AYEISHA'S POV…
NAPASILIP AKO NANG marinig ko ang sipol ng guard namin. Pinapaalam ng guard na pumasok na ang sasakyan ni Kuya King. After three weeks, ngayong ko lang ulit siya makikita. Nami-miss ko siya. Alam kong hanggang ngayon, galit pa rin siya sa nagawa ko noong party ni Bembem. Pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa kong iyon.
Napabuga ako ng marahas na buntonghininga nang makita si Jena na lumabas sa sasakyan ni King. Feel na feel ni Jena talagang pumunta sa bahay namin, as if naman welcome siya.
Malungkot na iginiya ko ang aking sarili pabalik sa higaan. Sayang lang ang ginawa kong pag-ayos sa sarili ko para kay Kuya, akala siya lang ang pupunta.
Pasubsob na inihiga ko ang aking sarili sa higaan. Hindi ko maiwasang mapaluha ng mga sandaling iyon. Naging emosyonal ako pagdating kay Kuya. Nasasaktan ako kapag kasama niya ang nobya niya.
Napapitlag ako nang makarinig ng katok na sunod-sunod. Hindi ko man lang inabalang pagbuksan iyon. Wala na ako sa mood. Bahala na sila sa baba.
Akmang ipipikit ko ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pintuan.
"Pinapatawag ka ni Mommy at Daddy." Bigla akong kinabahan sa boses ni Benrick.
Hindi kaya sinabi na ni Kuya King kila Mommy at Daddy ang ginawa ko? Sana naman hindi.
"B-bakit daw?" kinakabahang tanong ko sa kakambal ko.
"It's time to eat na malamang. Saka andiyan sila Kuya King, naghatid ng invitation para sa nalalapit na kasal nila ni Ate Jena."
"Busog pa ako pakisabi na lang."
Kita ko ang paggalaw ng kilay ng kakambal ko. Mukhang ayaw maniwala.
"Si Kuya King ang pinag-uusapan natin dito, Ayeisha. May lagnat ka ba para balewalain siya?" Bahagya pa siyang natawa.
Alam kasi ng kakambal ko na gusto ko si Kuya King. Dati-rati, kahit kakain ko lang, kakain ulit ako makasama lang sa hapag si King.
"Wala akong oras makipagbiruan sa 'yo, Ben. Kaya kung ako sa 'yo, bumaba ka na."
"Okay, sabi mo, e. Pero sayang lang, ang guwapo niya ngayong gabi at ang ganda ni Ate Jena. Bagay talaga silang dalawa."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Puwede bang lumabas ka na! Wala akong pakialam sa kanilang dalawa!" sigaw ko sa kakambal ko.
"Whoa! Relax! Sinasabi ko lang ang nakikita ko."
"Hinihingi ko ba ang opinyon mo? Hindi, 'di ba?"
"Okay-okay! I'm out!" Tumalikod na siya, pero bigla ulit na lumingon. "Hindi ka ba talaga lalabas?"
"Hindi nga, e! Ang kulit mong pangit ka!"
"Nagsalita ang hindi. Remember, kakambal mo ako? Kung ano ang nakikita mo sa akin, gano'n ka rin. Get it? Kung ako kasi sa 'yo, ibaling mo 'yan sa iba ang pagtingin mo. Sinasayang mo lang ang ilang taon mo sa kan'ya. Baka mamaya niyan maging matandang dalaga ka kakahintay sa pagtingin niya. Isa pa, mukhang mahal na mahal niya talaga si Ate Jena."
Napatitig ako sa kan'ya. "Mahirap turuan ang puso, Ben. Kung kaya ko lang, hindi na ako nagmamakaawa sa atensyon niya," seryosong sabi ko.
Napabutonghininga ang kakambal ko. "Why don't you go to a bar? Marami kang makikilala doon. Subukan mong ibaling ang tingin mo sa iba, Ayeisha. Sa totoo lang, hindi ko gustong makita kang nagkakagan'yan, mas lalo si Mommy. Kaya ayusin mo ang sarili mo," seryosong sabi niya.
