Ayeisha : Her Broken Piece

Ayeisha : Her Broken Piece

last updateLast Updated : 2023-07-28
By:  AVA NAH  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
75 ratings. 75 reviews
131Chapters
133.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

“I-I will never like you. N-never. S-si Jena ang mahal ko kaya itigil mo na itong kalokohan mo, Ayeisha. Ikakasal na rin kami. K-kapatid lang ang turing ko sa ‘yo. Get it? Kaya kahit maghubad ka sa harap ko habang nagdedeliryo ako dito, hinding-hindi ako maakit. Dahil wala kang dating sa akin bilang babae.” -KING HERNANDEZ. ‘Yan na yata ang pinakamasakit na salitang binitawan ni King Hernandez kay Ayeisha Santillan, na nagdulot ng malaking sugat sa puso niya. Lalo na nang magpakasal ito sa nobya nito. Pakiramdam niya, dinurog at piniraso nito ang puso niya. Kaya napilitan siyang magpakalayo para makalimot. Pero paano kung muling pagtagpuin sila ng tadhana sa isang lugar na iba ang kan’yang katauhan? Makikilala kaya siya nito? Mapipigilan pa kaya niya ang muling pagtibok ng durog niyang puso?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1: Desperate

AYEISHA'S POV…“NABABALIW KA NA ba, Ayeisha? Kapatid mo siya, ‘di ba?”Napaingos ako pagkarinig sa sinabi ng aking kaibigang si Bem.“Ilang beses ko bang uulitin sa ‘yo, Bem, na hindi ko nga kapatid si King! Nakakainis ka na!”Si Bem naman ang umingos sa akin. “Wow. King na lang, girl? Nasaan ang Kuya? Porket wala ang Daddy mo kinalimutan mo na ang lahat?”“Bem!” ani kong naiinis na parang bata sa aking kaibigan. Marahas pa akong nagpakawala ng buntonghininga mayamaya.Alam kong inaasar lang ako ni Bem pero hindi ko pa ring maiwasang mainis. Tutol din kasi siya na gustuhin ko ang Kuya King ko. We're brother and sister, but not blood related. Anak-anakan lang ng Daddy ko ang Kuya King ko, so may pag-asa pa kaming dalawa.Ayaw nila na gustuhin ko siya. Pero anong magagawa ko, gusto ko nga talaga ang dumuho kong Kuya na 'yon? Kaya bang utusan ang puso na iba ang mahalin? Kaya mo bang turuan? 'Di ba, hindi? Ngayon lang ako umibig tapos mabibigo pa? No way!"Ano? Nasaan na siya?" ani

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
Missiel
Love all your books ms. Author
2024-11-01 03:26:42
1
user avatar
Lyks28
Sana my kwento din halina
2024-09-25 21:26:00
1
user avatar
Anna Fegi Caluttong
sobrang ganda talaga ng mga kwento mo Miss A
2023-07-31 06:06:42
1
user avatar
Joche3134s
always waiting po sa update mo miss Avanah
2023-06-25 08:18:28
1
user avatar
dolly Colance
love ko talaga lahat Ng stories mo author. Ang sarap basahin Hindi sya boring basahin. isa kn sa mga favorite Kong author ...️...️
2023-05-24 07:06:19
3
user avatar
daph ❤️
waiting for your update Ms A ... super love ko talaga mga story mo Ms A ...️ waiting for your more story pa ... Godbless ...
2023-05-21 20:29:10
1
user avatar
Che Che
Mas naeexcite ako sa mga sususnod na chapters Thanks Miss A Tama lang na nagtiwala ako na aalagaan mo yung FL ng kwentong ito
2023-05-15 06:24:39
1
user avatar
Rafael Septimo
like ko talaga lahat ng gawa mo ms. ava nah. kung true to life story story lang lahat ng gawa mo lahat ng male leads kkutusan ko hahaha. but kidding aside 2 thumbs up po. maganda po lahat ng novels nio. ndi lang itong story na ito though nkakainis itong c King tlaga hahaha.
2023-04-28 14:57:18
0
user avatar
Gemini
highly recomended, andun yung kilig, kaba, at mapapaiyak ka sa ganda ng story, more story pa author, and thank you sa magagandang akda mo..
2023-04-28 06:30:27
0
user avatar
Romeshell Conanan
highly recommended... dikalang paiyakin pakiligin kakapulutan din Ng Aral over all the story it's amazing .. Iloveit.....️
2023-04-26 13:20:49
0
user avatar
Isang Bulagao
highly recommend lahat ng story ni author kase d lang kilig, paiiyakin kana at may mapupulot ka pang aral thank you author for share your wonderful story and more story to come to inspire me ......
2023-04-26 06:48:02
0
user avatar
Jonathan de Ramos
I get amazed to those characters on the story.
2023-04-26 06:17:48
0
user avatar
Jonathan de Ramos
It was a nice story and highly recommend to all. The plot twist of the story was made perfectly.
2023-04-26 06:17:05
0
user avatar
Jossie Oporto
maganda ang story ni ayeng, pati na rin ky ben, nkakakilig...
2023-04-26 01:23:51
0
user avatar
Cheng Cheng
sobrang nakakaamaze. paano nilagyan ni miss A ng twist yung story na to walang tumama sa hula ko hahahah
2023-04-26 00:19:24
0
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
131 Chapters

