stage ng entablado.

Nagsimulang humakbang ang host ng engagement party. Hinawakan nito ang mikropono para magsimulang magsalita.

"Magandang gabi, mga bisita! Maligayang pagdating sa engagement ceremony ni Mr. Maki Montealegre!"

Napilitan si Irene na tumayo nang maayos sa entablado habang nararamdaman ang sampung libong alpaca na tila tumatakbo sa kanyang puso.

Dahil sinamantala ni Irene ang lalaking ito nang walang pahintulot, nangyari ang mga bagay na hindi niya inaasahan. Nagkamali siya noong una at ang masama pa roon, isusumbong siya nito sa pulisya para sa kasong pangmomolestiya at kailangan niyang tatanggapin ang anumang hatol.

Subalit hindi niya inaasahan na magiging ganito ang kabayaran na hihingiin ng ginoo.

Pinilit siya nitong dalhin sa lugar na ito upang makipag-engaged.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status