Saglit akong nag-isip. "Okay, susubukan ko."
"Great! Paano, mauna na ako. Hindi rin ako makakasabay sa dinner nila dahil may naghihintay sa akin."
"Okay. Take care," ani ko at tumayo.
"You too, sis. Love you!
Pagkaalis ni Benrick ay tinungo ko ang closet ko at pumili ng damit na susuotin. Naghanap ako ng daring na susuotin para naman makaakit ng lalaki. Bahala na kung anong mangyari ngayon, basta kakalimutan ko siya! Tama naman ang kakambal ko, sinasayang ko lang ang sarili ko sa kan'ya. Marami pang lalaki sa mundo.
Nakaayos naman na ako kaya damit lang ang pinalitan ko. Dinaanan ko ang susi ko bago tumungo sa komedor para magpaalam. Dinig ko na ang tawanan ng magulang ko, at ng dalawang bisita namin.
"Maupo ka na, anak. Kanina ka pa namin hinihintay," nakangiting sambit ng aking ina.
"I'm sorry, Mom. May lakad ako. Nagmamadali ako, hindi ako puwedeng ma-late sa pupuntahan ko," palusot ko habang papalapit dito. Hinalikan ko siya sa pisngi kapagkuwan.
Kapwa nakatitig si Kuya King at ang Daddy Thunder ko sa suot ko. Kay Daddy lang ako nakatingin pero kita ko si King sa gilid ng mga mata ko, na titig na titig.
"Saan ang lakad mo, anak? Bakit gan'yan ang suot mo? Masyadong daring." Alam kong hindi natutuwa ang ama ko sa nakikita niya.
"Oh, God, Daddy! Ito ang uso ngayon. Ganito rin ang mga nilalabas ko sa A&K Couture, remember?"
"Yeah, pero hindi ako sanay na makita kang nakasuot niyan, love," masuyong sabi ng ama.
"Ano ka ba, Thart. Malapit ng mag-bente sais ang anak mo, dapat nakikihalubilo na siya sa iba, lalo na sa mga lalaki,"
"Yeah, sweetheart, pero hindi natin kilala sila. Paano kung–"
"I'm going, Dad, Mom. Bye!" Hindi ko na hinintay na humaba ang sasabihin ng ama.
Mabilis na tumalikod ako. Hindi ko man lang sinulyapan ang mag-nobyo. Hindi ko naman kailangang makipagplastikan sa kanila.
Dahil wala naman akong ibang alam na bar na safe, sa ZL Lounge ako dinala ng aking mga paa.
Sa totoo lang, bihira ako magawi sa mga ganitong lugar. Ayaw kong isipin ni Kuya King noon na kung kani-kanino ako nakikipagkilala. Iniisip ko ring malaking kabawasan sa puntos ko iyon para sa kan'ya. Ayaw ko ring masira kila Tita Laura at Tito Astin.
"One Daiquiri, please," ani ko nang maupo sa upuan sa tapat ng bar counter.
Tumango ang bartender kaya tumingin muna ako sa dance floor. Kaunti pa lang ang mga taong naroon dahil masyadong maaga pa. Inilang ikot ko pa nga ang area na iyon bago tumuloy dahil alam kong masyado pang maaga.
Nakaapat na akong kopita nang magpasya akong sumayaw sa gitna. Sinabayan ko lang ang tugtugin, hindi naman kasi ako magaling sumayaw, sakto lang.
Ilang minuto pa ako doon, kaya parang wala na akong pakialam sa paligid. Unti-unti na akong nasasanay. Wala na akong pakialam kung may makakita sa akin na mga kakilala ko. Kung anong klaseng sayaw na nga ang nagagawa ko malibang lang. Inabala ko na kasi ang mga mata ko para maghanap ng prospect pero walang pumasa sa panlasa ko, talagang si Kuya King ang gusto ko.