Chapter 1: Desperate

AYEISHA'S POV…“NABABALIW KA NA ba, Ayeisha? Kapatid mo siya, ‘di ba?”Napaingos ako pagkarinig sa sinabi ng aking kaibigang si Bem.“Ilang beses ko bang uulitin sa ‘yo, Bem, na hindi ko nga kapatid si King! Nakakainis ka na!”Si Bem naman ang umingos sa akin. “Wow. King na lang, girl? Nasaan ang Kuya? Porket wala ang Daddy mo kinalimutan mo na ang lahat?”“Bem!” ani kong naiinis na parang bata sa aking kaibigan. Marahas pa akong nagpakawala ng buntonghininga mayamaya.Alam kong inaasar lang ako ni Bem pero hindi ko pa ring maiwasang mainis. Tutol din kasi siya na gustuhin ko ang Kuya King ko. We're brother and sister, but not blood related. Anak-anakan lang ng Daddy ko ang Kuya King ko, so may pag-asa pa kaming dalawa.Ayaw nila na gustuhin ko siya. Pero anong magagawa ko, gusto ko nga talaga ang dumuho kong Kuya na 'yon? Kaya bang utusan ang puso na iba ang mahalin? Kaya mo bang turuan? 'Di ba, hindi? Ngayon lang ako umibig tapos mabibigo pa? No way!"Ano? Nasaan na siya?" ani
Read more

Chapter 2: Concerned

AYEISHA'S POV…NAPASILIP AKO NANG marinig ko ang sipol ng guard namin. Pinapaalam ng guard na pumasok na ang sasakyan ni Kuya King. After three weeks, ngayong ko lang ulit siya makikita. Nami-miss ko siya. Alam kong hanggang ngayon, galit pa rin siya sa nagawa ko noong party ni Bembem. Pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa kong iyon.Napabuga ako ng marahas na buntonghininga nang makita si Jena na lumabas sa sasakyan ni King. Feel na feel ni Jena talagang pumunta sa bahay namin, as if naman welcome siya. Malungkot na iginiya ko ang aking sarili pabalik sa higaan. Sayang lang ang ginawa kong pag-ayos sa sarili ko para kay Kuya, akala siya lang ang pupunta.Pasubsob na inihiga ko ang aking sarili sa higaan. Hindi ko maiwasang mapaluha ng mga sandaling iyon. Naging emosyonal ako pagdating kay Kuya. Nasasaktan ako kapag kasama niya ang nobya niya.Napapitlag ako nang makarinig ng katok na sunod-sunod. Hindi ko man lang inabalang pagbuksan iyon. Wala na ako sa mood. Bahala na sila sa bab
Read more

Chapter 3: The Wedding

AYEISHA'S POV…HINDI MAALIS ANG tingin ko sa wedding invitation card na nasa mesa ng Daddy ko sa library. Gusto ko lang naman kunin ang librong hinihiram ko kay Mommy, tapos 'yon ang naabutan ko? Nanghihinang napaupo ako sa swivel chair ni Daddy. Ilang araw ko ng nililibang ang sarili ko dito sa bahay namin pero heto, pinapamukha na naman sa akin ng tadhana na wala na kaming pag-asa ni King. Sa susunod na araw na ang kasal, at gaganapin iyon sa tahanan nila Jena. Ang sakit-sakit sa dibdib. Kahit anong pilit ko sa sariling libangin, lagi ko lang siyang naalala. Sa puso ko, tutol ako sa kasalang iyon.Dapat mangibang bansa ako pero hindi ako pinayagan nila Daddy. Hindi kasi sila sanay na umaalis ako ng ganoon katagal. Wala kasi akong balak na dumalo sa kasal. Kahit anong pilit pa nila Daddy, ay buo na ang pasya ko, hindi ako dadalo sa kasalang iyon. Baka mamaya, sumigaw pa ako ng itigil ang kasal. Oh, God! Alam kong kaya kong gawin, pero alam kong masasaktan ang magulang ko, ayoko ring
Read more