"Ouch!" Napatingin ako sa paa ko nang maapakan iyon ng lalaking sumasayaw rin. Alam kong hindi nito sinasadya.
"Oh my God! I'm so sorry! Does it hurt?" nag-aalalang tanong ng lalaki sa akin. Pasigaw iyon dahil sa tunog ng musika.
Nginitan ko siya. "Ayos lang, kasalanan ko naman," ani ko lang para hindi na humaba. Nagpaalam na rin ako na uupo na para matingnan ang paa.
"Isa pa nga ulit," nakangiting sabi ko sa bartender nang ngumiti siya sa akin.
Habang hinihintay ko ang inorder ko ay sinipat ko ang aking paa. Namumula siya nang sipatin ko gamit ang ilaw ng aking telepono. Napangiwi ako nang makaramdam ng kirot. Sa laki ba naman kanina ng lalaki, talagang madudurog niya ang paa ko.
Akmang ibaba ko ang paa ko nang hawakan iyon ng kung sino.
"Aww!" tinampal ko ang kamay niya dahil naramdaman ko ang pagkirot.
"I'm sorry again." Nag-angat ako ng tingin. Ang lalaki palang nakaapak ng paa ko. "Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"
Natawa ako sa sinabi niya. "Ang OA ko naman no'n. Don't worry, malayo ito sa bituka."
"Yeah, pero iniinda mo ngayon. Nakonsensya tuloy ako."
"Ayos lang talaga ako, promise."
Napatingin siya sa inabot sa akin ng bartender.
"Sagot ko na, bayad ko sa paa mong naapakan ko. Mind?"
Wala akong nagawa, umu-o na lang ako. Mukha namang mabait, at nakompirma ko iyon sa tagal naming pag-uusap. Palabiro din pala. Hindi ko nga namalayang mabilis na lumipas ang mga oras. Nakarami na pala ako ng iniinom.
Tumingin ako sa orasan ko mayamaya, malalim na ang gabi.
Hindi sinasadyang napatingin ako sa lalaking paakyat ng hagdan ng bar na iyon. Nagtama ang paningin namin saglit. Ako ang unang umiwas, may tinatanong si TJ sa akin kaya mabilis kong ibinaling sa kausap ang atensyon.
"Uuwi na ako ngayon. Late na, maaga pa ang pasok ko bukas sa opisina," sagot ko nang tanungin niya ako kung anong oras ang uwi ko.
"Can I drop you home?"
"Thank you. Pero may sasakyan akong dala, e."
"Oh," aniya na may paghihinayang.
Bumaba ako sa kinauupuan ko. Naramdaman ko na ang pagkahilo ko nang makababa ako. Nagpaalam na rin ako kay TJ na uuwi na.
Kahit anong pilit ko sa sarili ko na ibaling ang tingin sa iba, si Kuya King pa rin talaga ang hinahanap ng aking puso. Kaya useless lang din kung magtatagal ako dito.
Paalis na ako nang pigilan niya ako. Hiningi niya ang numero ko kaya binigay ko na lang. Mukhang harmless naman kasi.
Sapo ang ulo nang igiya ko ang sarili ko palabas ng bar. Napapikit ako nang makita ang dinadaanan ko na nagiging dalawa na. Ngayon lang yata umepekto ang ininom ko. Nagdahan-dahan na lang ako maglakad para marating ang parking lot.
Pagdating sa harap ng sasakyan ko ay kinapa ko ang susi ng aking sasakyan sa bag. Nilakihan ko pa ang mata ko nang iangat ang susi para masigurong iyon nga iyon. Napapitlag ako nang may biglang kumuha doon. Tiningnan ko ang may gawa no'n.
"A-akin na 'yan," ani kong walang gana.
"Ihahatid na kita."
"'Wag na. Kaya ko na ang sarili. Baka ma-missunderstood ko pa ang kabaitan mo." Inilayo niya ang susi nang akmang kukunin ko. "Ano ba, King!"
Hindi niya ako pinakinggan, lumapit siya sa passenger at binuksan iyon.
"Get in," pautos iyon.
"Ayoko," ani ko.
"Isa," dinig kong sabi niya.
"Hindi na ako bata para bilangan mo, Mr. Hernandez. Akala mo madadala ako sa banta mo? Nagkakamali ka."
Marahas na napabuntonghininga siya at lumapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa, bigla na lang niya akong pinangko na para bang sako lang ng bigas.
"Ibaba mo nga ako, King! Ano ba! Ibaba mo sabi ako, e!" Binayo ko ang likuran niya sa sobrang inis ko.
"Shut up, Ayeisha! Baka isipin nila inaano kita!"
"Talaga namang may ginagawa ka sa akin! Kaya ibaba mo— aray ko naman!" Tumama ang ulo ko sa pintuan ng sasakyan ko nang pilit niya akong ipasok sa loob. Hindi man lang siya humingi ng tawad kaya lalo akong nainis.
"Subukan mong lumabas, makakatikim ka talaga sa akin!" Halata na ang inis sa mukha ni King.
"Bakit anong gagawin mo sa akin, huh?" tanong kong pasigaw.
Natigilan siya saglit. Hindi na siya sumagot. Pabalibag na sinara niya ang pintuan at iginiya ang sarili pasakay sa driver seat.
"Sa condo ako uuwi," ani ko sabay pikit ng mata nang makitang inaayos na ang seatbelt niya
"Bakit?"
Nagmulat ako ng mata at hinarap siya. "Kailangan ko pa bang sabihin ang rason? Eh, kung tanungin kita ng rason mo, kung bakit hindi mo ako kayang mahalin, sasagutin mo ba?"
"A-Ayeisha…"
"Hindi ba ako kasingganda ni Jena? Maganda naman ako, a. Seksi rin kagaya niya. Mabait at family oriented din ako kagaya niya. Kaya bakit hindi mo ako kayang mahalin?"
"Sinabi ko ng kapatid lang ang turing ko sa 'yo, Ayeisha, at si Jena ang pangarap kong maging asawa. Paulit-ulit na lang tayo dito. Damn!"
Parang kinurot na naman ang puso ko nang pagdiinan niya ang salitang kapatid.
"Ihatid mo na lang ako, please." Hindi na ako umimik hanggang sa makarating sa condo.
Nagpatiuna ako sa kan'ya maglakad. Alam kong nakasunod lang siya sa akin. Hindi naman kasi ito aalis ng condo ko o bahay ko kapag hindi niya nakitang pumasok na ako sa sarili kong silid.
Nagpatihulog ako sa kama pagkapasok ko. Pumikit na rin ako dahil ramdam ko na ang antok. Isa pa, hilong-hilo na ako.
Bago ako tuluyang hayunin ng antok ay naramdaman ko ang kamay sa aking paa. Si Kuya King iyon, tinatanggal niya sapatos ko. Masaya ang puso ko, pero alam kong concern lang siya sa akin bilang kapatid.
KING’S POV
Napailing ako nang makita ang lakad ni Ayeisha. Balita ko nakarami siyang nainom na alak ayon sa kaibigan kong naroon. Buti na lang tinawagan niya akong naroon ang dalaga. Wala naman kasing ibang uutusan ang Tatay Thunder ko kung hindi ako. Kahit nasa bahay ako, talagang tatawagan niya ako para sunduin o puntahan si Ayeisha. Saka matagal ko ng itinatak sa isipan ko na responsibilidad ko iyon bilang kapatid.
Hinintay ko munang makatulog siya bago puntahan sa silid niya. Tinawagan ko na lang si Tatay na naihatid ko na ng ligtas si Ayeisha sa condo niya. Naibilin din kasi niya kanina na alamin ko kung saan pumunta ang kapatid.
Lumuhod ako sa sahig at dahan-dahang tinanggal ang sapatos niya. Kinumutan ko na rin siya kapagkuwan bago lumabas ng silid niya. Pero bago iyon, pinatong ko ang susi ng sasakyan niya sa ibabaw ng mesang katabi ng bag niya.