Chapter 4: She's in Coma

3RD POV NAPATINGIN SI THUNDER kay Grazie nang marinig na naman ang hikbi nito habang hawak ang kamay ni Ayeisha. Wala pa ring malay ang anak nilang si Ayeisha hanggang ngayon, na kung bibilangin ay mahigit isang taon na itong comatose dito sa dating bahay nila sa Bicol dinala. Ang huli niyang balik sa silid na ito, ay noong si Laura pa na walang malay rin at walang maalala ang nakahiga. Ang ikinakatakot niya ngayon, baka gano’n din ang anak nila base sa mga resulta ng mga test ng doktor nito. Napapikit siya nang maalala ang nangyari. Araw ng kasal noon ni King nang makatanggap sila ng tawag sa kakambal nitong si Benrick na naaksidente ito. Binalak pala nitong magpakalayo-layo. At alam niyang dahil iyon sa pagkabigo nito kay King na ang akala niya ay balewala na dito. Hindi na kasi nila napag-usapan ng anak iyon. May iniwan pa itong sulat sa kanila na magpapakalayo muna at babalik kapag naka-move-on na ito pero nauwi lang sa aksidente. At hindi lang ‘yon, naaksidente itong may sug
Read more

Chapter 5: It hurts

-AYEISHA’S POV 6 YEARS LATER…. Napamulat ako nang mata nang marinig ang tunog ng alarm clock sa aking uluhan. Mabilis na iginiya ko ang aking sarili para bumangon. Napangiwi ako nang marinig ang paglangitngit ng papag na kinahihigaan ko. Sinilip ko pa tuloy ang taas kung nagising ba ang nasa taas niyon. Double deck iyon na gawa sa kawayan. Ako at ang apo ni Aling Precing ang natutulog doon. Kaagad na iginiya ko ang aking sarili sa maliit na kusina at nag-toothbrush. Alas kuwatro pa lang ng umaga kaya may oras pa ako para mag-jogging. Pagkatapos no’n, magluluto na ako para sa almusal namin, at maghahanda para pumasok. Saglit na nag-warm up ako sa labas ng pintuan namin bago ako nagsimulang tumakbo palabas ng bakuran. Anim na taon ko na itong routine. Nakasanayan ko na. Malayo ang gym dito kaya ganito na ang gawa ko tuwing umaga. Tinatapat kong madilim pa talaga dahil wala akong takip sa mukha kapag ganitong oras. Pero may bitbit akong scarf na nakatali sa beywang ko, pero maluwa
Read more

Chapter 6: New Environment

“HOY! KANINA KA pa wala sa sarili,” ani ni Owen sa akin. Hawak nito ang isang plato na mula yata sa labas.Mapaklang ngumiti ako sa kan’ya. “Napapadalas kasi ang pagkirot ng dibdib ko nitong mga nakaraan. Hindi na mawala-wala sa isipan ko.”“Ganoo’n ba. Aba’y ipa-check up mo na ‘yan. Baka iba na ‘yan.” Hinugasan niya ang platong hawak saka inilagay sa tray.“Balak ko ngang magpaalam bukas. No’ng Sabado sana, kaso walang clinic yata kapag gano’ng araw, noh?”“Parang. Mas maganda na iyong weekdays. O siya, mauna na ako sa ‘yo. Walang bantay sa mga kapatid ko, e.”“Sige, Owen, alas otso pa ako, e. Wala kasing kasama si Banjo.” Dalawa na lang kami matitira ni Banjo sa kainan dahil nakipagpalit sa akin si Nilda, kailangan daw maagang umuwi. “O sige, ingat na lang.” Magkaiba kaming purok na inuuwian, pero iisang barangay lang kami ni Owen. Magkaiba rin kami minsan ng shift kaya hindi kami nagsasabay ng oras ng pagpasok at pag-uwi.Naglalakad na ako papasok ng barangay namin nang maramdama
Read more

Chapter 7: Aling Precing

-KINGNapangiti ako nang makita ang blueprint ng mall na itatayo dito sa bayan ng San Remigio. Almost half na ang natatapos. Talagang mabibilis ang construction company na nakuha ko. Isa pa, nakatutok ako. Kailangan, dahil isang taon lang kami dito.Matagal na itong nasimulan pero nabagalan kami sa unang nakuha naming contractor kaya nagpalit ako, at tinutukan ko para hindi na kumain ng maraming taon. Ang target namin dito ay mabuksan na sa susunod na taon. Ito ang pinakamalaking mall dito kung sakali. At nasisiguro kong malaki ang kikitain ng mall na ito.Napatingin ako sa telepono ko nang makita ang mensahe mula kay Asha. Pictures ni Kalei na naglalaro kasama ang pamangkin niyang si Halina.Ilang araw nang nagre-report sa akin si Asha. Kahit hindi ko sinabi na mag-send, ginagawa niya para malaman ko raw ang mga ginagawa ng anak ko. Natutuwa naman ako kasi hindi ko naisip ang mga bagay na ‘yan noon. Dati, sapat na sa akin na may nagbabantay sa kan’ya pag-alis ko. Nakakatuwa pala. La
Read more

Chapter 8: Resemblance?