Saglit na nagpahinga ako sa sofa. Napatingin ako sa silid ng dalaga nang maalala ang naging usapan nila kanina.
Sa totoo lang, hindi naman mahirap mahalin si Ayeisha dahil sa pagiging malambing niya. Nasa kan’ya na rin ang lahat, pero talagang kapatid lang ang turing ko sa kan’ya. Ayokong biguin din ang Tatay Thunder ko. Ibinilin din niya kasi sa akin na laging bantayan si Ayeisha kapag wala sila ni Benrick, dahil kapatid niya nga raw ito. Kaya nakatatak na sa isipan ko iyon, na kapatid ko lang si Ayeisha.
Isa pa, si Jena ang mahal ko. Siya lang ang pinangakuan kong mamahalin at pakakasalan ko. Napangiti ako nang maalala ko ang araw na tinanggap niya ang alok kong kasal. Hindi ko akalaing papayag siya, ang sabi niya sa akin kasi noon, hindi pa siya handa na magpakasal, pero biglang nagbago nga ang ihip ng hangin, pumayag siya. Kaya ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo nang mga sandaling iyon. At susunod na linggo na nga ang aming kasal. Magiging asawa ko na rin ang babaeng pinapangarap ko. Mapapa sa akin na rin si Jena Martin sa wakas. Ang matagal ko ng pinakahihintay.
Tumayo ako kapagkuwan at tinawagan si Jena. Alam kong gising pa siya, dadaanan ko lang siya para mag-goodnight. Biglaan kasi ang pag-iwan ko sa kan’ya para sunduin si Ayeisha.
AYEISHA'S POV…HINDI MAALIS ANG tingin ko sa wedding invitation card na nasa mesa ng Daddy ko sa library. Gusto ko lang naman kunin ang librong hinihiram ko kay Mommy, tapos 'yon ang naabutan ko? Nanghihinang napaupo ako sa swivel chair ni Daddy. Ilang araw ko ng nililibang ang sarili ko dito sa bahay namin pero heto, pinapamukha na naman sa akin ng tadhana na wala na kaming pag-asa ni King. Sa susunod na araw na ang kasal, at gaganapin iyon sa tahanan nila Jena. Ang sakit-sakit sa dibdib. Kahit anong pilit ko sa sariling libangin, lagi ko lang siyang naalala. Sa puso ko, tutol ako sa kasalang iyon.Dapat mangibang bansa ako pero hindi ako pinayagan nila Daddy. Hindi kasi sila sanay na umaalis ako ng ganoon katagal. Wala kasi akong balak na dumalo sa kasal. Kahit anong pilit pa nila Daddy, ay buo na ang pasya ko, hindi ako dadalo sa kasalang iyon. Baka mamaya, sumigaw pa ako ng itigil ang kasal. Oh, God! Alam kong kaya kong gawin, pero alam kong masasaktan ang magulang ko, ayoko ring
3RD POV NAPATINGIN SI THUNDER kay Grazie nang marinig na naman ang hikbi nito habang hawak ang kamay ni Ayeisha. Wala pa ring malay ang anak nilang si Ayeisha hanggang ngayon, na kung bibilangin ay mahigit isang taon na itong comatose dito sa dating bahay nila sa Bicol dinala. Ang huli niyang balik sa silid na ito, ay noong si Laura pa na walang malay rin at walang maalala ang nakahiga. Ang ikinakatakot niya ngayon, baka gano’n din ang anak nila base sa mga resulta ng mga test ng doktor nito. Napapikit siya nang maalala ang nangyari. Araw ng kasal noon ni King nang makatanggap sila ng tawag sa kakambal nitong si Benrick na naaksidente ito. Binalak pala nitong magpakalayo-layo. At alam niyang dahil iyon sa pagkabigo nito kay King na ang akala niya ay balewala na dito. Hindi na kasi nila napag-usapan ng anak iyon. May iniwan pa itong sulat sa kanila na magpapakalayo muna at babalik kapag naka-move-on na ito pero nauwi lang sa aksidente. At hindi lang ‘yon, naaksidente itong may sug