-AYEISHA-NAPAPIKIT ako nang marinig ang sinabi ng operator sa kabilang linya. Paulit-ulit na niyang sinasabi iyon na ikinakainis ko. Nakaraming tawag na ako sa anak ni Aling Precing pero out of coverage pa rin. Napahawak ako sa noo sabay upo ng padaskol. Naiinis na ako anak ni Aling Precing sa totoo lang.Tumingin ako sa kabaong niya. Isang linggo lang ang itatagal niya dito, dahil kapag hindi ko pa makontak ang ina ni Halina, mapipilitan akong ipalibing na siya agad, kagaya ng sabi ng mga kapitbahay namin. Magastos dahil ipapa-embalsamo daw ulit kung mag-e-extend pa. Magbabayad pa. Kaya ko naman bayaran, pero si Asha ako ngayon, hindi si Ayeisha Santillan.“Nakikiramay ako sa pamilya niyo, Asha.” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses.“S-sir… Magandang gabi po,” bati ko sa kan’ya. “Si Kalei po kasama mo?”Naupo siya sa tabi ko kapagkuwan. “Kalaro ni Kalei si Halina sa kalsada.”Tumingin ako sa kalsada. Kita ko na nga sila doon nagtatakbuhan. Saktong maliwanag
Read more

Chapter 9: Shocked

-AYEISHA MABILIS kong pinindot ang alarm clock sa tagiliran ko. Mahirap na baka magising si Halina sa tabi ko. Alas kuwatro na ng umaga at kailangan ko ng mag-jogging. Kahit sa iba na ako nakatira kailangan ko pa ring ipagpatuloy ito. Hindi naman ‘to kagaya sa bahay namin sa Maynila na may sariling gym sa loob nh bahay. Kaya kahit anong oras ay p’wedeng mag-exercise. Buti na lang may sariling banyo ang silid na tinutulugan namin ni Halina. Hindi ko na maistorbo ang iba kapag bumaba ako. Mabilis na nagbihis ako ng outfit ko na pang-jogging. Dapat makabalik agad ako. Bitbit ko ang tumbler nang lumabas ako sa silid na inuukopa namin ni Halina. Tulog pa naman yata ang mag-ama. Saka nitong mga nakaraan daw, inaabot ng alas otso sa higaan ang dalawa ayon sa kasambahay. Dahan-dahan ang ginagawa kong hakbang makarating lang sa hagdan. Madadaanan ko kasi ang silid ng mag-ama. Napangiti ako nang makarating ako sa hagdan. Akmang hahakbang ako nang may nagsalita sa likuran ko. “So, ikaw pala
Read more

Chapter 10: Worried

AYEISHA-“S-Sir,” ani ko na nauutal sabay hagod ng kabuohan niya.May suot pa siyang pantalon pero sa itaas wala na. At oo, nakakaakit siya talaga. Alam ko namang kahit nakadamit siya lagi sa harap ko, maganda ang pangangatawan niya at talagang maglalaway ka. Pero hindi pa ako handa. Napangiwi ako dahil sa naisip ko.Napalunok ako nang sunod-sunod. Nahawakan ko pa ng mahigpit ang damit ko nang mga sandaling iyon.Pero paano kung lumapit siya tapos hubaran niya rin ako? OMG!Anong ipapagawa niya sa akin? Kasama ba ‘yon sa serbisyo ko? Hindi pa ba sapat ang trabaho ko sa bahay na ito? Sa pag-aalaga sa anak niya?“It's not what you think.”“Oh,” ani ko na ang bibig ay nanatiling nakaporma ng o.Ang totoo niyan, bigla akong nanghinayang. Pero nang maalala ang mukha ko ay nalungkot ako bigla.Tumalikod siya sa akin mayamaya na ikinasunod ko. Napaawang ako nang labi nang makita ang likod niyang may sugat. May dugo rin kaya napalapit ako sa kan'ya sabay hawak doon. Napaigtad pa siya sa gi
Read more
DMCA.com Protection Status