-AYEISHA’S POV 6 YEARS LATER…. Napamulat ako nang mata nang marinig ang tunog ng alarm clock sa aking uluhan. Mabilis na iginiya ko ang aking sarili para bumangon. Napangiwi ako nang marinig ang paglangitngit ng papag na kinahihigaan ko. Sinilip ko pa tuloy ang taas kung nagising ba ang nasa taas niyon. Double deck iyon na gawa sa kawayan. Ako at ang apo ni Aling Precing ang natutulog doon. Kaagad na iginiya ko ang aking sarili sa maliit na kusina at nag-toothbrush. Alas kuwatro pa lang ng umaga kaya may oras pa ako para mag-jogging. Pagkatapos no’n, magluluto na ako para sa almusal namin, at maghahanda para pumasok. Saglit na nag-warm up ako sa labas ng pintuan namin bago ako nagsimulang tumakbo palabas ng bakuran. Anim na taon ko na itong routine. Nakasanayan ko na. Malayo ang gym dito kaya ganito na ang gawa ko tuwing umaga. Tinatapat kong madilim pa talaga dahil wala akong takip sa mukha kapag ganitong oras. Pero may bitbit akong scarf na nakatali sa beywang ko, pero maluwa
“HOY! KANINA KA pa wala sa sarili,” ani ni Owen sa akin. Hawak nito ang isang plato na mula yata sa labas.Mapaklang ngumiti ako sa kan’ya. “Napapadalas kasi ang pagkirot ng dibdib ko nitong mga nakaraan. Hindi na mawala-wala sa isipan ko.”“Ganoo’n ba. Aba’y ipa-check up mo na ‘yan. Baka iba na ‘yan.” Hinugasan niya ang platong hawak saka inilagay sa tray.“Balak ko ngang magpaalam bukas. No’ng Sabado sana, kaso walang clinic yata kapag gano’ng araw, noh?”“Parang. Mas maganda na iyong weekdays. O siya, mauna na ako sa ‘yo. Walang bantay sa mga kapatid ko, e.”“Sige, Owen, alas otso pa ako, e. Wala kasing kasama si Banjo.” Dalawa na lang kami matitira ni Banjo sa kainan dahil nakipagpalit sa akin si Nilda, kailangan daw maagang umuwi. “O sige, ingat na lang.” Magkaiba kaming purok na inuuwian, pero iisang barangay lang kami ni Owen. Magkaiba rin kami minsan ng shift kaya hindi kami nagsasabay ng oras ng pagpasok at pag-uwi.Naglalakad na ako papasok ng barangay namin nang maramdama
-KINGNapangiti ako nang makita ang blueprint ng mall na itatayo dito sa bayan ng San Remigio. Almost half na ang natatapos. Talagang mabibilis ang construction company na nakuha ko. Isa pa, nakatutok ako. Kailangan, dahil isang taon lang kami dito.Matagal na itong nasimulan pero nabagalan kami sa unang nakuha naming contractor kaya nagpalit ako, at tinutukan ko para hindi na kumain ng maraming taon. Ang target namin dito ay mabuksan na sa susunod na taon. Ito ang pinakamalaking mall dito kung sakali. At nasisiguro kong malaki ang kikitain ng mall na ito.Napatingin ako sa telepono ko nang makita ang mensahe mula kay Asha. Pictures ni Kalei na naglalaro kasama ang pamangkin niyang si Halina.Ilang araw nang nagre-report sa akin si Asha. Kahit hindi ko sinabi na mag-send, ginagawa niya para malaman ko raw ang mga ginagawa ng anak ko. Natutuwa naman ako kasi hindi ko naisip ang mga bagay na ‘yan noon. Dati, sapat na sa akin na may nagbabantay sa kan’ya pag-alis ko. Nakakatuwa pala. La
-AYEISHA-NAPAPIKIT ako nang marinig ang sinabi ng operator sa kabilang linya. Paulit-ulit na niyang sinasabi iyon na ikinakainis ko. Nakaraming tawag na ako sa anak ni Aling Precing pero out of coverage pa rin. Napahawak ako sa noo sabay upo ng padaskol. Naiinis na ako anak ni Aling Precing sa totoo lang.Tumingin ako sa kabaong niya. Isang linggo lang ang itatagal niya dito, dahil kapag hindi ko pa makontak ang ina ni Halina, mapipilitan akong ipalibing na siya agad, kagaya ng sabi ng mga kapitbahay namin. Magastos dahil ipapa-embalsamo daw ulit kung mag-e-extend pa. Magbabayad pa. Kaya ko naman bayaran, pero si Asha ako ngayon, hindi si Ayeisha Santillan.“Nakikiramay ako sa pamilya niyo, Asha.” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses.“S-sir… Magandang gabi po,” bati ko sa kan’ya. “Si Kalei po kasama mo?”Naupo siya sa tabi ko kapagkuwan. “Kalaro ni Kalei si Halina sa kalsada.”Tumingin ako sa kalsada. Kita ko na nga sila doon nagtatakbuhan. Saktong maliwanag
-AYEISHA MABILIS kong pinindot ang alarm clock sa tagiliran ko. Mahirap na baka magising si Halina sa tabi ko. Alas kuwatro na ng umaga at kailangan ko ng mag-jogging. Kahit sa iba na ako nakatira kailangan ko pa ring ipagpatuloy ito. Hindi naman ‘to kagaya sa bahay namin sa Maynila na may sariling gym sa loob nh bahay. Kaya kahit anong oras ay p’wedeng mag-exercise. Buti na lang may sariling banyo ang silid na tinutulugan namin ni Halina. Hindi ko na maistorbo ang iba kapag bumaba ako. Mabilis na nagbihis ako ng outfit ko na pang-jogging. Dapat makabalik agad ako. Bitbit ko ang tumbler nang lumabas ako sa silid na inuukopa namin ni Halina. Tulog pa naman yata ang mag-ama. Saka nitong mga nakaraan daw, inaabot ng alas otso sa higaan ang dalawa ayon sa kasambahay. Dahan-dahan ang ginagawa kong hakbang makarating lang sa hagdan. Madadaanan ko kasi ang silid ng mag-ama. Napangiti ako nang makarating ako sa hagdan. Akmang hahakbang ako nang may nagsalita sa likuran ko. “So, ikaw pala
AYEISHA-“S-Sir,” ani ko na nauutal sabay hagod ng kabuohan niya.May suot pa siyang pantalon pero sa itaas wala na. At oo, nakakaakit siya talaga. Alam ko namang kahit nakadamit siya lagi sa harap ko, maganda ang pangangatawan niya at talagang maglalaway ka. Pero hindi pa ako handa. Napangiwi ako dahil sa naisip ko.Napalunok ako nang sunod-sunod. Nahawakan ko pa ng mahigpit ang damit ko nang mga sandaling iyon.Pero paano kung lumapit siya tapos hubaran niya rin ako? OMG!Anong ipapagawa niya sa akin? Kasama ba ‘yon sa serbisyo ko? Hindi pa ba sapat ang trabaho ko sa bahay na ito? Sa pag-aalaga sa anak niya?“It's not what you think.”“Oh,” ani ko na ang bibig ay nanatiling nakaporma ng o.Ang totoo niyan, bigla akong nanghinayang. Pero nang maalala ang mukha ko ay nalungkot ako bigla.Tumalikod siya sa akin mayamaya na ikinasunod ko. Napaawang ako nang labi nang makita ang likod niyang may sugat. May dugo rin kaya napalapit ako sa kan'ya sabay hawak doon. Napaigtad pa siya sa gi
BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an
RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true
RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas
RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f
RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I
RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal
NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k
RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N
RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth